SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPL...

By helene_mendoza

281K 14.8K 2K

I was the bad guy. The monster that people hate. I was the reason why some agents died in the line of duty. I... More

AUTHOR'S NOTE
CHAPTER ONE (Remission)
CHAPTER TWO (New Mechanic)
CHAPTER THREE (New Job)
CHAPTER FOUR (Car Trouble)
CHAPTER FIVE (Realty Agent)
CHAPTER SIX (The Witness)
CHAPTER SEVEN (The Job)
CHAPTER EIGHT (Her End)
CHAPTER NINE (First Time)
CHAPTER TEN (Road to Recovery)
CHAPTER ELEVEN (Faces of the Monsters)
CHAPTER TWELVE (New Name)
CHAPTER THIRTEEN (The Trainer)
CHAPTER FOURTEEN (Trainings)
CHAPTER FIFTEEN (Changes)
CHAPTER SIXTEEN (Practice)
CHAPTER SEVENTEEN (Mouth to Mouth)
CHAPTER EIGHTEEN (Stop thinking about me)
CHAPTER NINETEEN (Broken)
CHAPTER TWENTY (The Brothers)
CHAPTER TWENTY ONE (His move)
CHAPTER TWENTY-TWO (Face to Face)
CHAPTER TWENTY-THREE (Back Job)
CHAPTER TWENTY-FOUR (Favor)
CHAPTER TWENTY-FIVE (Her Nightmare)
CHAPTER TWENTY SIX (Cleaning Up)
CHAPTER TWENTY-SEVEN (Start of war)
CHAPTER TWENTY-EIGHT (Police Investigator)
CHAPTER TWENTY-NINE (Wake)
CHAPTER THIRTY-ONE (Nightout)
CHAPTER THIRTY-TWO (Stuffed)
CHAPTER THIRTY-THREE (Pink Towel)
CHAPTER THIRTY-FOUR (Cute)
CHAPTER THIRTY-FIVE (First Kiss)
CHAPTER THIRTY-SIX (CPR)
CHAPTER THIRTY-SEVEN (Rival)
CHAPTER THIRTY-EIGHT (Visitor)
CHAPTER THIRTY-NINE (Flowers)
CHAPTER FORTY (Everything)
CHAPTER FORTY-ONE (Best night)
CHAPTER FORTY-TWO (Breakfast)
CHAPTER FORTY-THREE (Savior)
CHAPTER FORTY-FOUR (Don't want to go back)
CHAPTER FORTY-FIVE (Cracked)
CHAPTER FORTY-SIX (Plans)
CHAPTER FORTY-SEVEN (Other boyfriend)
CHAPTER FORTY-EIGHT (Riel)
CHAPTER FORTY-NINE (Start Over)
CHAPTER FIFTY (Again)
CHAPTER FIFTY-ONE (Sold out)
CHAPTER FIFTY-TWO (Loud Bang)
CHAPTER FIFTY-THREE (New case. New Location)
CHAPTER FIFTY-FOUR (Fresh start)

CHAPTER THIRTY (Cold Case)

3.9K 247 28
By helene_mendoza

Stop being afraid of what could go wrong and start being positive about what could go right.

-------------------------------------------------

Gabriel's POV

            Tahimik akong nakaupo sa harap ng mesa ko at nakatingin sa mga litrato ng sunog na bangkay ni Elodie Yen Valderama. Naroon din ang ilang mga litrato niya noong buhay pa siya. Ibinigay ito sa akin ni Cesar Valderama noong mga panahong halos mabaliw ito sa pagkawala ng anak.

            I know. I can feel that there was something going on. Nang ibigay sa akin ang case na ito, sigurado na ako na mauuwi talaga ito sa cold case. Naka-receive kami ng tawag na may natagpuang sunog na bangkay sa isang sunog na kotse sa isang talahiban. Abo na lahat at wala talagang mapapakinabangang ebidensiya sa mga iyon. Alam kong professional ang gumawa noon. Kahit ang model at make ng kotse ay nahirapan kaming alamin. Burado ang chassis number kaya hindi na namin mahanap sa database. At ang sunog na sunog na bangkay ng babaeng naroon. Na tanging ang kuwintas lang ang naiwan na puwedeng gawing ebidensiya.

            Dinampot ko ang litrato ni Elodie Valderama at napailing ako. Sayang. Talagang nanghihinayang ako sa nangyari sa kanya. Imagine a young and beautiful woman in her prime years to end like this. What happened to her?

            She was smiling in the photo. I felt everything around me lit while I was looking at that smile. Perfect set of teeth. She got beautiful and expressive eyes.

            How many times that I found myself staring at her picture? Looking at her eyes like it was telling me something. Looking at her beautiful face. But her eyes were the ones that I like. Hazel brown eyes with long lashes and looking straight at me. Like her eyes were peeking through my soul.

Like the eyes of her sister Evie Marie.

            Saglit akong napahinto. Evie Marie. Nag-research ako sa company website ng kompanya ng mga Valderama at nakita kong naroon ang mga litrato ni Evie Marie. Idinikit ko doon ang litrato ni Elodie. Sa unang tingin ay talagang magkamukhang-magkamukha sila pero kung tititigan maigi ay mayroon namang pagkaka-iba. They have different nose. At medyo makapal ang labi ni Evie Marie. Even her personality was different from Elodie. From the reports that I gathered and from the photos that Cesar Valderama provided, Elodie was a simple and reserved woman. Kahit sa litrato ay simple lang ang hitsura. Not unlike Evie Marie. When I met her, her strong personality was surrounding the room.

There was some mystery surrounding that woman. I was in constant communication with Cesar Valderama when I was handling the case of her missing daughter. I saw how he was devastated when the reality that her daughter might be dead. Then suddenly, he stopped seeing me.

            Kinuha ko pa ang ilang mga case file reports tungkol sa kaso na iyon ni Elodie Valderama. Autopsy reports. Copies of her personal effects. Cesar Valderama's sworn statements. Paulit-ulit sa report na nawawala ang anak nito. He got a distressed call from her daughter that she was in danger then it ended there. Pero hindi agad ito nag-report. It took a while before he reported that her daughter was missing. And then we found the burned car with a burned body inside.

            Tinitigan kong maigi ang litrato ng sunog na bangkay na nakaupo sa driver seat. Tapos ay ang litrato ni Elodie at ang personal details ng babae. Elodie's height was five foot six. When I looked at the burned woman's autopsy, it says there that the length of the charred body was only one hundred fifty-two centimeters. Around five foot only. Shorter than Elodie's height.

            Pero naisip ko rin na dahil sa nasunog na ang bangkay kaya umiksi na ito. But bones were piled on the autopsy table. Bone length should be at least closer to her height. But a six inches difference?

            Tumingin uli ako sa laptop ko at nag-browse ng mga litrato ni Evie Marie. Kailan lang siya naging parte ng kompanya pero parang gamay na gamay na niya doon. Maraming mga litratong naroon na kasama siya. Alam kong for marketing purposes para makilala siya.

            Napaangat ako sa kinauupuan ko at talagang tinitigan pa ang mga litratong iyon. I knew I was missing something in this case, and I knew Evie Marie could help me answer it.

            Napahinga ako ng malalim at painis na iniligpit ang mga nakalatag na mga reports na naroon. Sunod ko naman na kinuha ay ang murder case ni Pol Baldomero.

            Napangiwi ako nang ilatag ko sa harap ko ang mga case photos mula sa murder scene. It was unpleasant. Not for the faint of heart. Halos hindi na makilala ang mukha nito sa sobrang bugbog. Halatang pinahirapan muna. At sa isang litrato ay ang sugat sa likuran ng ulo niya. Exit wound of the gunshot was not a good sight. Sabog talaga ang likurang bahagi ng ulo nito. Sa initial investigation, it was a robbery gone wrong. Lumabas kasi na bakla si Pol at ang theory naming mga imbestigador, malamang may natipuhang lalaki at iyon ang pumatay. Nang tingnan kasi namin ang cctv feeds, may kasamang lalaki si Pol Baldomero nang lumabas ng bar nang gabing patayin ito.

            Ang lugar kung saan siya pinatay ay kilalang lugar ng mga bakla na nagpapalipas ng sandaling kaligayahan. Mahina akong napamura nang maalala ko ang paghaharap namin ng kapatid nitong si Jorge Baldomero. The man was pissed at me. Minura pa nga ako dahil hindi nito matanggap na bakla ang kapatid. Sa totoo lang, hindi ko rin kursunada ang lalaking iyon. There were so many cases against those Baldomero's. Bar fights madalas kasi nga mayayabang. Harassment din. There was also a rape case. But those cases were dropped because they could make their money talk.

            Mahina akong napamura. Sa totoo lang, sa ganitong pagkakataon talagang nasusuka ako sa justice system. Kapag may pera kayang-kaya makalusot sa mga kaso. Babayaran na lang ang mga nagrereklamo para manahimik. Wala nang nakuhang hustisya. Kaya ang mga katulad ng mga Baldomero na iyon, malayang nakakalaya at nakakagawa ng kung anong kagaguhan na gustuhin nila.

            Muli kong tiningnan ang litrato ng bangkay ni Pol. His injuries. The blood splatters. The brain matters scattered around his body. His body position. Talagang kitang-kita ang galit ng gumawa noon sa kanya.

            Napatingin ako sa litrato ng mga personal effects na nakuha sa crime scene. Naroon ang wallet ni Pol. Complete with cash. Cellphone was there too. Even his expensive Panerai watch and gold bracelet. Walang nawala.

            Then definitely this was not a robbery.

            This was a hit.

            Someone wanted Pol dead.

------------------------

            Kung mayroon mang nakakainis sa ugali ko, iyon ay ang pagiging makulit ko. Pagiging mausisa sa lahat ng bagay. Dapat naman talagang maging mausisa ako dahil sa trabaho ko. Hindi ako magiging isang imbestigador kung wala akong pakialam kahit sa munting mga detalye.

            Kaya kahit pinalayas ako ni Jorge Baldomero sa burol ng kapatid niya, nandito na naman ako ngayong gabi. Pero narito lang ako sa likod. Sa lugar kung saan hindi nila ako mapapansin. Nakatingin lang ako sa mga taong naroon. Nagmamatyag. Tingin ko ay walang masyadong kaibigan si Pol. Karamihan ng mga dumarating at nakikiramay ay mga business associates ni Matthias Baldomero. Ilang beses na rin akong pabalik-balik dito pero ngayon ko lang nakita na nandito si Matthias at tingin ko ay talagang iniinda ang pagkawala ng anak.

            Napako ang tingin ko sa pinto ng punerarya nang may pumasok doon. Si Cesar Valderama. Kasama ang anak na si Evie Marie.

            Hindi ko maialis ang tingin ko sa babae at kinagat ko ang labi ko para makaiwas na mapangiti. This woman was really something. Because right now, she was wearing an off shoulder bright red jumpsuit that hugged her body. She matched it with a red stiletto shoes. Naka-pula siya sa burol. Kita kong pinagtitinginan siya ng mga tao pero tingin ko ay wala siyang pakialam doon. She was standing tall holding a small purse and held her head up while looking directly at the coffin.

            Agad na nilapitan ni Jorge ang mga dumating. Kita ko ang pagkagiliw ng lalaki kay Evie. Halatang-halata naman ang pilit na ngiti dito ng babae at sinenyasan ng lalaki na tumungo sa harap. Dumiretso naman ang mag-ama at parehong tumingin sa kabaong.

            Si Cesar ay saglit lamang na tumingin doon tapos ay lumapit na kay Matthias para makiramay. Si Evie ay nanatiling nakatayo at nakatingin sa kabaong. Matagal. Nakatingin lang siya doon na parang talagang sinisipat kung ano ang hitsura ng bangkay sa loob ng kabaong.

            Hindi ko maialis ang tingin sa kanya. Kilala ba niya si Pol Baldomero? Magkaibigan ba sila? Kasi talagang ang tagal-tagal niyang naroon na nakasilip lang sa kabaong. Tapos ay nakita kong kumuyom ang mga kamay niya tapos ay napailing. Nagpaalam siya sa tatay niya at tuloy-tuloy na lumabas.

            Sinundan ko siya ng tingin at tumayo na rin para lumabas. Hinanap ko siya at naabutan ko sa gilid ng punerarya na parang kinakalma ang sarili. Nakahawak pa siya sa dibdib at nakapikit tapos ay panay ang buga ng hangin.

            "Are you okay?"

            Nanlalaki ang mata na napatingin sa akin si Evie. Kita ko ang pagkataranta at takot sa mukha niya habang nakatingin sa akin.

            "You? W-what are you doing here?"

            Kakaiba sa na-meet kong babae noong nakaraan, ang Evie na nasa harapan ko ngayon ay halatang kinakabahan. Wala ang ipinapakita niyang tapang noong una kaming magkita.

            "I am investigating Pol's death." Sagot ko sa kanya.

            Napa-oh lang siya at muling bumuga ng hangin tapos ay napailing.

            "Are you close friends with him?" Tanong ko pa.

            Umiling siya tapos ay pilit na ngumiti. "No."

            "Miss Valderama, are you sure you're okay?" Kita ko talaga na kinakabahan siya. Parang nanginginig pa nga.

            Pilit na pilit siyang ngumiti sa akin tapos ay tumango.

            "Y-yes. Yes. I-I'm okay. I-I can't stay inside. Death is like a nightmare to me. You know. A terrible thing happened to my sister."

            Napatango-tango lang ako. "Do you want to leave?"

            Sunod-sunod ang iling niya. "Dad is still inside. I am just going to wait for him here. I cannot stay there."

            "All right. Then I'll stay with you." Walang anuman na sagot ko.

            Nanlaki ang mata niya at para bang isang malaking pagkakamali ang nasabi ko.

            "N-no. I'll be fine here alone. I can call my boyfriend to talk to while waiting for my dad." Pilit na pilit pa rin ang ngiti niya.

            Hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdam ako ng panghihinayang na may boyfriend na siya. Sabagay. Magtataka pa ba akong single ang katulad niya? Sa ganda ni Evie, katulad ng kapatid niya, imposibleng single pa nga ito.

            "Boyfriend. You have a boyfriend?" Gusto kong murahin ang sarili ko. Ang bano ng tanong ko. She just told me that she has a boyfriend, and I had to repeat again? Just to confirm? Fuck you, Gabriel.

            "Yeah. His name is Martin and..." saglit siyang nag-isip. "Well, his name is Martin period." Tingin ko ay hindi pa siya sigurado sa sinasabi niya.

            Natawa ako. "Is he real or you're just making things up, so I leave you alone?" Alam ko naman ang style na ganoon. Kasi gawain ko din minsan iyon sa mga babaeng nakikipagkilala sa akin at hindi ako interesado.

            "Of course, he is real." This time ay nakikita kong unti-unti nang kumakalma si Evie. Bumabalik na ang personality na nakita ko nang una kaming magkita. "So, you're investigating Pol's death? What happened to him?"

            "I can't tell. It's an on-going case." Tanging sagot ko.

            Napatango-tango siya.

            "Even a tiny detail? You cannot give it to me?" Ngumiti sa akin si Evie at wala sa loob na napalunok ako. She was not even flirting with me, but just her voice, her movements right now, she was one hell of a seductress. Hindi ako madaling maakit sa babae but just looking at her, something was happening to me.

            Tanga. Kamukha lang kasi ni Elodie ang nasa harap mo. Si Elodie ang type mo 'di ba? Picture pa lang ang nakita mo noon type na type mo na. Kaya hindi mo tinigilan ang case niya. Kasi kahit suntok sa buwan, umaasa kang buhay pa siya.

            Ngumiti nang parang napapahiya si Evie sa akin.

            "Sorry. I am just curious of what kind of investigation you're doing. I told you, I love to read and watch crime and investigation thingy. But it's okay if you can't tell me."

            "It was not a robbery. That's all I can say."

            Shit. The fuck are you doing, Gabriel? Why are you telling her that? That's an on-going case. You need to shut your mouth.

            Nagliwanag ang mukha ni Evie. "See? It's so easy to tell. So, if it's not a robbery, then what happened to him?"

            "That I can't answer." Ngumiti pa ako sa kanya.

            "All right. Akala ko pa naman makaka-isa pa ako." Natatatawa pa siya tapos ay tumingin sa lugar na pinagbuburulan. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya at kita ko ang pagseryoso ng mukha. Sinundan ko ang tinitingnan niya at nakita kong iyon ang dalawang kapatid ni Pol. Si Jorge at si Karl Baldomero na masinsinang nag-uusap. Halatang nakainom si Karl at pinapagalitan ni Jorge.

            "You know them?" Muli ay tanong ko.

            Umiling si Evie pero nanatiling nakatingin sa dalawang nag-uusap. Nakita kong itinulak ni Karl si Jorge at pasuray na umalis doon. Sinundan lang ito ng tingin ng babae tapos ay tumingin sa akin. Nang makitang nakatingin ako sa kanya ay pilit na ngumiti.

            "Men. Men have different ways of coping in stress." Muli ay tinapunan niya ng tingin ang papaalis na sasakyan ni Karl tapos ay may dinukot sa bag niya at nagpipindot doon. "As much as I wanted to stay, I have to go. Something came up."

            "You're going to leave your dad here?" Paniniguro ko.

            Tumango siya. "I'll just call him. Pa-pick up ko na lang siya sa driver. It's nice talking to you. I'm sorry I was a bitch last time. I thought you're an asshole."

            Natawa ako. "I get that impression most of the time." Tumingin ako sa mga naka-park na sasakyan. "If you want, I can drive for you. If hindi seloso ang boyfriend mo."

             "It's okay. I'll be fine. And for the record, he is not seloso." Natatawang sabi niya. "Thanks for the offer." Lumakad na siya palayo sa akin at tinungo ang isang kulay abuhin na Camry. Kumaway pa siya sa akin at tuluyan nang sumakay doon.

            Sinundan ko ng tingin ang papalayong kotse.

            I know. I can feel it.

            She was hiding something.

Or, she was into something.

Continue Reading

You'll Also Like

718K 31.7K 36
[Filipino Book] Bloom grew up accustomed to moving from place to place because her father had many opponents. She knew that her father was not doing...
407 113 26
Sa Villeza Beach Retreat natagpuan ni Shivani ang kalayaang hinahanap. Isang lugar kung saan malaya niyang gawin ang ninanais. Doon ay pansamantala n...
44K 123 2
(Previously known as RIOT) For Kimmy, Lennard Craig was just someone you would never notice lalo kung kasama nito ang super attractive at hari ng ka...
28.8K 1.2K 43
This is a story of Garcia and Rodriguez Sisters. Cast : Faye x yoko Engfa x Charlotte Lux x prom Lisa x jennie...