Sitio Series 3: Scheming List...

By oootksm

4K 424 85

[FIN] | Unedited Sitio Series 3: A typical highschool setting story. A girl who chases someone she admire for... More

Sitio Series 3
Synopsis
Prologue
Mayor
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Mayor
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Mayor
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter 1

121 13 2
By oootksm

AN: Third installment of Sitio Series. May you enjoy your stay in Sitio Buka/Ibuka.

﹌﹌﹌


SL 1| Bundok

Hindi nila ako gusto kasi isip bata ako. Sabi nila ang pangit ko raw para maging kaibigan nila. Pero bakit?

Napabuntong hininga ako at masayang naghintay sa may gate ng school namin. Unang beses kasi akong inaya nina Stacy na sumama sa kanilang pumunta sa bundok. Walang may gusto sa akin sa school madalas at tampulan ako ng asaran o kaya nama'y napapahiya dahil daw sa sarili kong katangahan.

Sinubukan kong lumaban pero walang naniwala sa aking biktima lamang ako. Walang naniwala. Ayaw ko na ring magsumbong dahil makakadagdag na naman ako sa sakit ng ulo nina Tita Mercedes.

“Tara na!” Sigaw nina Stacy agad ko namang binilisan ang paglalakad para makahabol sakanila pupuntahan namin ang sikat na bundok sa Sitio Nganga, maganda kasi roon. Masaya silang magkwentuhan habang ako'y parang tutang nakasunod.

Naalala ko ang bawat salitang binitawan ni Tita Mercedes. Malas nga ba ako?

“Tanginang 'yan! Ako ang sumalo sa batang 'yan! Ang dami ko ng anak nagdagdag pa kayo ng palamunin dito!” Sigaw niya, napatakip nalamang ako ng tenga habang natigil sa paglalaba ng kanilang labahan.

“Mercedes maawa ka naman sa bata kakamatay lang ni Ernesto sumunod namang na comatose si Celia. ” Pagpapakalma ni Tiyo Badong.

“Ay ewan! Wala na akong pera pangtustos diyan sa batang 'yan! Bakit ba kasi hindi nalang kayo gumawa ng ibang paraan! Ako pa tuloy ang pineperwisyo niyo!” Saad niya, pinagpatuloy ko na ang pagkusot sa puting damit. Madiin at napapabilis hanggang sa namalayan kong nagsisipatakan na pala ang aking mga luha.

Ilang taon lang naman siya sa inyo sinabi naman na ni Karina na siya na ang aampon sa bata.. May ginagawa lang ito sa ngayon..” Ani Tiyo Badong.

“Buti naman! Kung sana'y binabayaran niyo ako bakit ba naman kasi hindi nag-iisip 'yang Ernesto mamatay nalang at ang dami pang iniwan na perwisyo!”

Pinagpasapasahan ako ng mga kamag-anak ko kung hindi ako pagsasalitan ng hindi maganda minsan ay pinapalo o kaya nama'y pinapamukha nila sa aking isa akong malas sa mundong ito.

Namatay si papa sa construction site walong taong gulang ako noon at ng mabalitaan 'yon ni mama na atake ito sa puso dahilan para ma-comatose siya. At ako, doon na nagsimula ang lahat.

“Bilisan mo naman Dorothy! Ano ba 'yan! Bitbitin mo nga ito para may silbi ka naman!” Galit na sabi ni Stacy at inabot ang may kabigatang bag niya sa akin nagsimula na kaming umakyat sa bundok. Matarik at may pagkadulas ang daan dahil hindi pa gawa ang parang hagdanan papunta sa taas.

Nagseselfie sila... Gusto kong sumama sa litrato pero baka hindi naman ako pwedeng isama.. “Aray!” Daing ko ng mapasubsob sa may damuhan, galit na sumigaw ulit si Stacy dahil nahulog ang bag nito.

“Tanga-tanga naman!” At galit akong iniwanan sa kalagitnaan. Gusto ko lang naman maging belong.. Mahina na kung mahina.. Hindi ko kayang lumaban.

Ilang oras ang ginugol ko para makasabay sakanila sa pag-akyat pawis na pawis ako habang sila'y masaya ng nakatanaw sa magandang tanawin. Masaya akong pinagmasdan ang sunset dito sa bundok ng Sitio Nga-Nga talagang kahanga-hanga.

Naglagi kami hanggang umabot ang alas sais, nagiging madilim na ang kapaligiran. Nagtaka ako ng may mga motor na tumigil at ang aking kinagulat ay sabay-sabay na umangkas sina Stacy sa mga motor.. Tanging ako lang ang naiwan.. Naiwan akong mag-isa.

“Tanga-tanga mo kasi! Ingat ka!” Rinig na rinig ko ang malalakas nilang tawanan habang pababa na ng bundok gamit ang motor ng tropa nila.

Umiyak ako, walang ibang ginawa kundi umiyak. Humihikbi habang nagsisimula ng maglakad pababa ng bundok, takot sa kaisipang baka mapahamak ako o kaya'y may makasalubong na rapist sa lugar na 'to.

Padilim na ng padilim hindi sapat ang liwanag na nagmumula sa mga poste upang ibsan ang takot na nararamdaman ko. Natigil ako sa paglalakad ng may mapansin, may nakasunod sa aking motor.

Bawat daanan ko'y sinusundan ako nito luminaw ng konti ang paligid dahil sa ilaw na nagmumula sa motor na iyon dapat ba akong matakot o hindi? Tumigil ako sa paglalakad, tumigil din ang motor.

“Taga saan ka ba?” Tanong ng driver, base sa boses nito'y kaedaran o mas matanda ito sa akin ng ilang taon. “Delikado na rito, kasiya ka naman dito sa single na motor. ” Mabilis akong nailing at nagpatuloy sa paglalakad siguradong masesermonan na naman ako ni Tiya Mercedes dahil gabi na ako kung umuwi.

Naiimagine ko na ang mangyayari mamaya siguradong hindi na naman ako makakakain ngayong gabi.

Lalo akong nanginig sa takot ng may dumaan na grupo ng kalalakihan nakatingin sila sa akin. Sumipol ang isa habang pinapasadahan ako ng tingin, “ginugulo ka ba niyang naka single na motor bata?” Tanong nila. “Tara sama ka sa amin..” Anito habang nakangisi.

“Mukhang batang-bata pre pagkatapos mo sakanya akin na pagkatapos.” Rinig kong bulong ng isa kaya lalo akong natakot, hindi maganda ang sitwasyong ito.

Alam ko ang gusto nilang mangyari mag-aalok sila ng tulong kapag pakiramdam mo'y ligtas kana saka sila kikilos. Sila mismo ang magiging kapahamakan mo, pagsasamantalahan ka nila. Hindi ko nilalahat ang mga lalaki may ibang sira talaga ang tutok at nagagawang mambaboy ng mga kababaihan same as sa mga kababaihang nangrarape ng mga lalaki.

Walang pinagbago parehas silang kasuklam-suklam.

“Pasensya na boss! Girlfriend ko 'to! Anak siya ng pulis na general sa may bayan nakakalungkot nga at paparating na ang tatay niya rito para sunduin siya nabalitaan kasing may mga putanginang rapist at adik dito. ” Ani ng lalaking nasa motor siklo habang hawak ang aking kamay. Pansin kong natigilan sila at nagkanya-kanya nalamang ng alis. “Ayaw mo ba talagang sumakay? Para namang masama akong tao! Excuse me chicks ka pa?”

“A-Ano... Hindi lang ako sanay baka ano...” Hindi ko matuloy-tuloy ang sinsabi.

Saglit niyang pinaandar ang motor niya habang naglalakad ako tila sinusundan at sinasabayan ako. “Bakit ka ba nandito gabi na ah.” Tanong niya.

Humigit ang kapit ko sa laylayan ng damit. “A-Ano... Inaya kasi ako ng mga kaibigan kong magbundok pero.. pero ano nauna na silang umuwi..” Sagot ko.

“Kaibigan mo pa ang mga iyon sa lagay na 'yan?! Aba ineng mag isip-isip ka! Hindi na kaibigan 'yan!”

“Huwag kang magalit!”

“Sinong hindi magagalit e, babae ka tapos palalakarin mag-isa sa bundok? Tapos madilim at matarik ang daan? Sinong tanga ang gagawa non? Edi mga kaibigan mo!”

Wala akong nakapang salita para isagot sakanya, nagtiwala na naman kasi ako. Sa kagustuhang mapabilang ay nagpauto ako kina Stacy. Hanggang sa makababa kami ng bundok ay hindi ako nilubayan ng lalaki, tinanong pa nito kung taga saan ako.

“Bagong lipat nga rin ako rito tapos syempre taga Cavite ako. Ang weird nga ng pangalan ng mga sitio! Unang dinig ko natawa ako kasi akala ko joke pero hindi pala!” Tumango ako, tama siya ang weird nga ng pangalan. “Ano 'yon pinangalanan ang lugar habang nagse-sex?! ”

“Ewan? Siguro? Baka may paliwanag naman..”

“Sitio Buka o Ibuka... Dito kana nakatira no?” Pinatay muna nito ang motor at umalis sa pagkakasakay. “Ingat ka ah! Sigurado ka bang nandito kana talaga sa bahay n'yo?”

Ngumiti ako ng tipid, “oo, malapit na riyan hindi mo na ako kailangang ihatid. Salamat talaga, pasensya na rin at pinagkamalan kitang masamang tao. ” Hindi niya ako iniwan, kaya pala sinasabayan niya ang bawat lakad ko sa bundok ay iniilawan nito ang daraanan ko. Ang bait niya.

“Wala 'yon! Ganito talaga kapag pogi, gwapo na mabait pa!”

“Oo, mabait ka...”

“Hoy! Pogi at mabait! Tinatanggal mo ang pogi e,” tumingin ito sa relos. “Oh, bye na ah, ingat ka uli! Huwag ka ng sumama sa mga kaibigan mo kuno, papanget naman nila..” Akma na itong aalis ng pigilan ko siya.

“S-Sandali... Anong pangalan mo?” Tanong ko sakanya.

“Fei.. Feitan Rodriguez, ikaw?”

Ngumiti ako. “Dorothy.. Dorothy Smile Felipe..”

Kumaway na ito at umalis na pinagmasdan ko siyang mawala sa aking paningin bago tuluyang pumasok sa loob ng kabahayan, hindi ko malimutan ang sinabi nito bago umalis.

“Kaya pala lagi kang ngumi-ngiti dahil sa pangalan mo. Smile ka lang ng smile Dorothy gumaganda ka lalo..”

﹌﹌﹌﹌﹌﹌
#Bundok

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 236K 49
"Stop trying to act like my fiancée because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
15.3M 468K 32
"We can't do this." I whisper as our lips re-connect, a tingling fire surging through my body as his hands ravage unexplored lands; my innocence di...
553K 18.8K 144
Read and find out...
5.3M 476K 98
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...