TRIY PLUS - KEVIN'S REASON PART 8

112K 511 23
                                    


PART 8


ELAINE’S POV


Pagdating namin sa sa airport ay madali kaming nagpunta sa sinabing antayan ni Kevin. Pagdating doon ay wala pa siya. Nagpaalam na munang magCCR si Ced kaya ako na muna ang tumayo roon. Nagangat ako ng tinign para tingnan kung andon siya pero wala akong nakita, pero dahil nakakaramdam naman ako ng uhaw ay napagdesisyunan kong umakyat para bumili ng maiinom. Paakyat ako ng makita ko siya. He’s there. Parang may sinisilip sa baba.


Medyo nagulat siya ng makita ako sa taas.


Hi Ma’am, kanina ka pa? I mean kayo?” tanong niya. OMG…he’s hotter than a coffee. Nakasweatshirt siya at loose na maong pants na may kupas. Ruggedly handsome…Napakasimple niya ngayon hindi siya yung Kevin na laging nangiistorbo sa school. He looks younger today.

“Ah…eh…ikaw??”

“I think I owe you guys a treat for breakfast” sabi niya at madali na kaming pumasok sa isang kainan doon. “Si Ced?” tanong niya.

“Casa Cr” sabi ko.

“Ahhh….” Sabi niya lang and he lead me inside. Anong ginagawa niya dito sa taas? Sino bang nauna? Kami o siya??

Ilang saglit lang ay dumating na rin si Ced at sabay sabay na kaming kumain. Hanggang ngayon naiisip ko pa rin yung pagbabago niya ng mood kagabi. Gusto ko sana siyang tanungin kaso medyo maayos na ang mood ng loko eh baka masira pa. Ang hirap pa naman niyang amuhin.

Nagtatawanan sila ni Ced. Tinitingnan ko siya ng palihim. Why so gwapo Kevin Padilla? Nahihirapan tuloy akong layuan ka.

“Hoy, hindi mo ba kakainin yan? o gusto mong subuan pa  kita?” natatawa niyang sabi. I cringe. Madali kong kinuha ang kutsara at nagsimulang kumain. Mainit, malamig, mainit, malamig….nakakainis…,kung bibigyan ko ng grado ang lalakeng to malamang bagsak to, nakakainis na kasi yung ugali eh. Pero alam mo yung mas nakakainis sa nakakainis yung naiinis ka pagandiyan siya at nangungulit pero namimiss mo naman yung pangungulit niya at pangaasar pag wala siya. Nakakainis diba????

Ilang saglit lang after naming kumain ay pumasok na kami sa departure area. Kevin helped me with my bags. Syempre kami ni Cedric eh nangangapa pa.  First time kaya namin to sa eroplano noh. Ako nga parang kabado pa eh.

Okay ka lang?” tanong niya nung parang nanginginig ako.  Tumango ako.  Grabe, pati pala sapatos tatanggalin mo para ipa-scan.

Nagkakatinginan kami ni Cedric. Siguro pag iniwan kaming dalawa ni Kevin dito, magiiyakan na lang kami. Shocks! Nang tawagin na ang flight number namin para sumakay na ng eroplano eh mas dumoble pa ata ang kaba ko. bakit naman hindi? Eh sa dami kong naririnig na namatay sa plane crash. Grabe…di pa naman ako marunong lumangoy.

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon