Fix Marriage With My Enemy (L...

By Ayanna_lhi

25K 857 24

Rona Serene or Rose is a daughter of a famous business tycoon in the country. Despite being the rich girl eve... More

Yanna Hearts
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
AUTHOR'S NOTE
VALENTINE'S SPECIAL

CHAPTER 19

421 15 0
By Ayanna_lhi

CHAPTER 19 | Okay |

Nakaya kong pumasok sa school noong Biyernes para suportahan ang mga kaibigan ko. They supported me during my performance kaya dapat naka-suporta rin ako sa kanila.

Funny how everything change in an instant, kahapon lang ay masayang masaya pa ako habang kumakanta sa taas ng stage na 'yan. But yesterday also was the worst day of my life.

Siguro nga matagal na akong manhid, matagal na akong nagpapanggap na ayos na ang lahat, nasanay na ako sa mga sinasabi nila kaya madali na lang sa 'kin na gawin 'to.

They say experience molds the person to become who she will be today. I was molded with bullying, stereotyping, rascality, and envy. And I guess those negative things thrown at me molded me to become a strong person like this. To become who I am today.

Kahit papaano proud ako sa sarili ko ngayon, kasi nakaya ko ang lahat ng 'yon. Despite of the things they threw me, I grew up humble and patient.

Pero siguro talagang nauubos ang pisi ng tao, pagod na ako. I'm tired pleasing everyone and proving myself to them. Wala na akong pake sa ibang tao ngayon. All I cared right now are the people who loves me, sila lang ang tunay na nakakaintindi sa 'kin kahit na hindi ko ipaintindi ang sarili ko sa kanila.

I don't need to please everyone, sa dami ng population sa campus na ito My two best friends are more than enough, wala na akong pake sa iba. Pagod na akong intindihin sila at ang mga makikitid nilang utak.

I learned to stay humble before, but after what happened yesterday? I learned to hate the people who hate me. My mother is right, masama ang maging sobrang mabait.

I cheered for my two best friends while they are singing on stage. Kung lumala man ang mga pagpaparinig nila sa 'kin, mas lalo naman akong naging manhid. I realized na wala na talaga akong magagawa sa kanila at bahala na sila kung 'yon man ang tingin nila sa 'kin.

"Desperada, alam mo bang si, Prine ang crush niyan?"

"Nabalitaan ko nga, ang sabi ay in-announce raw niya sa buong campus. Grabe ang kapal ng mukha."

Dumaan lang ako sa harap nila na para bang hangin. Bumaba ang tingin ko sa nakakuyom na kamao ni Mae.

"Chill Babe, galit na galit, ah?" bulong ko sa kanya, nandito kami ngayon sa cafeteria. Si Lian ay naiwan sa classroom, nadapa siya kanina kaya siguro may naipit na ugat. Kumikirot ang paa niya kaya hindi siya makasama sa 'min. Nahihirapan siyang maglakad.

Malalim akong napabuntonghininga nang maalala na naman ang nangyari kanina.

Kanina ay nadapa si Lian, mabuti na lang at walang ibang taong nakakita bukod sa 'min at sa kaklase naming si Clark. We helped her out, na-sprain yata ang ankle niya kaya nahirapan siyang maglakad. Nag-alala ako sa kanya dahil nasugatan din siya.

Hawak namin siya ni Mae sa magkabilang braso habang paakyat ng hagdan kanina. Sakto naman ay pababa rin si Prine. Masikip ang hagdan sa building namin kaya tatlong tao lang ang kasya.

Nang makita ko siya ay agad akong nagpuyos sa galit, biglang nag-init ang pisngi ko. Pakiramdam ko ay biglang bumigat ang paghinga ko kaya inawang ko ang labi.

Dahil hindi makasingit si Prine, napilitan siyang umakyat ulit sa floor namin at hayaan muna kaming dumaan. Gusto kong matawa dahil inisip ko na maaasar siya sa pag-akyat niya pabalik. I chuckled bitterly, agad namang napatingin si Lian sa 'kin.

Minsan pang dumapo ang malamig niyang titig sa 'kin, sa irita ko ay nairapan ko siya. Buti na lang at hindi nakita nina Mae at ni Lian.

Nang makarating kami sa floor namin ay agad namang bumaba si Prine. Malamig kong sinundan nang tingin ang likod niya. My heart is beating so loud, I'm sure it's because of my anger.

"Prine ang pangalan niya 'di ba?" Lian asked, makahulogan niya akong tiningnan pagkatapos.

"Prinseson Monte Amis," Mae confirmed it, gaya ko ay may galit na rin ang titig niya. Napailing na lang si Lian sa 'min.

Sa dalawa, si Mae talaga ang galit na galit ngayon. Kay Lian, alam kong may galit din siya sa lahat nang nang-api sa 'kin but there's something in her mood today.

"Pagkatapos nito ay dederitso tayo sa office ng dean. Mag-re-report tayo." Napatingin ako kay Mae, ngayon ko lang napansin na nakatulala na pala ako habang binabalikan ang mga nangyari kanina.

She said that to me with authority, alam niya kasing hindi ako papayag. I know Mae is concerned about me, and I'm greatful for that.

"Mamaya na, unahin muna natin ang pagkain ni Lian," sagot ko na lang. May sarili akong problema pero inaalala ko rin si Lian. She have problems too, noong Biyernes ay nakakapagtaka ang bigla niyang pagkawala pagkatapos kumanta ni Mae. Palagi rin namin siyang naaabotan ni Mae na umiiyak noon.

Hindi namin alam kung anong problema niya dahil hindi naman niya sinasabi. Pangiti-ngiti lang siya pero alam kong may itinatago siyang problema. Gusto ko sanang mangulit at ibigay ang lahat ng makakaya ko para maging maayos siya. Kaso lang ay wala rin akong maibibigay sa kanya, miserable rin ako ngayon. Alam naming may problema ang isa't isa, at para sa 'min sapat na ang presensya ng isa't-isa kahit na hindi sabihin ang mga problema.

"Feeling masyado porquet mayaman, eh!"

"Sinabi mo pa!"

Malalim na bumuntonghininga si Mae. I called her again to warn her. Alam kong konti na lang ay sasabog na rin siya.

Pareho kaming pumila ni Mae para makabili na ng pagkain. To divert our topic I started a conversation.

"You know what? I think Clark has something with Lian?" I blurted out, matagal ko na rin iyong napapansin. Lagi ko kasing naaabotan si Clark na nakatitig kay Lian.

If he have feelings for my best friend ayos lang naman. Baka through him maka-move-on na si Lian sa ex niya.

"Napansin mo rin 'yon?" Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Mae.

Tumango ako sa kanya, "si Lian din kakaiba siya. Kapag nan'dyan si, Clark para siyang umiiwas? What do you think?"

"Ah, R-rose ano banyo m-muna ako?" Mae stuttered, I saw how her checks flushed. Namumula ito at sa itsura niya para siyang nakakita ng multo.
"Ay hindi pala kita pwedeng iwanan." Bawi niya kalaunan sabay iwas ng tingin, tumalikod siya at nagpalinga-linga. Para bang may hinahanap siya sa likod.

Kunot-noo ko naman siyang pinasadahan ng tingin. "If you need to go, it's fine. I'm fine Mae." Naisip kong masyado na akong nagiging pabigat sa kanila.

"Hindi pwede 'no!" Nagulat ako sa iritado niyang boses. Umiling ako dahil hindi ko siya maintindihan, humarap na lang ako sa harap ko. Napapansin ko ring kanina pa siya palinga-linga, kanina pa 'yan sa parking lot.

"Oh!" Nagulat ako nang makilala ko kung sino ang nasa unahan kong pila.

"Ah h-hi," nahihiyang aniya sabay tingin kay Mae na nakatalikod sa 'min.

"Salamat nga pala sa pagtulong sa 'kin noong Thursday. I didn't thanked you that day kaya thank you," I said to him, siya iyong kaibigan ni Mae na bumuhat sa 'kin para makawala ako sa eksenang iyon.

Nagkamot siya ng ulo at nahihiyang tumango. Tumingin ulit siya kay Mae.

"Una na kayo," aniya bigla. Nagulat ako nang bigla na lang siyang umalis sa pila. Weird?




"Ako na maghahatid niyan," presenta ni Mae. Ilang araw na rin ang lumipas simula noong incident pero hindi pa rin humuhupa ang chismis. Nag-report na kami sa dean and actions are taking by now.

"Ako na, ako ang inutosan 'di ba?" I told her, nautosan kasi ako ni, Ms. Brianna na ihatid sa faculty ang mga gamit niya. Ayaw pumayag ni Mae dahil mag-isa raw ako. Sa huli ay wala rin naman siyang nagawa.

I was alone walking in the hallway when I heard footsteps behind me. I didn't look at it, not interested who it was not until he called me by my name.

"Serene," Natigilan ako. Kilala ko ang boses na 'yon, it's from. . .  Prinson Monte Ames.

Hate and bitterness then filled my insides.





Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on IG:
@Ayanna_lhi

Continue Reading

You'll Also Like

344K 23.5K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1.1M 22.9K 33
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
2.7K 239 34
Isang koleksyon ng mga luhang pumatak. At mga tawa na sa damdamin ay tumatak. Hinabi't hinulma gamit ang titik ng berso. Upang ilahad kung gaano ka...