Chapter 15

128K 1.1K 89
                                    

I dedicated this chapter to ThisisMeNdine16!!

CHAPTER 15

DANIEL’S POV

 “Kita kits na lang tayo sa blessing ng bahay namin, wag kayong mawawala dun huh” sabi ko habang nasa parking lot kami ng SBN. Mabuti na lang at magkakatabi ang pinagparkan namin.

“Oo naman Pre” sabi ni Seth.

“Mukhang uwing uwi ka na Dj, parang kakagaling niyo lang sa honeymoon huh, miss na agad?” pangaasar ni Niel.

“Sira! Andyan si Mamita, nagtext si Kath at saka I promised Kathryn na uuwi ako ng maaga.” Paliwanag ko.

“Ganon din yun sus!” si Niel pa din.

“Inggit ka lang Pre, hahaha…kaw Seth san ka sa pasko?” tanong ko.

“Uuwi ako ng San Agustin mga pre” sabi niya.

“Kaw Kats makikipasko ka ba kina Ms. Lara” Si Lester naman si Katsumi ang napagdiskitahan. Pagkasabi niya non ay nagtawanan kami.

Kats made face. “Uwi din ako sa San Agustin, dadating sila Lola” sabi niya. “Bakit ikaw san ka ba?”

“Hmmmm…makikipasko sana kina Dj eh…pero baka ipagpalit ni Kath si Dj sa akin eh wag na lang” sabi ni Lester. Hanggang ngayon wala pa ring pinagbago.

“Niel, pakisapak nga yan para sa akin Pre.” Sabi ko at nagtawanan kami. “Hoy sa 29 huh!...blessing ng bahay namin, pati sila Kuya Mark sabihan mo Niel!!” palalala ko.

Nagtanguan lang sila at kanya kanya na kaming sumakay sa kotse.

“Sige mga Tol, una na ko” sabi ko at pinaandar ko na ang kotse. Napapailing na lang sila Niel habang tinitingnan ko sila sa side mirror. Well, sorry pamilyado na akong tao eh.

Bago ako dumirecho ng bahay ay dumaan na muna ako sa flower shop para bilhan ang flowers ang misis ko, hmmm..syempre…ayoko namang alisin yung mga nakagawian namin eh.

KATH’S POV

Nagpaalam na muna akong aakyat sa kwarto, medyo inaantok pa kasi ako mula sa biyahe naming dalawa. Binuksan ko ang kwarto at feeling ko wala pa rin silang ginalaw sa mga gamit ko bukod sa inalis nila ang mga dumi nito. Naupo ako sa kama. My bed na halos kalahati ng buhay kong kasama, tapos ilang araw na lang eh iiwan ko na ng permanente.

Hinawakan ko ang mga frame na nakapatong sa cabinet ko. My mom, my Dad at kami nila Kuya, tapos meron akong solo. Tapos meron ding kami ni Dj with DK pa ito…tapos kami nila Kylie, Kyle at Matt. Napangiti ako. I have a big family now…kaya dapat hindi na ako malungkot.

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon