Chapter 29

114K 880 122
                                    

Chapter 29

Daniel's POV

Dahil sa sobrang tight ng araw na ito ay hindi ko na talaga halos mahawakan ang phone ko. ito na kasi ang last day  ng workshop tapos taping day na. Grabe naman sila, kung sila kaya yung may asawang hindi kumakain sa tamang oras kung hindi pa sasabihan??

Kasama ko si Kuya Mark. Miski siya ay guwardyado para hindi ako maistorbo. Crucial daw kasi ang araw na ito. We really need to finish this workshop na kaya daw ganoon kahigpit, sus eh ano ba naman yung isang text lang.


“Daniel, look at Patrisha” sabi ng mentor namin at trainer na si Ms. Monet. Manay ang tawag namin sa kanya.

Hawak ko si Patrisha sa bewang habang nakatingin sa mata niya. kailangan ko daw na sabihin at ipahiwatig sa viewer na inlove na inlove ako sa babaeng nasa harap ko at hawak hawak ko. Sinunuod ko si Manay. I look at Patrisha. Undeniably na maganda si Pat. I think hindi nga rin siya mahirap mahalin dahil mabait naman sya. Pero iba pala talaga pag mayroon ng laman ang puso mo, kahit pa siguro anong ganda ng nasa harap mo eh hindi mo iyon maaappreciate. Iba pa rin kasi ang kamahalan ko……siya lang ang mahal ko at magpapatibok ng puso ko.


“Patrisha look at Daniel, yung inlove na inlove!” utos pa ni Manay. Ginawa naman ni Pat. Magaling na artista si Pat kaya alam kong kayang kaya na nya. Paano niya kaya nagagawang iparamdam sa mga tao na mahal niya ang lalakeng kaeksena niya? kasi ako, kay Kath ko lang ata magagawa ang unconsciously iparamdam sa ibang taong mahal na mahal ko ang asawa ko.


“Ilapit niyo ang mga mukha niyo sa isa’t isa…” utos niya pa. I get closer at ganoon din naman si Pat. Kinakabahan ako pero kailangan kong gawin to, trabaho lang walang personalan.

Gaano kalayo ang mukha namin sa isa’t isa?? An inch….tapos naging centimeter…..closer and closer. Kinakabahan ako.


“Be natural Daniel…..be natural” sabi ni Manay. Habang umiikot sa amin ni Pat. “Iparamdam mo sa kanyang mahal na mahal mo siya….na siya lang ang babaeng mahal mo. Siya ang buhay mo, ang inspirasyon mo at ang langit mo. Isipin mong pagnawala siya mahihirapan kang mamuhay….isipin mong siya ang prinsesa ng buhay mo Dj” sabi ni Manay.

Pilit ko itong iniinternalize pero habang si Pat ang nakikita ko parang hindi ko magagawa. Isa lang ang taong mas mahal ko kesa sa buhay ko…ang asawa ko. pinilit kong ipalit ang mukha ni Kath kay Patrisha ng sa ganoon ay mas mainternalize ko ang kailangan kong gawin. Kung si Kath lang ang kaeksena ko, baka nahalikan ko na to.


“Iparamdam niyo sa isa’t isa na kayo ang match made in heaven. Sa titig pa lang malalaman na ng iba na nagmamahalan kayo” hindi siya tumitigil sa pagikot sa amin. “MOVE YOUR HANDS!” sabi niya pa.

Inisip kong si Kath ang kaeksena ko. From the waist ay itinaas ko ang kamay ko papuntang mukha niya….caressing her face with my both hand.


“That’s perfect……” sabi ni Manay.

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon