BABYSITTING THE MAFIA'S KID

VictoriaGie által

481K 23.1K 6.1K

May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta... Több

PROLOGUE 💋
CHAPTER 1 - KNOCK KNOCK
CHAPTER 2 - FIVE HUNDRED MILLION
CHAPTER 3 - THE HIERARCHY
CHAPTER 4 - LOST TREASURE
CHAPTER 5 - FULLY LOADED
CHAPTER 6 - VINTAGIO MUSEUM
CHAPTER 7 - MEET AND GREET
CHAPTER 8 - MONEY DROP
CHAPTER 9 - GUNS AND STARES
CHAPTER 10 - STAY
CHAPTER 11 - DON'T PULL THE TRIGGER
CHAPTER 12 - A LITTLE WORRIED
CHAPTER 13 - ZOOLOGY
CHAPTER 14 - THE MASTER MIND
CHAPTER 15 - A FATHER'S LOVE
CHAPTER 16 - ORGANIZATION OF PEACEMAKER
CHAPTER 18 - AGREED
CHAPTER 19- CONTRACT AND CONDITIONS
CHAPTER 20 - THE WORLD HE BELONGS
CHAPTER 21 - WELCOME PHONE
CHAPTER 22 - KEEP LIVING
CHAPTER 23 - LUCID
CHAPTER 24 - BEAUTY IN BLACK
CHAPTER 25- JELOUS
CHAPTER 26 - UNDER THE GLASSES
CHAPTER 27- HYDRATED
CHAPTER 28- GALAXY IN HIS EYES
CHAPTER 29- SNEAK OUT
CHAPTER 30 - SEASON FINALE
SPECIAL CHAPTER - DYTHER ICEXEL QUIGLEY ELCANO
CHAPTER 31- SEASON 2
CHAPTER 32 - ABDUCTED
CHAPTER 33 - THE OFFER
CHAPTER 34 - ONCE AN ANGEL
CHAPTER 35 - HOME
CHAPTER 36 - VERNIX
CHAPTER 37 - PARTNERS IN CRIME
CHAPTER 38 - PROJECT EXTERMINATION
CHAPTER 39- THE TRIAL
CHAPTER 40 - RUMORS UNLEASHED
CHAPTER 41 - SOMEONE'S FRUSTRATED
CHAPTER 42 - LEAVE HER ALONE
CHAPTER 43 - ADIOS
CHAPTER 44 - DO THEY BELIEVE ?
CHAPTER 45 - HEADACHE
CHAPTER 45.2 - HEADACHE AGAIN
CHAPTER 46 - BROTHERS
CHAPTER 47 - RAIN HARD
CHAPTER 47.2 - STILL RAINING HARD
CHAPTER 48 - CONFRONTATION
CHAPTER 49 - LONG AWAITED REUNION
CHAPTER 50 - CANDLE
CHAPTER 51 - STRANGE
CHAPTER 52 - MISUNDERSTANDINGS
CHAPTER 53 - BEHIND THE WHITE MASK
CHAPTER 54 - THE GLOOM THAT BLOOMS
CHAPTER 55 - BEFORE THE AUCTION
CHAPTER 56 - SIMPLE PLAN
SHORT CHAPTER - GALILEO ARTHFAEL MARCHESE
CHAPTER 57 - SMOKE
CHAPTER 58 - UNDER THE SHADOW
CHAPTER 59 - NIGHT BEFORE THE BOMB
CHAPTER 60 - FORMAL VISIT
CHAPTER 61 - BATTLE GROUND
CHAPTER 62 - COMMUNITY WAR II
CHAPTER 63 - OUT OF SIGHT
CHAPTER 64 - A PROMISE MADE TO BE BROKEN
CHAPTER 65 - HOMELESS
CHAPTER 66 - ONCE A TRUCK DRIVER
CHAPTER 67 - STABBED
CHAPTER 68 - WITH A KNIFE

CHAPTER 17 - BUSTED

7.8K 358 28
VictoriaGie által


(Before the habulan sa last chapter)

ASHARI'S POV


"Easton are you serious? Bakit dito mo siya dinala?" nag aagaw ulirat ako at naririnig ko ang boses ni Boy Hayop na Dyther.

Nananaginip ba ako? Hanggang panaginip sinusundan ako ni Boy Hayop?

"She's better to be here. Hindi pwedeng malaman ng MPO na may tinatago tayong taga labas."

Oh bakit pati boses ni Isprikiton naririnig ko?

Nasa impyerno na ba ako? Bakit naririnig ko ang boses ng dalawang kampon ni kadiliman?

Ano bang nangyari? Ang huli kong natatandaan, sinadya kong tulugan ang pagbabantay kay Gali the Chanak. Antok na antok na ako e, alangang ipagpalit ko antok ko sa pagbabantay.

"Ngayon palang hilingin mo na na hindi siya magising. You know her Easton, hindi marunong mapakali 'yan. Palaging sinisilaban ang pwet."

Kita mo 'tong Dyther na'to. Gusto ba niyang siya silaban ko ha? Tamang tama talaga bansag ko sa kaniya na Boy Hayop!

Kung hilingin niya na huwag na ako magising akala mo siya nagpapalamon sa akin ah. Sasakalin ko siya oras na magising talaga ako sa panaginip na'to.

Nakarinig ako ng mga yabag ng paa pagkatapos ay ang pagsara ng pinto.

Nakasibangot na nagdilat ako ng mata. Bwisit talaga mga tao dito! Walang nakakatuwa kahit isa sa kanila!

Tsk, nakatagpo ako ng mga kasing sama ko ng budhi! Kinakarma na nga yata ako.

Siguro sabi ni Lord, dapat magbagong buhay na ako.

Lalo akong sumibangot ng bumungad sa mata ko ang masikip na lugar na gawa sa bricks na ceiling at dingding.

"Ano ba 'tong pinagdalhan nila sa akin? Bahay ng duwende?" inis na sinuntok ko 'yung pader. "ARAY WALANJO!!" bwisit na pader 'to, sing tigas ng paninindigan ni Isprikiton!

Nasa maliit na bahay bahayan ba ako o bahay talaga ng duwende? Agad akong umupo, nauntog pa ako sa bubong na briks.

"Araaayyy! Leche talaga!" hawak hawak ko yung ulo ko na nauntog. "Sino karpintero nito? Di gumamit ng utak! Nakakauntog!" reklamo ko.

Kunot noo kong iniikot ang paningin ko sa maliit na lugar na'to. Naka pwesto ako sa sahig na may comforter. May unan na maliit, mga maliliit na laruan na kotse at figurine ang nakakalat dito sa loob. Amoy baby din dito. Amoy ni Gali the Chanak na pinaluguan!

Ano ba 'tong lugar na'to? Atsaka bakit ako napunta dito?

Sino bumuhat sa akin ha?

SO NAHAWAKAN NIYA ANG BUO KONG KATAWAN AT PAGKATAO? ARGHHHH! SANA GINISING NALANG AKO HINDI YUNG BUBUHATIN PA AKO PAPUNTA DITO SA EWAN NA LUGAR NA'TO!!!! CHANSING LANG HA!?

SI EASTON BA?

SI DYTHER?

Oras na malaman ko na isa sa kanilang dalawa, bibigyan ko talaga ng upper cut!

Pagapang akong lumabas sa isang maliit na exit. Kasikip sikip! Napaka liit ng space! Napakahusay naman ng naglagay sa akin dito parang ayaw akong palabasin!

Paglusot ko ng ulo ko sa exit, napanganga nalang ako sa lugar na nakikita ko ngayon.

WOOOWWWWW! AS IN WOW TO THE MAX!

Nanlalaki pa ang mata ko na gumapang palabas. Tumayo ako mula sa pagkakagapang ko. Halos maduling ako sa pag-ikot ko ng ulo para lang makita ang kabuuan ng lugar.

Hindi ko maipaliwanag kung gaano kaganda ang lugar na'to. Isa itong napakalaking playroom na parang isang malaking bahay na. Ang taas ng ceiling abot heaven! Ang ganda pa ng designs at pagkaka-architech nito, halatang hindi tinipid leche!Sino karpintero nito? I-h-hire ko sa pagpapagawa ko ng mansion kapag nakuha ko na ang 500 million ko!

Haler, SAMPONG BAHAY YATA NAMIN ANG LAKI NITO! Para akong nagpunta sa disney land hanep.

(See picture below)


Dahan dahan akong lumakad para libutin ang lugar.

"Yuhoooo may tao ba dito?" sigaw ko sa buong lugar. Nag echo pa ang boses ko kasi nga sobrang laki nito.

"Ahooooooo!" sigaw ko pa! "Isprikiton?" sumilip ako sa isang room na punong puno ng teddy bear at stuff toy. Walang tao. "Dyther the Animal?" silip sa isa pang kwarto na puno naman ng mga figurine, wala din.

Bumalik ako sa gitna ng ma-sure kong walang Boy Isprikiton at Boy Hayop na umaaligid dito.

"So solo ko 'to?" tanong ko sa sarili ko bago ngumisi. "YESSSSSSS! SOLO KO TOOOOOOO!" suntok ko sa hangin.

Woooh! Ito yung pangarap ko nung bata ako na hindi naibigay sa akin ng magaling kong tatay! Sa panaginip ko lang 'to dati nakikita ngayon andito na akooo. DREAM ACCOMPLISHEEDD!

Tumakbo ako papunta sa slide. Nag slide ako wieeeehhhhh! Nagpunta din ako sa carousel, kumabayo ako mag isa! May pool ng maliliit na bola, tumalon ako don.

"AHHHHHHH HEAVEEENNNN!" sigaw ko habang nakalubog ang katawan ko sa pool ng maliliit na bola.

Isip bata na kung isip bata, wapakels ako! Bata pa naman talaga ako, ha! Hindi pa ako senior citizen FYI! Atsaka wala namang nakakakita sa akin dito, at kung mayroon man, pwes pake niya! Basta ako masaya ako! Mag-e-enjoy ako dito hanggat may oras pa dahil alam kong malapit na akong makalaya sa lugar na'to.

Aba, sa impyernong 'to, dito lang ako nakaramdam ng kaligayahan, kaginhawaan at kapayapaan. Susulitin ko na!

"Salamat naman daw sa kung sino mang nagdala sa akin dito! Hulog ka ng langit kahit galing ka pa sa underworld!" mwahahaha!

Kanino kaya 'tong kwarto na'to? Malamang sa alamang Ashari, kay Gali 'to. Alanganamang kay Easton Isprikiton o kaya kay Dyther to noh. Mukha bang nagka-carousel yung dalawang 'yon?

Muli kong iniikot ang tingin ko sa buong lugar habang nagsi-swimming pa din sa pool ng bola.

Ang laki ng lugar, kay Gali lang lahat 'to? May kalaro kaya siya? Masaya kaya siya dito kung wala siyang kasama??

E bakit ba iniisip mo nanaman si Gali the Chanak ha? Pake mo naman kung mag isa lang niya dito. Inggit ka?

Oo inggit ako!

Aba nung bata ako wala akong ganito. Bwisit kasi ang magaling ko Tatay. Hindi ako binibilhan ng kahit anong laruan. Paper doll nga lang laruan ko non. Punit punit pa.

Kaya ayon, palagi kong inaagaw yung paper doll ng kalaro ko. One time nga nung hindi niya ibinigay sa akin 'yung paper doll niya na gustong gusto ko, sa sobrang inis ko sa kaniya, tinusok ko ng pang play stick yung ilong niya. Ayon dumugo, sinugod siya sa clinic ng tatay niya na nang s-spoil sa kaniya.

Karma niya yon. Sobrang dimot kasi, paper doll lang di pa maibigay psh!

Dahil naalala ko ang masalimuot kong childhood, umalis na ako sa pool at naglakad lakad nalang.

Nakita ko ang isang bump car na nakalabas. Uhuyyyyy, bet ko yaaannnn! Di ko pa na-t-try mag ganyan!

Patip toe pa akong naglakad papunta doon. Nakangiting aso ako na umupo sa driver's seat. Naksss, kasyaaaa ako! Yes naman! Feeling driver.

"Ano ka ngayon tatay ha, ikaw truck dina-drive mo ako kotse. Panis ka ngayon sa akin." pagyayabang ko sa sarili ko.

May pinindot akong button na may nakalagay na start. Bumukas ang engine! Paniiiiissss talaga!

Hinawakan ko ang manubela at umandar ito.

For the first time in forever lumigaya ang buong pagkatao ko sa impyernong lugar na'to.

Paikot ikot lang ako sakay ang laruang kotse na'to. Wieeeeehhhhhh! Happy happy yeheeeyyy!

Hindi pa ako nakuntento, gusto kong lumabas sa kwarto na'to at ipagmaratot ang kotse kotsehan ko. Mwahahaha.

Kaya naman maligayang maligaya ako na lumabas sa kwarto.

"Byeeeee disney land! Hihiramin ko muna 'tong car mo!" nagb-bye ako sa malaking malaking room.

Paglabas ko, isang madilim na hallway kaagad ang bumungad sa akin.

Nag preno ako sa kotse kong cutie.

Nasaan ba ako?

Ibang iba kasi ang itsura ng hallway na'to kumpara sa hallway ng mansion ni Isprikiton.

Parang naging creepy 'tong lugar.

O kasi wala lang ilaw?

Nagtitipid lang sa kuryente? Naghihirap na ba mga Marchese? Sabagay baka isang taon silang magtitipid sa ilaw dahil imbis na sa kuryente yung 500 million e sa akin nila yon ibibigay.

Sige dahil mabait naman ako minsan, bigyan ko sila 1 million pang bayad sa kuryente. O sapat sapat na sigurp yon! Wag na sila mag-inarte!

(THIRD PERSON: Ang pinto na nilabasan ni Ashari ay ibang pinto sa pinagpasukan kanina sa kaniya. Ito ay pinto papunta sa isang pinagbabawal at restricted na lugar.)

Sakay sakay ang bumper car, lumiko ako sa kaliwa at tinahak ang mahabang hallway.

Inililinga ko ang tingin ko sa paligid. Mga potraits at paintings lang naman ang nakasabit sa dingding.

Mga mukha na parang sinaunang panahon pa kinuha. Ano ba 'tong mga portrait na to? Parang lahat ng mukha nila parang mga di mapagkakatiwalaang tao e. Lam mo na, parang itsurang sindikato.

Ang creepy tuloy lalo tanging ung tunog lang ng bumper car at ang hininga ko ang naririnig ko.

Lumiko ako sa kanan, ganon pa din panay portrait na luma. May mga nakalagay na pangalan sa mga portrait at panay Marchese ang karamihan sa aplido ng mga 'to.

Nagtuloy tuloy lang ako sa pag d-drive hanggang sa bigla akong huminto dahil dead end na.

Dead end pero pinto itong nasa dulo.

Nakatitig lang ako sa pinto havang nakasakay dito sa bumper car cutie patootie. May nakasulat na naka carve doon sa pintuan.

"Marchese La Familia" Binasa ko ang nakasulat doon...

Ang sabi ni Dyther the Boy Animal...

"Ashari, curiousity kills the cat."

FYI, wala pa akong nakikitang pusa na namatay dahil na curious. Bakit yung pusa ni Aling Marites na naglalampungan sa bahay namin di pa mamamatay matay e palaging curious yung mga yon sa kung anong sound mapo-produce nila gabi gabi!

Nagtaas ako ng kilay. Anong pinaglalaban ng pinto na'to at feeling special?

Dahil nacurious ako-- oo nacurious ako. At hindi ako pusa kaya alam kong hindi ako matetegi!

Ipinarada ko muna si kotse cutie sa isang tabi. Bumaba ako dito. "Wala tayong parking area, tiis ka muna diyan ha." sabi ko kay kotse cutie patootie.

Tumayo ako sa harapan ng pintuan. Halatang luma na pero matibay naman ang itsura. Mukhang antique na kahoy na 'to. Pati handle na knob sinaunang panahon pa.

Tipid na tipid na ba sila at hindi pa nila ipaayos 'to? Psh.

Pinihit ko ng dahan dahan ang bulok na knob. Bukas naman pero ubod ng lakas ang paglangingit. Nag echo pa sa mahabang hallway!

Dahan dahan akong naglakad papasok sa loob.

Halo halong amoy ng libro, lumang gamit at ang nananapak ng amoy matanda ang bumalandra sa ilong ko! Naubo pa ko.

"Anong amoy ba'to? Amoy lupa!!!!!" reklamo ko habang umuubo.

Nakita ko ang switch ng lampshade na nakasabit sa dingding. Mabilia ko iyong binuksan. O diba, miski ilaw pang sinauna. Sabagay, yung amoy nga amoy sinaunang tao e. Malamang sa alamang tandership ang gumagamit ng lugar na'to.

Nagkaroon ng very light na liwanag sa buong lugar, kakahiya naman yung ilaw dito, naghihingalo na. Kumikindap kindap na oh!

Bakit ba ako pumasok sa kwarto na'to? E pinaglumaang office lang naman pala. Akala ko naman kung gaano ka espesyal 'tong room na'to.

Dumiretsyo ako sa mga bookshelf. Ang boring naman ng mga libro dito. Panay politika, economics at world happenings kembular.

Lumakad pa ako hanggang sa narating ko ang table ng mismong office. Umupo ako sa swivel chair. Infairness naman, akala ko luma natong upuan. Umiikot pa naman siya ng tama.

Nakita ko ang ilang papeles na nakalapag. Parang kaylan lang ito nilagay. Medyo may alikabok lang ng kaunti pero kita naman na kalalagay lang dito.

Dahil pakielamera ako, binasa ko yung mga papeles.

"Mafian Society partakes issues about drug syndicate..." nakasulat sa front page ng papel na binasa ko.

Wow ha, may pa Mafia pa'tong mga Marchese. Sa kdrama lang meron non noh! Feeling tong mga to.

Dahil wala namang kwenta, iginilid ko yung folder na tungkol sa mafia. Binasa ko yung nasa ilalim.

"Project ExG : Exploring Peace between Mafian Organizations. Ano nanaman 'to aber?" isang basa ko pa sa isang libro naman na nandito.

Exploring peace pa silang nalalaman.

Kaylan nagka peace sa mga Mafia?

Binuklat ko 'yung libro ng mabilis lang. Ang natandaan ko lang sa nakita ko e yung documentation na may mga picture ng isang malaking laboratory, may grupo ng tao na naka pormal na suot ang nag picture na para bang nagkaisa sila para sa pinaplano nila sa laboratory na'yon. May nakita din akong picture ng placenta na may laman na baby sa loob. May chipset din na naka highlight sa isang page.

Di ko na binasa dahil bukod sa hindi ako mahilig magbasa e wala naman akong pake sa mga Science Book.

"Mafia..." pagbuklat ko sa isang file.

"Mafia nanaman!" naiinis na ako, bakit lahat ng file na nandito sa table tungkol sa mafia?

May shooting ba dito ha?

May movie ba na tungkol sa mga mafia ang gaganapin at gagamitin ang lugar na'to?

"MAFIA ULIT?" huli ang isang folder na tungkol sa Mafian Existing Community kembular ang nakapag padesisyon sa akin!

Ayoko na, walang kwenta tong mga binabasa ko!

Agad na akong tumayo, kasing bilis pa ng kisap mata at kunwari nalang wala akong nabasa.

Lalabas na sana ako ng mabilis na mabilis din sa kwarto na'to ng may mahagip ang mata ko.

At 'yung nahagip ng mata ko e hindi ka-aya-ayang pagmumukha!

Yung mukha ni Isprikiton sa isang organizational chart talaga ang napansin ko!

Huminto ako sa paglalakad at lumingon doon sa isang organizational chart na naka frame ng napakaganda dito sa pader ng kwartong 'to.

"Ayan kita mo 'yang mukha na'yan? Di man lang marunong ngumiti! Papatay ka ba ng photographer?" asik ko sa picture ni Boy Isprikiton na nasa organizational chart.

Habang nakatitig ako sa mukha ni Isprikiton na kasing sama ng ampalaya, hindi ko maiwasang hindi tingnan ang kabuuan ng organizational chat na nandito.

"Don Adolfo Marchese." pagbasa ko sa pangalan ng isan tanders na na lalaki na nasa pinaka taas ng organizational chart.

Adolfo?

Napatingin ako pabalik sa table. May nakalagay doon na pangalan at pangalan ni Adolfo yung nandoon.

Ahh, so sa kaniya ang kwarto na'to. Siya yung amoy lupa!

Sa ibaba niya, yung picture ni Isprikiton na nahagip ng mata ko kanina. "Easton Artfael Marchese. Under Boss." kumunot ang noo ko. May pa-under boss pang nalalaman. Ha, under lang pala tong isang to kung makayabang kala mo kung sino.

Sa ibaba ng picture ni Isprikiton, may labing dalawang picture pa. Nakalagay ang pangalan nila at may CAPOREGIME number churvachenes ang nakalabel.

Medyo binabagabag na ang kalooban ko sa mga nakikita ko.

Alam ko yung mga ganyan e.

Ayaw lang tanggapin ng utak ko.

Sa isang side naman, nandoon ang picture ni Salvador Elcano at Dyther Elcano. Mafian Consigliere....'yan ang nakalagay na label sa mga pangalan nila.

Mafian?

Consigliere?

Don?

Under boss?

Caporegime?

"Ano na Ashari?" medyo kinakaba kabahan ko ng tanong sa sarili ko.

Dahan dahan na parang bibitayin na ako na itinuon ang tingin ko sa pinaka head board ng chart kung saan nakalagay ang kung ano at kung para saan ba talaga ang chart na'to.

Nang makita ko ang nakasulat doon....

Parang biglang sumakit ang ulo ko...

Parang biglang nagflashback lahat sa utak ko ang nangyari.

Sa museum. Yung mga baril nila. Yung walang habas nilang pagpaslang. Yung pagkidnap nila sa akin at sa mga Man In Black na kasama kong pinosas nila na hindi ko na alam kung buhay pa nga ba ngayon o nategi na....

Yung sinabi ni Dyther na mas mabuting wala nalang akong alam....

Yung....

Yung...

Yung walang pagdadalawang isip ni Isprikiton na tegiin ako....

"M-Marchese's Mafian Organization." nanginginig na pagbasa ko sa nakasulat sa headboard.

Napahakbang ako ng isa patalikod.

Mafian...

Marchese...

500 Million....

"A-ano 'to?"

Arghhhhhh! Na-s-stress ang katawang lupa ko! Ayaw ma-absorb ng utak ko yung mga nabasa ko.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Noong bata ako, sabi ng magaling kong tatay hindi daw totoo ang mga Mafia. Sa Kdrama lang ako naniwala na may mafia talaga, at brutal talaga sila! Walang pinipili, walang sinasanto.

"Ha-ha-ha!" natawa ako sa utak ko. Naalala ko yung mga kalokohan kong pinag gagagawa kay Gali. Walanjo, anak pala siya ng mafia. "HAHAHAHA!" naalala ko yung ginawa ko kay Easton Isprikiton! Tinabunan ko pa siya ng unan kagabi.

Under Boss ng Marchese 'yun Ashari! Gusto mo bang mategi talaga ng maaga?

Tapos si Dyther atsaka si Salvador Elcano, nakasabay mo lang naman silang mag umagahan. Nakasabay mo ang mga Mafian Consigliere kumain!!!!!!

"Ang happy HA-HA-HA!" feel ko tatakasan na ako ng ulirat.

Muli akong napatingin sa picture ni Isprikiton.

Miski sa picture para siyang papatay!

"HA-HA-HAHAHAHAHA!"

Sinapak ko nga ang sarili ko!

*PAK!

"Gumising ka Ashari! Prank lang 'to! Prank lang okehhh!"

Isang sapak pa sa kaliwang pisngi ang ginawa ko.

*PAK!

"May shooting lang sila dito. May movie lang na pini-film okey? Kumalma ka."

Dahan dahan akong naglakad palabas ng office ni Adolfo. Hindi ako humihinga! Naubusan na yata ako ng oxygen sa utak.

Wala sa sarili na sumakay ako kay kotse kong cutie patootie.

Nag drive ako.

Hindi ko alam kung saang hallway na ako napunta. Para na akong lumulutang e.

"Hahaha, ano ka ba Ashari, shooting nga lang okey? May movie lang sila na gagawin!" pangungumbinsi ko sa sarili ko.

Nagtuloy tuloy lang ako sa pagdrive hanggang sa may narating akong isang kwarto.

Kwarto nanaman?

Parang na trauma na ako sa mga kwarto dito!

Isa itong frosted glass na kwarto kaya tanging malabong reflection lang ng mga nasa loob ang makikita.

Sa itaas ng frosted glass na pinto, may nakasulat....

"Project Room: ExG" mahina kong pagbasa dito

Bigla kong naalala 'yung libro na binuklat ko kanina sa office ni Adolfo.

Project ExG : Exploring Peace between Mafian Organizations

Kasalukuyan kong inaalala ang mga nakita ko sa libro ng biglang bumukas ang automatic na frosted glass door.

Walang lumabas na kahit sino. Mukhang automatic na bumubukas ang pinto kapag may na-se-sensor ito na nasa labas.

Sakay si kotse patotie at nakahinto sa tapat ng bukas na bukas na pintuan.

Literal na parang sasabog na ang utak ko sa lahat ng nakikita ko.

Ito yung laboratory na nasa libro. Dito din kinuha yung picture ng mga pormal na tao na parang nanalo sa lotto dahil sa isang nakamit na tagumpay na nandoon sa picture.

Hindi nila ako napapansin kasi busy silang lahat.

Dalawa?

Tatlo?

Anim na naka laboratory gown ang paikot ikot sa lugar at nag aayos ng kung ano ank.

Si Salvador Elcano na nakaupo sa isang hospital bed at nakatitig sa....

Sa isang glass capsule...

Capsule kung saan naka tayo si Gali at may kung ano anong nakadikit na parang wire sa katawan niya. Nakadilat si Gali pero parang robot lang ito na nakatitig sa kawalan.

Sa gilid ng capsule...

Nandoon si Isprikiton. Nakatayo lang siya, walang imik. Walang sinasabi. Madilim ang titig sa anak.

Wala sa sarili na nag drive ako papunta sa loob.

Wala pa ding nakakapansin sa akin.

"Sir Easton the management called, the Mafian Peace Organization is already at the entrace." wika ng isang naka laboratory gown na lumapit kay Easton.

Ano daw?

Mafian Peace Organization?

Dumating na daw, so start na sila ng shooting? Ganon ba?

"Tell all the Mafian Marchese to held their self accountable! Huwag silang gagawa ng kahit anong kalokohan." wika ni Isprikiton.

Mafian Marchese?

Wow!

Nanay kunin niyo na po muna ako.

Ayaw ko pong tanggapin.

Gusto ko pong isipin na shooting lang talaga to at gagawa sila ng pang blockbuster na movie pero...

Pero niloloko ko nalang talaga ang sarili ko!

Nakatulala lang ako kay Gali na nasa capsule pa din.

So ang bata na kumatok sa pintuan ko ay anak ng isang mafia.

At ang lugar na ginagalawan ko ngayom ay kuta ng mga...

Mafia....

"M-mamha?"

Out of the blue, biglang nagsalita si Gali na nandoon sa glass na capsule.

At dahil sa bigla niya akong tinawag, kitang kita ko ang gulat sa mukha ng lahat ng taong nandito.

"ASHARI?" pasigaw na sabi ni Boy Vintage na napatayo pa sa pagkakaupo niya.

Si Isprikiton, nanlalaki ang mata sa gulat! "WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE?" sigaw niya sa akin.

Napa-atras ako sakay si Kotse patootie! E bakit galit na galit siya ha?

Hindi ako makapagsalita walanjo!

Para na akong tinakasan ng lahat ng kabalahuraan ng bunganga ko!

"Mamhaaaa!" sigaw ni Gali. Kusang bumukas yung capsule. Automatic din na nagtanggalan lahat ng mga nakadikit sa katawan niya. Walang saplot si Gali.

Naka diaper lang siya!

"Gali stay there!" asik ni Easton sa anak.

Hindi naman siya sinunod ni Gali. Maliliit ang hakbang na bumaba siya sa capsule. At parang chanak na nagtatakbo palapit sa akin, sa kotse ko na si cutie patootie!

"Mamhaaaaa amiss kitaaaa!" nakangiting bati sa akin ni Gali.

Ako naman nakatulala lang.

Umakyat siya sa kotse ko. As in ginawa talaga siya lahat ng paraan para lang maka akyat dito! Kahit ultimo sampahin na niya yung unahan ng kotse.

Luh, bakit parang feeling ko dapat akong lumayo sa bata nato.

Anak siya ni Easton na mafia. Lolo niya mafia. Kamag anak niya mafia. Tito niya Consigliere!

"Drive mo ato Mamha!" sabi ni Gali sabay turo sa manubela. Nakaupo na siya sa hita ko ngayon.

Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang bewang niya.

Tumayo ako sa kotse kong cutie at umalis.

Dahan dahan kong ibinaba si Gali sa pinag upuan ko kanina kay kotse cutiepatootie.

Hindi naman niya siguro kayang idrive yan noh?

"Mag drive ka mag-isa mo!" asik ko. "Ayoko na! Pauwiin niyo na ako!" para na akong mababaliw dito bwisit!

"Mamhaaa sakay itaw kotse!" nakayuko lang ako kay Gali.

Umiling ako ng umiling.

Nagpalit ang tingin ko kay Gali at kay Isprikiton na parang gulat pa sa nangyari.

AYOKO NAAA!

AYOKO NA DITO!!!!

"AHAHAAHHHHH! AYOKO NA DITOOOOOOO! TATAY SUNDUIN MO NA AKKOKOOO" hindi ko na napigilan ang sarili ko! WALA NA AKONG PAKE SA 500 MILLION! Gusto ko ng umalis dito! Gusto ko ng umuwi! Ahhhhhh!

Nagtatakbo na ako palabas ng laboratory.

"Mamha tan ka puntaaaaa! Intayyyy mo atoooo!"

"HUWAG MO AKONG SUNDAN! MAFIAAA KA! MAFIAAAA KAAAA!" singhal ko ng di lumilingon kay Chanak the Gali at lalo pang binilisan ang takbo ko!


Teka???


Lumingon na din ako sa likudan ko. Kasi paano ako nasundan ng Chanak na'yon?

Pagtingin ko sa likod, walanya, bakit marunong magdrive si Gali?

"GALI!!!!!" sigaw naman ni Isprikiton na humahabol sa anak.

Walanjo.

Leche!

Yung mag-amang mafia humahabol sa akin!

AYOKO NAAAAA! I-UWI NIYO NA AKOOOO! MATETEGI TALAGA AKO DITOOOOOOOOO!

TATAAAAYYYYYYY!!!!!!

Olvasás folytatása

You'll Also Like

3M 84.9K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
758K 40.9K 103
an epistolary
11.3M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
11.9M 284K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...