BABYSITTING THE MAFIA'S KID

By VictoriaGie

483K 23.1K 6.1K

May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta... More

PROLOGUE 💋
CHAPTER 2 - FIVE HUNDRED MILLION
CHAPTER 3 - THE HIERARCHY
CHAPTER 4 - LOST TREASURE
CHAPTER 5 - FULLY LOADED
CHAPTER 6 - VINTAGIO MUSEUM
CHAPTER 7 - MEET AND GREET
CHAPTER 8 - MONEY DROP
CHAPTER 9 - GUNS AND STARES
CHAPTER 10 - STAY
CHAPTER 11 - DON'T PULL THE TRIGGER
CHAPTER 12 - A LITTLE WORRIED
CHAPTER 13 - ZOOLOGY
CHAPTER 14 - THE MASTER MIND
CHAPTER 15 - A FATHER'S LOVE
CHAPTER 16 - ORGANIZATION OF PEACEMAKER
CHAPTER 17 - BUSTED
CHAPTER 18 - AGREED
CHAPTER 19- CONTRACT AND CONDITIONS
CHAPTER 20 - THE WORLD HE BELONGS
CHAPTER 21 - WELCOME PHONE
CHAPTER 22 - KEEP LIVING
CHAPTER 23 - LUCID
CHAPTER 24 - BEAUTY IN BLACK
CHAPTER 25- JELOUS
CHAPTER 26 - UNDER THE GLASSES
CHAPTER 27- HYDRATED
CHAPTER 28- GALAXY IN HIS EYES
CHAPTER 29- SNEAK OUT
CHAPTER 30 - SEASON FINALE
SPECIAL CHAPTER - DYTHER ICEXEL QUIGLEY ELCANO
CHAPTER 31- SEASON 2
CHAPTER 32 - ABDUCTED
CHAPTER 33 - THE OFFER
CHAPTER 34 - ONCE AN ANGEL
CHAPTER 35 - HOME
CHAPTER 36 - VERNIX
CHAPTER 37 - PARTNERS IN CRIME
CHAPTER 38 - PROJECT EXTERMINATION
CHAPTER 39- THE TRIAL
CHAPTER 40 - RUMORS UNLEASHED
CHAPTER 41 - SOMEONE'S FRUSTRATED
CHAPTER 42 - LEAVE HER ALONE
CHAPTER 43 - ADIOS
CHAPTER 44 - DO THEY BELIEVE ?
CHAPTER 45 - HEADACHE
CHAPTER 45.2 - HEADACHE AGAIN
CHAPTER 46 - BROTHERS
CHAPTER 47 - RAIN HARD
CHAPTER 47.2 - STILL RAINING HARD
CHAPTER 48 - CONFRONTATION
CHAPTER 49 - LONG AWAITED REUNION
CHAPTER 50 - CANDLE
CHAPTER 51 - STRANGE
CHAPTER 52 - MISUNDERSTANDINGS
CHAPTER 53 - BEHIND THE WHITE MASK
CHAPTER 54 - THE GLOOM THAT BLOOMS
CHAPTER 55 - BEFORE THE AUCTION
CHAPTER 56 - SIMPLE PLAN
SHORT CHAPTER - GALILEO ARTHFAEL MARCHESE
CHAPTER 57 - SMOKE
CHAPTER 58 - UNDER THE SHADOW
CHAPTER 59 - NIGHT BEFORE THE BOMB
CHAPTER 60 - FORMAL VISIT
CHAPTER 61 - BATTLE GROUND
CHAPTER 62 - COMMUNITY WAR II
CHAPTER 63 - OUT OF SIGHT
CHAPTER 64 - A PROMISE MADE TO BE BROKEN
CHAPTER 65 - HOMELESS
CHAPTER 66 - ONCE A TRUCK DRIVER
CHAPTER 67 - STABBED
CHAPTER 68 - WITH A KNIFE

CHAPTER 1 - KNOCK KNOCK

15.9K 525 145
By VictoriaGie

ASHARI'S POV

Ngumangata ako ng Chicharon ni Mang Juan habang nakadapa sa kama at kukuyakoy ang paa.

Yesss! Heaven ang feeling, walang pasok dahil may teacher's conference. At anong ginagawa kapag walang pasok?

Manonood ng kdrama at anime YEYY! Iyong mga assignment at take home activites? Sus, easy lang mangopya, matatalino naman mga kaklase ko.

"Ihhhhh kilig si akuuu!" ihh ang arti ku, bakit kasi ang pogi ni papa Cha Eun Woo dito sa True Beauty. Kilig to the bones tuloy tumbong ko. "Kyaaaaahhh!"

Sa sobrang kilig ko sa kagwapuhan ni Cha Eun Woo, gumulong gulong ako sa kama. Hindi ko na naramdaman na pumasok pala si Tatay sa kwarto ko.


"Hoy babae!" sabay binato niya ako ng unan sapol tuloy ako sa mukha.

Pinause ko ng mabilis ang pinanonood ko at masamang tumingin kay Tatay. "Bakit ba!?" sigaw ko sabay dampot sa unan na ibinato niya sa akin! Ibabato ko din sa kaniya 'to, lintik lang walang ganti!


"Sige subukan mong itapon 'yan sa akin ikaw itatapon ko sa imbornal diyan sa gilid!" pananakot sa akin ng magaling kong ama. Sumalampak ako sa higaan, sumimangot ako at inirapan siya.

"Anong oras na, alas onse na ng gabi tili ka pa ng tili diyan. Para kang naipitan ng pekpek."


"Bastos talaga ng bunganga mo tatay!" lalo akong sumibangot. Ayan, diyan ako sa tatay ko nagmana, balahura bunganga.

"Matulog ka na! Hindi ako makatulog sa ingay mo e, maaga pa akong ba-byahe bukas tatlong araw akong wala."

Delivery truck driver kasi si Tatay. Kaming dalawa nalang dito, wala na si Nanay e. Love na love kasi siya ni Lord kaya kinuha agad siya ng maaga.

Itong tatay ko ewan ko kung sino may love dito. Haba ng buhay e. Imagine araw araw pa 'yang bumabyahe ha, si kamatayan na nahiya sa kaniya kasi never pa siyang na-aksidente.

"Edi bumyahe ka lang, papaalam pa e lagi din naman ikaw wala."

Duh, minsan nga isang buwan yan di umuuwi sa bahay. Nasanay na din ako noh. Kayang kaya ko ng mabuhay mag-isa, pero syempre susustentuhan pa din niya ako dapat. Ano ako, maagang maghahanap buhay? NO WAY! Sarap kaya manood ng kdrama.

"Wala ka talagang kwentang anak! Sabihan mo man lang sana ako ng 'Ingat ka tay ha'. Wala ka talagang pusong bata ka! Ginigigigil mo ko e!"

Ewww, cringe! Nagbaby voice pa siya sa 'Ingat ka tay ha. YUCK! AS IF SABIHAN KO SIYA NG GANON.

"Sige na sige na! Shooo alis na, matutulog na ako!"

Pinandilatan lang ako ng mata ni Tatay. Pag ganon ibig sabihin, nagbabanta na siya na matulog na talaga ako.

Tumango tango ako. Shooo! Alis na!

Isinara na ng tatay ko ang pinto.

Nagbilang ako ng tatlo kasi baka mamaya bumalik nanaman e.

Isa, dalawa, tatlo....YES!!!!


Hindi na bumalik tatay ko. Anong ginagawa ng mababait na anak pagkatapos sabihan ng magulang na matulog na???

Syempre manonood pa din ng kdrama HAHAHA!

Akmang babalik na ako sa panonood ng bigla nanamang pumasok sa kwarto ko si Tatay.

Mabilis pa sa alas kwarto na nagtalukbong ako ng kumot para kunwari tulog na talaga ako.

"Oi Ashari huwag kang plastic, alam kong gising ka! Ipagluto mo nalang ako ng babaunin ko bukas kaysa nagpapanggap kang tulog diyan."


Inis na bumangon ako. "Anong oras na paglulutuin mo pa ko? Anak mo ako, hindi katulong!"


"E kesa manood ka diyan, sige na bilisan mo na ng may magawa ka namang tama!"

Kapag nagpaluto na ang tatay ko, wala na akong kawala kasi hindi niya ako titigilan hanggat hindi ako bumabangon.

Kung bwisit ako, mas bwisit talaga tatay ko. Walang tatalo sa kasamaan ng budhi niya!

---

Lahat na ng pwede kong ibagsak kalabog dito sa kusina ginawa ko na!

Maliit lang ang bahay namin kaya magkatugon ang kusina at salas. Kung gaano kalakas ang pagdadabog ko dito habang nagluluto, mas malakas naman ang sounds ng tv ng magaling kong tatay.


"Hoy akala ko ba matutulog ka na, bakit nanonood ka pa ha?" ibinagsak ko ang kaldero.

"Binabantayan kita! Atsaka manahimik ka nga, nanonood ako ng balita."

Kita mo? Balita na ng pang alas dose ng gabi tapos ako nagluluto pa din dito? Ibinagsak ko naman yung kawali. Kung hindi ko lang siya tatay ibabato ko talaga sa kaniya 'tong kawali na hawak ko.

Natapos ko na ang pagluluto sa wakas. 'Yung magaling kong ama nanonood pa din.

Lumapit ako sa kaniya para sabihing "Tapos na, initin mo nalang bukas bago ka umalis."

Nagsenyas naman siya na pwede na akong lumarga. Umirap ako.

Aalis na talaga sana ako ng bigla akong mapukaw ng balita sa pinapanood ng Tatay kong kinulang sa aruga at pagmamahal.

"BREAKING NEWS: IPINAGHAHANAP NG AUTORIDAD ANG BATANG LALAKI NASA LARAWAN. SIYA AY SI GALILEO ARTHFAEL MARCHESE, "GALI" FOR SHORT, DALAWANG TAONG GULANG. PINAPANIWALAANG SIYA AY NAKIDNAP FOR RANSOM. LIMANG DAANG MILYONG PABUYA ANG IBIBIGAY SA KUNG SINO MANG MAKAKAPAGBALIK NG BATA."

Nanlaki ang mata ko sa pabuya.

"LIMANG DAANG MILYON? WOWWW! ANG YAMAN NG MAGULANG NG BATANG 'YAN HA!" nagningning ang mata ko sa pabuya.

"Gaano ba ka-espesyal yang batang 'yan? Naka national TV pa talaga."- tatay ko


"True, samantalang ako nung nawala ako nung bata ako sampong flyer lang tapos nakaxerox pa."

Nawala kasi ako nung bata ako mga 5 years old siguro ako non. Pinaghanap naman ako ng tatay ko, nagpaxerox siya ng flyer, sampong piraso ganern.

"Pasalamat ka nga pinaghanap pa kita."

Kita mo?

Ganyan kagaling ang tatay ko!

Parang kasalanan ko pa na ipinanganak ako dito sa mundo noh. Edi sana ipinutok nalang niya ako sa kumot! Kaka-inis!!!!

"Bwisit ka talaga kahit kaylan. Kapag ako nagkaroon ng isang daang milyon, lalayasan talaga kita! Hinding hindi na ako magpapakita sa'yo kahit kaylan!"

Inirapan ko ang tatay ko bago lumayas at padabog na bumalik sa kwarto.

Dahil nabwisit ako, magdamag akong nag kdrama marathon.


Napuyat ako.

Kinabukasan, wala pa sana akong balak na bumangon kaso may katok ng katok sa pinto! Ang ingay leche.

Anong oras na ba?

Ala una na ng tanghali, sino naman kakatok sa bahay ng ganitong oras?

Aish!

Ingay ingay bwiset! Kung si Cha Eun Woo sana 'tong kumakatok edi sana happy kaso puputi muna uwak bago mangyari 'yon.

Ang sakit pa ng ulo ko, pati mata ko parang luluwa. Daig ko pa umiyak ng isang linggo. Ayan, kdrama pa more ha!

1 pm na, hindi pa ako nag-uumagahan, tanghalian. Kumakalam na sikmura ko. 'Yung mga ganitong gutom yung nakakapang dilim ng paningin e.

Badtrip pa dahil ang gumising sa akin e yung walang tigil na kumakatok sa pinto ng bahay. Wala nga ako sa mood kaya tamad na tamad kong binuksan ang pinto.

Sino ba yung katok ng katok? Kanina pa ayaw tumigil!

"May katok ka ba sa utak at ayaw mong tumigil sa kakakatok ha?" singhal kong bungad pag bukas ko ng pinto!

Nagkunot ako ng noo ng makita na wala namang tao. Wala ni ha ni ho, kahit anino missing in action.

Agad kong kinalikot ang tenga ko, may mga tunog yata akong naririnig na hindi ko dapat marinig ah.

Multo ba 'yon?

Minumulto ako?

Tanghaling tapat?

Ashari patawa ka sa sarili mo noh?

Umiling ako at kinumbinsi ang sarili ko na walang multo kasi tanghali palang. Sinong multo ang tanga na mananakot sa ganitong ka-init ng panahon? Pero sabagay, pwedeng nag migrate na dito yung mga multo dahil napagkamalan na nilang impyerno dito sa sobrang init!

Isasara ko na sana ang pinto at papasok na sana ako sa loob ng bahay ng biglang may maliliit na kamay ang humawak sa dulo ng short ko.

Dahan dahan kong ibinaba ang tingin ko.

Susginoo!

Halos himatayin ako ng makita ang isang gusgusing bata na may bitbit na nangungutim din na teddy bear! Akala ko chanak, sisigaw na sana ako sa takot e buti nalang naamoy ko siya agad. Amoy imbornal!

Nahulog ba'to sa kanal?

"Hoy bata sino ka? Maligno ka ba?" tanong ko sa kaniya. Hindi niya ako sinagot, naka-angat lang siya ng tingin sa akin.

Nagtitigan kaming dalawa ng bata. Mukha siyang dalawa o tatlong gulang palang. Nasaan ba magulang nito? Bakit ganyan itsura niya? Ang baho na nga, ang dungis pa. Kahit sampong safe guard yata ibuhos dito hindi pa din e-effect e.

At higit sa lahat, bakit sa dinami dami ng bahay dito sa bahay pa namin 'to kumatok? Mukha bang welcoming bahay namin ng mga batang uhugin at gusgusin?

Nakipagpaligsahan ng titig sa akin yung bata! Sinamaan ko naman siya ng tingin.

Shooo! Umalis ka na!

Wala akong ipangpapakain sa'yo!

Bawal uhugin dito!

Ayaw magpakabog sa titigan ha!

Papalayasin ko na siya dahil bukod sa mukha siyang chanak e mukha din siyang malas. Ayokong magpasok ng kamalasan sa bahay noh!

"Shoo alis!" sita ko sa kaniya sabay palis ng maliliit niyang kamay na nakakapit sa shorts ko.

Ewwww! Nahawakan ko yung imbornal!

Humikbi naman 'yung bata at umiyak na nga! Wow umiiyak pala ang mga chanak?

Itutulak ko na sana siya paalis ng bigla niyang yakapin ang tuhod ko sabay sabi ng...

"Mamhaaaaaa!" bulol pa.

Wala na! Finish na, 'yung legs ko panay kanal na! YUCKKK!

18 na ako pero kapag ganitong puyat ako, pumapatol ako kahit batang hindi pa ipinapanganak, kahit batang sperm cell at egg cell palang papatulan ko talaga!!

MAMHA? As in MAMA WITH LETTER H?

MAMA NIYA MUKHA NIYA!

Kelan ako nagkaanak, bakit hindi ako nainform? Nung umire ba ako ng tibe years ago, hindi ba tae nailabas ko? Bata ba ha?

Jowa nga wala ako! Virgin pa ako kaya MAMA NIYA MUKHA NIYA!

SINO BA MAGULANG NITONG CHANAK NA'TO HA? ISUSUPALPAL KO LANG SA KANIYA ANAK NIYANG AMOY IMBORNAL!!

Aanak anak mga di naman kayang alagaan! Manong gumamit ng condom kung wala naman palang planong alagaan yung anak nila. Libre na nga lang sa DOH 'yung condom hindi pa sila makahingi?

Diring diri ako habang nakatingin sa tuhod ko na punong puno na ng labak. Nakayakap pa din sa akin yung batang gusgusin. Ewwwww! Yuckkk! Feeling ko ang dumi dumi ko na!

Pilit kong tinatagan ang loob at pagkatao ko. Nandidiri kong hinila sa damit 'yung batang gusgusin para ilayo siya sa tuhod ko.

"Mamhaaaa." nagpumiglas siya nung naramdaman niya na hinhila ko siya palayo sa akin. Arrgghhh! Masasakal ko na'tong batang 'to! Ang liit liit ng boses, nakakarindi sa tenga. "Mamha ayaw alis."


Lalo pang yumakap sa akin! Bwisit naman! Sa sobrang inis ko na sa chanak na'to, kahit labag sa kalooban ko, ginamit ko na ang dalawa kong kamay para buhatin siya sa bewang at ilayo sa akin!

Akala niya bubuhatin ko talaga siya kaya kumawala siya sa pagkakayakap niya sa tuhod ko. Ha! Akala mo lang 'yon, neknek mong chanak ka!

Mali ka ng taong nilapitan.

Bwisit ako at aminado ako doon. Wala akong bait sa katawan kaya sorry nalang sa'yo! Hmpf.

"Hindi ako mama mo! Umalis ka na shoo!" pagkababa ko kay chanak, mabilis pa sa kisap mata na nagsara ako ng pinto.

Kumaripas din ako ng takbo papunta sa CR! Maliligo na ako, ang bantot ko naaa! Bwisit kasi 'yung chanak na'yon e.

Matagal akong naligo. Kinuskos ko talaga lahat ng bahid ng chanak na'yon sa katawan ko. Kahit mamula na'tong tuhod ko wala akong pake.

Happy happy na akong lumabas ng masiguro kong germ free at amoy fresh na ako. Pinupunasan ko pa ng tuwalya ang buhok ko at pinag iisipan ko na kung ano ang isusunod kong ima-marathon na kdrama.

Hmmm, sabi nila maganda daw 'yung MR. Queen. Sige, yun na panonoodin ko.


Dumiretsyo ako sa kusina para maghanda ng pagkain. AlTangHap ko na'to (Almusal, Tanghalian, Hapunan). Ininit ko lang 'yung natirang adobo na niluto ko pa kaninang madaling araw.

Susubo palang sana ako ng pagkain ko ng biglang marinig ko nanaman 'yung katok with matching... "Mamha, bukas pinto ikaw."

Nanlaki butas ng ilong ko!

"Hindi pa din umaalis 'yung chanak don?" aish! Ang tagal ko na nga sa CR, halos isang oras ako mahigit doon. Akala ko paglabas ko wala na siya.

Nakaka-inisss!!!

Bahala siya diyan, manigas siya kakakatok niya. Hinding hindi ko siya papapasukin sa bahay kahit umulan kumidlat bumagyo pa, wala akong pake--



"AY KULOG KANG MAHABAGIN SA CHANAK!"

Nagulat ako at kamuntik pang ma-itsya ang plato ng biglang kumulog ng malakas.

Agad akong napatingin sa labas ng bintana. Nge, bakit biglang kumulimlim? Parang ang init lang kanina ah.

Sabi na e, sinusundo na ng mga masasamang elemento yung chanak sa labas kaya biglang nagkaganyan ang panahon.

Char, alam ko naman na uulan talaga ngayon, narinig ko sa balita na pinapanood ni tatay kagabi. Kaya nga sobrang init kanina e kasi biglang bubugso ang ulan.

Speaking of ulan, bumagsak na ang malakas na ulan. As in sobrang lakas na nakakabinge na 'yung tama nito sa yero.

"Mamhaa. Mamhaaa!" may narinig akong sigaw na halos parang pabulong na dahil nasasapawan ng malakas na tunog ng ulan.

Umihip pa ang malakas na hangin. Sumabay pa yung kulog na may kasamang kidlat.

"Mamhaaaaaa!" palahaw na iyak nung chanak sa labas.

Ahhh iyakin belat!

Kumakain ako ng adobo, huwag mo akong gambalain!

"Mamhaa takot ato!" pahina na ng pahina yung boses nung chanak sa labas. Bulol pa nakakairita!

Paubos na din naman ng paubos 'tong adobo with rice ko. Palakas din ng palakas ang ulan, hangin, kulog at kidlat.

"Mamha pasok ato, behave ato primise."

Nakatitig lang ako sa plato ko na wala ng laman. Bakit ba ayaw tumigil ng chanak na'yon? Sinabi hindi nga ako Mama niya e!


"Mamhaa plit, takot na ato--"


Inis na tumayo ako at dimiretsyo sa pintuan. Binuksan ko iyon at halos maligo ulit ako sa lakas ng ulan na dala ng hangin na pumapasok dito sa loob.

Ganito pala kalakas ang ulan sa labas?

Ibinaba ko ang tingin ko kay Chanak.

Basang basa na siya at nanginginig na. Inaanod na nga yung mga putik at dumi niya sa katawan dahil sa sobrang basa siya.

"Mamha." mahina niyang bulong habang nanginginig sa ginaw.

Napakagat nalang ako sa labi ko bago ko siya binuhat papasok sa loob ng bahay. Naramdaman ko na yumakap siya sa leeg ko at ibinaon ang mukha dito.

"I yab (love) you, Mamha" bulong niya sa akin.

Aish, ang bantot pa din niya! Lalong nanapak amoy niya ngayong buhat buhat ko siya.

Hays, ayan na Ashari, nagpapasok ka na ng Chanak sa bahay mo. Ano na ngayon mangyayari huh? Kapag ikaw talaga minalas, ewan ko nalang!

Continue Reading

You'll Also Like

695K 7.9K 37
- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso ang kailangan. ‼️mature contents; read at...
3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
134K 11K 51
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...