His Fake Fiancee (Completed)

By mahiwag4il

7.2K 307 0

WARNING R18 Note: 1st published at Dreame with 11k reads. Taglish. "Anniesyd is a fine lady and a hard-workin... More

KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
Kabanata 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
EPILOGO
Author's Note

KABANATA 25

121 6 0
By mahiwag4il

XXV.

Inabot ko kay Sir Heath ang tubig niya matapos niya i-subo ang huling pagkain niya. Gabi na ngayon at narito pa rin kami sa labas ng kwarto kung saan naka-confine ang Grandma nila.

Ayaw nila umalis dito sa labas. Gusto nilang hintayin ang pag-gising niya.

Kanina, noong pinuntahan ni Hizon si Rose– nasabi niya'ng maayos naman daw ang lagay nito, weeks lang daw ang itatagal para sa recovery ng braso at balikat niya. Nagulat daw si Rose nang malaman na hindi nagigising ang Lola nila.

Kanina rin, nakausap na ng Lolo nila ang result sa x-ray. Hindi ko alam kung ano ang sinabi sa kanila dahil naiwan kami ni Sir Heath dito habang natutulog siya.

Naalala kong hindi ko pa natatawagan si Mommy kaya tumayo ako. Agad na napatingin si Sir Heath sa 'kin.

"Tatawagan ko lang sila Mommy," sabi ko. Nilapag ko ang paper plate na pinagkainan ko at pumunta sa labas ng Chapel ng Hospital.

I dialled my Mom's number but it seems she has in another call, so I called my Kuya instead.

"Nandito kami sa Davao ngayon, Kuya. Pasabi naman kay Mommy."

"Bakit?"

"Na-aksidente 'yong Lola ni Sir Heath–"

"Family matter 'yan, bakit nandiyan ka?"

Hindi agad ako naka-sagot kay Kuya Axl. I cleared my throat. "Hindi, ano, papunta na sana kami ng Manila para asikasuhin 'yong sa isang site kaso nga tinawagan siya. Kailangan ko na rin na sumama para ma-update ko siya tungkol doon sa isang project namin."

I bit my lower lip.

"Alrigh. Be safe," binaba na ni Kuya ang call.

Hay, mabuti naman ay naniwala.

Bumalik na 'ko sa bench kung saan nakita ko'ng lahat sila ay naka-tayo sa papalapit na si Sir Rev. Agad ako'ng lumapit kay Sir Heath dahil nakita ko ang pag-iba ng kaniyang tingin sa pinsan niya.

At hindi nga 'ko nagka-mali, dumapo agad ang kamao ni Sir Heath sa mukha ni Rev. Lahat kami parang nagising nang marinig ang pag-sapak ni Sir Heath sa pinsan niya!

Agad ko'ng hinawakan si Sir Heath.

His breath is getting fast and glare are mad!

"What was that for Heath?!" Sigaw ni Hizon at tinulungang makatayo si Rev.

"Heath, calm down. That was accid–"

"That's fine, Lo. Mas okay nang ako ang pag-buntungan niya ng galit kaysa si Rose," sabi ni Rev. "That was epic, Heath. Been a long time since I had your punch."

Hindi ko alam bakit nakuha pa nitong maging sarkastiko. Does he even know what's happening?

"It was your fucking car," kalmado pero malamig na sabi ni Sir Heath. Akap akap ko ang katawan niya ngayon. Miski ako ay natatakot sa paraan niya ng pagtitig sa pinsan niya. "It was your fucking car that your Sister drove! How the fuck happened they got into an accident?"

"Hindi alam ni Rose–"

"Bullshit! You have the same car!"

"Iba iba ang mga sasakyan, Heath. Just so you know," pinunasan ni Rev ang dugo sa gilid na kaniyang labi.

"Are you happy? In that room, fucking laying, our Grandmother fighting for her life?! Are you fucking nuts, Rev?!"

Rinig sa buong pasilyo ang boses ni Sir Heath. Mabuti na lamang ay wala gaanong naka-admit ngayon sa floor na 'to.

"Sa tingin mo ba masaya 'kong makita sila? Rose is injured also! What do you want me to do? Blame myself for that? Be depress by that?"

"Rev, stop it," awat ni Xitrix.

Inaawat ko rin si Sir Heath.

Pati ako ay nanginginig sa kanilang dalawa.

"L-love, stop na please," pagmamakaawa ko. "Tama na. Hindi makakatulong 'tong pag-aaway niyo sa Lola niyo."

Luckily, Sir Heath's behavior is tamed.

Pa-upo na kami nang mag-salita na naman 'tong si Rev.

"Tell me, Heath. Tell me what to fucking do," angas nito kaya tinapik ni Eli ang balikat nito.

"Stop being a child. Your personal problem doens't need right now," sabi ni Eli atsaka siya pumunta sa tabi ng Lolo nila na tahimik lang na nakatingin sa asawa nito.

Ilang segundo pa ang nakalipas nang biglang nag-salita ang Lolo nila.

"Call the Doctor! Your Lola is awake!"

Dali-daling pumunta si Hizon sa Nurse Station para ipa-tawag ang Doctor. After a couple of minutes, narito na ang Doctor. Si Sir Heath ang nangunguna na kumausap sa Doctor. Hinayaan ko na siya roon dahil alam kong sobra ang pag-aalala niya sa Lola niya. Pumasok sa loob sina Sir Heath, Lolo, Hizon at ang Doctor. Nag-paiwan na 'ko dahil aayusin ko 'yong basura na pinagkainan namin. Bakas sa mukha ni Sir Heath nang magkita sila ng Lola niya. Agad niya 'tong hinawakan sa kamay.

Bumalik ako sa upuan namin at inalis na ang mga kalat. Naramdaman ko'ng lumapit si Rev.

"Nasa bahay niyo si Heath?" He asked. Tumango lang ako at hindi ko tinignan. "Alam niya'ng pumunta ako roon sa inyo?"

"Oo."

"And he's okay with that?" Sa tanong niya'ng 'yon ay napatingin na 'ko sa kaniya. Nakita ko rin na napatingin 'yong dalawa pa nilang pinsan.

"Oo," sagot ko na lang para matahimik 'tong lalaking 'to. Nakita ko'ng bahagyang bumukas ang labi niya. He seems shocked?

"Rev, why don't you just give up?" Biglang sabi ni Eli.

"Ano'ng sabi mo?"

"Just fucking give up, dude. Heath will never let go of her. Again."

"Give up? Sana noon niyo pa sinabi sa 'kin 'yan," sagot ni Rev.

"Tama na 'to, Rev. Game is over–"

"Game? The fuck? Mukha ba 'kong naglalaro?"

Umiling na lang si Eli sa sagot ni Rev sa kaniya. Sumasakit ang ulo rito.

"Hangga't walang kina-kasal, I'll snatch her to Heath," 'yon ang sabi ni Rev at naglakad na umalis. Naiwan akong tulala sa sinabi niya.

Hindi niya ba maintindihan?

Para siya'ng bata na hindi alam ang tama at mali.

"Don't mind him. His just... If something didn't come in his way, mas lalo'ng ayaw magpa-talo si Rev," sabi ni Xitrix.

Natahimik na lang kami matapos umalis ni Rev at hinihintay ang paglabas nina Sir Heath sa loob. Muli ko silang tinignan, hawak ni Sir Heath ang kamay ng Lola niya nakalagay 'yon sa mukha niya.

He's really a family oriented man.

Paano kaya kapag kami na ang nagka-pamilya?

"We'll looking forward also for that," biglang sabi ni Xitrix sa gilid ko.

Oh, shocks!

Narinig niya!

Bobita talaga, Anniesyd! 'Wag kana nga lang mag-isip! Madalas talaga wala sa lugar 'yang isip mo. Tsk!

"We hope that you end up with Heath," sabi ni Xitrix. "Kung tadhana talaga."

Dito sa sinabi niya.. totoo na ang ngiti ko. I am really hoping that too. From college up to now. Mabuti na lang ay naglandas ang buhay namin sa pangawalang pagkakataon.

Nang makalabas sila sa labas ay agad na umalis din ang Doctor dahil may isa rin siyang pasyente.

"She's stable right now," mahinang sabi ni Lolo. "But she needs to undergo strict monitoring because she has a underlying condition."

Tumango-tango lang kami.

Medyo nabawasan na rin ang pag-aalala sa mukha ni Sir Heath. Medyo nakahinga ako ng maluwag doon. Agad niya 'kong nilapitan matapos tanggalin ang gloves, hairnet at gown.

Sumunod kaming tatlo na pumasok para tignan ang kalagayan ng Lola nila. Hindi naman kami nag-tagal since dumating din ang isang Nurse para ma-monitor ang situation ni Lola Madam.

Pagka-labas ko ay nag-paalam si Eli dahil may flight pa siya ng 1 am. Kaya umalis na ito ngayon.

Nag-check in kami sa isang hotel na malapit talaga sa hospital. Kasama namin doon ang Lolo ni Sir Heath.

Sa umaga ay ang Lolo niya ang nagba-bantay sa asawa nito at nakikipag-usap sa Doctor kung sakali man na may pagbabago o 'di kaya ay kami sa umaga. Ang ibang pinsan ni Sir Heath ay umuwi ng Davao para sila naman ang magbantay dahil may mga kaniya-kaniyang din silang trabaho.

Kami ni Sir Heath ay madalas na gabi kung magbantay dahil sa umaga ay trabaho pa rin ang kaharap namin kahit nasa Davao kami ngayon. Hindi niya pinabayaan ang trabaho habang nagbabantay din kami sa Lola niya. Minsan ay ako muna ang matutulog at kapalitan ko siya. Madalas kapag siya ang bantay, kinakausap niya si Lola Madan kahit unconcious ito ngayon. Minsan ilang araw itong tulog, minsan naman ay gising ito pero umaabot lang isang oras.

Naging ganoon ang sistema namin ni Sir Heath sa loob ng dalawang linggo. Dalawang linggo na rin kami rito sa Davao. Naka-ilang paliwanag na rin ako kila Mommy kung bakit hindi ako nakakauwi ng weekends sa Antipolo.

Hays.

It didn't imagine this will be tiring as heck.

Hindi gaano sapat ang tulog pero ramdam ko na masaya si Sir Heath na nandito siya sa tabi ng Lola niya.

Minsan ay tinititigan ko na lang si Sir kapag tulog siya. Halata rin na sobrang inantok at pagod. His eyes are shut but my heart is awake everytime na pagmamasdan ko ang mukha niya.

"Syd, Hija," biglang pagpukaw ng Lola nila sa 'kin.

"Hala, sorry po! Ano nga po 'yon ulit?"

Lola Madam chuckled.

Si Sir Heath at Rev ang kasama ko ngayon magbantay. Nakauwi na si Rose, two days before the day yesterday kaya bumisita raw si Rev ngayon.

"Masyado ka'ng titig sa apo ko," mahina niyang sabi.

Namula tuloy ang pisngi ko. Tinignan ko si Sir Heath, nakita ko ang matamis niyang ngiti bago itago ang mukha.

"Rev, apo, can you please go out for a while? I need to talk to them," mahinang pakiusap ng Lola nila. Napatingin si Rev.

"I'm okay here, La. Sabihin niyo lang po."

"Are you sure?"

"Yes, La. I am fine. Besides, nanonood din naman ako ng T.V.," sagot nito. Ngumiti ito at tumingin na muli sa T.V.

"Okay," sabi ni Lola Madam. "Heath and Syd."

"La," sagot naman ni Sir at hinawakan ang kamay ng Lola niya. "We're listening."

"I have one favor for you."

Lumapit na rin ako kaunti.

"What's that, La?"

Ilang segundo pa ay naging tahimik ito. Madalas naman niya kaming kinakausap. Madalad niya naman din kami na tawagin.

"I have one favor for you... Gusto ko makita kayong i-kasal."

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...