CHAPTER 75

90.2K 742 235
                                    


CHAPTER 75

KATH’S POV

Maaga kaming nagising today para tulungan maghanda ng almusal si Mama. Tulog pa ang mga boys kaya napagisipan namin isurprise namin sila.

“Kamusta yung pagbisita mo sa soon-to-be-mother-in-law mo??” Julia asked Yen. Actually, kakauwi pa lang nila ni Niel.

“Okay naman…..” soft niyang sagot. Nagtinginan lang kami ni Kiray. Nakatalikod kami sa kanila ni Julia dahil sila ang nagaayos ng mesa, samantalang katulong ko si Kiray sa paghuhugas ng ginamit namin.

“May nangyari ba?” Julia asked. Nakkiramdam lang kami ni Kiray.

“Nothing.. I am just happy na atleast okay na kami” sabi ni Yen. “Nothing pero naiiyak?” sabi ni Julia.

“Syempre! Hindi kaya ako kinakausap non. I am happy kasi alam kong masaya si Neil na okay na kami ng Mom niya” sabi ni Yen.

Unti unti kaming humarap sa kanya ni Kiray.

“Sabi sa’yo eh..dadating din tong time na to” sabi ni Kiray at nag group hug kami.

 I am happy for Yen. Hindi ko man naranasang ayawan ng Mama at pamilya ni Dj, alam ko naman yung feeling na ayawan ng mga fans niya. Ang hirap sobra. Alam mo yung kailangang mong mag-give way para lang hindi masaktan yung parehong taong mahal namin. Ang love perfect yan…..nagiiba lang pagsinamahan na ng mga desire ng tao. Like how Neil’s Mom towards Yen. She dislikes Yen kasi anak ng politiko. Ako, ayaw ng mga tao dahil may gusto silang tao para sa asawa ko.

After ng masayang agahan. The girls and I decided na pumunta ng Katha. Ayaw pa ni Dj yung plan pero dahil hindi naman sila pwdeng sumama ni Neil kasi baka imbis na hindi nagkakagulo ay magkagulo, nagdecide siyang samahan na lang si Lolo sa farm. Kasama din nila si Neil, Diego at Anthony.

Onat joined us. Parang yung dati lang. Pati si Maggie ay kasama namin.

“Mamimili lang huh, hindi titira sa Katha, okay??” paalala niya.

“Oo na”

“Nat, kaw na bahala huh…alam mo naman…bigla yang napipilayan” sabi ni Dj sabay kindat. Nagtawanan na lang sila.

Bukod kay Onat ay may kasama pa kaming tatlong taga Hacienda para magbantay. Nakaconvoy lang naman sila sa amin.

“Nakakainis yan si Kuya..masyadong OP..pati ako nakadress code!”

“Out of place?” tanong ni Julia.

“Over protective” sagot ni Maggie. Natawa kami.

“Di ka na nasanay” sabi ko kay Maggie.  Ngumiti siya sa akin.

We limit ourselves na magtagal ng mga four hours sa loob ng Katha. Pag lumagpas daw kasi kami doon ay sila Dj ang magsusundo sa amin. Syempre ayoko namang magkagulo kaya nagtimer talaga kami.

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon