CHAPTER 69

90.4K 758 104
                                    

CHAPTER 69

KATH’S POV

The President is on Birthday Leave. Nakakatawa ba? Pero yes, nagleave ako to celebrate my birthday. Kakagising ko pa lang and Dj still on my side. It’s 11:59 AM. Aalis siya ng mga 2AM today and promised me to come back ng mga 6:00 PM for the family dinner later.

“Happy birthday Honey” he whispered. I smiled and hug him. “Thank you and I love you” .

“I love you too” sagot niya. Nagulat ako ng tumayo siya at kinuha ang cake at sinindihan ang mga kandila non. “Blow your candles” he said. “But do make a wish first” he added. I closed my eyes and make a wish. Kung natulog ba siya? Ewan ko. After that ay he open the light at kinuha ko ang PT kit sa cabinet. I think this is the best time to check if God answered our prayer na.

He smiles at me. I am nervous. Yes…..sobra. Pero what a mature people do with his/her fears??? FACE it. Pumasok ako sa Cr at hinintay niya lang ako sa labas. This is it.

I completed the steps………waited for another minutes then……….

I closed my eyes upon seeing the line………………..only one line again. I opened the door and look at Dj. An apologetic look. Umiling ako at alam niya ang ibig sabihin non.

Niyakap niya ako. “It’s okay….we have a lifetime doing that” sabi niya.

“Ano ka ba…pag 40 na ako, hindi na pwede”

“Okay sorry….we still have 13 years before your 39th birthday….that’s 4628 days…madami dami pa Hon” sabi niya. Tumingin ako sa mga mata niya. Hinalikan niya ako sa forehead. “Don’t worry….hindi  ako maiinip sa byahe”

“Kahit na sobrang traffic?”

“Kahit na don na tayo tumira sa daan”

Niyakap ko siya ng mahigpit. Wala ngang baby as a gift but having another year with this amazing man ay yun na siguro ang pinakamagandang regalong natanggap ko.

“So can we use one day na from our 4628 chances??” he winks at me.

“Kaya pala kinuwenta mo huh” sabi ko at nahiga na kami ulit.

Sa muling pagmulat ko ay maliwanag na. Wala na rin si Dj sa tabi ko at isang boquet ng tulips na lang ang andito at isang card.

“I wanna make you smile…whenever your sad. Carry you around when you’re arthritis is bad. All I want to do…is grow old with you…

I wanna grow old with you.

Happy birthday Honey at sana lahat ng birthday mo ay icecelebraqte nating dalawa. Hanggang ngayon ay patuloy akong nagpapasalamat sa araw na to dahil dumating ka sa mundo…..at nakilala ko,

At ang mas hanep don ay…

Minahal ko,

Pinakasalan ko,

At magiging ina ng mga anak ko.

I love you for a thousand years……………………………………Mrs. Padilla.

Love,

Ang pinakamaswerteng poging lalake sa mundo – ang ASAWA mo.

Pagkatabi ko ng card ay kinuha ko ang tulips at nilagay sa vase sa loob ng kwarto namin. I ckecked my phone. Grabe ang daming bumabati. Yung mga classmate ko before, mga kamaganak ko all over the globe both sides, yung CHARMS, SERENITY and their girlfriends, si Lara, mga pinsan ni Dj at ibang kamaganak, si Mama Karla, si Lolo, sila Kuya Ken and Kuya Karl at mga asawa nila, si Dad, si Mamita and Lolo at mga katrabaho. I feel so special. Sana lagi ko na lang birthday. It’s my birthday at bawal ang ???? BV!

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Where stories live. Discover now