SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPL...

By helene_mendoza

269K 14.5K 2K

I was the bad guy. The monster that people hate. I was the reason why some agents died in the line of duty. I... More

AUTHOR'S NOTE
CHAPTER ONE (Remission)
CHAPTER TWO (New Mechanic)
CHAPTER THREE (New Job)
CHAPTER FOUR (Car Trouble)
CHAPTER FIVE (Realty Agent)
CHAPTER SIX (The Witness)
CHAPTER SEVEN (The Job)
CHAPTER EIGHT (Her End)
CHAPTER NINE (First Time)
CHAPTER TEN (Road to Recovery)
CHAPTER ELEVEN (Faces of the Monsters)
CHAPTER TWELVE (New Name)
CHAPTER THIRTEEN (The Trainer)
CHAPTER FOURTEEN (Trainings)
CHAPTER FIFTEEN (Changes)
CHAPTER SIXTEEN (Practice)
CHAPTER SEVENTEEN (Mouth to Mouth)
CHAPTER EIGHTEEN (Stop thinking about me)
CHAPTER NINETEEN (Broken)
CHAPTER TWENTY (The Brothers)
CHAPTER TWENTY ONE (His move)
CHAPTER TWENTY-TWO (Face to Face)
CHAPTER TWENTY-THREE (Back Job)
CHAPTER TWENTY-FOUR (Favor)
CHAPTER TWENTY-FIVE (Her Nightmare)
CHAPTER TWENTY SIX (Cleaning Up)
CHAPTER TWENTY-SEVEN (Start of war)
CHAPTER TWENTY-EIGHT (Police Investigator)
CHAPTER TWENTY-NINE (Wake)
CHAPTER THIRTY (Cold Case)
CHAPTER THIRTY-ONE (Nightout)
CHAPTER THIRTY-TWO (Stuffed)
CHAPTER THIRTY-THREE (Pink Towel)
CHAPTER THIRTY-FIVE (First Kiss)
CHAPTER THIRTY-SIX (CPR)
CHAPTER THIRTY-SEVEN (Rival)
CHAPTER THIRTY-EIGHT (Visitor)
CHAPTER THIRTY-NINE (Flowers)
CHAPTER FORTY (Everything)
CHAPTER FORTY-ONE (Best night)
CHAPTER FORTY-TWO (Breakfast)
CHAPTER FORTY-THREE (Savior)
CHAPTER FORTY-FOUR (Don't want to go back)
CHAPTER FORTY-FIVE (Cracked)
CHAPTER FORTY-SIX (Plans)
CHAPTER FORTY-SEVEN (Other boyfriend)
CHAPTER FORTY-EIGHT (Riel)
CHAPTER FORTY-NINE (Start Over)
CHAPTER FIFTY (Again)
CHAPTER FIFTY-ONE (Sold out)
CHAPTER FIFTY-TWO (Loud Bang)
CHAPTER FIFTY-THREE (New case. New Location)
CHAPTER FIFTY-FOUR (Fresh start)

CHAPTER THIRTY-FOUR (Cute)

4.1K 290 76
By helene_mendoza

Thoughts are the shadows of our feelings. Always darker, emptier and simple. - Friedrich Nietzsche

————————-

Martin's POV

Sinusubukan kong isuot ang polo na ibinigay ni Elodie. Napangiwi ako kasi sa manggas pa lang ay hindi na magkasya sa akin. Masyadong maliit. Naitukod ko ang dalawang kamay ko sa lavatory at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Tiningnan ko ang putok ko sa kilay na kanina lang ay hinaplos ni Elodie. Her face looking at me with so much concern made my heart melt. That was the first time I felt someone worry about me because she knew what I've been through. I knew when Sesi was my wife that she cares about me because I was her husband, but she doesn't know what I did. She doesn't know what I was going through because most of time, we are not together. I married her because I thought she was going to help me to live like a normal person. But it wasn't enough. Being married to her was not enough because I was still looking for something.

Napailing ako at napabuga ng hangin. Sesi was better off with Yosh. I didn't feel any regrets of what I did. Sila talaga ang bagay. I knew my best friend would take care of my family, and I would never, never in my existence will mess up their relationship.

But Elodie.

She was my redemption. She was the reminder that once in my life I was a good person because I saved her. And I am going to help her even the cost of it was the new life that I am having right now.

Napapikit ako at napabuga ng hangin. Shit. I needed to stop thinking about what she did. It was just a simple gesture. She was taking care of me, worried because that's the most normal thing to feel by a normal person. Normal lang iyon.

Fuck you, Ted. Don't put any malice on what she did. She doesn't even like you.

I know. I know. Para akong tanga na nakikipagtalo sa sarili ko. I had been with Elodie for months. I knew for a fact that she's pretty, sexy. Smart too. Pinagbatehan ko pa nga siya and I was a fucking fool to do that. Hindi ko lang talaga napigil. Pero talagang inaalis ko ang malisya pagdating sa kanya dahil alam ko ang nangyari sa kanya. Alam ko ang pinagdaanan niya. Ang tanging mahalaga lang sa kanya ay kung paano makakapaghiganti sa mga taong nanakit sa kanya. Kaya dapat kong tanggalin sa sarili ko ang kung ano man na nabubuhay na damdamin doon.

Alam kong magiging partners lang kami ni Elodie pagdating sa paghihiganti sa mga Baldomero pero bukod pa doon, sigurado akong wala na. Sigurado akong pagkatapos nito ay magpapatuloy na siya sa buhay niya. I won't matter to her anymore. I will be just a part of her dark memory that soon, she needed to forget.

Nakarinig ako na may nag-buzz. Agad kong dinampot ang relo ko at tiningnan ang oras. Pasado alas-dose na ng hatinggabi. May bisita pa si Elodie nang ganitong oras?

Paulit-ulit ang buzz. Halatang makulit ang kung sino man ang nandoon.

Lumapit ako sa pinto at narinig ko ang boses ni Elodie. Halatang iritable ang boses. Napakunot noo ako dahil boses lalaki ang narinig ko.

Who could this be? Sabi ni Elodie wala siyang boyfriend. Pero bakit may lalaking susulpot dito sa unit niya sa disoras ng gabi.

Wala akong kakilos-kilos habang nakikinig pa rin sa usapan ng nasa labas. Hanggang sa marinig ko ang lalaki na nagsalita tungkol sa duguang t-shirt.

Mahina akong napamura. Naiwan ko nga pala ang t-shirt ko doon na puno ng bahid ng dugo. Fuck. Who the fuck was that guy? Bakit napakapakialamero? Pati ang bagay na iyon ay itinatanong pa kay Elodie. Paano niya lulusutan iyon?

Until I heard a name.

Gabriel.

Lalo akong nagngitngit. Ang lalaking nasa labas ay ang gagong imbestigador na si Gabriel Silva. Ano ang ginagawa niya dito? Ano ang kailangan niya kay Elodie? And this late night?

"I am an investigator, Evie. I know the smell of fresh blood. Did something happen? And that shirt is too big. It's not yours."

Nakakapikon ang boses ng lalaking iyon. Shit. Paano ba 'to?

Idinikit ko ang tainga ko sa pinto para marinig ang sagot ni Elodie. At nag-i-explain siya about having sex and having a monthly period. Napangiti ako. Witty. Naisip pa niya ang ganoong palusot. Elodie was really something.

"And where is your boyfriend?" Narinig kong tanong pa ng gagong Gabriel na iyon.

Nagdadalawang-isip ako kung sasagot ako. Pero kailangan na masundutan ang alibi ni Elodie.

"Babe? Still there? I'll be done in a minute. I'll be the one to buy your pads." Nilakasan ko pa ang boses ko habang nanatiling nakadikit ang tainga sa pinto ng banyo.

Para akong nakahinga ng maluwag nang marinig na nagpaalam na ang lalaki. Binuksan ko ng bahagya ang pinto ng banyo at nakita kong nakatayo si Elodie sa pinto at nakadikit ang noo doon. Lumabas na ako na tanging tuwalya lang ang nakabalot sa katawan ko. Wala akong choice. Walang damit na magkasya sa akin.

Nang humarap si Elodie ay nakita kong napanganga siya habang titig na titig na nakatingin sa akin. Tingin ko nga naging estatwa na doon at hindi gumagalaw.

"Hindi fit ang polo. Hindi kasya." Ngumiti ako nang mapakla sa kanya.

Hindi siya sumagot at nakatingin lang sa akin. Kita kong napalunok lang siya at agad na iniiwas ang tingin sa akin.

"H-hindi fit?" Halatang natataranta siya at lumakad tapos ay nilampasan ako. Dumiretso siya sa kusina at nagbukas ng ref tapos ay kumuha ng bottled water at uminom.

"Yeah. Maybe I could wear the blood-stained shirt again." Sumunod ako sa kanya sa kusina at muli siyang napatingin sa akin tapos ay lalong hitsurang natataranta. "Are you okay?"

Napa-ehem siya at tumango. "Y-yes. Yes." Pilit siyang ngumiti sa akin tapos ay binuksan ang isang cabinet at may kinuhang plastic container doon. Medicine kit. Kinuha ko iyon sa kanya at binuksan. Ako na ang gagamot sa sugat ko.

"Si Gabriel Silva ba ang pumunta dito?" Tanong ko habang pinapahiran ng betadine ang sugat ko sa braso. Tapos ay nilagyan ko ng antibiotic ointment at gauze.

Nang tumingin ako kay Elodie ay nakasimangot na siya at tumango.

"What does he want?"

Nagkibit siya ng balikat. "I don't know. He was giving me a fucking stupid lipstick. Then he found this," ipinakita niya ang t-shirt ko na hawak niya. "I had to lie."

Napatango-tango ako at napangiti. "I heard you. About the boyfriend and menstrual thing. Clever."

Nakita kong namula ang mukha niya tapos ay napangiwi.

"Sorry. I had to tell him that I have boyfriend. Makulit ang isang iyon. I don't know why he keeps on doing that. Popping up everywhere I am. He was at Pol's wake. Then he was at Isidro's." Dama ko ang iritasyon sa boses niya.

Hindi agad ako sumagot. May alam na ba si Gabriel? Nag-uumpisa na ba siyang mag-imbestiga kay Elodie? Pero malinis ang nangyari kay Pol. At sigurado akong ang ginawa ko kay Karl ay malabong ma-involve si Elodie.

"I think he is up to something." Tumingin siya sa akin. "Do you think I need to follow what you told me? I need to flirt with him so I could know what his plans are?"

"Flirt? No!" Napataas ang boses ko at taka siyang tumingin sa akin. "I mean, no."

Kumunot ang noo niya. "But you said I need to flirt with him so I could-"

"Forget what I said." Putol ko sa sinasabi niya. "No fucking flirting." Naisuklay ko ang kamay sa buhok ko at napahinga ng malalim. Oo nga at nasabi ko iyon sa kanya noon pero hindi na niya puwedeng gawin. Dahil ayaw ko. Dahil baka tuluyan ko nang mapatay ang Gabriel na iyon kapag dumikit pa kay Elodie.

Kinuha ni Elodie ang dalawang puswelo ng kape at ipinatong sa mesa. Naupo rin siya sa harap noon at tiningnan ang kape. Naupo rin ako sa harap niya at kinuha ang mug ng kape at uminom doon.

"I don't know what will happen after this." Parang sa sarili lang niya sinabi iyon.

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa mug ng kape.

"Sa tingin mo, may magkakagusto pa kaya sa akin pagkatapos ng nangyari sa akin? Pagkatapos ng mga nagawa ko?"

Nang tumingin ako kay Elodie ay nakita ko siyang nakatingin sa akin at talagang naghihintay ng sagot.

"Oo naman. You are young. You are beautiful. You are smart. Men will always like you." Nakatitig ako sa kanya nang sabihin iyon.

"Are you going to like me?" sinalubong niya ang tingin ko sa kanya kaya nagbawi ako ng tingin tapos ay napakamot ng ulo.

"Of course." Iyon na lang ang nasabi ko.

"So, you like me?" Muli ay tanong niya.

Fuck. This was getting awkward. Bakit ba napunta sa ganitong usapan ang pinag-uusapan namin? Ang dami naming problema. Karl was still out there, and only God knows what happened to him or he was dead. There was also the asshole investigator who kept on sniffing around Elodie.

Nanatiling nakatingin sa akin si Elodie. Marahan kong hinilot-hilot ang ulo ko.

"You are likeable. I mean-" shit ano nga ba ang sasabihin ko?

Ngumiti siya ng mapakla tapos ay tumingin sa mug na hawak niya.

"I have so many plans back then. Travel. Going out with friends. Counting boyfriends," natawa siya pero alam kong pekeng-peke ang tawa na iyon. "Would you believe that I didn't experience a real kiss with men?"

Hindi ako kumibo. What was happening to her? Why was she telling me this?

"I have so much life ahead of me until those monsters ruined my life. Ang hirap pala. Ang hirap magpanggap na okay even if I was getting the revenge that I wanted."

All right. She was experiencing anxiety again. I knew it. I just needed to listen to her.

"I just want to be normal but..." napailing-iling siya at ngumiti ng mapakla. "I guess, I won't be able to experience it anymore. Being normal." Ngumiti siya sa akin. "Can you stay here for the night? I mean, look at you all bruised and all. People would ask what happened to you if they see you. You sleep on the couch." Sabi pa niya.

Nagkibit ako ng balikat. "All right. If it's fine with you that there is almost a naked man sleeping in your couch, then I'll stay for the night."

She giggled like a child. "It's been so long that I had someone like this. Someone that I can talk to. I have a friend and her name was Anne. She's the only friend that I've got but sadly, I cannot tell her that her best friend didn't die. I was like functioning but deep inside I am already dead. I know you know what I am saying."

Tumango lang ako tanda ng pagsang-ayon sa kanya.

"I tried to forget it. That nightmare. But it doesn't go away." Bahagyang nanginig ang boses niya.

"Hindi naman ganoon kadali iyon mawala. It was a tragic experience, Elodie and it's okay if you feel angry. If you feel that you wanted to get revenge. And you're getting it." Sagot ko.

Mabilis niyang pinahid ang mga luha na naglandas sa mata niya.

"When I was looking at Pol inside the coffin, I started to get scared. Not at him. Not at them. I am getting scared to myself. Because I don't feel any remorse at all. I don't feel any guilt. I am afraid that I am becoming a different person."

Wala sa loob na hinawakan ko ang kamay ni Elodie at napatingin siya sa akin. Mabilis kong binawi ang kamay ko.

"Sorry. I'm sorry. I know you don't feel like to be touched. I'm sorry," paulit-ulit ang paghingi ko ng paumanhin. Kinuha niya ang kamay niya pinagsalikop iyon sa harapan niya.

"I am glad I met you. Because you understand my pain. You understand what's happening to me. I just want this to be over. I want them gone."

"Kaya mo pa ba? We already killed two of them. Si Jorge at si Matthias na lang. And I am going to ask you one last time. Kaya mo pa ba?" Seryosong tanong ko.

Umiling siya. "The truth? I don't know. I don't even know myself anymore." Napabuga siya ng hangin at naisuklay ang mga kamay sa buhok. "Sorry. Minsan talaga feeling ko nababaliw na ako. Alam mo bang minsan kinakausap ko ang sarili ko. I keep on asking myself. Why me? Why do I need to experience that nightmare?"

"Nangyari na iyon. Hindi na maitatama. Kung sa tingin mo na tama ang ginagawa mo, ituloy mo lang. If it will give you peace to sleep at night."

Nakita kong nakatitig lang sa akin si Elodie kaya ngumiti ako sa kanya.

"Do you know how to kiss?" Out of the blue ay tanong niya.

"What?" Taka ko.

"Kiss. Do you know how to kiss?" Ulit niya.

Napa-ehem ako at pakiramdam ko ay lalong hindi naging kumportable ang pakiramdam ko.

"Yeah. I know." Natatawa akong napapailing.

"How does it feel? To kiss?" Seryosong-seryoso ang tingin niya sa akin na talagang naghihintay siya ng sagot.

Napakamot ako ng ulo. "For real? You're asking me that?"

Sunod-sunod ang tango niya. "I told you I haven't experienced to be kissed. And I think I won't be able to experience it anymore. I don't want men to touch me. So, tell me how it feels."

Napalunok ako at napabuga ng hangin.

"All right. Umm.. paano nga ba?" Marahan ko pang minasahe ang batok ko. Shit. Ano ba itong napasukan ko? Kanina lang ay may kinakatay akong tao tapos ngayon ay mag-i-explain ako kung paano humalik?

Nanatiling nakatingin sa akin si Elodie. Naghihintay ng sagot ko.

"Well, masarap." Tumaas lang ang kilay niya sa akin. Halatang hindi kuntento sa sagot ko. "It's different depending on whom you kiss."

"Different?" Taka niya.

Tumango ako. "If it's just a random stranger, you don't feel anything. It's just touching of the lips and well sex might follow. But if you love the person that you are kissing, that's a different thing. You can feel the connection. You wanted to deepen the kiss. You wanted to consume everything about that one. There's passion. There's deeper meaning. It's amazing."

Titig na titig sa akin si Elodie habang sinasabi ko iyon. Alam kong may gusto siyang sabihin pero napatingin siya sa telepono niya dahil tumunog iyon. May nag-text. Kumunot ang noo niya at halatang nairita nang tingnan kung sino iyon. Binasa ang message pero ang iritasyon sa mukha ay unti-unting nawawala. Napapalitan ng pigil na ngiti.

And who could that be? Who could text her at this late night and made her smile?

"Is it your dad? Late na 'yan, ah. Okay lang siya?" Pinilit kong maging kaswal ang tono ko at dinampot ko ang puswelo ng kape.

Nangingiting umiling lang siya. "It's Gabriel."

Pakiramdam ko ay nag-init ang puno ng tainga ko nang marinig ang pangalan ng lalaking iyon. Siya na naman? Hindi na ba niya titigilan si Elodie?

"I don't think Gabriel knows something about me. I think it's different." Sagot niya.

"Bakit?"

Inilapag niya sa harap ko ang telepono niya para mabasa ko ang message na na-receive niya.

I am persistent, Evie. Call me an asshole. A douchebag. Anything. But I think I am better than your boyfriend. If you really have one. You cannot expect me to stop seeing you.

Fucking asshole. Gago ang isang ito. Bastos ang animal. Alam nang may boyfriend na si Elodie tapos magpapadala pa ng ganitong message? Mapapatay ko ang gago.

Nang tumingin ako sa gawi ni Elodie ay natatawa ito. Halatang kinilig sa ipinadalang message ni Gabriel.

"And you believe that? You believe in that asshole?" Hindi ko mapigil ang inis na nararamdaman ko.

"I think it's cute." Natatawang sabi niya.

"Cute? Ano ang cute diyan? Bastos iyan. Alam na may boyfriend ka tapos magpapadala ng ganyang message sa iyo? Gago ba siya?" Inis kong dinampot ang puswelo ng kape at uminom doon.

Taka siyang tumingin sa akin. "Well, technically I don't have a boyfriend."

"I know. But you told him that you have a boyfriend at dapat niyang i-respeto iyon."

Kumunot ang noo ni Elodie tapos ay natawa. "And it was a lie para lang tigilan niya ako. But I think he is not going to stop, and I am kind of liking his persistence."

"Because he wanted something from you. He wanted to know the real you." Madidiin ang bawat salita ko.

Nagkibit siya ng balikat. Bakit ganoon? Kanina lang halatang naiinis siya sa Gabriel na iyon tapos naka-receive lang nang ganoong text parang kinikilig na siya?

"Don't you forget that he is investigating Pol's death." Paalala ko sa kanya.

Nagtataka siyang tumingin sa akin. "Are you mad?"

Doon ako natigilan. "Mad? No! Why would I get mad?" Pero bahagya nang mataas ang boses ko. "Ang sinasabi ko lang kailangan nating mag-ingat. Imbestigador si Gabriel Silva. Alam niya kung nagsisinungaling ka."

Saglit siyang nag-isip tapos ay tumango-tango. "Okay. May point ka diyan. But he is cute 'no?" Sabi pa niya sa akin.

"Cute? Do you think he's cute? Kung hindi pa mukhang palito iyon. Pitikin ko pa 'yon 'pag nakita ko." Asar na sagot ko.

"Hey, kahit asshole siya, cute siya. And she got a nice pair of eyes. Cute nose. And his lips are really inviting." Nakangiti pang sabi niya.

"I thought you hate him? Tapos napansin mo na lahat iyan?" Napailing ako sa narinig na sagot niya.

"Hate is a big word. Asar lang kasi medyo pakialamero siya. But like what you said, he is an investigator and that's part of his job. But you know, I can't forget his lips. Siguro masarap iyon humalik." Saglit na nag-isip si Elodie. "Magpaturo kaya ako sa kanya?"

"What the fuck are you thinking? Are you out of your fucking mind? O nagti-trip ka ngayong gabi kaya kung ano-ano ang nasasabi mo?" Talagang malapit na akong sumabog sa inis sa mga pinagsasasabi niya.

Ang lakas ng halakhak ni Elodie. And she's enjoying this? Samantalang naaasar ako.

"I am just stating a fact. Totoo naman ang sinasabi ko." Sagot pa niya. Dinampot niya ang mug ng kape at inubos ang laman tapos ay tumayo na. Muli ay tumunog ang telepono niya. May nag-message na naman.

I saw her smile when she read her message. Sigurado akong si Gabriel na naman iyon kaya nagngingitngit ako. Kita kong nagpipindot si Elodie sa telepono niya at mukhang sinasagot ang message sa kanya.

Doon na ako tumayo at lumapit sa kanya. Taka siyang napatingin sa akin nang hawakan ko siya sa braso.

"Why?"

"You were asking me how kiss feels like." Seryoso kong tanong sa kanya. Wala na akong pakialam kung nakatapi lang ako ng tuwalya sa harap niya.

"Oo. Pero okay na. Sinagot mo na naman ang tanong ko. Maybe sooner I might experience it with someone. Stay on the couch. I'll bring a blanket." Sabi niya at akmang tatalikod sa akin pero muli ay pinigilan ko.

"This is how it feels." I said while looking straight into her eyes.

And before she could answer, I held her head and gently kissed her lips.

Continue Reading

You'll Also Like

11K 342 13
THE PLAYBOY'S LOVE AFFAIR The Billionaire's Love Series 7 Dean Liam Sebastian Greene "Nakakapagod ka din pa lang mahalin. Nakakapagod na.." It was wr...
3.1K 412 26
Strictly not suitable for young readers, this story includes mature contents. Read at your own risk. Sa mundong magulo, wala nang mas-igugulo pa sa b...
1.2M 33.6K 41
Dahil sa pag-ako ng responsibilidad, naging single mother si Sallie sa murang edad. Ang mundo niya ay umiikot lang sa kanyang anak - anakan at kung...
340K 15.6K 56
Because of desperation for money and wanting to find her father, Anastasia Hyacinth accepts the proposal of Xyrus Herbert Dela Cerna after knowing th...