Amore and Vains (Lover Series...

By celestinair

3.7K 271 12

Impediment and Betrayal. More

zero
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51

29

21 3 0
By celestinair


Lumipas ang ilang araw, wala kaming ibang ginawa ni Trevor kundi kumain o hindi naman kaya ay pupunta sa may garden para doon tumambay. We talked about life, mga bagay na gusto at ayaw namin, plano sa future at kung ano ano pa. At sa mga araw na lumilipas, mas lalo ko siyang nakikilala, mas lalo kong nakikilala ang totoong siya, his soft and tough side.... his flaws and imperfections that he hated the most, but makes me fall harder on him. Trevor knows how to calm my soul.... the way he cracked those old school jokes that made me annoyed and giggled at the same time.... the way he caressed my face everytime I'm starting to tear up when I'm telling a story about my struggles in life.... and the way he kissed my forehead before going to bed like I am his precious daughter. I never imagined myself being here with him, my goals were already set, pero sa isang iglap ay nabago ang lahat.



Am I being selfish because of what I am doing right now? Dahil mas pinili kong layuan ang sarili kong pamilya kesa harapin sila? Pagiging selfish na ba ang matatawag ko doon? But being with this man, feels like floating on a cloud nine, I feel so safe and secure at the same time.


Trevor is my safe place.... and he will always be.


Tuwing gabi ay busy lang si Trevor sa harap ng laptop nya habang kausap ang iba sigurong kliyente, I kinda felt guilty dahil kinailangan nyang iwan ang responsibilidad nya sa Pilipinas para lang samahan ako rito, kahit ang med school ay nagawa nya ring iwanan. Naabutan ko siyang nakaupo sa couch, blangko ang ekspresyon habang may kausap sa phone, pero ng makita nya ako ay agad siyang ngumiti at nagpaalam sa kausap nya.


"Hindi ko alam kung kailan ako babalik diyan, ikaw na muna ang bahala sa ospital," huli nyang sinabi bago tuluyang ibaba ang tawag.


"Is everything okay?" tanong ko at umupo sa tabi nya. Maingat naman nya akong kinabig palapit sa kanya at isinandal ang ulo nya sa balikat ko, ang kamay ay nakayakap sa tiyan ko.



"Everything is fine, si Dylan lang yung kausap ko," he tightened his hug. Hindi ko alam kung bakit hinahayaan ko na lang siya tuwing ginagawa nya 'yon, maybe because masarap din sa pakiramdam tuwing nararamdaman ko ang balat nya sa katawan ko.



"Are you sure? You look tired, magpahinga ka muna," I whispered while running my fingers through his hair. Gustong gusto nya na ginagawa ko 'yon.


"Nagpapahinga na ako," he said softly at bahagyang tumingala sa'kin.



"My face is turning red, isn't it?" natatawa kong tanong dahil alam kong mapapansin na naman nya ang pamumula ng mukha ko dahil sa mga banat nya, inunahan ko na.



"Yes, baby."



"I knew it," I chuckled at napatingin sa center table, nakapatong roon ang laptop nya at nakita kong may inaayos siyang files, "Mukhang marami ka pang gagawin, dapat may enough energy ka. Do you want a coffee? Ipagtitimpla kita,"



"Yeah, pero ako na lang ang magtitimpla, diyan ka na lang," sabi nya at kumalas sa pagkakayap sa'kin, dumiretso siya sa kusina.



Habang hinihintay siya ay binuksan ko rin muna ang laptop ko, hindi pa ako nakakabili ng bagong phone dahil hindi pa ulit kami nakakapunta ng mall, sa ibang araw na lang siguro. Habang nagbobrowse sa laptop ay narinig kong tumunog ang phone ni Trevor, nasa tabi iyon ng lamesa kaya marahan akong lumapit doon para silipin kung sino ang tumatawag, baka kasi si Dylan o importanteng kliyente. Nagtaka ako ng makita ang nakarehistrong pangalan sa screen, "Mr. M"


"Sinong tumatawag?" napalingon ako kay Trevor, naglalakad na siya pabalik dito habang may dala na dalawang tasa ng kape.



"Mr. M ang nakalagay," sagot ko. Nang maibaba nya ang tasa sa center table ay agad nyang dinampot ang phone nya at inend ang call.



"Inumin mo na yang kape habang mainit pa,"



"Bakit hindi mo sinagot yung tawag?" tanong ko at hinipan ang kape.


"Wala 'yon, makulit lang na kliyente," he shrugged.


Kauuwi lang namin ngayon galing sa mall, naggrocery kami dahil gusto daw ni Trevor na magluto ng carbonara, susubukan daw nyang gayahin ang recipe ni kuya Caleb dahil napansin nyang gustong gusto ko ang recipe na 'yon, ang dami ko kasing nakain noong nakaraan. Hindi na madalas magpunta rito sina ate Ivy dahil may mga inaasikaso sila sa trabaho.



"I bought you a phone, kunin mo na lang dun sa kwarto mo," nilingon ako ni Trevor, abala siya sa pagliligpit ng pinagkainan namin habang ako ay nakaupo dito sa couch at umiinom ng kape, tinimpla nya 'to kanina pagkatapos naming kumain.



"Kailan ka bumili? Dapat hindi ka na nag abala, plano ko sanang bumili kanina kaso nawala sa isip ko,"



"Kaya nga bumili na ako, alam kong makakalimutan mo," tumawa siya.



"Edi ikaw na," napailing ako at di napigilang ngumiti, "Pero thank you, babayaran na lang kita, magkano ba 'to?"



"No, hindi na kailangan," dumiretso siya sa kitchen habang bitbit ang mga plato.


"I insist, babayaran kita,"



"I already said no baby," he said softly ng makabalik sa dining, isinunod naman nyang dalhin sa kusina ang mga baso at tinidor. Tumayo ako at kinuha sa lamesa ang mga placemat, dinala ko rin sa kusina para linisin.



"Tulungan na kita," sabi ko ng madatnan siyang naghuhugas ng mga plato. Hindi ko alam na maalam pala siya sa mga gawaing bahay, hindi halata. Noong mga nakaraang araw kasi ay puro lang order sa restaurant ang kinakain namin kaya hindi kami gumagamit ng ibang utensils.



"Ilagay mo na lang yan diyan, ako na ang magpupunas," tinutukoy nya ang mga placemat na hawak ko.



"Hindi ko inexpect na marunong ka palang maghugas ng plato," tumawa ako ng mahina at ipinatong ang placemat sa ibabaw ng oven, sumandal rin muna ako doon habang pinapanood siya.



"Kinaya ko nga na magpatakbo ng malaking kumpanya, eto pa kayang simpleng paghuhugas ng plato?" he gave me a small simper.



"So, let's say na kinaya mo ngang magpatakbo ng malaking kumpanya, kaya mo rin maghugas ng plato, pero...." a narrow smirk form in between of my lips, "Hindi mo naman kayang mawala ako,"



"I love the confidence," Trevor briskly gaze at me, biting his lower lip. Nakita kong hinugasan nya ang mga kamay para mawala ang sabon at mabilis na pinunasan 'yon gamit ang tissue. Dahan dahan siyang naglakad palapit sa'kin kaya napataas ang kilay ko, nagtataka.



"Where are you going?" napadiin ang sandal ko sa oven ng halos ilang pulgada na lang ang lapit nya sa'kin. "Hoy ano ba? What the fuck are you doing?" I said bravely kahit pakiramdam ko'y bibigay na ang mga tuhod ko dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.



"Why are you shaking?" he mocked while staring at my eyes, then to my lips.


"H-ha? A-anong shaking? G-gago ka ba? L-lumayo ka nga, bat ba ganyan ka kalapit?"



He slowly leaned his head directly to the side of my neck kaya napatuon ako sa ibabaw ng oven bilang suporta sa katawan ko, napapikit rin ako sa tila sensasyon na dala ng kuryenteng dumaloy sa pagdidikit ng katawan namin.



"Got it," he moved away kaya agad akong napamulat habang nakaawang ang bibig, what the fuck just happened?



Napadako ang tingin ko sa hawak nyang placemat kaya agad akong napaiwas ng tingin, marahan akong napakagat sa labi ko, pinipigilang huwag matawa sa sarili ko. Sobrang nakakahiya, ang feeling ko sa part na 'yon.



"Bat ganyan ang mukha mo? May problema ba?" maloko nyang tanong, nagkunwari pang inaayos ang buhok para itago ang nangingiti nyang reaksyon.



"Ang epal mo! Umalis ka nga diyan! Dadaan ako! Tabi!" mataray kong sagot at akmang lalampasan na siya pero agad nyang nahapit ang bewang ko, halos ilang pulgada na ulit ang lapit namin sa isa't isa kaya halos pigil ang paghinga ko. Gosh, ganito na lang ba palagi ang tugon ng katawan ko everytime na ganito siya kalapit sa'kin?



"Nabitin ka na naman?" he teased at hinawi ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha ko, binitawan na rin nya ang placemat kaya nagpatak ito sa sahig.



"Bitawan mo nga ako! Tama nga si ate Ivy, malakas na talaga ang tama mo!" itinulak ko ang dibdib nya pero hindi siya natinag, his chest was as hard as rock, para lang akong tumulak ng pader.


"Sa'yo," his lips parted, then quickly peck on the tip of my nose, "Get dress, pagkatapos ko dito ay may pupuntahan tayo,"


"Huh? Saan?" I stared at him confusingly, kaaalis lang namin kanina ah?



"It's a surprise," he pinched my cheeks before letting me go. Kahit distracted ay sinunod ko siya at diretsong umakyat sa kwarto para magpalit ng damit, hinalwat ko ang maleta ko at naghanap ng pwedeng suotin, nasa laundry pa ang iba naming damit ni Trevor dahil kanina lang din namin nadala.



I found a simple mom jeans and a red loose sleeveless tank top, nalabhan ko na rin ang isa kong sneakers kaya yun na lang ang ipinartner ko, tamang tama 'yon sa outfit ko.



"Just give me more minutes, patapos na ako dito," sagot ni Trevor mula sa loob ng kwarto nya, nandito ako sa tapat ng pinto at kinatok siya dahil ang bagal nyang kumilos, nakailang akyat baba na ako pero hindi pa rin siya natatapos.



"Nahuhulas na yung ayos ko dito, ang bagal mo," singhal ko at akmang kakatok ulit ng biglang bumukas ang pinto. My mouth quickly parted when I saw him, he's wearing a dark blue polo and a slim jeans that's perfectly curve his lower figure. His top knot hair is in a man bun, over all.... he looks fine as hell. Palagi naman.



"Alam kong gwapo ako," he said in a poised voice, "Let's go, the show is about to start,"



Ang isang kotse nina ate Ivy ang pansamantala naming ginagamit, parehas na nasa Pilipinas ang kotse namin kaya wala kaming choice. Pagkaparada nya ng sasakyan ay nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto, kagaya ng lagi nyang ginagawa.



"Where are we?" I asked while roaming my sight on the sorroundings, maraming ilaw sa paligid, maraming mga puno. Masasabi kong malayo ito sa mall dahil iba ang dinaanan namin kanina, at ngayon ay natatanaw ko rin mula rito ang beach.



"Secret," hinawakan nya ang kamay ko at naunang maglakad kesa sa'kin, tahimik ko siyang sinundan hanggang sa unti unti ng lumiwanag ang paligid namin dahil sa mas malalaking ilaw. My lips parted when I saw the fascinating view in front of me, it was a theme park beside the beach!!



"Grabe," I breathe in amusement.



"Welcome to Steel Pier, baby."



"Oh my freaking gosh...." I can't help myself, I'm already inlove with this place.



"You like it in here?" he asked, smiling at me.



"Absolutely,"



He pinched my chin, "Tara na, hindi lang yan basta tinititigan, ineexperience yan,"



Nasa tapat kami ng entrance, kahit gabi na ay napakarami pa ring tao. I remember, may isang beses na nakita ko ang picture nito sa pinterest, doon pa lang ay nagandahan na ako dahil na rin sa unique location nito. But seeing it in personal, wala akong masabi, sobrang ganda.



"Where do you want to go first?" Trevor asked.



Inilibot ko ang tingin sa paligid, nilingon ko siyang muli at nginitian, "Mukhang maganda sa arcade,"



"Arcade, then." he quickly walk papunta sa pwesto ng mga arcade, nakasunod ako sa kanya, mahigpit pa rin ang hawak nya sa kamay ko.



Napapansin kong bawat madaanan naming mga babae ay sinusundan kami ng tingin, or should I say.... sinusundan nila ng tingin si Trevor. Ang iba sa kanila ay tinitingnan ang magkahawak naming kamay, tapos titingnan ako ng masama. Hindi ko alam kung hindi nakikita ba 'yon ni Trevor at hindi lang pinapansin, o talagang wala siyang idea na ilang babae na dito ang palihim siyang pinapantasya.



Habang nakapila kami sa isang booth ay napansin kong may ilang babae na pumila sa likod namin, sila ang mga nakita kong kanina pang nakatingin kay Trevor. They were talking and laughing to each other, minsan ay nararamdaman ko pang sumasagi sa likuran ko ang mga ito dahil sa paghaharutan, o baka sinasadya lang nila. Si Trevor ay nasa unahan ko habang may tinitingnan sa phone, his other hand is still holding mine.



Hindi na ako nakapagpigil ng muli akong sagiin ng babae sa likuran ko, "Excuse me? Would you please stop bumping at my back? I'm kinda hurting, you know?" pormal kong sabi sa kanya kaya natigilan siya at ang mga kasamahan nya.



"Oh? Sorry, I didn't know that I'm already bumping on you," the girl in the blonde hair replied sarcastically, mukhang taga rito siya at hindi bakasyonista.



"Hey, what's happening?" tanong ni Trevor at maingat akong hinapit palapit sa kanya. Pare parehas na napataas ang kilay ng babae at mga kasamahan nya.


"Nothing," tumingala ako kay Trevor at tipid siyang nginitian, baka kung ano pang gulo ang mangyari kapag pinalaki ko pa.



"You sure, baby?"



"Yeah," muli kong sagot at tumalikod na sa mga babae para muling bumalik sa pila, ganoon rin ang ginawa ni Trevor.



"You're not that beautiful, bitch,"



My brow immediately risen ng marinig ang sinabi ng babae sa likuran ko, rinig na rinig ko 'yon dahil naramdaman kong inilapit pa nya ang katawan sa likuran ko. Bahagya ko siyang nilingon at nakita kong nagbubulungan sila ng mga kasama nya, titingin sa'kin tapos tatawa.



"What's your problem? I don't even know you," I faced her.



"I just said you're not beautiful," the girl smirked, "And you're a bitch,"



I calm myself and try to maintain my straight posture, I stared at her from head to toe, then I smirked back, "Coming from you? Really?"



"How dare you!?" she exclaimed.


Naramdaman kong hinawakan ako ni Trevor sa braso pero hindi ko siya pinansin, sa halip ay muli kong nginitian ang babae, "You know what? I just came here for vacation, to relax and breathe some fresh air. My bad, but I won't waste my precious time talking to a feisty woman like you, it's just nonsense."


"Y-you! You bitch! How dare you talk to me like that!?" the girl is already turning red because of anger, ang mga kasama nya sa likod ay tahimik lang at mukhang hindi na mapakali.



"That's enough," Trevor spoke in a deep voice, ibinaba ang tingin sa'kin, "Let's go somewhere else, it's just a waste of time falling in line in here, and the people around is not as good as I expected,"


I simply nod my head and follow his footsteps when he started to walk away from the line, pero hindi pa kami nakakalayo ay halos mapaupo ako ng maramdamang may humila sa buhok ko mula sa likuran.


"What the f---, aray!" napabitaw ako kay Trevor. Agad siyang napalingon sa'kin dahil sa pagsigaw ko.



"You will pay on this!" the girl tightened her grip on my hair at hinila ako paupo sa sahig.



"Fuck! Let her go! Putangina, bitawan mo siya!" Trevor's loud voice made the girl froze, halata ang gulat at takot sa mukha nya kaya lumuwag ang pagkakahawak nya sa buhok ko.



Maingat akong inalalayan ni Trevor para makatayo, agad nyang ichineck ang mga braso at kamay ko kung nagkasugat ba o wala. Mabilis kong binawi ang kamay ko sa kanya ng maramdaman na mahapdi iyon, may malaking gasgas sa tabi ng palad ko dahil naituon 'yon nung napaupo ako sa sahig, buti na lang at hindi dumugo.



"What did you say?" the blonde girl shouted at Trevor. Mukhang ang tinutukoy nya ay ang huling tagalog na sinabi nito. Kung ako siya, hindi ko na tatanungin ang ibig sabihin non dahil paniguradong mapapahiya siya.



"You didn't understand what I said?" Trevor's face hardened and his jaw immediately clenched, "I said fuck you! Fuck all of you for hurting my woman!"



Her mouth almost fell on the floor, ganoon na rin ang mga kasama nya na nasa gilid at halatang nahihiya dahil sa ginawa ng kasama nila.



"L-let's go," I grab his hand at hinila siya paalis doon, huminto kami sa tabi ng railings nitong pier, the waves beneath this pier is harshly hitting the concrete.



"I'm sorry, Trace," he leaned his both hands above the railings, looking upset. "I'm sorry for ruining this night. This is not what I planned for,"



"Ano ka ba, wala ka namang kasalanan," I shook my head, "Bakit kasi ang gwapo mo?"



"What?" he urged.



"That girl likes you, tsaka yung mga kasama nya," tumawa ako, "Nagseselos sila sa'kin, hindi mo ba napansin kanina na halos lahat ng babaeng madaanan natin ay nakatitig sa'yo?"



"Alam ko," he shrugged, "Pero wala akong pakealam sa kanila."


"Magaganda sila," I looked away.


"So?" he frowned, "You're the most beautiful, Trace."



"Bolero," I pouted.



"Gwapo ako pero hindi ako manloloko," he smirked, waiting for my face to turn red.


"Oh shit, here we go again. The iconic line," I rolled my eyes. "But thank you for saving me,"


"No worries baby. Remember that I always got your back.... always." he walk closer to me and carefully hold my hand, "How's your hand? Masakit pa ba? I'm sorry, palagi ka na lang napapahamak ng dahil sa'kin."



"It's okay. Tsaka anong palagi? Ngayon lang naman kaya hayaan mo na," I smiled gently.


"Tara dun sa isang shop, baka meron silang pwede kong gamitin para linisin yang sugat mo,"



"Huwag mo ng pansinin 'to, malayo sa bituka," mahina akong tumawa.



"Kahit na. Baka mainfection pa yan,"



"Okay nga lang, hindi na naman masakit," pagtutol ko.



Hinawakan nya ang kamay ko at itinagilid 'yon, marahang tinapik.



"Aray naman!" marahas kong binawi ang kamay ko.


"Hindi na daw masakit," he raised his brow.


"Panong hindi sasakit, eh tinapik mo pa!?"



"Isa yan sa parte ng pagchecheck sa totong kalagayan ng pasyente, kailangan suriin mo muna ng mabuti,"



"Do I look like a freaking patient here?" mataray kong tanong.



"Sshh, stop defending yourself. You're hurt, and you need to be healed,"



"You were my hero a while ago, and now you're my healer?" I laughed.



"I'm your doctor," he looks aplomb.



Pumasok kami sa isang shop ng mga home essentials, luckily, we found some alcohol and gaz kaya madali nyang nagamot ang sugat ko.


"How was it? Masakit pa?" nag aalala pa rin nyang tanong. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na nyang tinanong kung masakit pa ba 'tong sugat ko.



"Okay na," I gave him a thumbs up, "Come on!! Let's take a picture!!"


Inilabas nya ang phone nya at mabilis ko 'yong kinuha sa kamay nya, nagulat siya pero natawa rin.


"Ako na maghahawak, move behind me," utos ko sa kanya na agad rin nyang sinunod.



I blissfully posed in front of the camera, I smile while playfully showing the bandage in my arms. Trevor wraps his arms around my neck and leaned his face closer to mine while showing an ecstatic smile, the wind is softly blowing his salty hair.



"Say ice creaaaam," I giggled.


"Ice creaaaam!!" he chuckled.



We took other shots, fierce and wacky. May isa din na parehas kaming nakatingin sa isa't isa, it happened unexpectedly but we looked so cute. I can't deny the fact that the camera really loves Trevor's face, he looks so fine as hell.


"Huy, tara sa ferris wheel," I pouted like a kid habang hinihila ang ibabang bahagi ng polo nya, naglilibot na ulit kami sa paligid.


"Sige neng, sasamahan kita," pang aasar nya.



"I'm not neng, I'm baby." I rolled my eyes at inunahan na siyang maglakad, narinig ko ang paghalakhak nya.



Sumakay kami sa ferris wheel, matagal pa bago tuluyang umandar dahil pinupuno pa ang bawat pwesto. Nang nakarating kami sa tuktok ay tanaw na tanaw namin ang kabuuan ng Steel Pier, marami pa ring tao sa buong paligid. Halos karamihan ay puro bakasyonista din at kasama ang kani kanilang mga pamilya.



"You already miss your family?" inalis ko ang tingin sa mga tao sa ibaba, lutang akong napatingin kay Trevor.



"Ha?"



"Gusto mo bang iuwi na kita?" pinilit nyang ngumiti.



"N-no," napayuko ako.



"It's okay," muli siyang ngumiti, "If you want to go home and be with your family, go ahead, ihahatid kita,"



"Itinataboy mo na ba ako?"



"Of course not, baby," pag agap nya, "You have no idea how much I wanted you to stay here with me."



"Huwag na nating pag usapan ang tungkol diyan, let's just enjoy the night," I smiled gently.



"I love you." he whispered, our eyes met.



"I know," I mouthed.



Matapos ang ilang beses na pagsakay sa iba't ibang rides ay nagpasya kaming kumain muna, sa isang pizza parlor kami dumiretso, sa mga upuan sa labas namin napiling pumwesto dahil masyadong marami ang tao sa loob. Si Trevor ang pumila sa counter habang ako ay naghihintay lamang dito sa upuan. Ilang minuto ang lumipas ng marinig kong may tumatawag sa phone ni Trevor, iniwan nya 'to sa'kin dahil masikip na daw ang bulsa nya. Dinampot ko ang phone sa lamesa at agad napataas ang kilay ng makita ang tumatawag. Again, "Mr. M"



Nanatili akong nakatitig sa screen, hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi. Naalala ko ang sinabi ni Trevor kanina, oo nga pala, makulit na kliyente lang. Ipinatong ko na ulit sa lamesa ang phone at hinayaan lang na magring 'yon, ng mamatay ang tawag ay hindi na ito muling tumawag pa.



"Here we go," nakangiting sabi ni Trevor habang may bitbit na tray ng pizza at fries, umupo siya sa harapan ko at isa isang inalis sa tray ang mga pagkain.



"Tumawag ulit yung Mr. M," simple kong sabi at uminom sa juice na kakaabot nya lang.


"S-sinagot mo?" he almost froze in his seat, waiting for my answer.


"No," I shrugged, "Hindi ba sabi mo, makulit na kliyente lang 'yon?"



"Oo," he looked away at mabilis na kinuha ang phone nya sa lamesa, saglit pa siyang nagpipindot doon kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain.


"Hayy, busog," I urged in relief at diretsong ibinaba ang baso sa lamesa, "Ang bagal mo talagang kumain 'no? Palagi na lang kitang nauunahan,"


"Matakaw ka lang talaga," he teased at uminom na rin sa baso nya, mukhang tapos na kumain.



Naglalakad na kami pabalik sa sasakyan, nauuna ako sa kanya dahil kanina pa akong naiinis, hindi na nya tinigilan ang pagtatype doon sa phone nya simula noong kumain kami. Ilang booth pa ang napuntahan namin pero mukha siyang distracted tapos laging nakaabang sa phone nya, mukhang may importanteng kausap.


Psh. Mas importante pa sa'kin?



"Trace! Wait lang! Ang bilis mo namang maglakad," he called behind me.


"Hindi ako mabilis, mabagal ka lang,"



"Ha? Galit ka ba?" he sounds clueless pero dire diretso lang ako sa paglalakad at hindi siya pinansin.



"Teka nga," he blocked my way kaya napahinto ako, I gave him a sharp glare. "Galit ka ba? Bakit? Anong ginawa ko?"



"Itanong mo sa katext mo," I replied in a cold voice, "Umalis ka diyan sa harapan ko, gusto ko ng bumalik sa sasakyan, nilalamig ako.



"Trace naman, sandali lang,"



"What? Babalik na ako sa sasakyan, hintayin na lang kita dun kapag hindi ka na busy diyan sa kausap mo. Sige na, baka maabala ka pa," I said with a blank expression at tuluyan siyang nilampasan.



Pagpasok ko sa sasakyan ay kasunod ko na siya, tahimik nya 'yong pinaandar. Nakatuon ang siko ko sa bintana habang nakatingin sa labas.



"Trace," he called in a quiet voice, nanatili lang akong nakatingin sa labas at hindi siya pinansin. "Please talk to me,"



Nang hindi ko siya pinansin ay hindi na siya muling umimik, pagdating namin sa cabin ay tahimik lang akong lumabas ng kotse at dire diretsong naglakad papunta sa tapat ng pinto, na kay Trevor ang susi non kaya hinintay ko muna siyang buksan 'yon. Pagpasok sa loob ay dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig, pakiramdam ko'y natuyo ang lalamunan ko dahil sa inis at hindi pagsasalita ng ilang oras.



"Kausapin mo naman ako," Trevor's mellow voice was heard from behind. Pabagsak kong ibinaba sa sink ang baso, buti na lang at hindi nabasag. "Huwag naman ganito,"



"Ano ba!?" I hissed ng humarap sa kanya.



"What did I do wrong, Trace? Dahil ba sa paggamit ko ng phone? I'm sorry, may kailangan lang talaga akong kausapin na importante,"



"Okay," I quickly walked away. Umakyat ako sa kwarto at inilock ang pintuan, hinubad ko ang sapatos ko at binuksan ang sliding door sa balcony.



The mist of the wind is softly touching my skin, mas ramdam ko 'yon dahil nakasleeveless lang ako. The sound of the waves was heard from afar, feels like they calling me. I rest my arms above the railings as I slowly close my eyes. Remembering what I had in my life before running away, until now, I still can't believe that I did those things. I miss my dad. I miss my mom. I miss my sister. I miss my friends..... I miss Samuel. But after all that happened, there is one thing that I could proudly say that I made it.


Choosing yourself for the first time in your life is worth all the pain that you've gone through. It takes a lot of courage to do so.... but it was all worth it.


I opened my eyes, took a huge amount of air and slowly breathe out.


What now, Victoria?


______________________________

_________________________________________


- night out.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 36.1K 61
WATTYS WINNER When her fiancé ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...