LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS...

By akosilenpot

11.6M 97K 23.3K

Siguro nga, walang rason kung bakit ako nagmamahal… Pero kung meron mang isa…. Ikaw lang ang dahilan, wala ng... More

THE REASON IS YOU - LOVING YOU FOR NO REASON BOOK 2
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7 -
Chapter 8
Chapter 9
TRIY PLUS - KEVIN'S REASON PART 1
TRIY PLUS - KEVIN'S REASON PART 2
Chapter 10
Chapter 12
TRIY PLUS - KEVIN'S REASON PART 3
Chapter 13
Chapter 14
TRIY PLUS - KEVIN'S REASON PART 4
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
TRIY PLUS - KEVIN'S REASON PART 5
TRIY PLUS - KEVIN'S REASON PART 6
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
TRIY PLUS- KEVIN'S REASON PART 7
CHAPTER 23
Chapter 24
TRIY PLUS - KEVIN'S REASON PART 8
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
Chapter 34
CHAPTER 35
Chapter 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
Chapter 51
Chapter 52
CHAPTER 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
Chapter 65
Chapter 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
Chapter 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
Chapter 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
Chapter 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
Chapter 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94
CHAPTER 95
EPILOGUE

CHAPTER 44

113K 742 88
By akosilenpot

CHAPTER 44

PATRISHA’S POV

“Wala pa si Daniel? Tawagan mo nga si Osang kung nasaan na ang alaga niya? Maguumpisa na ang presscon in five minutes” rinig na rinig ko si Ms. Malou. Isa sa mga executives ng station.

Tumingin ako sa orasan ko. 5 minutes before 1PM. Sabi nila Direk eh maaga raw umalis si Dj kanina sa taping, hay Daniel, hindi mo nakikita ang mga sinisira mo.

“My God…maguumpisa na ang interview niya…Liza gumawa ka muna ng konting scheme para hindi mahalatang wala pa si Daniel. Pahabain mo muna yung chikahan with the host.”  Utos pa niya.

“Pat, gusto mo bang ikaw na muna ang mauna?” sabi niya.

“Okay po” sagot ko.

“Thank you Patrisha!!” bumaling siya kay Liza. “Sige…Liza, abisuhan mo yung mga reporters and bloggers na si Pat ang unang lalabas. Okay?”

“Yes Ma’am” sunod naman agad si Liza. Dinial ko ang number ni Macey hanggang wala pang signal na pwede na akong lumabas.

“Hi Sis!” bati niya.

“Sis, can I have a favor?”

“Of course Pat. Ano yon?”

“Paki-tweet naman to…Daniel Padilla, lumalaki na ang ulo”

“Huh?? Are you serious? It’s Dj talaga?” nagtataka siya. “Yeah…gawa ka ng ibang account or ipatweet mo sa mga FC na hindi siya gusto..” sabi ko.

“Why are you doing this?”

“I just want to make him realize na hindi maganda ang influence ng asawa niya sa kanya. That bitch!”

“Bakit ba?”

“We have a presscon today at wala pa siya dahil sa hindi ko alam na reason. Siguro pinauwi nung asawa niya. Nakakainis diba? Alam naman niyang may responsibility si Daniel ngayon eh” inayos ko ang buhok ko. “And kindly  send a direct message to DaSher, sabihin mo na yung asawa ni Daniel ang may kasalanan kung bakit late siya okay?”

“This is war Sissy…at talagang i-DM pa kay DaSher? Hahaha…” sabi nya na natatawa.

“Whatever you call it girl….yeah…si DaSher…anyways thanks…bye” sabi ko at binaba ko na ang phone. “Pat are you ready?”

“Yes Ms. Malou” ngumiti ako sa kanya at tumayo na rin.


DANIEL’S POV

Medyo late na ako sa presscon. Halos umusok na rin ang phone ko sa miss call ni Ate Osang, Kuya Mark, Ms. Malou at marami pang iba. Mabuti na lang at nakasilent ito at hindi napapansin ni Kath. Kakatapos lang naming kumain ay nagkayaan na rin kaming umuwi. Papasok pa rin kasi siya sa office eh at ako naman ay bahala na si Batman pagdating ko sa station.

“Pahaitd ka kay Kuya Jonjon” sabi ko. Hindi na ako bumaba ng sasakyan. Tumango siya. “Wag magpapakapagod sa office” dagdag ko pa. Ngumiti lang siya.

“Bye Hon” sabi ko at nagwave na ako. “Bye…ingat.. text mo ko later kung ano oras uwi mo huh?” sabi niya.

“Oo na po…sige na…bye Hon, bye baby” sabi ko at pinaharurot ko na ang kotse.

Nang marating ko ang station ay madali na akong nagpark at patakbong pumasok sa station. “Good morning Sir, nagsisimula na po ang presscon” sabi ng guard.

Madali kong kinuha ang access card ko at pumasok na ako sa elevator. Kabado, pero ganun talaga eh. Ng marating ko ang 15th floor ay palihim akong pumunta sa dressing room at naabutan ko sila Ate Osang na natataranta pa rin noon.

“Ba’t ang tagal mo?” tanong ni Kuya Mark.

“Kasi naglunch-out pa kami ni Kath eh” sagot ko habang nagpapalit ng pangitaas na damit. Mabilis namang inayos ni Ate Che-che ang buhok ko.

“Miss Malou, he’s here na po” rinig kong sabi ni Ate Osang sa telepono at maya maya nga ay pumasok na si Ms. Malou sa dressing room.

“Where have you been? Malinaw ang nasa schedule mo” naiinis niyang sabi. “Pasensya nap o, may importante lang pong nilakad” sabi ko.

“This is important Daniel. Hay, wala akong time para sermonan ka ngayon kaya kung ready ka na pumunta ka na sa conference hall. Now” sabi niya at madali akong tumakbo papunta roon.

Nagalakpakan ang mga reporters ng makita ako. I saw all the cast na. ako na lang talaga pala ang kulang.

“Hi Daniel”

I smiled at madali ng umupo sa tabi ni Patrisha. Hindi niya ako pinansin. “Magandang araw po” sabi ko.

From there ay nagsimula na ang tanungan about sa aming teleserye entitled “MINSAN PA”. Question about kung sino kami sa istorya, kung anong mga dapat i-expect ng mga fans at medyo nailang na ako na ang mga tanungan ay about sa pagtatrabaho namin together. Hindi naman ako maiilang kung wala lang silang parang pinapalabas na parang nagkakamabutihan kami ni Pat offscreen.

Mabuti na lang at narito si Patrisha to answer all their questions patungkol sa mga bagay na iyon.

“Mas importante po ang career” sabi ni Pat.

“Napakasafe niyong sumagot na dalawa” sabi nila at ilang saglit lang ay natapos na ang presscon. Madali akong bumalik sa dressing room at doon na nga ay nagsimula ang sermon ng pari este ni Ms. Malou.

Tahimik lang kami nila Ate Osang. “Ms. Malou, may importante lang po siyang ginawa” pagtatanggol sa akin ni Pat. “Ms. Malou, sorry na po talaga. I know it’s wrong na hindi ako nagsabi. Pasensya na po” ngumiti ako sa kanya.

“Hay nako Daniel Padilla! Last na to huh!” sabi niya at lumbas na. Sanay na rin naman ako kay Ms. Malour, ganun lang yon pagmali ka pero pag maganda naman ang pinapakita mo ay napakabait niya.

“Te, san na tayo?”

“Te san na tayo?? Te san na tayo??? Alam mo bang halos umusok ang ilong sa akin ni Ms. Malou?! Naku ka!” sabi ni Ate Osang.

“Sorry na Ate Osang…sorry” paglalambing ko sa kanya. “Naku ka Daniel” sabi niya at niyakap ko siya. Mabuti na lang. “Te Osang?”

“Bakit?”

“Hindi na kita mayakap...diet diet din” sabi ko at pinalo niya ako sa braso. “Ikaw talaga!” sabi niya at nagtawanan kami. “Pero Pat, thanks pala huh. Nalaman ko yung ginawa mo. Thanks kasi pinagtakpan mo ako sa mga reporter kanina” sabi ko.

“Wala yun, ano ka ba” sabi niya. Pinanonood niya lang kaming magharutan nila Ate Osang. “So tara na may call time ka pa ng 3Pm” aya na ni Ate Osang.

“Sige. Pat ikaw?” tanong ko.

“Ah may pictorial ako later”

“O di see you na lang sa taping later?”

“Yes”

“Sige Pat. Una na kami” sabi ko at umalis na kami nila Ate Osang.



KATH’S POV

Bago ako pumunta sa office ay tinawagan ko na muna si Daddy to report the good news. “Really? Wow….kaya you should take good of yourself more. Okay?” sbai niya nugn ikwento ko ang sabi ng Doctor ko.  He sounds like Dj na rin.

“Okay Daddy…you too…” sabi ko. “See you in three days” sabi ko. “Okay….I love you Princess”

“I love you Dad. Bye” sabi ko at nawala na siya sa kabilang linya. Syempre hindi lang naman si Daddy ang dapat kong iupdate, pati sila Mommy Karla at Lolo Anton sa San Agustin ay dapat ko ring sabihan. We want everyone to be feel the happiness na nararamdaman namin ni Dj. Eh mas mataas pa nga yata yung level excitement nila kesa sa amin eh kasi kami ni Dj may halong kaba.

“So Kath, what do you want to eat?” tanong ni Mommy Karla. “Anything Ma..basta galing sa San Agustin kakainin ko promise” sabi ko at narinig ko siyang tumawa. “Wow, tag-gutom ka din Kath? Naku ganyan ako dati…naku bahala ka” sabi niya.

“Mommy talaga” sagot ko. “Sige na Ma, may pasok pa po ako eh..”

“Sige nak. Ingat at sabihin mo lang kung may kailangan ka pa huh?” sabi niya. “Yes Ma. Thanks and kindly tell Lolo na balak naming pumunta diyan sa weekends” sabi ko.

“Wow, that’s great nak.. sige matutuwa yon for sure” sabi niya. “Okay Ma, bye na po”

“Okay…take care Nak. I love you”

“Love you too Ma” then the line is cut.

Pagkababa ko ng phone ay bumaba na muna ako sa sala. “Congratulations” bati ni Ate Lorna. I smiled. “Thanks”

“Kamusta yung test na ginawa sayo? Hindi ka naman kinabahan?” tinabihan niya ako sa may sofa. “Nakakakaba grabe. Alam mo yung parang puputok na yung utak mo sa kaba? Para akong mahihimatay” sabi ko.

Hindi siya sumagot. “Pero alam mo Ate Lorna, yung lahat ng kaba…lahat ng tension mawawala the moment na hinawakan ni Dj ang kamay ko ng mahigpit. Alam mo yung parang assured ka na whatever the result is eh andyan siya para sayo” sabi ko .

Ngumiti siya. Hinawakan niya ang kamay ko. “Alam mo Kath, deserving ka naman eh. Marami kang sinacrifice para makuha ang lahat ng meron ka ngayon. Nagmahal ka ng totoo kaya minamahal ka din ng totoo”

Ngumiti lang ako. “Kathryn, mahal na mahal ka namin…” sabi niya at niyakap ko siya. “Te Lorna, thank you for all your hardships sa pagaalaga at pagiintindi sa akin. Thank you so much….at sana wag mo akong iiwan huh? Kahit anong mangyari…kahit na magasawa ka pa…gusto ko ikaw pa rin ang Ate Lorna ko” sabi ko.

Tumawa siya. “Ikaw pa rin ang spoiled brat na alaga ko…walang magbabago” sabi niya.

Tumingin ako sa kanya. “Spoiled brat ka diyan…nagmatured naman na ako noh”

“Ikaw pa rin yung batang babaeng halos magwala pag hindi niya nakikita ang isa niyang sapatos. Ang batang babaeng ayaw na ayaw magulo ang buhok niya”

“Sus…”

“Sus ka diyan” sabi niya at nagngitian kami.

 DANIEL’S POV

“Alam mo yung narinig mo yung first tugudug ng baby mo. Happy ako sobra” sabi ko habang nasa Van kami papunta sa next location. “Alam mo Dj, bilib na ako sayo” sabi ni Ate Osang.

“At bakit naman?”

“Kasi todo effort ka sa pamilya mo. Kahit na sobrang busy ka, kahit na sobrang pagod ka pag dating sa asawa mo on the go ka palagi” sabi niya.

“Syempre naman Te Osang, mahal ko eh. Tsaka buntis ang asawa ko, mas sensitive yon ngayon. Minsan nga parang gusto ko ng magleave”

“Mag leave sa pagiging artista o pagiging asawa?”

“Syempre sa pagiging artista! Pero alam mo kung yung ugali ni Kath dati eh talaga namang minsan kailangan mo ng matindi tinding pasensya ngayon dapat doble effort ka talaga” sabi ko pa.

Nagtawanan sila. “Bakit ano bang ugali ni Kath?!”

“Super tigas ng ulo non! Pag may ginusto yon…gusto talaga. Hirap baguhin ng utak. Spoiled kasi eh” sabi ko.

“Mark, i-record mo at isumbong natin to sa asawa niya” biro ni Ate Osang. “Pero hindi nga biro, hindi ko nga aakalaing magugustuhan ko yon nung highschool eh” sabi ko.

“Grabe Deej, nagaalala ka na ng kahapon huh…pero sino bang hindi magkakagusto sa asawa mo? Eh ang ganda nga non eh, mabuti hindi nag artista yon. Sisikat yun for sure!” sabi in Ate Osang.

“Hay nako, wag na lang. Ayoko ngang magartista yon –

“Ito napakaseloso!” sabi ni Ate Osang at nagtawanan sila. “Eh bakit?!” sabi ko at kinuha ko ang phone ko. Si Kath ang wallpaper ko. Ang ganda ganda talaga ng asawa ko.

“Dj ikaw ba nagbubukas pa ng Twitter huh?!” tanong ni Kuya Mark. “Hindi na” nakatingin pa rin ako sa screen ng phone ko.

“May isang fan don na sobrang die hard talaga”

“Ay oo, usap usapan nga minsan yang DaSher na yan sa set eh” sabi ni Ate Osang. “I heard about that DaSher pero hayaan na lang natin. Masanay na tayo” sabi ko.

“Sabagay, pero alam mo kasi minsan masakit na din siya magsalita. Better sigurong kausapin na yun eh pati asawa mo dinadamay pa” sabi ni Kuya Mark.

“Narinig ko ngang pati si Kath eh sinisiraan niya”

“So?” si Ate Osang. “Ate Osang anong gagawin ko? Pag pinatulan ko ang fan na yun baka mas lalo lang gumulo diba? Ayoko ng lumaki pa ang issue at umabot pa sa asawa ko.” sabi ko.

“Mabuti na lang at wala talagang twitter account yang asawa mo Dj…kaya nga ako minsan tinatamad na ring magopen kasi naaasar lang ako sa mga issue na nagsisimula sa mga maling tweets. Kawawa yung mga artistang wala na ngang ginawa kundi magtrabaho tapos may nasasbi pang pangit yung mga haters. Yung iba wala ng sense kung maka-hate basta maka-hate lang” sabi ni Ate Osang.

“Nice te Osang, may pinaghuhugutan ka huh” biro ni Kuya Mark. Medyo seryoso na kasi ang usapan. “Pero totoo naman ang sinasabi mo eh. Kita natin ang hirap ng mga artista tapos yung iba grabe kung makapagsalita” sabi pa ni Kuya Mark.

“Okay lang na ako ang sabihan nila pero masakit lang talaga yung dinadamay pa nila pati yung asawa ko na nananahimik sa bahay”

Tumawa sila ng bahagya. “Asawa mong pinapasakit ang ulo ng pinkaselosong asawa sa buong mundo” dugtong ni Ate Osang.

“Pinakaseloso talaga? Hindi ba pwedeng mapagmahal lang?”

“Wag ka ng kumontra! SELOSO ka!!” sabi ni Kuya Mark at nagtawanan kami.

KATHRYN’S POV

Nasa office ako ng dumating ang magugulo kong bisita at pilit akong pinupull-out sa opisina. “Puro ka na lang trabaho..tara na let’s go out muna. Ibabalik ka na lang namin later” aya ni Yen.

“Alam niyo kayo na ang pinakasexy at pinakamagagandang istorbo sa buong mundo. Hindi niyo alam ang meaning ng BUSY?”

“Hay nako Kathryn, pwede bang hindi ka pa nakakabawi sa 9 years na paglayas noon? Bumalik ka nga puro trabaho parin naman” sabi ni Julia.

“Hala ka! Hey Julia Montes..wag mo nga akong sumabatan! Hahhaa…crazy ka talaga” sabi ko.

“Kath, tara na…at andyan ba si Papa Dom?” tanong ni Kiray.

“Julia, tawagan mo si Anthony at ng ipasundo natin tong si Kiray” sabi ni Yen. “ Anthony agad? Sumbong agad?” nakataas ang kilay ni Kiray.

“Kathryn Chandria tara na…wag ka ng makulit” nilapitan nila ako at hinila patayo. Patayo na ako ng masanggi ni Julia ang box na pinadala nung kelan. “Ay sorry” sabi ni Julia.

“Ano ba to Kath?” tanong ni Kiray at ibinalik ang box sa mesa. “Ay hindi ko alam” sagot ko.

“Baka hopia” sabi ni Yen at nagtawanan kami. “PASAWAY!” sabi ko at sabay sabay na kaming lumabas.

Nagpunta kami sa isang mall para bumili ng ireregalo namin para kay Grace. Bukas na pala ang birthday niya.

“Girls wait. Did I say I’ll go to the party?” tanong ko habang hawak ang isang brand ng pabango.

Nagtinginan sila. “Maybe” sabay sabay sila. I smirked. “May choice pa ba ako to say NO?”

Umiling sila at ngumiti. “Whatever!” sabi ko at nagpatuloy kami sa pagpili.

After naming mamili ng susutin namin at ng pangregalo kay Grace ay pumunta na kami sa isang resto para kumain. “Sayang wala si Sab” sabi ni Kiray.

“Busy yung tao eh..alam mo naman..” sabi ni Yen.

“Malapit na pala ang kasal ng bruhang yon no, ..hmmm…who’s next?” tanong ni Julia sabay kindat kay Yen. “Wag mo nga akong tingnan ng ganyan….hindi pa handa si Daddy na ikasal ako eh” sabi niya. Nagtawanan kami.

“Eh ikaw Kiray?” tanong ko kay Kiray. “Kath, tinitingnan ko pa kung magbabago ang isip ni Anthony. Sana nga pagnagbago ang isip niya eh available parin si Papa Dom eh” sabi niya.

We rolled our eyes. “Joke lang…alam mo namang kahit na parang puro Math formula lang ang alam ng boyfriend kong yon eh mahal ko yon no!”

“Dapat lang!” sabi ko.

Inaantay namin ang order namin ng tumawag si Dj. Nagpigil ng tawa ang mga loka.

“Hi Hon!” bati ko.

“Hi Honey. How are you?” tanong niya. “We’re fine. I’m with Charms” sagot ko.

“Oh I see…anong meron?”

“Bumili kami ng pang gift for Grace Chua. Do you remember her?”

“Grace? Ng GPM?”

“Yeah”

“Para san?”

“Birthday niya  –

Sasabihin ko sana kung pwede siyang pumunta ng tapakan ni Julia ang paa ko at pandilatan nila ako ng matang lahat.

“You’ll be going?”

“I’ll be going?” inulit ko ang tanong at umiling ang CHARMS. Naguguluhan talaga ako. “ I don’t know” sagot ko na lang at nagthumbs up sila. Ano na naman kaya ang meron sa mga to.

“Anyways Hon, may access ka na sa phone mo?”

“Yeah. Nakabreak kami” sagot niya. “What time ka uwi mamaya?”

“1 am pa ang pack-up namin eh…so 2:30 siguro and don’t dare to wait for me. Yan na naman tayo” sabi niya.

“Hindi na nga”

“Sus…wag kang makulit huh..matulog ka ng maaga” utos niya.

“Opo! Promise!”

“Okay then..bye Hon..I love you”

“I love you too..bye” sagot ko at pinatay ko na ang phone.

“What’s that?!!!!” tanong ko sa kanila. “Wag mong sabihin sa asawa mo dahil malalaman nila Deigo na may lakad tayo” sabi ni Julia.

“Hindi kayo nagpaalam sa mga kalalakihan niyo? Oh my gosh!” sabi ko.

“Obviously hindi” sagot ni Yen. “Why?????” tanong ko. “Hindi sila papayag” sabi ni Yen. Nasapo ko ang ulo ko.

“Pool party yun Kath, alam mo naman ang mga lalakeng yon kung makapagbawal wagas” sabi ni Kiray. “Anong ipagpapaalam niyo?” tanong ko.

“Si Diego kasi nasa Batangas that time so hindi niya malalaman” sagot ni Julia. “Ikaw Yen Santos? Anong ipinaalam mo kay Niel? Eh parang si Dj lang yun eh”

“Wala kaya siya, nasa IloIlo, anu ka ba..” sabi niya.

“Eh ikaw Kiray?”

“Wala din si Anthony that time kaya nga kami nagkasundo sundo eh” sabi ni Kiray. “Eh paano ako?” tanong ko.

“Eh ano bang schedule ng asawa mo bukas? Don’t tell us na hindi mo alam?” sabi ni Julia.

“Actually hindi talaga..pero tatanungin ko pa si Ate Lorna, mas alam nun eh” sabi ko. “Eh paano kung andito si Dj? Eh di hindi ako kasama?”

“Don’t worry Kathryn, graduate na tayo sa pagtakas no…kami bahala sayo” sabi ni Julia sabay kindat. “Alam niyo kinakabahan ako sa mga plano niyo eh” sagot ko at nagtawanan sila.

“Don’t worry Kath, namiss lang namin ang tumakas…at wag mong sabihing hindi mo namiss?” si Yen.

“Mga sira talaga kayo pero bahala kayo huh, alam mo niyo naman ugali ng mga yun..baka ipainom sa atin ang tubig sa pool pagnahuli tayo” sabi ko.

Nagtawanan sila. “Kung mahuhuli nila tayo…eh wala naman silang malalaman eh” sabi ni Yen at nagumpisa na kaming kumain.


Happy New year everyone!!!! NakakaBV man dahil nagbukas ang Chap na to sa POV ni Patrisha, gusto ko lang patunayan sa iba na hindi siya ang laging nagtatapos ng chapter (pwede ring manguna ..hhehe)


Pasensya kung pa-miss ang ganap ko nung mga nakaraang araw. Gusto ko lang magpamiss este magpahinga talaga.


Anyways, I just wanted to thank everyone one na patuloy na nagbabasa ng aking mga story. You made my 2012 memorable promise! I do hope na maging magkaibigan tayong lahat :)

I miss you all and akosilenpot loves you a lot :*




Continue Reading

You'll Also Like

701K 15.3K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
819K 41.6K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
250K 6.7K 7
(Unlucky I'm In Love with my Best Friend's Side Story) Captain. Pagsinabing Captain, malakas, magaling at leader. Pero paano kung pinagsama mo ang d...
38.7K 1.3K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"