CHAPTER 27

122K 1.1K 212
                                    

CHAPTER 27


KATH’S POV

Nagising na naman ako na wala na ang asawa ko sa tabi ko. Ay oo nga pala, ito ang unang araw ng workshop niya para sa pinakauna niyang teleserye. Sabi pa nga eh mas madalas na daw na si Kuya JonJon ang maghahaltid sa akin sa opisina. Hindi man lang talaga ako hahayaang humawak ng manibela? Kainis. Pero sabi naman niya, gagawa raw siya ng paraan para masundo naman ako sa uwian. Ang effort diba?

Parang bumalik kami sa highschool. Kung anong high-tech na ng mundo, kami naman ng asawa ko eh de-sulat na naman. Si Dj kasi hindi ako itetext unless alam niyang gising na ako. Ayaw daw kasi niyang maistorbo ang tulog ko. kinuha ko ang note na nasa may side table.

Kamahalan,

Eat your breakfast and lunch ON TIME!

Talagang naka-capital??

I have eyes everywhere.

Don’t stress yourself too much.

I’ll text you later. I love you.

The most worried husband

Napangiti ako. Eh di ikaw na ang paranoid. Tiniklop ko ang papel at naghanda na para pumasok.

Minadali ko na ang lahat. Mula sa pagaayos at pagkain. I have a super busy day ahead of me. kailangan kong mapakasya ang buong araw sa tatlong meeting ko. Yes, tatlo.

Nang handa na ako sa pagpasok ay mabilis na akong sumakay sa sasakyan.

“Kath, wait” habol ni Ate Lorna. Inabot niya sa akin ang isang lunchbox. Binabaunan niya talaga ako, para daw may kainin ako anytime na gutumin ako at ito ay idea lang naman ng aking pinakamamahal na asawa.

After thrity minutes ay nasa opisina na ako. Madali kong inayos ang lahat ng kailagan ko. may meeting ako with all the marketing staff ko this morning, tapos mamayang 2:00 PM ay meeting ko with Dom, then after that meeting ko with the board. Gosh…anong oras na naman kaya ang uwi ko nito??

I am currently checking my emails ng biglang kumatok si Shiela. I let her in, at napatingin ako sa boquet of tulips na dala niya.

“Ma’am may delivery po para sa inyo” sabi niya at lumakad papalapit sa akin. kinuha ko ang boquet at tiningnan ang card na naroon para malaman kung kanino ito galing..

I am sure that there will be no space left for OTHER flowers.

No space left?? Tiningnan ko si Shiela. Ngumiti siya.

Medyo lost talaga ako sa message mula sa card until buksan ni Shiela ang pinto at pumasok ang isang lalakeng may bitbit ng dalawang basket ng tulips, tapos may kasunod pa ulit siya na lalake at may dala ding dalawa. Hindi ako makasalita. Nagulat pa ako ng bumalik pa ulit ang naunang lalake at may bitbit pa ulit ito. Anong akala nila sa opisina ko? flowershop??

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon