Damsel In Distress (Sanford S...

By Emerald_Griffin

63.4K 3.5K 106

The life that River Louis Reyes lives in feels like she is walking on a rough road under the stormy sky. Ever... More

DISCLAIMER
TEASER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
EPILOGUE
SANFORD SERIES #5: MELTING ME SOFTLY

CHAPTER 14

2.1K 131 9
By Emerald_Griffin

(WARNING: This part contains strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity that may be offensive or disturbing and is not suitable for young readers and sensitive individuals. You have been warned.)


KINABUKASAN ay hindi na niya namulatan si Lucas paggising niya. The other side of the bed was empty and there's no sign of Lucas in the room.

Bumangon si River at tinungo ang banyo upang maglinis ng katawan. Mabalis lang ang ginawa niyang pagligo at nagbihis ng isang shorts at manipis na pang-itaas. Mula roon ay makikita ang bikini top na kanyang suot. Wala siyang ibang pagpipilian kung 'di ang suotin ang mga damit na iyon.

Hindi niya alam kung si Niccola o Alessandra ba ang nag-empake ng mga damit niya. Imposibleng ang katulong o asawa niya ang maygawa niyon dahil halos maiikling damit ang inempake para sa kanya. Maging ang mga pantulog at swimsuit na ibinigay ng magkapatid na Niccola at Krishia ay nandoon. Ang ginamit niyang pantulog kagabi ay isang kulay itim na negligee dahil iyon lang ang maaari niyang isuot sa pagtulog.

Lumabas siya mula sa loob ng silid at hinanap si Lucas sa buong kabahayan. Wala ito roon kaya lumabas siya, agad niyang nakita ang hinahanap sa may dalampasigan.

"Good morning, kanina ka pa gising?"

Tumingin si Lucas sa kanya na may ngiting nakapaskil sa mga labi. Pinasadahan siya nito ng isang humahangang tingin na siyang ikinapula ng kanyang magkabilang pisngi. Pakiramdam niya ay siya ang pinakamagandang babae sa buong sanlibutan dahil sa mga mata nitong kung tumitig ay ipinararamdam sa kanya na maganda siya.

Nang iumang nito ang magkabilang bisig ay agad siyang lumapit dito at pumaloob doon. Hindi na siya nahiya ng bumaba ang mga labi nito sa kanya at sinagot ang halik nito. They'll be husband and wife, ayon nga rito. Natural lang namang gawin iyon ng mag-asawa. Bago pa man ang kasal nila ay ipinangako na niya sa sarili na magiging mabuting asawa rito sa anumang aspekto. Pupunuan niya ang mga pangangailangan nito at pasasayahin ito, kagaya nang nakita niya sa kanyang ina noong nabubuhay pa ito.

"How's your sleep, good?" Tumango siya rito bilang sagot. "We will use that to go island hop and then dive the clearest part of the ocean." Sabay pihit sa kanya paharap sa motor banca na nasa kanilang harapan, may katig iyon sa magkabilang gilid at kaysa ang mahigit sa biente katao roon.

Her heart was filled with excitement and anticipation, she wanted to see the islands he was talking about and swim in the clear water. It's been ages since she swam on the sea.

They had breakfast together, then after, they rode the motor banca, Lucas was maneuvering it. They stopped from island to island, admiring its picturesque beauty.

Ang ibang mga isla ay may mga turistang kagaya nila, karamihan na ay mga foreigner na dumadayo pa sa lugar na iyon.

They had their lunch on an inhabited island.

It was two in the afternoon when they go diving in the middle of the sea. The water was clear and the marine life was visible. Hindi pa siya nakakakita ng ganoon karaming isda at mga corals sa tanang buhay niya.

Tiningnan niya si Lucas na mahusay na sumisisid sa malinaw na tubig. Nang mag-angat ito ng ulo ay nilapitan siya nito na nakaupo sa katig ng bangka.

Walang siyang lakas ng loob na lumusong sa tubig, bagaman ay alam niya kung paano lumangoy ay hindi naman gano'n kahusay, at isa pa, ang huling langoy niya ay noong teenager pa siya.

"Come on..." susog ni Lucas at hinawakan ang kanyang kamay. His smile was vibrant and reassuring.

Nawala ang inihibasyon ni River at inilusong ang katawan sa tubig. Sa una lang pala nakakatakot, dahil nang magsimula siyang lumangoy ay wala siyang ibang nakikita at napagtutuunan ng pansin kung 'di ang kagandahan sa ibaba.

Nakipaghabulan sila ni Lucas sa mga isda, sinipat ang iba't ibang corals na sari-sari ang kulay. They dance with the waves and sway with the fish until they felt exhaustion.

Papalubog na muli ang araw nang muli silang makabalik sa private beach na pagmamay-ari ng pamilya ng kanyang asawa.

Sa dalampasigan din sila naghapunan sa isang candlelit dinner, pagkatapos kumain ay nagkuwentuhan habang nakatingin sa kalangitang puno ng mga bituin.

Nang malamig na masyado ang dampi ng hangin sa katawan ay magkahawak kamay silang pumasok sa loob ng bahay at tumuloy sa kanilang silid.

Kagaya ng kagabi ay nagkulay makopa ang kanyang pisngi pati na ang leeg nang pasadahan siya ni Lucas ng tingin sa kanyang pantulog. Kulay pula iyon na negligee na abot sa gitna ng kanyang hita ngunit ang uka sa bandang dibdib ay mababa. Wala rin iyong manggas kaya malaya ang kanyang magkabilang balikat.

Hindi umiimik si Lucas habang magkayakap sila sa ibabaw ng kama at naghahanda na sa pagtulog. Gaya ng nagdaang gabi ay kinakabahan siya, hinihintay ang susunod na maging hakbang ni Lucas. Ngunit wala itong ginawa kung 'di ang yakapin siya mula sa likuran habang nakabaon ang mukha sa kanyang mahabang buhok.

Kahit na wala siyang karanasan sa maraming bagay ay hindi lingid sa kanyang kaalaman ang mga bagay na ginagawa ng mag-asawa, lalo na't bagong kasal sila. Nakatapos naman siya ng highschool nang may mataas na marka, ang sabi ng marami ay matalino siya at kung nakapag-aral lang ng kolehiyo ay malayo ang kanyang mararating. Nakaka-intinde rin siya ng ingles at paborito niya ang subject na science noong nag-aaral siya. Alam niya ang sex organ ng tao at kung paano iyon gumagana dahil nagpapag-aaralan iyon sa eskwelahan.

Handa siyang ibigay ang lahat kay Lucas kung hihilingin nito. Legal silang mag-asawa at natural lang na gawin nila iyon.

Naroon ang relief at mga agam-agam sa kanyang dibdib dahil sa tatlong araw nilang magkatabi sa iisang kama bilang mag-asawa ay wala itong ginagawa.

SA PANGATLONG araw nila roon ay dinala siya ni Lucas sa secret paradise raw nito. Maaga silang nagising at naglakad ng ilang minuto sa gitna ng kagubatan.

"Careful." Inalalayan siya ni Lucas upang hindi madulas sa mga malalaking batong kanilang dinadaanan. "We're here."

Mula sa daan ay nag-angat siya ng tingin nang marinig ang sinabi nito. Kasabay ng kanyang pagsinghap ay ang huni ng mga ibon sa paligid.

"Ang ganda!" manghang bulalas niya. Pulos luntian ang kanyang nakikita. Mula sa mga ligaw na damo at mga bulaklak, mga punong nagtatayugan at ang pinaka-nakakuha ng kanyang pansin ay ang lawa na kulay luntian din ang tubig at napakalinaw.

"Come." Iginiya siya ni Lucas papalapit sa lawa at inalalayan paupo sa madamong lupa.

"Ang ganda rito, Lucas. Sa telebisyon at mga larawan ko lang nakikita ang ganito kagandang lugar. Kahit sa probinsiya namin ay walang gan'tong kagandang lugar."

"Twenty years ago nang bilhin ni Dad ang property na katabi ng beach resort. The owner was an old couple and they planned to migrate to the state. They sell the property and dad was the one who bought it. Inunahan niya ang isang kompanya na bilihin ang property dahil balak nilang gawing resort ang lugar. Masisira ang natural na kagandahan ng paligid kung nauna ang mga ito sa pagbili.

"I was the one who discovered this place. Hindi sinabi ng dating may-ari na may ganito kagandang lugar sa gubat na sakop ng property nila... Out of curiosity as a child, I entered the forest and got lost. Dinala ako ng mga paa ko rito. Nahanap naman ako ni dad, at kagaya ko ay namangha rin siya sa lugar na ito. I told him to keep it a secret between us, but Niko found this place. Sa tuwing nagbabakasyon kami ay kasama ko na siyang tumutungo rito," he told her with a nostalgic smile on his face.

"Bukod sa inyong tatlo nina Ate Niko at D-dad at sa dalawang matandang nagbenta ng property, wala nang ibang nakakaalam ng lugar na ito?"

Binalingan ni Lucas ang kanyang asawa at marahang inilapat ang hintuturo sa ilong nito. "And there's you, it is also your sanctuary now, ours... Though Martin also knows this place, he didn't come here often. Pumupunta lang siya upang masigurong walang mga taong labas ang mangangahas na pumasok sa lugar na ito. At tingnan ang kundisyon ng cabin," anito sabay turo ng maliit na bahay na nasa 'di kalayuan.

Napasinghap si River nang makita ang cabin. Mula sa kinauupuan ay kitang-kita niya ang salamin nitong dingding at nakaharap sa lawa. Parang iyong pinilas mula sa pahina ng isang fairytale book, bagaman ay mas moderno iyon.

"Let's go inside." Tumayo si Lucas sabay hila sa kanya patayo. Ilang hakbang lang ang layo ng maliit na bahay kaya agad nila iyong narating.

Halos kasinlaki lang iyon ng dati nilang apartment ni Maddie ngunit kompleto ang bahay sa mga kakailanganing gamit. Mula sa pagluluto, pagtulog at may maliit ring banyo. Gawa sa salamin ang dingding ng bahay, ang mga muwebles ay gawa sa molave-ang upuan, ang lamesa at ang kama na may malambot na kutson.

Hindi na niyon kailangan ng aircon dahil napakalamig ng hangin. At ang pinaka-atraksiyon ng bahay ay ang lawa na nasa malapit lang, malaya iyong makikita mula sa salaming dingding.

"What can you say?"

"Wala akong masabi kung 'di ang ganda at napakatahimik. Mapayapa at masarap sa baga ang simoy ng hangin."

"I'm glad that you like our little paradise... Come here," aya ni Lucas at tinapik ang espasyo ng kama na inuupuan nito.

Agad naman siyang lumapit rito sa umupo sa tabi nito. "I want to share everything I have with you, River Louis Villarama, you're my wife now. Kahit ano man ang dahilan ng ating pagpapakasal ay hindi maitatanggi niyon na mag-asawa na tayo ngayon. I don't want to have a broken marriage, if we can work this out, that'll be great. Wala naman sigurong masama sa ideyang magkakasama tayo hanggang sa pagtanda 'di ba?"

She nodded her head in agreement. Wala ngang masama roon. Kung magiging tapat si Lucas sa buong durasyon ng kanilang pagsasama ay walang magiging problema.

"Thank you," usal nito at idinampi ang mga labi sa noo ni River.

Napapikit si River nang bumaba ang mga labi nito patungo sa tungki ng kanyang ilong. Pagkatapos ay bahagya siya nitong inilayo at tiningnan sa mga mata.

Isang estrangherong damdamin ang pumuno sa kanyang dibdib habang nakatingin sa mga mata ni Lucas. Tila ba tinutupok siya tingin nito, naroon rin ang panlalamig ng katawan dahil sa biglaang salakay ng masarap na kilabot at tila'y may likidong dumaloy mula sa kanyang tiyan na kumikiliti sa kanya. Mga halo-halong damdaming hindi niya malinaw na maipaliwanag ngunit pinanabikan niyang palalimin.

Nang humaplos ang mga kamay ni Lucas sa kanyang braso patungo sa kanyang leeg ay matapang niyang tinanggap ang lahat ng iyon. Ang bawat daanan ng mga kamay nito ay nag-iiwan ng mga tutos ng apoy sa kanyang katawan.

At nang muli nitong angkinin ang kanyang mga labi ay wala siyang ginawa kung 'di ang ipikit ang mga mata at tugunin ang mga halik.

Para itong isang alon at tinatangay siya sa isang agos. Nagpaubaya siya rito at hindi ito pinigilan nang ihiga siya nito sa kama habang nanatiling magkahinang ang kanilang mga labi.

Ramdam niya ang mga kamay nitong gumagalugad sa kanyang katawan. Dumidiin at hinahanap ang mga lugar na sensitibo sa mga haplos. Nang masahiin nito ang kanyang dibdib ay iniliyad niya ang katawan dahil sa ligayang dulot niyon.

Ipinaubaya niya sa kanyang asawa ang lahat. Namalayan nalang niyang wala na silang damit nang kubkubin ng bibig nito ang kanyang dibdb. Ang kamay ng asawa ay dumapo sa pinakasensitibong bahagi ng kanyang katawan at gumawa ng mga bagay roon na halos pumugto sa kanyang hininga.

Nahigit niya ang hininga at umawang ang mga labi nang maramdaman ang paggalaw ng mga daliri nito sa kanyang katawan. Bawat hagod ng mga kamay at labi ay naghahatid ng kaluwalhatian sa kanyang kaibuturan.

Isang ungol ng kaligayahan ang kumawala sa kanyang mga labi ng madagdagan ang intensidad ng galaw ng mga daliri nito.

Bumaba ang mga labi ng kanyang asawa sa kanyang tiyan patungo sa bahaging iyon ng kanyang katawan. "Lucas, huwag!" Ngunit huli na, narating na ni Lucas ang destinasyon nito at pinalitan ang mga daliri sa pagpapaligaya sa kanya ng mga labi at dila.

Mariin ang pagkakadaklot niya sa kobre kama at kumawala ang mga ungol sa kanyang bibig dahil sa ginagawa ng asawa sa kanyang katawan. "Lucas, h-hindi ko na kaya..." Naramdaman na niya ang bagay na iyon na namumuo sa kanyang tiyan at gustong kumawala.

Hinagilap niya ang mga kamay ni Lucas, at agad naman niya iyong nahagip. Napakahigpit ng kapit niya rito habang sumisinghap ng hangin at nanginginig ang katawan dahil sa sukdulang naabot.

Iminulat niya ang mga mata nang maramdaman ang pagtama ng hininga nito sa kanyang mukha. Kapantay na niya itong muli at nakatingin ito sa kanya na puno ng pagsuyo, kaligayahan at init ang mga mata.

Hinawi nito ang mga buhok na nakatabing sa kanyang mukha at binuhat ang kanyang itaas na katawan upang mailagay ang dalawang unan sa kanyang likuran.

Napalunok siya habang hindi nilulubayan ang mga mata ni Lucas. Nang pinaghiwalay nito ang kanyang mga hita ay wala siyang naramdamang kaba, naroon ang antisipasyon sa susunod nitong gagawin.

Nang tuluyan siya nitong angkinin ay napayakap siya asawa nang maramdaman ang sakit dahil sa pagkapunit ng kanyang pinaka-iingatang bagay.

Lucas was whispering sweet nothings to her ear while dropping kisses on River's hair, her face and lips. He took her as gentle as he could and it was the best moment of his life.

Continue Reading

You'll Also Like

63.8K 2.3K 28
WARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Dra. Sadie Gwynn Madrid, the charming dent...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
147K 5.4K 28
WARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Gaya ng ilang mga kababaihan, isa si Joe s...
25.4K 645 33
Catalina Alfonso, daughter of the most influenced Mayor in town, was sent under the supervision to one of the sons of her father's most trusted man...