When Summer Ends (Four Season...

TriuMarias által

6.6K 604 1.5K

FSS #1: When Summer Ends In spite of the two people with long list of differences and distinctly seen gap of... Több

FSS #1-WSE
Simula
WSE-Kabanata 1
WSE-Kabanata 2
WSE-Kabanata 3
WSE-Kabanata 4
WSE-Kabanata 5
WSE-Kabanata 6
WSE-Kabanata 7
WSE-Kabanata 8
WSE-Kabanata 10
WSE-Kabanata 11
WSE-Kabanata 12
WSE-Kabanata 13
WSE-Kabanata 14
WSE-Kabanata 15
WSE-Kabanata 16
WSE-Kabanata 17
WSE-Kabanata 18
WSE-Kabanata 19
WSE-Kabanata 20
WSE-Kabanata 21
WSE-Kabanata 22
WSE-Kabanata 23
WSE-Kabanata 24
WSE-Kabanata 25
WSE-Kabanata 26
WSE-Kabanata 27
WSE-Kabanata 28
WSE-Kabanata 29
WSE-Kabanata 30
WSE-Kabanata 31
WSE-Kabanata 32
WSE-Kabanata 33
WSE-Kabanata 34
WSE-Kabanata 35
WSE-Kabanata 36
WSE-Kabanata 37
WSE-Kabanata 38
WSE-Kabanata 39
WSE-Kabanata 40
Wakas
Author's Note

WSE-Kabanata 9

129 15 49
TriuMarias által

Kabanata 9

Faith



Noon, ang sabi ko sa sarili ko, hindi pa ako handang pumasok sa relasyon. Aaminin kong maraming sumubok manligaw at minsan naiisip kong bakit di ko subukan? Wala naman masama, diba? At sinubukan ko pero...

I was hopeless romantic during my youthful days. I've tried to be a good girl to all the boys I have met who tried to court me. I was trying hard to have good communication and change my personality just to meet their expectation... but I failed.

In the end, they adrift. I lost my confidence and I pitied myself for it.

Naisip ko noon wala naman talagang may gusto sa akin. I don't have someone to call my bestfriend. I tried to be friendly with the new people I meet to fit in in their circle but I'm always fooling myself and turned a blind eye.

Kaya naman nung napagod na ako, nawalan na ako ng pakialam. Dumidistansya at umiiwas na rin ako sa tuwing may lalaking nagpapakita ng motibo sa akin.

But I failed... again. And this time, I have faith that this one will not run away. He will never leave me not like what others did. He will truly love me not the way others failed to show me. I don't need to wear a mask and sham for him to like me. Kaya gagawin ko rin ang tungkulin ko bilang girlfriend niya para maging karapat-dapat para sa kanya.

"Hwag mong bitawan nandito lang ako sa likod mo, aalalayan naman kita." Kanina ko pa hawak hawak ang fishing rod habang nasa likod ko siya, nakayakap sa akin.

Ito ang pinagplanuhan nila Papa ngayong Sabado, ang magpicnic sa ilog.

"Ikaw na humawak nangangayat na kamay ko," reklamo ko sa kanya.

"Iyan ang lulutuin mo para sa tanghalian natin kaya hawakan mo mahigpit para may pagkain ka," pangangaral niya. Sumitsit ako sa sinabi niya.

Nakasakay kami sa balsa at parehong basa ang damit mula sa pagligo. Tinuruan siya kaninang umaga ni Papa paano bumingwit ng isda at ngayon naman, ako ang tinuturuan niya.

Di ko na kailangan matuto, nabingwit na kita, eh. Ngumisi ako sa naisip. Harot!

Minutes later of gawking around the river, I felt something was pulling down the fishing rod. So I exclaimed that made Zachary jumped in surprise.

"Ahh! May gumalaw, Zach, tulongan mo ako itaas!" I exclaimed.

I hold it both my hands to pull up the rod to stop the caught fish to escape. Zachary helped me when he regained consciousness. I was giggling when I saw the big fish in his hands, the size of it is much bigger than Zachary's hands. Mabubusog ako nito panigurado.

"Ang laki," nagagalak kong sabi.

"Mas malaki ang akin," Makahulugan niyang sambit. Inirapan ko siya.

I went to swim in the deep water while Zachary is helping my father grilling the fishes we caught. Imbes na tumulong ang kapatid, naglakad lakad siya para makahanap ng mabilis na signal. Sana matalo siya.

I pulled myself up to get on the boat and lied on it, I looked up in the sky and the birds flying freely.

How does it feel to be a bird? Minsan naiisip ko gusto ko na lang maging ibon. To escape this cruel world. Pero hindi rin, because even the birds or the other animals experience the cruelty of human.

When will cruelty stop? Truth is, cruelty will never stop as we live on. Besides, we live on the world of cruelty and not on the world of peace. And because, peace is never been here at the very beginning. Kahit libutin man ang mundo, hinding-hindi matatagpuan ang kapayapaan sa mundo ng kalupitan.

I heaved a deep sigh to stop thinking. I'm not here to swim in deeper thoughts, I'm here to swim and meditate.

"Naisip mo na ba kung bakit patay na patay ako sa'yo?" Napabangon ako sa gulat ng bumulong si Zach sa tenga ko.

"Nakakagulat ka naman!" Winisikan ko siya ng tubig. Hindi ko namalayan ang paglapit niya.

"Ang lalim ng iniisip mo. Kanina ka pa namin tinatawag, akala ko patay ka na kaya nilapitan kita."

Nakaramdam ako ng inis sa minutawi niya. Therefore, when he tried to lift his body up to get on the boat, I pushed him and he hardly fell on the water.

"At talagang pinatay mo ako sa isipan mo, hah. Grabe ka!"

"Joke lang. Seryoso mo kasi," he muttered.

But my irritation didn't subside. Mas rumubdob pa. He tried again to get on the boat pero tinutulak ko lang siya and he's starting to get irritated, too.

"Stop it! Ang sakit ng likod ko tumatama sa tubig." Masungit niyang sigaw, sinusuway ako.

"Ganti ko yan sa'yo!" sigaw ko rin at malakas na tinulak ulit siya.

Akala ko ipipilit niyang sumakay ulit. Bagkus ay lumangoy siya palapit sa pangpang, iniwan ako sa gitna ng ilog.

Patay! Galit na ata. Pero galit din ako eh. Bahala siya.

Nanatili ako sa bangka at bumalik sa paghiga, pinagpatuloy ang pagrerelax. Nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni mama ay bumalik na ako sa pangpang, hila-hila ang bangka.

Naglakad ako palapit kay Zachary na naglalaro ng COD. Pabirong piningot ko ang ilong niya na kinabigla ko nang malakas niyang tinampal ang kamay ko. Namula iyon kaya agad kong hinimas para mawala.

Magkalapit kami habang kumakain pero parang ka'y layo namin sa isa't isa dahil hindi kami nag-iimikan.

"Galit ka?" pang-ilang beses ko na itong tanong sa kanya.

He walks away whenever I approach him. I hooked my arm around his arm but he just removed it. I've been talking to him and I feel like a fool talking to a dumb person.

"Sorry na," nagpapacute kong sabi pero matigas talaga ang lalaking ito, di papatinag.

Nakahawak siya sa cellphone at nag-scroll sa instagram. Pinatong ko ang baba ko sa balikat niya habang pinapanood siyang mag-heart react sa post ng mga babaeng follower niya.

Wow! Sige lang, Zachary. Okay lang yan, heart react lang naman yan. 'Di ako magseselos dyan. Hinding-hindi.

Biglang tumaas ang kilay ko nang di niya nireact'n ang nakabikining babae, ngumisi ako.

"Oh! bakit di mo nireact'n?" Ni-scroll down ko ang screen ng cellphone niya para balikan ang post ng babaeng nakabikini at ako na ang nagheart react. "Hindi binabalewala ang mga ganitong babae, dapat minamahal kaya magheart react ka!"

Magkasalubong ang kilay niyang binalingan ako kaya sinuklian ko siya ng seryosong titig.

"Ano!?" masungit kong tanong.

Umiling iling siya at pinagpatuloy ang pagheart react, pati advertisement ay nirereact'n niya. Hinayaan ko na siya sa ginagawa niya at nag-scroll din ako sa instagram ko at ini-stalk si Manu Rios.

Pinapanood ko ang video niya na nakangiti at kinikilig. Shet, ang hot talaga niya! Kaya naman napa-comment ako sa post nito.

mendezleighrah: iloveyou my Patrick <3

Ipopost ko na sana nang biglang hinablot ni Zachary ang cellphone at dinelete ang comment ko.

"What are you doing!?" Galit niyang sigaw at padarag na binalik ang cellphone sa akin.

Oh, look at this mad man! Hindi naman ako nagreklamo sa ginagawa niya pero sa akin, nanggagalaiti na. Ang unfair ng buhay!

"Galit na galit? Bawal bang magheart react din? Di naman kita sinuway sa ginagawa mo, ah!"

He cut me off and quickly answered back.

"But you're smiling and giggling while you're watching his video! Did you see me smile and giggle while doing it, too? Hindi, diba?" He raised his brow looking grumpier as ever.

"Aba! Paki ko sa reaction mo habang naghaheart react!" 

He groaned in frustration, "You're doing it on purpose, Leighrah Dawn!"

"Pa'no mo nasabi?" I asked.

"Because you're jealous," But I'm not! Heart react lang magseselos na ako? Ang babaw naman, parang yun lang.

"Why? Are you jealous?" I asked, stating the obvious expression displayed on his face.

"Ano sa tingin mo?" Masungit niyang sabi.

I coudn't help but smile and flutter as he rolled his eyes and scoffed. Ang sungit talaga nito kapag nagseselos. Sarap lambingin, kaya naman binigyan ko siya ng matunog na halik sa pisngi na kinagitla niya.

"Hwag mo akong suyuin," masungit niyang saad.

Kapal talaga mukha ng lalaking ito.

"Eh di h'wag!" Pabalang kong sagot. Madali lang naman akong kausap.

Maarteng hinawi ko ang buhok ko, dumistansya sa kanya at pinagpatuloy ang panonood ng videos.

Hanggang sa makabalik sa bahay at makauwi siya ay di niya talaga ako kinausap. Para akong multo na nakadikit sa kanya, nagpapalambing. Pero di ata epektibo ang kamandag ko ngayon dahil ang sungit niya pa rin.

Mabuti na lang di nakahalata ang magulang ko sa inaasta niya. Hinatid ko siya hanggang sa gate at sinabihan na magtext sa akin kapag nakauwi na siya sa bahay nila pero wala siyang imik.

Walang ni isang tugon na natanggap.

Ang reply na hiningi ko ay di dumating hanggang sa mag-Lunes. Tinawagan at tinext ko siya pero wala akong natanggap ni kahit isang reply mula sa kanya. Nag-sorry na rin ako pero wala pa rin.

I didn't know that he was so jealous that it really took more than two days. So, when I saw him walking in the middle of the road and under the sweltering sun, fast-approaching, I felt annoyed.

I continued reviewing and let him sit next to me. Nakakunot ang noo ko habang paulit-ulit na binabasa ang reviewer na hindi ko maintindihan dahil mas nanaig ang umuusbong na negatibong nararamdaman sa kanya at kung bakit hindi umiimik ang katabi ko!

Ano ito? Walang-imikan challenge? Bakit pa siya lumapit kung hindi naman niya ako kakausapin?

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig kong tanong, nasa reviewer ko pa rin nakatingin.

"I'm sorry," mahinang sabi niya.

"Bakit ka nagso-sorry? May kasalanan ka bang ginawa?" Masungit kong saad.

Hindi ko alam kung anong rason kung bakit siya galit sa akin na inabot ng dalawang araw. Dahil ba sa ini-stalk kong artista? Nagseselos siya? At ganito talaga katindi?

Kaya ba, di niya ako tinawagan o nireplyan man lang dahil doon? Sige! Iintindihin ko kung yun ang sukli niya sa kasalanan ko. Kung para sa akin mababaw lang iyon na pinagseselosan, siguro para sa kanya... hindi.

Kaya, sige! Iintindihin ko.

"Leighrah," suyo niya at maingat na hinawakan ang braso ko at agad kong winaksi ang kamay niya.

Hindi ko na napigilan iiyak ang kinimkim kong galit sa dalawang araw. Galit na galit ako! Pero binalewala ko yun dahil wala akong karapatan magalit kung ako naman ang may kasalanan sa inaasta niya. Galit na galit ako!

"Love... hey. Why are you crying?" He said worriedly as he comforted me.

"Bitawan mo ako!" Umiiyak akong lumayo sa kanya at winaksi ang kamay niya sa akin.

"Leigh, I'm sorry-"

"Why? Bakit di mo ako kinontact sa loob ng dalawang araw, huh? Bakit, Zachary!? Because you were jealous to an unreachable artist, huh!? Kaya natiis mong di ako replyan!? Nag-sorry naman ako, ah!"

Umiling iling siya sa sinabi ko at maingat na lumapit sa akin, gusto akong hawakan muli. Mas lumayo ako sa kanya, ayaw siyang lumapit dahil naiinis ako.

"Hindi, Leigh. Hindi iyon. Sorry if I made you believe as it seems like it pero hindi, love. Hindi, wala lang yun." He explained.

"Pero bakit nga, Zach!?" Frustrated kong tanong.

Nag-aalangan niyang tinaas ang dalawang kamay na nanginginig. Hindi ko namalayan ang nakabandage na kamay niya kaya natigilan ako.

"Because of this," he said almost inaudibly.

My forehead furrowed as I turned to look at his two hands and to his worried face, questioning.

"I got my hands... sprained," bulong niya na kinabigla ko. 

"Paano mo nakuha?" Nag-aalangan kong tanong.

May ideya na akong naiisip pero tinanong ko pa rin para makumpirma.

Ngunit sinagot niya lang ako ng matipid na ngiti at umiling-iling na parang pinapahiwatig na h'wag kong sisihin ang sarili ko. Napahagulhol akong muli at dali-daling linapitan siya para yumakap.

"I'm sorry, Zach. I'm sorry. I'm sorry. Hindi ko sinasandya. I'm sorry," paulit ulit kong paghingi ng tawad. Lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya at sinubsob ang ulo sa leeg niya.

Inaalo niya ako at niyakap pabalik, "Shh, it's okay, love. It's okay. Hindi kita sisisihin. Okay lang. Okay lang ako. Tahan na."

Matigas akong umiling-iling. I'll take the blame. Aakuin ko... lahat. Tutal kasalanan ko naman talaga.

"No, it's not okay! It's all my fault, Zachary. Kung hindi kita tinulak sa balsa, di ka sana magkaka-sprain. Kasalanan ko kung bakit galit ka. Kasalanan ko kung bakit di ka makapagreply sa akin. Kasalanan ko kung bakit galit ako sa sarili ko! Kasalanan ko lahat!" Inis kong sigaw, patuloy na umiiyak.

"I am at fault, too, Leighrah Dawn. Hindi lang ikaw. Kaya sorry din, love. Sorry. Please, tahan na. Hindi ako galit sa'yo. Hindi kita sinisisi. Di mo kasalanan, okay? Di mo kasalanan." Pag-alo niya.

Olvasás folytatása

You'll Also Like

934K 27.4K 27
HE MADE SURE TO LEAVE HER NO CHOICE BUT TO BE HIS... Tracy's fiance was bitten by a lycan and the one thing that can save him is a bite from the prou...
714K 25.2K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2.1K 764 38
"Just three seconds..." ©2021. Ugly_Writes. All rights reserved.
3.1K 230 19
Eponine loves Marius for her heart. But Marius loves Cosette. Iyon ang kwento na gustong baguhin ni Catañia, ang babaeng nagmamahal na hindi minahal...