SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPL...

By helene_mendoza

269K 14.5K 2K

I was the bad guy. The monster that people hate. I was the reason why some agents died in the line of duty. I... More

AUTHOR'S NOTE
CHAPTER ONE (Remission)
CHAPTER TWO (New Mechanic)
CHAPTER THREE (New Job)
CHAPTER FOUR (Car Trouble)
CHAPTER SIX (The Witness)
CHAPTER SEVEN (The Job)
CHAPTER EIGHT (Her End)
CHAPTER NINE (First Time)
CHAPTER TEN (Road to Recovery)
CHAPTER ELEVEN (Faces of the Monsters)
CHAPTER TWELVE (New Name)
CHAPTER THIRTEEN (The Trainer)
CHAPTER FOURTEEN (Trainings)
CHAPTER FIFTEEN (Changes)
CHAPTER SIXTEEN (Practice)
CHAPTER SEVENTEEN (Mouth to Mouth)
CHAPTER EIGHTEEN (Stop thinking about me)
CHAPTER NINETEEN (Broken)
CHAPTER TWENTY (The Brothers)
CHAPTER TWENTY ONE (His move)
CHAPTER TWENTY-TWO (Face to Face)
CHAPTER TWENTY-THREE (Back Job)
CHAPTER TWENTY-FOUR (Favor)
CHAPTER TWENTY-FIVE (Her Nightmare)
CHAPTER TWENTY SIX (Cleaning Up)
CHAPTER TWENTY-SEVEN (Start of war)
CHAPTER TWENTY-EIGHT (Police Investigator)
CHAPTER TWENTY-NINE (Wake)
CHAPTER THIRTY (Cold Case)
CHAPTER THIRTY-ONE (Nightout)
CHAPTER THIRTY-TWO (Stuffed)
CHAPTER THIRTY-THREE (Pink Towel)
CHAPTER THIRTY-FOUR (Cute)
CHAPTER THIRTY-FIVE (First Kiss)
CHAPTER THIRTY-SIX (CPR)
CHAPTER THIRTY-SEVEN (Rival)
CHAPTER THIRTY-EIGHT (Visitor)
CHAPTER THIRTY-NINE (Flowers)
CHAPTER FORTY (Everything)
CHAPTER FORTY-ONE (Best night)
CHAPTER FORTY-TWO (Breakfast)
CHAPTER FORTY-THREE (Savior)
CHAPTER FORTY-FOUR (Don't want to go back)
CHAPTER FORTY-FIVE (Cracked)
CHAPTER FORTY-SIX (Plans)
CHAPTER FORTY-SEVEN (Other boyfriend)
CHAPTER FORTY-EIGHT (Riel)
CHAPTER FORTY-NINE (Start Over)
CHAPTER FIFTY (Again)
CHAPTER FIFTY-ONE (Sold out)
CHAPTER FIFTY-TWO (Loud Bang)
CHAPTER FIFTY-THREE (New case. New Location)
CHAPTER FIFTY-FOUR (Fresh start)

CHAPTER FIVE (Realty Agent)

4.9K 262 32
By helene_mendoza


Martin's POV

            Ibinato ko ang bitbit kong supot ng pagkain at tubig sa lalaking nakaupo sa couch at busy sa pagpipindot sa cellphone.

            "Enjoy your lunch." Lumapit ako sa lalaking nakatali sa silyang nasa gitna ng garahe. Nakayuko ang ulo nito at kita ko ang tumutulong dugo mula sa bibig. Punong-puno ng dugo ang damit nito. Tumingin ako sa mga kamay ko. Hindi pa nga nakaka-recover mula sa nakaraang trabaho na pinagawa ni Ghost, mayroon na namang bitbit ang anak niya ngayon.

            "What the hell is this? Adobong sitaw? Tortang talong? Nasaan ang meat? Walang fried chicken?"

            Hindi ko tiningnan si Declan na alam kong nagkakalkal ng ibinigay kong tanghalian niya. Magtiis siya sa pagkain na puwedeng kong mabili sa tabi-tabi. Wala akong panahong lumabas para mamalengke at lalong wala akong panahong magluto. May malapit na karinderya dito kaya doon na ako bumibili. So far, I am enjoying the food.

            "'Yan na lang ang natirang pagkain nila. Magtiis ka na diyan." Sagot ko at naupo sa harap ng lalaking walang malay na bugbog-sarado na. Napahinga ako ng malalim. Kaya hindi talaga ako naniniwala sa sinabi ni Ghost na wala ng darating na trabaho dito. Dahil wala pang dalawang araw, may bitbit na namang for interrogation si Declan.

            "'Tangina, pagkain ba 'to? Wala man lang lasa 'tong adobong sitaw. Kulay toyo lang. Hindi ka man lang nanghingi kahit patis? Pagtitiisan ko na kahit lasang adobong sitaw na may patis 'to dahil sa gutom," reklamo pa rin ni Declan.

            Napapikit ako at napahinga ng malalim. Sa totoo lang, rinding-rindi na ako sa bibig ng lalaking ito. Sa tuwing darating siya dito sa bahay, walang katigil-tigil ang bibig sa dami ng komento at reklamo.

            "Ikaw ang nag-prisinta na mamimili ng mga supplies dito 'di ba? At ikaw din naman ang umubos ng mga supplies na dala mo. Ano ngayon ang nirereklamo mo? Pagtiisan mo kung ano ang nandiyan. Pasalamat ka nga at may natira pang ulam." Dinampot ko ang basang-basang bimpo at ibinato sa mukha ng lalaking nasa harap ko. Nagulat ito sa ginawa ko at pupungas-pungas na tumingin sa paligid. Pilit na gustong kumawala sa pagkakatali. Nang tumingin sa akin ay napaiyak na naman. Inalis ko ang mouth gag nito at napuno ng hagulgol ang buong silid.

            "S-ser. Parang awa 'nyo na. Wala akong alam sa itinatanong 'nyo sa akin. Wala akong kilalang Bennett Candida." Nag-uumiyak ang lalaki sa harap ko.

            Napakamot ako ng ulo ng biglang lumipad sa mukha nito ang supot ng adobong sitaw. Sinamaan ko ng tingin si Declan dahil siya ang gumawa noon.

            "Really? Sinasayang mo ang pagkain." Naiiling na sabi ko at isa-isa kong inalis ang mga piraso ng sitaw na pumuno sa mukha ng lalaki.

            "Hindi naman masarap. Magtitiis na lang ako sa gutom." Tumayo si Declan at tumabi sa akin tapos ay humarap sa lalaki. "Hoy. Sagot na. Dali. May doctor's appointment pa ang asawa ko. Nauubos ang oras ko dito." Tinampal-tampal pa niya ang mukha ng lalaki.

            Umiling lang ito. "B-boss. Ser. Wala talaga akong alam sa sinasabi 'nyo. Hindi ko kilala ang Benett na iyon."

            Napangiwi ako ng malakas na suntukin ni Declan ang mukha ng lalaki. He started to beat the man again. Sa totoo lang, siya talaga ang mainit sa interrogation na ito. The moment he learned that Bennett's group was after Ghost family, this one became personal for him.

            "Cut it out. You're going to kill him." Saway ko sa kanya.

            "He's going to die anyway." Walang emosyong sagot niya.

            Lalong lumakas ang palahaw ng lalaki sa narinig. Dinampot ni Declan ang isang basahan at pinunasan ang kamao na napuno ng dugo.

            "Sabihin mo na kasi sa amin kung nasaan si Bennett. Hindi namin sasabihin na ikaw ang kumanta. Tutulungan ka pa namin." Mahinahong sabi ko.

            Napalunok ang lalaki at umiling. "Papatayin niya ang pamilya ko."

            Natawa si Declan. "Sino? Ang kabit mo? Boy, bago pa kita dalhin dito alam ko na ang buhay mo. Mayroon kang tatlong kabit. Iniwan mo ang totoo mong asawa matapos mong lumpuhin sa bugbog at ni-rape mo ang panganay mong anak. Binuntis mo pang animal ka. Wala kang karapatang umiyak at humingi ng awa. Kung ano man ang nangyayari sa iyo ngayon, deserve mo 'yan. Kulang pa 'yan sa mga ginawa mo."

            Napayuko ang lalaki at umiyak lang. "Nagsisisi na ako sa mga nagawa ko."

            "Magsisi ka man, huli na. Magagawa mo pang makalakad ang asawa mo? Mababago mo pa ang buhay ng anak mong binuntis mo? 'Tangina ka, nangigigil ako sa iyo." Nakita kong bubunutin ni Declan ang baril na nakasuksok sa likuran niya kaya pinigilan ko.

            "'Yan na naman. Kalma nga. Kaya walang tumatagal na ini-interrogate dito dahil pinapatay mo agad. Paano pa magsasabi ng mga alam nila ang mga iyan kung puputukan mo ng puputukan."

            Nabubuwisit na ako dito kay Declan. Puro yabang kasi ang alam. Itinulak ko na siya palayo at itinuro ko na bumalik siya sa sofa kung saan siya nakasiksik kanina. Iiling-iling naman na sumunod sa akin tapos ay muli kong hinarap ang lalaki.

            "Fred." Naupo ako sa harap niya para maka-level ako sa kanya. Kitang-kita ko ang takot sa mukha nito habang nakatingin sa akin. "Mayroon kaming mga ebidensiya na nagsasabing nagtrabaho ka kay Bennett. Hindi mo puwedeng sabihin na hindi mo siya kilala. Tell us where we can find him."

            Lalong napuno ng takot ang mukha ng lalaki at umiling. "Papatayin niya ang pamilya ko."

            Pinigil ko ang inis kong nararamdaman at bumuga ng hangin. Dinampot ko ang isang pen knife at walang sabi-sabing isinaksak ko sa hita niya. Ang lakas ng sigaw ng lalaki. Kinuha ko ang mouth gag at ibinalik sa bibig niya para hindi na makalikha ng ingay tapos ay dinampot ko ang screwdriver at isinaksak ko naman sa kabilang hita niya.

            Walang patid ang pagtulo ng luha nito at talagang nanginginig na ang katawan sa takot. Tinanggal ko ang mouth gag at umaatungal ito sa sakit.

            "Puwede kong ihinto ito. Sabihin mo lang kung nasaan si Bennett." Malumanay na sabi ko.

            Tumingin ito sa gawi ni Declan na tahimik na kinakain ang tortang talong na binili ko. Tingin ko nga ay nag-i-enjoy pa sa nakikita niya.

            "S-Ser, ipangako 'nyo na walang mangyayari sa pamilya ko." Umiiyak na sabi nito.

            May lumipad na namang plastic na kung ano sa mukha ng lalaki. Mahina akong napamura at sinamaan ng tingin si Declan dahil siya na naman ang gumawa noon. Tortang talong naman ang tumama sa mukha ng lalaking kinakausap ko.

            "For real? Kung hindi mo trip ang pagkain, huwag mong itapon ng itapon." Asar kong sabi sa kanya.

            "Ibinibigay ko nga sa kanya kasi baka gutom na." Tumayo na ito at lumapit sa amin. "Boy, sabihin mo na ang lahat ng alam mo para makauwi na ako. Ako naman ang malilintikan sa asawa ko kapag hindi ako dumating sa oras."

            "Umalis ka na kasi. Ako na ang bahala dito." Pagtataboy ko sa kanya.

            "How will I know that you won't get soft? Baka konting iyak-iyak pa niyang pakawalan mo na." Sagot niya sa akin.

            Napailing na lang ako. I just want him to go. Naririndi na ako sa ingay ni Declan. Hindi ko alam paano natagalan ni Yosh na kasama ang isang ito.

            "Fine. Alright. I'll go ahead. Paparating na rin naman ang mga cleaners. Make sure that you're going to squeeze everything he knows. Balik na lang ako." Tinapik niya ako sa balikat at para akong nakahinga ng maluwag nang lumabas na siya.

            Humarap ako kay Fred at kita ko ang takot sa mukha niya. Gusto ko na ring matapos ito. Gusto kong magpahinga. Gusto ko naman ng kahit kaunting katahimikan.

            "Fred, sabihin mo na ang-"

            "'Nga pala. Babalik ako sa susunod na araw. Maghanda ka ng masarap na pagkain."

            Napapikit ako sa inis dahil boses na naman ni Declan iyon. Hindi ko na siya nilingon.

            "'Yong masarap naman sana. Fried chicken. Favorite ko 'yon."

            "Fine. Get out now." Pigil na pigil ang sarili kong sigawan siya.

            "Saka fried rice. 'Yong masarap na fried rice. May nakita ako sa YouTube madali lang iluto. May itlog na kasama saka-"

            "Damn it! Get lost! Now!" Hindi ko na napigil ang sarili ko na hindi siya bulyawan.

            Sumimangot ang mukha niya sa akin. "Ang sungit. Para nagbibilin lang. Sige na. Ayusin mo diyan, ha?" Bubulong-bulong pa itong umalis na.

            Huminga ako ng malalim at humarap kay Fred. Panay ang lunok niya sa kaba at patuloy ang pagtulo ng dugo mula sa mga sugat niya.

            "Just tell me what you know, and everything will be over." Napasigaw siya nang hugutin ko ang pen knife at screwdriver sa magkabilang hita niya. Tumayo ako at nakita niyang barena ang hawak ko kaya nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa akin.

            "Masbate. Masbate. D-doon huling nagpahatid si Bennett. M-may rest house siya doon. Doon din siya nagtatago sa mga ganitong panahon. Hindi ko alam ang eksaktong address pero doon. Maniwala ka," umiiyak na sabi niya.   

            Pinatay ko ang barena na hawak ko at inilapag iyon sa tabi niya. Napakunot ako ng noo dahil parang may kumakatok at nagta-tao po sa pinto. Nagkatinginan kami ni Fred at alam ko ang gagawin niya. Mabilis kong dinampot ang mouth gag at bago pa siya makasigaw ay nailagay ko na iyon sa bibig niya. Muffled screams na lang ang maririnig doon.

            Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Tiningnan ko kung maayos ang hitsura ko. Shit. My hands were full of blood. Dinampot ko ang lata ng grasa at inilublob doon ang kamay ko tapos ay pinahid-pahid iyon sa suot kong damit para magmukha akong mini-mekaniko. Kinuha ko din ang basahan at pinahid sa kamay ko bago ko tinungo ang pinto.

            At hindi ko inaasahan ang taong makikita kong nakatayo doon.

            Ito ang babaeng nasiraan ng kotse kanina. Kita kong kumunot ang noo niya nang makita ako.

            "I-Ikaw 'yong kanina na-" hindi niya naituloy ang sasabihin at saglit na nag-iisip. Pilit na inaalala kung ako nga talaga iyon.

            "What do you need?" Ipinahalata ko sa kanya na hindi ako interesado sa kung ano man ang kailangan niya. I am torturing someone in my garage and he already cracked. I don't want to lose that momentum.

            Pinilit niyang ngumiti sa akin. She showed the sweetest smile that I knew she was used to do to everyone that she met. And I am used to see women smiling at me like that. Like they were about to offer themselves to me. They were going to offer heaven and a never-ending ecstasy.

            I think she stands five foot five. She got a long, wavy hair, Cute face and her lips. That's what I first noticed about her. Her pouty lips. And even if she was wearing a blazer, I knew underneath that was the perfect curvy body that will make any man to trace their hands over it. I swallowed hard when I saw her cleavage was peeking on her clothes. Damn it. I knew she was trouble. A distraction. Because that what was happened to me earlier. I got distracted with her beauty that's why I stopped to help her fix her car.

            "Do you live here?" This time, she made herself comfortable around me. Siguro naisip niyang good guy ako dahil tinulungan ko siyang ayusin ang kotse niya.

            "What do you need?" Ulit ko. Kailangan na niyang umalis dito.

            Nawala ang ngiti niya at tumaas ang kilay sa akin.

            "You were not like that earlier. You were a good Samaritan who offered help. Bakit ganyan ka ngayon?"

            "Because I am busy. Sabihin mo na kung anong kailangan mo."     

            Umirap siya sa akin at may kinuhang kung ano sa bag niya. ID iyon.

            "My name is Elodie Yen Valderama. I am from CV Realty, and our company is offering you to buy your land."

            "Not interested."

            Hindi ko na hinintay na magsalita pa ang babae at pinagsaraduhan ko na siya ng pinto. Muli ay kumakatok siya pero hindi ko na iyon binuksan. Muli akong dumiretso sa garahe at hinarap si Fred. Umiiyak na naman ito nang damputin ko ang barena na hawak ko kanina.

            Nawawala ako sa concentration dahil walang tigil sa pagkatok ang babae. Kinakalampag pa nga yata ang pinto. Binuksan ko ang stereo na naroon at itinodo ko ang sounds. Maingay ang tugtog. It was Battery of Metallica from their album Master of Puppets. The loud noise enveloped the whole room. And this was better. Better than the woman in my door who was distracting me.

            I don't need any woman in my life right now. Even if the sight of her made my cock throbbed inside my pants.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 33.6K 41
Dahil sa pag-ako ng responsibilidad, naging single mother si Sallie sa murang edad. Ang mundo niya ay umiikot lang sa kanyang anak - anakan at kung...
868K 20.2K 26
[Bachelor Series Book 2:His Possession] "You have driven me to the brink of madness, where thoughts of you consume every fiber of my being. You've be...
600K 19.5K 41
Xavier Philip Costelo was looking for the perfect model for his next exhibit. Someone who could turn all his canvas full of hues. Someone who could...
73K 5.1K 56
"Marydale Morgan Entrata", I like her record. she seems like a good caretaker, I mean a good nurse. I think she can handle me", Edward retorted to hi...