Chapter 66

94.1K 778 242
                                    

CHAPTER 66

DANIEL’S POV

“Kamusta na si Kathryn?” tanong ni Ate Osang.

“Syempre alam kong pinipilit niyang maging okay. Kilala ko ang asawa ko. Kahit na nakangiti yon…alam kong sa loob niya umiiyak siya”

Naguusap kami sa loob ng tent habang nakabreak.

“Grabe no…ang bilis. Pero alam mo mas mabuti nga yung hindi siya napano eh”

“Yun na nga lang din yung pinagpapasalamat ko eh” hihiga ako para magpahinga ng biglang pumasok si Kuya Mark.

“Narinig niyo na yung news??” hingal na hingal pa siya.

“Anong news?” tanong ni Ate Osang. Imbis na humiga ako ay naupo na muna ako. “Anong news??”  inulit ko ang tanong ni Kuya Mark.

“Here” sabi niya at pinakita ang video ng replay na talk show.

 “ASAWA NI DANIEL PADILLA, PINALAGLAG ANG ANAK.” yun ang bungad. Nagkatinginan kami ni Ate Osang.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Wala akong maireact.

“Pinalaglag? Anong klaseng balita yan???” naguguluhang tanong ni Ate Osang. Pati si Kuya Mark ay naguguluhan na din. Wala akong idea. Wala akong maisip kung kanino galing ang balita.

Pero imbis na isipin ko kung kanino galing ay naisip ko ang asawa ko. Kath……

KATHRYN’S POV

Kakatapos lang ng meeting ko with client. Kasama ko si Dom sa buong meeting namin. Don na rin kami naglunch at mga alas-3 na kami natapos.

“Do you think makakaya nating yung gastos? I mean, masyadong costly ang expansion malayo sa expectations nating cost” naguusap kami ni Dom paglabas ng conference room.

“So let’s set a meeting with the finance para makasiguro tayo pero malaki man yung gastos malaki rin naman yung kita”

Tumango tango na lang ako.

“How are you Kathryn?” tanong ni Dom ng marating namin ang office ko.

“Ito nagmomove on”

“Kaya mo yan. Kaya nga Kathryn Bernardo ang pangalan mo diba?”

“Correction. It’s Kathryn Bernardo Padilla” nakataas kilay kong sabi. Tumawa siya. “Sorry, nasanay lang” sabi niya.

I pout.  “Ate Kath totoo ba??????????????????????????” nagulat kami ni Dom sa pagpasok ni Nie sa office.

“Nie?” si Dom.

“What?” tanong ko. Hingal na hingal pa siya.

“The news! Hindi niyo napanood??”

Nagtinginan lang kami ni Dom. “Sa yahoo Kath, baka andon” sabi ni Dom at mabilis kaming nagopen ng laptop.

“Pinalaglag mo baby mo?????” naghehesitate pa siyang magtanong. I looked at Dom. “Hindi niya alam na nakunan ka” sabi niya.

“Hindi ko siya pinalaglag” sabi ko at nagsimulang magsearch.

“Kath…”

Hinawakan ako ni Dom sa braso ng makita niyang parang namutla ako. “ASAWA NI DANIEL PADILLA, PINALAGLAG ANG ANAK” yon ang headlines.

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon