Dyosa ng mga Panget

By MaxineLaurel

174K 5.5K 263

Si Kathleen Espinosa ay naniniwalang isa siyang Dyosa ng Kagandahan. Maganda raw kasi talaga siya... sabi ng... More

Dyosa ng mga Panget
About the Story
Hello!
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Epilogue
Pasasalamat
Spin-off Announcement
To all the girls out there: MAGANDA KA SIS

Chapter Eight

5.9K 226 11
By MaxineLaurel

7 days before Valentine's day

At gaya ng aming napag-usapan ni Blue, nag-bake ako ng banana cupcakes para kay Sweetie Pie Red.

Kagabi kasi ay magka-text na naman kami ni monkey boy. Matapos ng kanyang mga pang-aasar sa text, saka niya sinabi na maghintay raw ako sa may play ground sa school at doon ako pupuntahan ni Red. Ang sabi pa niya ay siya na raw ang bahalang magbigay ng rason kay Red para pumunta roon.

Kaya heto ako ngayon, tanghaling tapat ay nakaupo pa rin sa may swing at hinihintay si Red. Medyo kabado ako—'yung puso ko parang gustong lumundag palabas ng dibdib ko at mag-tumbling.

Magugustuhan kaya niya ang cupcakes ko? Masasarapan kaya siya rito? Hindi kaya sumakit ang tiyan niya, magka-LBM pa at ako ang sisisihin?

Nasa kandungan ko ang isang box na puno ng cupcakes. Ang ganda ng pinaglagyan ko ng cupcakes, akala mo naman sosyal ang na bake ko. Gawa lang pala sa saging! Pero since paborito pala niya ang gawa ko, aba, may extrang ingredient na pagmamahal pang kasama!

"Hello Kath," narinig ko mula sa aking likuran.

Lumingon ako at nakita ko si Red na nakatayo sa likod ko. "Kuya Red!" ang sabi ko pa. Tatayo pa sana ako pero lumapit siya at naupo na rin sa swing.

"Kuya talaga? Puwedeng Red na lang?" nakangiting sabi nito.

Eh, sino ba naman ako para tumanggi sa request niya? "Sige, Red na lang," kinikilig ko pang sagot.

"Gusto mo raw akong makausap?"

"Opo. Kasi gusto po kitang bigyan ng banana cupcakes. Sabi kasi ni matsing, este ni Blue, paborito mo raw ang banana cupcakes."

"Hindi mo nga akong tinawag na kuya, pero pino-po at opo mo naman ako."

"Ha?"

"Iyan ba 'yung cupcakes?" turo niya sa hawak-hawak kong karton.

Tumango ako. "O-oo." Hindi ako sanay na hindi um-opo sa kanya pero kakayanin ko para sa aming pagmamahalan.

Inabot ko sa kanya ang karton at saka siya kumuha ng isa. Kinagat niya ang cupcake at napapikit pa ng mata. "Hmmm... ang sarap talaga ng mga gawa mo!" Kumuha siya ng isa pa at inilapit sa akin. "Heto, tikman mo."

Oh my gee! Gusto niya akong subuan? Kinikilig ako! Nagpa-cute muna ako at ibinuka ang bibig ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Red at inilapit pa nang husto ang cupcake sa bibig ko.

Tama nga siya. Masarap nga talaga ang gawa ko.

Kumuha pa siya ng isa at kumain muli.

"Uhm, paborito mo pala ang saging?" tanong ko. "Kasi ang alam ko si Blue 'yung mahilig kumain ng saging."

"Ha? Ah, eh, pareho kasi kami ng hilig."

"Ganoon ba?" Naging tahimik kami muli at patuloy pa rin siya sa pagkain ng cupcake. Kailangan makawala ako sa awkward silence na ito. "'Yung... 'yung regalo ko para sa 'yo, nagustuhan mo ba?"

"Oo naman. Iyon kaya ang pinakamagandang natanggap ko na regalo sa birthday ko."

Bolero rin pala itong si Red. Pero kinikilig ako nang sobra.

"Balita ko pa nga, eh, nahirapan kayo sa paghanap ng regalo para sa akin," dagdag pa niya.

"Ha?"

"Naikuwento kasi ni Pinkie na nilibot n'yo ang mall para lang maghanap ng regalo."

Kahit kailan talaga itong si bestie, daig pa ang reporter sa pag-ulat ng happenings. Naku, patay! Baka nasabi niya na one hundred forty pesos lang ang T-shirt.

Bigla naman nabaling ang paningin ko sa kamay ni Red. "Teka, 'yan 'yung bigay ko kay Blue, ah. Ba't suot-suot mo?"

"Ha? Ah, eh..."

"Itong Blue talaga, kahit kailan hindi marunong mag-appreciate. Binigyan na nga ng regalo, ipinamigay pa sa iba." Makakatikim talaga sa akin iyang unggoy na 'yan.

"Huwag ka nang magalit sa kanya. Kasalanan ko naman kasi hiniram ko sa kanya. Hindi ko naman alam na ito pala ang regalo mo sa kanya."

Dahil sinabi ni Red, sige, palalampasin ko ang ginawa ni Blue. "Ganoon ba. Sige, walang kaso 'yon. Kapag napadaan ako uli sa mall, ibibili rin kita ng ganyan." Siyempre hindi ko puwedeng aminin na sa bangketa ko lang nabili ang bracelet, 'no.

Ngumiti lamang si Red. "Pareho pala kayo ng bracelet. Couple bracelet ba 'yan?"

Muntik na akong masuka sa sinabi niya. Couple? 'Di ba hindi puwedeng magsama ang dalawang magkaibang species? Against sa law of nature iyon! "Ikaw talaga Red. Palabiro ka talaga. Pero huwag mo ng uulitin 'yan ha. Last mo na 'yan."

"O, bakit? Bagay naman kayo, ah."

Ano ito? May balak bang maging bridge si Red upang mabuo ang tambalang Blue at Kath? At ano ang itatawag sa amin, BlAth? Ang pangit! Kung sabagay, pangit rin naman ang love team na RAth, pinagsamang Red at Kath. Pero, si Blue at ako?

"At saka hindi ba close kayo dati no'ng mga bata pa tayo?" dagdag pa nito.

Oo, masasabi kong close kami dati. Pero... "Lagi niya akong inaasar."

Umiling si Red. "Nagseselos kasi 'yon."

"Selos?"

"Naalala ko kasi dati, no'ng hindi ka na nakikipaglaro kay Blue, bigla niya akong inaway. Ang sabi pa niya inagaw ko raw ang best friend niya."

Namilog ang aking mga mata sa narinig. "Ako? Best friend ni Blue?"

"Mga bata pa kasi tayo noon. Eleven years old ka pa ata noon, twelve naman kami. Kaya inaasar ka niya kasi nagpapapansin lang sa 'yo 'yon."

Nagulat ako sa mga nalaman ko. Hindi ko alam na best friend pala ang tingin sa akin ni Blue dati. Tanda ko pa nga na madalas talaga siya ang kalaro ko dati. Tuwing nadadapa ako sa kakatakbo at iiyak ako, siya ang tumatahan sa akin. Naalala ko rin noong may batang lalaking umagaw sa hawak kong chichirya, inaway pa ito ni Blue para ibalik lang ang chichirya ko.

Hindi ko namalayan na napangiti na pala ako. May isa pang alaala na pilit lumalabas sa baul kong memorya. Ngunit kahit anong pilit ko ay hindi ko ito gaanong matandaan. Naalala kong nakahiga ako sa may damuhan habang nakaupo naman si Blue.

"Kath, mangako tayo sa isa't isa," ang sabi pa ni Blue.

Ano nga ba 'yong pinangako namin sa isa't isa?

"Paano Kath, hatid na kita sa classroom mo?" biglang sabi ni Red.

Tumingin ako sa wrist watch ko at saka ko napansin na malapit na palang magsimula ang klase.

"Sige." Sabay kaming umakyat ng building. At alam mo 'yon? 'Yung pakiramdam na lahat ng mga mata ay nakatitig sa 'yo at inggit na inggit sila dahil isang diyos ng kaguwapuhan ang katabi mo at hinahatid ka pa sa classroom mo?

Ganoon na ganoon ang nangyayari sa akin ngayon. Ang haba na nga ng hair ko, naging straight pa!

Nang nasa tapat na kami ng classroom ko, nagpaalam na si Red at pupunta na rin daw siya sa klase nila.

Nakaalis na si Red ay dinig na dinig ko pa rin ang mga bulung-bulungan ng mga tsismosa at inggitera kong mga classmates.

"Kita mo 'yon? Not feeling well ata si Red. Nakikipag-usap kasi sa isang anino, eh."

"Girl, baka ginayuma? Alam mo na, kapag desperada..."

"Baka naman tinutukan niya ng patalim si Red?"

"Hindi. Siguro binantaan niyang ibabarang si Red kung hindi siya sasamahan..."

Sa totoo lang, hindi ko talaga sila gets kung bakit lagi nila akong inaaway o nilalait. Buong buhay ko, wala akong ibang taong pinintasan maliban kay Blue. Exception siya siyempre kasi masarap din siyang asarin kung minsan. Pero sila?

Hindi ko na lamang sila pinansin. Sa halip ay lumapit ako kay Pinkie.

Bakas sa mukha ni Pinkie ang pagtataka. "Bakit kasama mo si..."

"Si Red? Kasi may DATE kami kanina." Nilakasan ko ang boses ko sa salitang date. Pang-inis lang ba sa mga mapanlait kong classmates.

Kumunot ang noo ni Pinkie. Ngunit hindi ko na siya pinansin dahil nagsimula na akong mag-daydreaming.

Magkano kaya ang magpalit ng pangalan? Parang gusto kong ipalit ang pangalan ko at gawing Orange. Para naman Red-Orange na ang tawag sa love team namin. At ang mga anak namin, ipapangalan ko sa kanila ang lahat ng kulay sa color wheel. Ilan nga ba ang kulay sa color wheel?

#DyosaNgMgaPanget

Continue Reading

You'll Also Like

148K 11.6K 53
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
349K 10.8K 31
I was named the most cold blooded royal of the new generation in Cordonia. I was called names after names, cursed by many. I am the kind of guy that...
3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
368K 11.3K 34
Ano ang mas masakit sa salitang friends lang tayo? Iyon ay ang tawagin kang KUYA... Tapos kakantahan ka pa ng mga ulol mong kaibigan ng Tinawag mo k...