Dyosa ng mga Panget

By MaxineLaurel

174K 5.5K 263

Si Kathleen Espinosa ay naniniwalang isa siyang Dyosa ng Kagandahan. Maganda raw kasi talaga siya... sabi ng... More

Dyosa ng mga Panget
About the Story
Hello!
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Epilogue
Pasasalamat
Spin-off Announcement
To all the girls out there: MAGANDA KA SIS

Chapter Nine

5.9K 253 11
By MaxineLaurel

5 days before Valentine's Day

Aminado ako na hanggang ngayon ay masaya ako matapos ng aming moment by the swing ni Red noong nakaraang araw. Malapit na talaga akong magka-love life. Totoo na ito, promise. Feel na feel ko na, eh. Ako na 'yung magiging girlfriend ni Red. Konting push pa.

Kasalukuyan kaming nasa canteen ni Pinkie at nanananghalian. Masasabi kong sa sobrang saya ko ay naparami na naman ang binili kong kanin at ulam. Ganito siguro ako kapag in love, gumaganang kumain.

"Masaya ka ata," sabi ni Pinkie.

"Bestie malapit na ako magka-lovelife."

Narinig ko ang pag-snort niya. Grabe talaga itong bestfriend ko. Napaka-supportive.

"Hindi ka ba masaya para sa akin?" tanong ko.

"Masaya. Pero ayokong masaktan ka... Bestie, makinig ka sa akin..."

Pero hindi ko na nagawang pakinggan ang sasabihin niya dahil dumapo ang paningin ko sa isang mesa kung saan nakaupo sina Blue at Red. Ngunit ang nakapukaw sa aking atensyon ay ang suot na T-shirt ni Blue sa loob ng nakabukas na puting polo nito.

Suot niya ang blue na T-shirt na regalo ko para kay Red.

Hindi ko namalayan na tumayo na pala ako at lumapit sa kanila hanggang sa nasa harapan na ako ni Blue. "Bakit suot mo 'yan?"

Gulat na gulat pa si Blue nang nakita niya ako sa harapan niya. "Kath..."

"Kath, ibinigay ko kasi kay Blue ang—"

Hindi na naituloy ni Red ang sasabihin dahil sumabat ako. "Akala ko ba gustung-gusto mo ang niregalo ko? Akala ko ba iyan ang pinakamagandang natanggap mo? Tapos ipamimigay mo lang pala?"

Nagsimula nang tumulo ang luha ko, kasabay nang pagbiyak ng puso ko. Ang sakit lang. Ang pinag-ipunan ko, ang pinaghirapan kong hanapin, ipinamigay lang pala niya? Bakit pa siya nagsinungaling sa akin no'ng magkausap kami sa swing?

Nakita kong tumayo si Blue ngunit hindi ko na alam ano pa ang sumunod na nangyari dahil umalis at tumakbo na ako papalayo sa kanila.

Naluluha pa rin akong tinungo ang unang lugar na naisip kong puntahan. Nakarating na ako sa may playground at naupo sa swing.

Siguro, masyado lang akong OA dahil nag-react ako agad. O 'di kaya ay masyado akong assuming na nagustuhan nga ni Red ang regalo ko. Pero alam kong masyado akong nag-expect na nagustuhan niya ang ibinigay ko, na na-appreciate niya ang ginawa ko. Na gusto rin pala niya ako, tulad ng pagkakagusto ko sa kanya.

Masakit pala ang mag-expect nang sobra, kasi kung hindi ito natupad ayon sa gusto natin, madi-disappoint lang tayo. At doon papasok ang sakit.

Napabuntong-hininga lang ako. Baka hindi kami ni Red ang para sa isa't isa?

"Kath..."

Itinaas ko ang aking mukha mula sa pagkakayuko at nakita kong nakatayo si Red sa harapan ko. Habol-habol pa rin nito ang hininga niya at magulo ang buhok tulad ng buhok ni Blue. Halatang tumakbo ito para habulin ako.

Pinilit kong ngumiti. "Sorry. Medyo OA ako kanina."

"Kath... Sorry..."

"Ano ka ba, okay lang 'yon. Ibinigay ko 'yon sa 'yo. Ibig sabihin may karapatan kang gawin ang kahit na ano'ng gusto mong gawin doon."

"Hayaan mo akong magpaliwanag..."

Umiling ako. "Huwag na. Naiintindihan ko naman, eh."

Bumuntong-hininga si Red. "Mamayang hapon, pagkatapos ng klase mo, huwag ka munang umalis."

"Ha? Bakit?"

"Sabay na tayong umuwi. May... may gusto akong sabihin sa 'yo."

Gusto niya akong makasabay umuwi? Ano kaya ang sasabihin niya? Isa lang ang paraan para malaman ko ang mga kasagutan. "Uhm, sige..."

Ngumiti siya sa akin. "Tara, hatid kita sa classroom mo."

At sa pangalawang pagkakataon ay sinamahan niya ako papuntang classroom.

***

"Uy, pare magsilikas na tayo!"

"Bakit pare?"

"Ayan na, sasabog na ang Pinatubo sa mukha ni Kath!"

Hay naku, pinuntirya na naman ng mga ugok kong lalaking classmates ang pimples ko. Napaka-lame pa ng joke. Wala ba silang alam na ibang bulkan sa Pinas? Gasgas na ang Pinatubo, eh. Wala talaga silang magawa sa buhay.

Nasa loob kami ng guidance counselor's office para sa annual interview kasama pa, siyempre, ng guidance counselor. By three's kasi ang punta kaya kaming tatlo nina boy one at boy two ang nag-aabang sa labas.

Hindi na ako nakasagot sa kanila dahil nasa harapan ko na pala si ma'am.

"Ms. Espinosa, pumasok ka na sa office ko." Sumunod ako kay ma'am at iniwan ang dalawang bugok kong kaklase.

Pagpaposk ko sa opisina ni ma'am, namangha ako sa aking nakita. Kulay yellow ang motif ng silid ni ma'am. Maaliwalas sa loob na animo'y may sariling sun si ma'am. Parang napakagaan ng pakiramdam—iyon ang epekto sa akin ng silid ni Ms. Reynoso.

Maganda si ma'am, pero single pa rin hanggang ngayon. Ang sabi ng mga chismosa sa paligid, kaya raw single si ma'am ay dahil hinihintay pa rin daw nito ang kanyang first love.

Umupo naman si Ms. Reynoso sa may mahabang sofa. "Maupo ka na rin."

Sinunod ko naman ang sinabi niya at naupo sa kabilang maliit na sofa.

"Good Morning," ang bati pa ni ma'am. "Napansin ko na mukhang madalas kang tuksuhin ng mga classmates mo. Binu-bully ka ba nila?"

"Naku ma'am. Hindi naman sa binu-bully nila ako. Pero nasanay na rin ako sa mga panunukso nila sa akin. Hindi rin naman ako nagpapaapekto sa mga sinasabi nila."

"And why is that?"

"Kasi po ma'am kabilinbilinan ni nanay na 'wag ko na raw po patulan 'yung mga ganyang panunukso sa akin."

Nalala ko pa ang sabi ni nanay dati. "Anak, lagi mong tatandaan, we are all created in the image and likeness of God. God is beautiful, and so are you..."

"Kaya po dedma na lang ako sa mga sinasabi nila," dagdag ko pa.

Napangiti naman si Ms. Reynosa. "Hanga ako sa iyo at sa mga itinuro ng nanay mo. May tanong lang ako, ano. Pero sana ay huwag mo itong mamasamain, ha?"

"Sige po ma'am. Ano po iyon?"

"Ano bang facial wash ang ginagamit mo sa mukha?"

Facial wash? "Naku ma'am. Sabon at tubig lang po ito."

"Hmm... Naisip ko lang, baka masyadong harsh o matapang ang sabon para sa mukha mo. Kasi ang balat sa mukha natin ay mas sensitibo kumpara sa ibang bahagi ng katawan."

May degree ba sa pagiging dermatologist si ma'am? "Ganoon po ba?"

"Teka, may ibibigay ako sa 'yo." May idinukot si ma'am sa loob ng bag niya at inabot ito sa akin. "Subukan mo itong facial wash."

Tinanggap ko naman ang bigay niya. "Para saan po ito?"

"Para sa mukha. Iyan ang gamitin mo kaysa sa sabon. Subukan mo lang kung hiyang sa 'yo. Baka makatulong 'yan para hindi gaanong dumami ang pimples sa mukha mo."

"Talagang may bitbit kayong facial wash sa bag?"

"Hindi. Binili ko 'yan kanina pero sa 'yo na lang."

"Salamat po, pero bakit n'yo naman po ako tinutulungan ng ganito."

Napangiti si Ms. Reynoso at sa ekspresyon ng mukha niya ay para bang nagsimulang mag-day dreaming si ma'am. "May naaalala kasi ako sa 'yo."

"Talaga ho? Dyosa rin ho ba siya?"

"Dyosa?" Umiling si ma'am. "Kaklase ko siya sa elementrary at high school. Dati kasi lagi ko siyang tinutukso. Tigyawat na tinubuan ng mukha, taong grasa, hari ng kadiliman, nognog... ilan lamang 'yan sa mga tawag ko sa kanya."

Pintasera rin pala itong si ma'am, ano?

"Pero ang totoo, may gusto ako sa kanya," dagdag pa ni ma'am. "Matagal na akong may gusto sa kanya, kaso hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya. Kaya para mapansin niya ako, idinadaan ko na lamang sa panunukso. Dumating kami ng fourth year high school, nag-ipon ako ng lakas para umamin sa kanya sa mga nararamdaman ko."

Ang cute naman ng lovestory ni ma'am! Siguro itong si tigyawat na tinubuan ng mukha ay ang first love niya.

Kaso bigla kong naalala si Blue at ang pang-aasar niya sa akin. Parang hindi ko ata ma-imagine si Blue may gusto sa akin. Yucks kaya! Pati ang pangalang namin kapag ipinagsama mo, Blue at Kath na magiging BlAth, ang sagwang pakinggan!

"Tapos po, ano'ng nangyari?" tanong ko.

Biglang naging malungkot ang mukha ni ma'am. "Natagpuan na pala niya ang true love niya. Nabalitaan ko na lang pala sila na ng pinakamagandang babae sa eskwelahan namin. Ngayon nga ay nakabuo na sila ng isang pamilya at may isang anak na rin sila."

Tragic pala ang ending. Ang lungkot naman. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko. Papayuhan ko ba si ma'am ng 'okay lang po 'yan, marami namang ibang lalaki sa mundo' kung ako mismo ay walang masyadong alam sa larangan ng sawing pag-ibig?

"Pero nakaraan na iyon," biglang sabi ni ma'am. "At tuwing nakikita kita, natutuwa ako dahil parang siya ang nakikita ko sa 'yo."

So, parang sinasabi ni ma'am na isa akong tigyawat na tinubuan ng mukha?

"Anyway, sana ay subukan mo ang ibinigay ko sa 'yo," sabi ni Ms. Reynoso.

Tumango lamang ako.

Ngumiti naman si ma'am sa akin. "O, paano? Salamat sa pagbibigay oras para sa interview."

"Tapos na po? 'Yun lang 'yon?"

"Yes. I already have the answers that I need."

"Sige po, Thank you ma'am." Tumayo na ako at akmang lalabas na sana ng opisina niya nang bigla niyang tinawag ang pangalan ko.

"Ms. Espinosa, tandaan mo, huwag mong hahayaang bumaba ang tingin mo sa sarili mo dahil sa panunukso sa 'yo ng mga classmates mo."

"Opo ma'am." Tumalikod na ako ngunit muli niya akong tinawag.

"Oh, and Ms. Espinosa. Your father is very lucky to have you for a daughter."

At bago pa ako nakasagot ay yumuko na si ma'am at nagsimulang magsulat sa papel niya. Lumabas na lamang ako ng opisina at takang-taka kung bakit nasabi iyon ni ma'am. Kilala ba ni Ms. Reynoso si tatay? Hindi kaya ay...

Naku, si tatay! May secret admirer pala!

#DyosaNgMgaPanget

Continue Reading

You'll Also Like

132K 594 3
Si Ashton Frederico na isang genius at whiz kid ay lumaking iisa ang layunin sa buhay: ang maging doktor at neurosurgeon. Pero nang makilala niya ang...
10K 154 36
8 planets, 204 countries, 7 seas, 7,701 islands, 7 billion people, and here I am in love with some one who doesn't even know that my love exist....
30.7K 633 39
a cliche story na about sa girl na torn between TWINS xDD ... just read the prologue please *u*
59.2K 3K 38
Maine has been single for a while, and has been quite lonely. She isn't rushing to find her prince charming, but when will he come?