Serendipity

By injeelll

3K 263 6

[Completed] Kiana Fortunato, a young woman who sees her own life as an unfortunate life will fall in love to... More

SERENDIPITY
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Serendipity

Chapter 29

61 5 0
By injeelll

Tears...

"Kiana, answer me..."

Tipid akong ngumiti saka tumango. Bahagya ko pang inilayo ang sarili ko sa kaniya dahil kung may nasaktan man ay nasisiguro kong siya 'yon.

"Are you hurt?" Muling tanong niya.

"I'm fine. You should worry about yourself,"

"I'm okay."

Hindi ko siya pinakinggan at tinignan ko ang buong katawan niya. Bumalot ang labis na pag-aalala sa puso ko nang makita ang dumudugo niyang braso. He probably got this when he tried to save me earlier.

"Archer, thank you..." nakangiting sabi ko sa kaniya pero nanatili ang seryoso niyang tingin sa'kin.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya palabas ng kwarto. Hindi ko inalintana ang hiyang nararamdaman ko dahil mas higit ang pag-aalala at pasasalamat ko ngayon kay Archer. Hindi rin naman siya nagsalita at hinayaan lang akong hilahin siya.

Pumasok kaming dalawa sa loob ng kwarto ko. I left the door open saka siya pinaupo sa kama.

"Kia..." marahang tawag niya sa pangalan ko kaya naman ngumiti ako.

"Dumudugo yang braso mo. May dala akong first aid kit kaya maupo ka muna dito at kukunin ko lang 'yon sa bag ko, okay?"

Nang makabalik ay marahan akong naupo saka kinuha ang braso niya. Medyo malaki ang sugat niya pero sa tingin ko naman ay hindi 'yon sobrang lalim.

Walang naglakas ng loob na magsalita sa pagitan naming dalawa. Ramdam ko ang tingin niya sa'kin pero minabuti kong mag focus sa paggagamot ng sugat niya.

"Why did you do that?" I asked.

"Did what?"

Saglit akong nag-angat ng tingin sa kaniya saka muling binalik ang tingin sa braso niya.

"Why did you tried to save me? You should've just let me there. Tignan mo, nasugatan ka pa tuloy."

"Can't you just thank me, Kiana?"

Bahagya akong natawa dahil nahimigan ko ang bahagyang inis sa boses niya.

"I already did but again, thank you. I wasn't expecting that, but don't do that again next time."

Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.

"Why?"

"I don't want to worry about you,"

"You always worry about me, Kiana."

I smiled at him dahil sa sinabi niya. Atleast, alam niyang palaging may ako na nag-aalala sa kaniya.

"Exactly. I already worry too much about you, so don't ever get into situation that will make me worry more than i worry about you now. Even if it's just a simple cut or scratch, everything about you makes me worry, so please be careful..."

"I did that to protect you. Masasaktan ka kapag hindi ko ginawa 'yon and it's just a cut. Nothing to worry aboutm"

"Hindi ko kailangan ng proteksyon mo, Archer."

Ramdam kong natigilan siya dahil sa sinabi ko kaya naman binilisan ko na ang paggagamot sa sugat niya saka tumayo.

Inangat ko ang kamay ko saka ginulo ang buhok niya. Ngumiti pa ako nang matamis dahil seryoso pa rin ang tingin niya sa'kin hanggang ngayon.

Everything about you worries me, Archer. I care about you more than i care for myself that's why you should always take good care of yourself.

Lumabas ako ng pintuan saka bumaba. Sakto namang mukhang papaakyat si Manang Flor kaya nginitian ko siya.

"Mabuti naman at pababa ka na, Kiana. Balak ko sanang akyatin kayo dahil nakahanda na ang hapunan niyo."

"Maraming salamat po, Manang Flor"

"Wala yon! Nako at nasaan si Archer? Aba'y noong pagkarating dito at narinig ka naming sumigaw ay dali- daling tumakbo paakyat at hindi ko na naabutan dahil mahina na ang tuhod ko! Ano nga ba ang nangyari sayo at sumigaw ka?" Nag-aalalang tanong niya.

"I just went to the storage room. Nakakita po ako ng ipis kaya napasigaw ako sa gulat. By the way, pwede po bang may pumunta dito na lalaking tauhan bukas? Delikado po kasi sa storage room kasi hindi nakaayos lahat ng gamit and yung mga hindi dapat nasa taas ay doon nakalagay. It may cause accident po."

"Gano'n ba? Sige at bukas na bukas din ay ipaaayos ko 'yon. Ayos ka lang ba? Nasaan na si Archer at ikaw ang kanina pang hinahanap no'n."

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Aaminin kong natuwa ako pero naalala kong ako lang naman talaga ang hahanapin dito ni Archer.

"Ayos lang po ako. Archer is probably on his room po and just changing his clothes. Pababa na rin po 'yun."

"Mabuti naman kung gano'n. Ayos lang ba kung mauuna na akong umuwi? Kailangan ko pang magluto sa bahay dahil kauuwi lang ng mister ko." Nag- aalinlangang paalam niya kaya naman tumango ako at ngumiti.

"Oo naman po. Salamat po ng marami sa tulong. I'll just let Archer know po..."

"Salamat, Kiana. Tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka at nandyan lang naman ako sa kabila. Pasensya na talaga!"

"It's okay po. Don't worry about us dahil kaya ko na po 'to. Magpahinga na lang po kayo and have a good night."

Ngumiti siya nang malaki saka tinapik ang balikat ko.

"Maraming salamat, Kiana!"

Nang makaalis siya ay saktong baba naman ni Archer. Seryoso pa rin ang mga mata niya kaya naman nginitian ko siya.

"Upo ka na. Nagpaalam na si Manang na uuwi kaya pinayagan ko na."

Tumango lang siya sa'kin saka dumiretso sa upuan niya. Nagsimula siyang magsandok ng sarili niyang pagkain kaya naman gano'n din ang ginawa ko.

"How's your day?" Masaya kong tanong.

Saglit lang siyang nag-angat ng tingin sa'kin saka muling ibinalik ang tingin sa pagkain.

"It's fine." he answered.

Lihim akong napangiwi.

"Did something happened?" Muling tanong ko pero lumipas ang ilang minuto at hindi niya ako pinapansin.

"Kumusta na nga pala ang paghahanap mo kay Celine? Is there any progress?" Dahil sa naging tanong ko ay agad niya akong tinignan.

"I just want to ask kung may lead ka na kasi si Keifer and Symon ay wala pa rin until now. I know how hands on you are to the search, so baka meron ka ng lead." i explained.

"There's still none. May lead man ay palaging hindi naman siya 'yon." Malungkot na sabi niya kaya naman kumirot ang puso ko.

I know how devastated he was when he heard the news that Celine is gone. Alam kong disappointed siya ngayon dahil palaging wrong information ang nakukuha niya.

"Archer..." tawag ko sa kaniya.

"I'm still going to find her, Kiana. No one can stop me, not even my own parents and specially not you."

Nasaktan ako dahil sa sinabi niya kaya naman agad akong napatungo. Lihim kong pinunasan ang butil ng luhang pumatak mula sa mga mata ko saka nakangiting nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Hindi naman kita pipigilan. Wala ako sa posisyon para pigilan ka at alam mong suportado kita sa kahit na anong desisyon mo, but can you please answer my question? Ano ba talagang nangyari between you two? I heard that you two already broke up even after she went missing, but you still didn't confirmed it yourself."

Kinakabahan ako dahil baka magalit siya sa tanong ko pero hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Gusto kong malaman kung ano ba talagang nangyari at nagkaganito silang dalawa.

Ibinaba niya ang hawak na kutsara at tinidor saka diretsong tumingin sa mga mata ko. Agad akong nag- iwas ng tingin dahil hindi ko kayang labanan ang mga tingin niya.

"Celine and i had a huge fight and she broke up with me. I let her because i know that she's mad at me. I actually didn't know what was the real reason why she's mad. Maybe because she's pressured about our marriage," pagkukwento niya kaya naman nanlaki ang mata ko.

"Pinipilit ka na ba niyang pakasalan siya?"

"No, she didn't want us to get married yet. We agreed that we're still young and have a lot of dreams to achieve. Hindi naman kakulangan para sa relasyon naming dalawa kung hindi pa muna kami makakasal. She's just telling me about her thoughts to our marriage. She doesn't want our parents to get involved."

"Eh, bakit napunta sa hiwalayan?"

"Even though i agreed with her, i said that if her parents really want to get us married, then i can always say yes if that's what she wants also. If she's ready to get married then-"

"You'll marry her too..." pagtutuloy ko sa sasabihin niya.

Hindi na siya nagsalita pang muli kaya naman mapait akong napangiti sa sarili ko.

Tahimik na lang naming pinagpatuloy ang pagkain. Hindi ko na nagawa pang kausapin siya dahil pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko.

Siya na rin ang hinayaan kong mag linis dahil masiyadong mabigat at masama ang loob ko.

Nang makapasok ako ng kwarto ay nanghihina akong napaupo sa sahig. Inilock ko ang sarili ko sa loob at lihim na nagdasal na sana ay soundproof ang bawat kwarto.

Pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko dahil sa sobrang sakit. Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin para mawala na ang nararamdaman ko para kay Archer. Malinaw naman kasi para sa'kin kung sino talaga ang mahal niya at balak niyang pakasalan.

Hearing him saying that he's really going to marry Celine breaks my heart. Akala ko tanggap ko na. Akala ko ayos lang dahil alam ko at kuntento na ako sa posisyon ko sa buhay niya, but it always feels like hell. Ang sakit sakit isiping minamahal ko yung taong wala naman akong chance na magustuhan din.

I'm spending my time taking care of the man who wants to be taken care by another woman. Hindi ko na alam kung dapat ko na ba talagang kaawaan ang sarili ko. There are people who's willing to love me and spend their lifetime with me, yet i'm here and loving stupidly the man that i can never have.

Mahina akong napahagulgol. Tinakpan ko ang bbig ko dahil ayaw kong makagawa ng kahit na anong ingay. Ang sakit sakit ng puso ko pero wala akong makausap. Gusto kong maglabas ng hinanakit ko pero kanino?

The only person whom i can think of telling all my problems is the person that i can also hurt. Wala akong kasama sa mga oras na 'to kaya naman sinasarili ko lang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Kung kaya ko lang, gagawin ko ang lahat para mapasa'kin si Archer. I can risk everything, all of me, just to have him, but i just can't. Masiyado ko siyang mahal para angkinin ko siya. Masiyado ko siyang mahal para ipagkait sa kaniya yung kasiyahan niya. And Celine, she's almost like a sister to me kaya hindi ko kayang gawin 'yon.

If only Celine had been a bad girl to me, baka pwedeng ginawa ko na ang lahat ng posibleng paraan para mapasa'kin si Archer, but she isn't. She's never mean to me that's why all i could think off is being happy for them both. Wishing for their happiness even if it hurts me a lot.

Masakit makitang yung taong gusto ko ay pinapangarap ang ibang tao. Hindi ko magawang magreklamo dahil wala naman akong karapatan. Hindi ko siya magawang sumbatan dahil kasalanan ko naman kung bakit ko 'to nararamdaman.

The first time i saw him, i already knew that i like him. When i got to know him, i should've just kept my distance away from him. When i still have time and control over my feelings, i should've not looked only at him so that i wont fall in love with him.

Sana una pa lang ay ginawa ko na ang lahat para maiwasan 'to. Sana una pa lang ay umiwas na ako. Sana ay pinigilan ko. Sana ay hindi ko na hinayaan pang lumala at umabot sa ganito.

But what can i do now? It's over. I've already fallen in love with him. If only i could back out, i will gladly do it because loving a person is very tiring. It's like swimming in the atlantic ocean without a lifevest on.

Panay ang punas ko sa mga luha kong walang kapagurang tumutulo. Bawat patak ng luha ko ay simbolo ng pagmamahal ko kay Archer. I feel like while giving love for him, i'm losing my love for myself. Habang bigay ako nang bigay sa kaniya, unti-unti naman akong nauubusan.

Now, i finally get it why some people are afraid to love. When you love, you always give your all. You won't stop until you realized that you have nothing left for yourself anymore.

Pero gayunpaman, hindi pa ako handang bitawan ang pagmamahal ko para kay Archer. Bobo at tanga na ako sa pagiging martyr pero kahit masakit ay hindi ko magawang bumitaw.

Hindi ko magawang bumitaw kasi palihim pa rin akong pilit na kumakapit dahil pakiramdam ko ay may ilalaban pa ang pagmamahal ko para sa kaniya. Ilalaban sa paraang ako lang ang nakakaalam at nakakaramdam.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kakaiyak. Ni hindi ko na nga nagawang umabot pa sa kama ko dahil masiyado na akong napagod sa kakaisip at sa emosyon na naramdaman ko.

Gusto ko ulit bumalik sa pagtulog dahil kahit saglit ay natatakasan ko ang sakit pero hindi pwede. I should face him. Hindi naman niya kasalanan kung nasasaktan ako dahil una pa lang, nandyan na at mahal na niya si Celine. Ang pagdating ko at pagpasok sa buhay nila ay hindi mababago ang katotohanang 'yon.

"We're going home tomorrow..." sabi niya matapos isarado ang huling pahina ng librong binabasa.

Tumango ako sa kaniya at ngumiti. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa libro. Pinilit kong kinondisyon ang sarili ko bago siya harapin ngayong araw dahil kung ano man ang pinagdaanan ko kagabi ay mananatili na lang 'yon sa loob ng kwarto ko kagabi.

Naramdaman ko ang pagtayo niya sa tabi ko pero nagpatuloy ako sa pagbabasa nang tahimik pero nagulat na lang ako nang kuhain niya ang libro ko at isara 'yon.

Gulat at pagtataka ang naging expression ng mga mata ko. I wasn't even able to asked because he is just standing right in front of me while smiling.

"Let's go..." nakangiting anyaya niya.

Hindi niya na ako hinintay pang makasagot at basta na lang akong hinila papalabas. Pumasok kaming dalawa sa loob ng kotse niya kaya naman mas kumunot ang noo ko.

"Archer, where are we going?" I asked.

Saglit niya lang akong nilingon saka nginitian.

"Harvest..." tanging sagot niya saka nagpatuloy sa pagmamaneho.

"Harvest? Ano bang sinasabi mo diyan?"

But he didn't answer my question. Pinagmasdan ko ang bawat dinaraanan namin at wala naman akong nakitang kung ano. Plain na lupain lang at mga simpleng bahay na nakatayo rito. Walang espesyal na makikita dahil puro lamang damo, but i was stunned when i saw where we stopped.

"What's this?" Nagtatakang tanong ko.

Hindi niya ako sinagot saka lumabas at umikot para mapagbuksan ako ng pintuan. Nagtatakang lumabas naman ako ng kotse niya. Binasa ko ang nakasulat sa malaking karatula.

"Happy Farm?"

"I told you, we're going to harvest." Kumindat pa siya sa'kin matapos sabihin 'yon. Ako naman ay naguguluhan kung bakit kailangan naming mag harvest.

Magkasabay kaming naglakad papasok sa loob. Unang tingin pa lang ay makikita ng napakalawak ng farm na 'to. Punong-puno ito ng iba't ibang klase ng makukulay na prutas. May ilan ding mga trabahante roon. Ang ilan ay nagdidilig, nagtatanim at namimitas ng mga prutas

"Mang Berting..."

Nilingon ko si Archer nang marinig siyang magsalita. Kausap niya ang kararating lang na matanda. Medyo mas may edad siya kay Manang Flor, sa tingin ko. Namumuti na ang mga buhok pero tulad ni Manang Flor ay magiliw din ito.

I see that he's wearing clothes a bit different from the others. Sa tingin ko ay siya ang katiwala ng farm na ito.

"Sir Archer!" Masayang bati ng matanda.

"Mabuti naman at nakabisita ka rito sa lugar natin at mukhang kasama mo pa ang napakaganda mong nobya!" Nakangiting turan ng matanda.

Nahihiyang ngumiti naman ako saka umiling "I'm not his girlfriend. We're just friends," pagtatama ko sa sinabi niya.

"Ganoon ba? Pasensya na at napagkamalan kitang nobya nitong si Archer. Kakaiba kasi ang dating niyong dalawa."

Nagtaka man ako sa sinabi niya ay mas pinili ko na lang na manahimik. Dahil sa mga taong nandito ay mas lalo lang akong umaasa kay Archer. Nakakainis!

"Mang Berting, this is Kiana. Can we roam around the whole farm? I just want to tour Kiana since it's her first visit here..." tipid ang ngiting paalam ni Archer.

Nilingon ako ng matanda saka nginitian nang malaki, "Nako, at oo naman! Kayo ay welcome na welcome rito anytime! Nabanggit na rin naman ni Sir Philip na darating kayo rito kaya ayos lang! Nako at ipinaghanda ko pa nga kayo ng sarili niyong basket kung sakaling wala kayong dala!"

"Thank you. Hindi na nga po kami nakapagdala dahil sa pagmamadali."

Nilingon ko si Archer at napangiwi. Siya naman kasi 'tong takbo nang takbo na akala mo ay isang kawatan na hinahabol ng mga pulis. Hindi makapaghintay!

"Maigi kung gano'n. Pwede niyong pitasin lahat ng gustuhin ninyo dahil panahon na rin naman nang pag- aani. Ma'am Kiana,"

"Po?" Gulat na tanong ko nang narinig kong tawagin ako ni Mang Berting.

"Ako si Berting. Maaari mo akong tawaging Mang Berting dahil 'yun na ang tawag sa'kin ng nakararami rito. Ako ang katiwala ng prutasan na ito. 'Wag kang mahihiyang pitasin lahat ng magustuhan mong prutas, kahit gaano karami. Sinisiguro ko sayong hindi ka magsisisi dahil kilala ang prutasan na ito na may pinaka matatamis at masasarap na prutas!"

Tumango ako kay Mang Berting at ngumiti. Natutuwa ako dahil napakagaan nang pagkausap niya sa'kin, "Maraming salamat po. Susulitin ko po ang pagbisita ko rito."

Muli siyang ngumiti sa'kin saka ibinalik kay Archer ang tingin, "Gusto niyo bang samahan ko pa kayo sa paglilibot o kayo na lamang na dalawa? May mga trabahador naman kayong madaraanan at pamilyar ka na rin sa lugar, Sir Archer."

"It's alright. We can manage, Mang Berting."

"Sige, kung gano'n ay ito na ang mga basket ninyo. Siguraduhin niyong mapupuno yan, ah?"

"Opo." sagot ko naman.

"Kung gano'n ay mauuna na ako sa inyo at sisilipin ko pa ang site..."

Habang tinatanaw si Mang Berting na papalayo ay kumunot ang noo ko.

"Site?"

"I was there yesterday. The owner of this farm, Philip, is my friend. I'm the head Engineer for that project." He explained.

"Sabi ni Mang Berting ay alam mo na ang daan. That means it isn't your first time?"

He nodded at me, "I usually visit this farm when i'm here. Their fruits are delicious and it's nice to get some freshly picked fruits. I once brought a basket of fruits for you, remember?"

Pilit kong inalala ang sinabi niya at nanlaki ang mata ko nang maalalang ilang buwan lang ang nakalipas ay dinalhan niya nga ako ng isang basket ng prutas galing sa business trip niya nga raw!

"Galing dito 'yon?" Gulat na tanong ko at tumango naman siya.

Agad akong napangiti dahil hindi ko makakalimutan ang lasa ng mga dinala niya sa'kin non. Sobrang sarap no'n kaya naman nasabi ko pa noon sa sarili ko na kapag nalaman ko talaga kung saan galing 'yon ay papakyawin ko lahat ng prutas!

"Then what are you waiting for? Lead the way!" Excited na sabi ko.

Kumunot ang noo niya dahil sa inasta ko kaya naman ngumiti ako nang malaki.

"Mang Berting said that we should get as many as we want. We should hurry up before it gets dark! Come on!"

Dahil sa pamimilit ko sa kaniya ay nagsimula na kaming mag harvest ng mga prutas. Naaaliw ako sa dami ng nakikita ko at halatang masasarap talaga. Malalaki at matitingkad ang mga natural na kulay. Nakadagdag pa sa tuwa ko ang masayang mga bati sa'min ng ilang farmers tuwing nadaraanan namin sila.

Tag-isa kami ni Archer ng basket pero madalas ay ako lang ang pumipitas. Hindi ko naman na siya inintindi dahil masiyado akong busy sa pagpitas. Sisiguraduhin kong mapupuno ko ang basket ko ng lahat ng klase ng prutas na nandito!

"Ano ba, Archer? Akin yan, e! Pumitas ka ng sayo!" Reklamo ko kay Archer matapos niyang kuhanin ang pakwan na kapipitas ko pa lang.

Nilagay niya 'yon sa loob ng basket niya kaya naman napasimangot ako. Ang laki kaya no'n!

"Ang daya mo naman, e!" Reklamo ko pa.

Nagulat naman ako ng pitikin niya ang noo ko. Seryoso siyang nakatingin sa'kin pero alam kong nag-eenjoy siyang asarin ako.

"Sayo pa rin 'to. Masiyado ng maraming laman ang basket mo at mabigat ang isang 'to kaya ilagay mo na lang dito. I'll give it back to you when we get home."

Napatitig ako sa kaniya. Kahit kailan ay hindi ko malaman kung ano ba talaga ang laman ng isip niya.

"Are we done here? Madami pa tayong pagpipitasin." nakangiting aniya.

Hindi ko naiwasang hindi mapangiti. Napakaganda ng ngiti niya para lang hindi ko suklian. Idagdag pa ang masayang pakiramdam ko ngayon.

"Let's go!"

Nagpatuloy kami sa pag ha-harvest. Katulad ng ginawa niya kanina, lahat ng mabibigat na prutas ay nilalagay niya sa sariling basket. Maging ang maliliit dahil raw napupuno na 'yung sa'kin at bumibigat. Hindi ko naman alintana 'yon dahil nag eenjoy ako sa ginagawa. Siya naman ay hindi masiyadong pumipitas. Nagkakaroon na nga lang 'yon ng laman dahil sa'kin!

"Ano ba 'to! Come on, wag mo na 'kong pahirapan!" Bulong ko sa sarili ko habang patuloy na tumatalon para maabot yung napakagandang mangga na nakita ko.

"Aish!"

Inis akong tumalon-talon pa ulit, but no matter what i do, hindi man lang dumadaplis ang daliri ko sa mangga! Bakit ba walang panungkit rito!

Pero napatigil ako sa pagtalon nang maramdaman kong may naapakan ako. Bumaba pa muna ang tingin ko bago inangat 'yon at makitang nasa likod ko si Archer.

Hindi siya nakatingin sa'kin at hindi niya man lang ininda ang pagkakaapak ko sa mamahalin niyang sapatos. Dahil masiyado kaming malapit sa isa't isa ay nakatingala na naman ako sa kaniya.

Napalunok ako dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay naestatwa ako sa posisyon namin ngayon. Hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko dahil kahit naiilang, pakiramdam ko ay kumportable ako sa posisyon na 'to.

"Don't move..." bulong niya dahilan para mas manigas ako.

Damn! This man will be the cause of my death!

Ini-stretch niya ang kamay niya pataas kaya nabaling doon ang mga mata ko. The veins on his hand are now fully shown the reason why i nearly stopped breathing!

Nagulat na lang ako nang marinig ang tunog ng mga dahon at maramdaman ang marahang paglayo niya sa'kin. Ang plastic ko masiyado kung di ko sasabihing hindi ako nanghinayang dahil lumayo siya!

"Here..." sabi niya sabay abot sa'kin ng manggang kanina ko pa tinatalon.

"Is that all you want?" He softly asked dahilan para magitla ako.

He's so damn hot!

"Ha? Ah, oo! Salamat!" Wala sa sariling sabi ko saka naunang maglakad.

Ilang saglit pa kaming namitas hanggang sa mapuno ang pareho naming basket. Tuwang tuwa ako pero lamang pa rin ang pagkailang ko dahil sa ginawa niya kanina.

Why does he have to do that? He can just tell me to move!

Or maybe i should just did it myself! Maharot ka rin, Kiana! You liked that!

Pakiramdam ko ay mababaliw na ako. Nakikipagtalo ako sa sarili ko sa utak ko. Staying beside him will really make me crazy!

"Let's sit there for a while..."

I nodded at him at saka sumunod sa kaniya sa paglalakad. May maliit na kubo rito kung saan pwedeng magpahinga ang mga farmers. It's just a simple hut where you can rest dahil sa nakakapagod na gawain pero hindi rin 'to magandang pag stay-an kung umuulan dahil paniguradong tutulo ang tubig.

"Are you tired already?"

Napalingon ako kay Archer. Pinilit kong ngumiti para maitago ang pagkailang. Para na akong tuod dito. He acts so calm and here i am, parang matatae na ewan!

"Not really. Halos hindi nga ako nahirapan kaya paano ako mapapagod?" I tried my best to act normal dahil ang unfair naman kung ako, naiilang and siya ay parang wala lang!

"Did you have fun?"

I smiled at him.

"Yeah!"

Hindi ko maitatago ang katotoohanang sobrang saya ko. Pakiramdam ko ay saglit na nawala lahat ng isipin ko. Tuwing mag-isa ako ay para akong alon sa dagat na sobrang lakas ng mga hampas pero sa tuwing kasama ko si Archer ay kumakalma ako maliban sa tibok ng puso ko.

Sobrang nag-enjoy ako ngayong araw na 'to. Ang makasama siya ay swerte na pero ang makasabay siyang tumawa ang mas lalong nagpasaya sa'kin. Pakiramdam ko kanina ay parehas kaming walang problema na kinakaharap.

"I'm glad to hear that. I knew that you would like it here because you love fruits."

Hindi ako makapaniwalang natatandaan niya 'yon. Totoong hilig ko ang mga prutas.

"Engineer!"

Parehas kaming napalingon sa sumigaw. Tumatakbo ang medyo batang trabahante papunta sa direksyon namin. Nang makalapit siya ay habol pa niya ang hininga kaya naman inabot ko sa kaniya ang water bottle kong hindi naman nainuman.

"Maraming salamat po, Ma'am!"

I just smiled at him.

Bumaling siya kay Archer na ngayon ay seryoso na ang tingin sa kaniya.

"What is it?"

"Ah, Engineer, pinapasabi po kasi ni Mang Berting na may tumawag daw ho sa kaniya. Hindi raw kayo macontact kaya sa kaniya na ipinaabot ang tawag."

Tahimik lang akong nakinig sa kanilang dalawa

"Why?"

"May gusto raw hong makipagkita sa'yo sa may bayan. Hindi makakapunta rito kaya naman ikaw na lang daw ho ang sabihan namin na pumaroon. Ang pangalan po ng tumawag ay Brandon."

Kung hindi ako nagkakamali ay si Brandon ang kaibigan ni Archer na isang detective. Siya rin ang katulong ni Archer ngayon sa paghahanap kay Celine.

"Is that so? Saan daw?"

"Sa may coffee shop daw po. Iisa lang naman po ang coffee shop sa bayan kaya madali ninyong mapupuntahan."

Matapos no'n ay nagpasalamat na si Archer sa dumating. Ako naman ay nakatitig lang kay Archer. Siguradong tungkol kay Celine ang ipinunta ni Brandon.

"You're leaving?" Tanong ko.

"Yes, i have to." May bahid ng pag-aalala sa mukha niya kaya naman tumango ako.

"Take care..."

Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko kaya nginitian ko siya.

"Dito na muna ako dahil medyo maaga pa naman and besides, mukhang nagmamadali yung nag-aantay sayo and i don't want to be a bother so go ahead. I'm alright here."

Mukhang hindi pa rin siya kumbinsido sa sinabi ko kaya naman tinapik ko ang balikat niya, "Go ahead. It must be so important. Don't worry about me, okay?"

Hindi niya ako sinagot pero nagulat na lang ako nang kuhanin niya ang dalawang basket namin. He looked at me seriously in the eyes.

"I'll be back..."

Matapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya. Ako naman ay malungkot na napangiti. Why does seeing him walking away from me feels like he's walking away from my life now? Why does it hurt seeing him leaving me alone here?

"I'll wait for you, no matter how long it will take for you to come back for me..." i whispered to the wind.

Hindi ko alam kung gaano katagal na simula noong umalis si Archer. Dumidilim na rin ang paligid at isa isa nang nag-aalisan ang mga farmers. Nagawa ko na rin ang lahat ng maisip kong pwedeng gawin para lang mapatay ang oras.

Palingon-lingon ako sa direksyon na dinaanan ni Archer. Hoping that he will appear there, but none. Hindi ko man lang siya nakita kahit anino niya.

Napalingon ako sa langit. Makulimlim na at sa kamalas- malasang oras pa, mukhang uulan ngayon ng sobra.

"Ma'am? Hindi pa rin ho ba kayo uuwi?"

Nagulat ako nang marinig ang isang boses. Mukhang pauwi na rin si Manong.

Sinilip ko ang likudan niya at wala na palang tao. Mukhang siya ang huling uuwi ngayong araw.

"May hinihintay pa po ako," tipid na sagot ko.

I see his worried eyes. Ilang oras na rin kasi akong nakaupo rito at parang nawawalang pusa. Idagdag pa na mukhang malakas ang paparating na ulan.

"Mukhang uulan nang malakas, Ma'am. Hindi ligtas kung dito ka lang sa kubo maghihintay dahil tatapyas ang ulan."

I smiled at him. Thanks for his concern, but i believe in Archer. He said that he'll be back and i trust him so all i have to do is to wait for him. I know that when Archer said it, he always mean it.

"Maya-maya lang rin po ay nandito na yung hinihintay ko. Dito po kasi namin napagkasunduan na hihintayin ko siya."

"Gano'n ba? O, sige at mauuna na ako, ha? Mag-iingat ka, hija."

Tango na lang ang naisagot ko sa kaniya saka siya pinanood na maglakad papalayo.

Ilang minuto ulit ang lumipas at mas makulimlim na sa paligid. Wala na akong taong makita kaya mukhang mag-isa na lang ako rito.

Nakaramdam ako ng panlalamig dahil sa malakas na ihip ng hangin. Mabuti na lang at may jacket akong suot kaya kahit papaano ay naiinitan ako.

Unti-unti ay pumatak na ang mga butil ng ulan. Medyo mahina pa lang naman 'yon pero ramdam kong maya- maya lang rin ay lalakas 'yon.

Tumayo ako at ini-stretch ang kamay ko para masalo ng palad ko ang ilang butil ng ulan. Nakaramdam ako ng lungkot sa hindi ko malamang dahilan. Malamig ngayon at nag-iisa ako. Para bang nakikiramay ang langit sa kakulangang nararamdaman ko.

Wala akong dalang cell phone. Hindi ko alam kung paano umuwi. Madilim na kaya naman natatakot na ako. Ramdam ko na ang pamamasa ng mga mata ko dahil sa lungkot na bumabalot sa puso ko.

Tulad ng sinabi ng matanda kanina ay malakas nga ang ulan at nababasa na ako. Nanginginig na ako sa lamig dahil isang oras na akong nababasa ng ulan. Kahit na anong gawin ko ay basang basa na ang buong katawan ko.

Muli kong sinilip ang daanan pero walang Archer na nandoon. Naiisip ko tuloy kung tungkol kay Celine ba ang balitang dala ni Brandon. Maybe, yes. Si Celine lang naman ang kayang makagawa ng gano'n kay Archer.

I wonder if he still remember that there's someone waiting for him. Did he still remember me? Did he still remember that there's Kiana who's waiting for him right now?

Kasabay nang pagpatak ng mga ulan ang pagpatak ng mga luha ko. Ang lungkot lungkot ko ngayon. Siguro ay nakalimutan na niyang nandito pa ako at naghihintay sa pagbabalik niya.

Naaawa ako sa sarili ko. Sino ba ang niloloko ko? Natural lang na mawawala na ako sa isip niya kapag napasok na si Celine sa usapan. Bakit pa ba akong umasang maaalala niya ako at babalikan dito?

Sana pala ay sumabay na ako sa mga umuuwi kanina. Sana pala ay hindi ko na lang siya hinintay. Sana katulad niya ay kinalimutan ko na lang rin siya.

Mabagal akong naglalakad habang patuloy na umaagos ang mga luha. Kasabay ng pag-iyak ng langit ay ang pagbuhos ng kalungkutan ko.

I didn't even bother to cover up myself dahil mababasa lang rin naman ako. I didn't even bother to wipe my tears away because no matter what i do, it won't stop from falling.

Yakap yakap ang sariling naglalakad ako papunta sa direksyong hindi ko naman alam. Pilit kong pinupunan ang pag-iisang nararamdaman ko ngayon.

Archer should at least send someone to take me home if he can't. Hindi ba niya alam na hindi ko alam ang daan pauwi?

Ang mahihinang hikbi ko na lang pati na rin ang patak ng ulan ang tanging naririnig ko. Isa na lang akong basang sisiw ngayon. Mas mabuti pa nga ang basang sisiw kaysa sa'kin.

Pero napatigil ako nang matapat ako sa isang pares ng pamilyar na sapatos. Ang mamahaling sapatos na makintab noon ay puno na ng putik ngayon. Huminto rin ang pagpatak sa'kin ng ulan pero kataka takang ako lang ang hindi nauulanan.

Unti unti ay inangat ako ang paningin ko. Sumalubong sa'kin ang galit mang mga mata ay lamang ang pag- aalala sa ipinapakita nitong ekspresyon

"Didn't i told you that i'll be back and just wait for me?!" Galit na sigaw niya.

"Archer..." mahinang usal ko sa pangalan niya.

Ramdam ko na ang panginginig ng labi ko dahil sa sobrang lamig, gayunpaman ay nagawa kong makangiti. Sa isang iglap ay muli akong nakaramdam ng init. I'm not a lost kitten anymore because he found me... again.

"Kiana..."

Lumayo ako sa kaniya. Wala siyang dalang payong at tanging jacket niya lang ang nagsisilbing pananggala niya sa ulan na ngayon ay ipinapayong niya sa'kin. Malinaw kong nakikita ang pagtulo ng ulan sa mukha niya. Kita ko rin ang panginginig ng labi niya dahil sa lamig ng panahon.

"You came back." masayang ani ko.

"Of course, i'll be back! Don't step back and stay beside me! Nababasa ka na!" Utos niya dahil tuwing lalapitan niya ako ay lumalayo ko.

But i didn't listen.

"Parehas na tayong basang basa ng ulan. Ano pang silbi niyan?"

"Magkakasakit ka, Kiana, kung hindi ka lalapit sa'kin!"

"I thought, you have already forgotten me... I thought, you already left me..." malungkot na sabi ko.

Malayang bumuhos muli ang mga luha ko. Hinayaan ko lang 'yon dahil malabong mapansin rin niya ang mga 'yon dahil sa ulan.

"Natakot ako, Archer. Natakot ako na baka nakalimutan mo na talaga ako. Natakot akong maiwang mag-isa ulit sa isang hindi ko kilalang lugar..."

"Kiana..." he tried to step closer to me, but i stepped back once again.

"You don't have any idea how scared i was. I don't know how to get home. I don't know anyone here. I was all alone by myself. I saw how everyone leave while i was there, sitting. I felt lonely again, but i stayed even though i'm scared. I... i was waiting for you to come back for me, Archer, patiently."

Hindi ko alam kung saan nagmumula lahat ng lakas ng loob ko para magsalita pero gusto kong sabihin sa kaniya lahat ng naramdaman ko ngayon. I want to be honest with him for what i truly feel, for the very first time.

"I didn't know what to do. I was a lost kitten back there. Everyone was watching me until i was left alone. I don't know when will you come back for me. I don't even know if you will still come back. I was sitting there, looking stupid while waiting for someone whom i don't have any idea if will come back or just left me there just like what my parents did to me when i was born."

"I don't want to be alone again. I don't want to be left alone like that again. I'm always scared... Scared of the thought that i'm just patiently waiting for someone who's not going to return. I'm tired and scared of living like that..."

This time, sinubukan niya ulit lumapit sa'kin at hindi ako lumayo pero napatigil siya nang muli akong magsalita.

"Hinintay kita kahit lahat sila ay sinasabihan na akong umuwi na ako at 'wag ka ng hintayin. Kahit alam kong magiging malakas ang ulan at walang kasiguraduhan na babalikan mo ako, hinintay pa rin kita. Kahit takot na takot ako, naghintay ako. Kahit nag-iisa na lang ako, naniwala akong babalikan mo ako kasi 'yun ang sabi mo. Sinabi mong babalikan mo ako at 'yun ang pinanghawakan ko."

"Why did you stay and wait for me when you can just go away?" He asked.

I sadly smiled at him.

"How can i? Archer, i've been by your side for five years. I know how you always waited for someone with so much patience without any assurance for their return so this time, i wanted to show you that you have me. I'll be the one who's always going to patiently wait for your return even if you don't have plans to return anymore..."

Humakbang siya ng isa kaya naman huminga ako nang malalim bago nagsalitang muli.

"Gusto kong malaman mo na hindi lang ikaw ang may kakayahang maghintay dahil may ako na palagi kang hihintayin. Gusto kong malaman mo na katulad mo, may tao ring naghihintay parati sa pagbabalik mo at ako 'yun. Gusto kong bumalik ka na may inaasahang may uuwian ka dahil may naghihintay rin sayo. Gusto kong itatak mo sa isip mo na may palaging sabik na sabik sa tuwing babalik ka dahil hindi lang ikaw ang may kakayahang maghintay. I can wait too just to see you... No matter how long it will take for you to comeback."

Nagulat ako nang mabilis siyang lumakad papalapit sa'kin. Nang halos dalawang dangkal na lang ang layo namin ay nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

Seryosong seryoso ang tingin niya sa'kin ngayon kaya naman napalunok ako?

"You're crying... again."

Nabigla ako nang hawakan niya ang mukha ko. Kahit malamig ay ramdam ko ang init no'n. Pinahid niya ang mga luha ko kahit na wala namang kwenta 'yon dahil umuulan rin naman.

I thought, he's not going to notice that?

"I really hate it..." bulong niya pero sapat na para marinig ko.

"I really hate seeing you cry... specially when it's because of me." aniya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

At that moment, under the falling tears of the sky, i felt my heart beating again because of him.

Continue Reading

You'll Also Like

330K 17.7K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2M 24.7K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
36.5K 841 27
Serano #1 (Completed) The sadness of Bullet It's really for me; I bet Is this what I get? I wish we didn't met Bullet of Pain How can I restart...
8.1M 73.3K 58
Alysson Jane Rodriguez has everything she wants in her life. Mapagmahal na pamilya, mapagkakatiwalaang kaibigan, at maayos na edukasyon. Sa tatlong i...