Damsel In Distress (Sanford S...

By Emerald_Griffin

63.4K 3.5K 106

The life that River Louis Reyes lives in feels like she is walking on a rough road under the stormy sky. Ever... More

DISCLAIMER
TEASER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
EPILOGUE
SANFORD SERIES #5: MELTING ME SOFTLY

CHAPTER 3

2.2K 149 1
By Emerald_Griffin

NAKAKUNOT noong hinayon ni Lucas ang direksiyong tinitingnan ng nakababatang pinsan. Bigla itong natigilan paglabas nila ng kanyang opisinang nasa loob ng restaurant, ang dahilan ay ang babaeng iyon na basa ang buhok at damit dahil sa ulan sa labas.

"You know her?" tanong ni Lucas kay Red ng may pagtataka.

"Rain," bulalas nito na tila wala sa loob.

Parang nakalimutan siya ni Red at malalaki ang hakbang na tinungo ang direksiyon ng babae. Napailing-iling nalang si Lucas nang may mapagtanto, his cousin liked the girl. Or it could be something more?

Pumihit si Lucas upang lumabas sa loob ng restaurant at magtungo sa kanyang main office na nasa gusaling nasa likuran lang ng Rigo Cuisine. Subalit, hindi sinasadyang mabangga niya ang isang waitress na may dalang kape. Shit! Shit! mura niya sa isipan ng maramdaman ang init niyon sa kanyang katawan.

Mula sa mariing pagkakapikit ay marahas na iminulat niya ang mga mata at binalingan ang kanyang nakabangga na napasinghap at nabitawan ang basong hawak.

Natigilan ang dalaga at hindi makapagsalita. Naitakip nito ang nanginginig na kamay sa mga labi.

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Lucas at tumawag ng maglilinis sa mga nabasag. Sandali niyang sinulyapan ang nakatulalang dalaga bago tuluyang lumakad palabas.

Ang pinto sa emergency exit ang nilabasan niya dahil mas malapit iyon sa entrance ng building kung nasaan ang kanyang pinaka-opisina.

Biglang may pumigil sa kanyang braso kaya natigil siya sa paglalakad. He glanced back and found her looking at him with agitation written all over her face. "H-hindi ko sinasadya, Sir."

Natigilan si Lucas at matamang napatitig sa kaharap. Walang bahid ng kung anong kolorete ang mukha, ngunit kaaya-aya ito sa kanyang paningin. Ang mga matang nakatitig sa kanya na mukhang maiiyak na anumang sandali ay pinaresan ng mga malalantik na pilik. Kayumanggi ang balat ng dalaga at maliit ito kung ihahambing sa kanyang taas na anim na talampakan.

"Go back to work, Ms. Reyes," wika niya pagkalipas ng ilang sandaling pagmamasid rito.

"Pero-" Hinawakan ni Lucas ng balikat nito at pinihit sa direksiyon ng pinto. Humakbang siya kaya walang magawa si River kung 'di ang ihakbang ang mga paa.

Ipinasok niya ang dalaga sa loob at mabilis na isinara ang pinto. Isang buntung-hininga muli ang kanyang pinakawalan habang nakatitig sa pintong nakasara.

Pagkalipas ng ilang minuto ay pumihit siya at tinakbo ang patungo sa kabilang building upang hindi gaanong mabasa ng ulan.

Tinanguan niya ang guwardiyang naroon na bumati sa kanya at nagtuloy patungo sa elevator.

Wala ng tao sa gusaling iyon maliban sa guwardiya dahil nakauwi na ang ilang executives ng kompanya. He was a restaurateur, he runs the family business after his father retired three years ago.

Rigo Cuisine became a chain of restaurants that had more than fifty branches all over the world. Ang pinakaunang itinayo na Rigo Cuisine ay ang restaurant na kanyang pinanggalingan.

Hindi madali ang magpatakbo ng gano'n kalakihang negosyo ngunit ipinagpasalamat niyang pinakatiwalaan siya ng kanyang amang si Nick. The pressure was always on his shoulder but his family was always there for him, his father was there to guide him.

Wala siyang mairereklamo sa buhay na mayroon siya. Magandang career, mapagmahal na pamilya. "Asawa nalang ang kulang sa 'yo, Lucas Nicholai. Kailan kaba mag-aasawa?" Iyon ang kadalasang sabihin at itanong sa kanya ng kanyang inang si Alessandra.

He was thirty-one, but her mother was eager to have a daughter-in-law. Mabuti nga nitong mga nakaraang buwan ay nabawasan ang pangungulit ng kanyang ina dahil sa pangalawa nitong apo mula sa kakambal niyang si Elize Niccola.

His twin was married to his husband Mason for three years now and Lucas was happy to see her contented and joyful with the life she had. Lucas witness how her twin's husband took care of her and their children. His brother-in-law loves his nephews and twin.

Bagaman naniniwala si Lucas hindi niya kailangan ng asawa sa puntong iyon ng kanyang buhay ay hindi niya maiwasang hindi mainggit sa pamilyang nabuo ng kanyang kakambal. Hindi niya maipagkakailang may mga sandaling nangarap siyang makatagpo ng babaeng magmamahal sa kanya, kagaya ng kanyang ina sa kanyang ama. He thought he had met one, he met someone who he thought that will spent her whole life with him. The irony of it was that she chose her career over him, where he was thinking about marriage at that time. He had loved the woman, well, he can't get all the fortune that the world offers.

Lucas shrugged his shoulders, there's no bitterness left. He had forgiven her for leaving him, even though she doesn't ask for forgiveness. Masaya siyang malaman na natupad na nito ang pangarap na maging isang international model.

Nang makarating sa penthouse ay agad siyang lumabas sa elevator. He owned the last entire floor of that seven-story building. Sa kanyang ama rin iyon dati ngunit ibinigay nito sa kanya nang magretiro. It was his sanctuary.

Ang penthouse o ang bahay ng kanyang mga magulang ang kanyang inuuwian. Hindi sila pinayagan ng mga magulang ng pumisan ng tirahan hanggang sa hindi pa sila nag-aasawa. Ang rason ng kanyang ina ay upang masulit nila ang mga araw na magkakasama hanggang sa wala pa silang kanya-kanyang pamilya. And he understands his mother's decision.

Pumasok si Lucas sa loob ng banyo at hinubad ang damit na suot. Nararamdaman pa niya ang hapdi sa bahagi ng kanyang katawan na natapunan ng mainit na kape at nang tingnan niya iyon sa malaking salamin ay namumula ang kanyang balat. Mabilis siyang naghagilap ng ointment at pinahiran ang parteng napinsala.

Naghilamos siya ng mukha at pagkatapos ay napatitig sa repleksiyon sa salamin. Tumaas ang kanyang kamay sa baba na may mga facial hair, hindi siya nakapag-ahit kanina kaya visible na ang mga iyon.

He decided to take care of the beard later and step out of the bathroom. Naghagilap siya ng damit sa loob ng closet at nang makapag-ayos ay bumaba sa ika-anim na palapag kung nasaan ang kanyang opisina.

Kinuha niya ang mga papeles na nasa ibabaw ng executive desk, pinahanda niya iyon kay Rey dahil kakailanganin niya iyon sa ikokonsulta niya sa kanyang ama. He had to talk to Nick about the decision he'll be making for the business. Hindi naman siya yaong ma-pride at hindi tumatanggap ng opinyon ng iba. Nicholas was his role model, he looked up to him, hindi naman siya ganoon ka galing kagaya ng kanyang ama ay alam niyang may kakayahan siyang magpatakbo ng negosyo ng pamilya.

PAGKALABAS ni Lucas sa loob ng parking lot ay agad niyang nakita ang pamilyar na mukhang iyon. Nakatayo ito sa waiting shed at naghihintay ng masasakyan.

Minaniobra niya ang sasakyan patungo sa direksiyon ng dalaga at tumigil sa harapan nito.

Binuksan niya ang salamin sa may passenger seat at sinalubong ang mga mata nito na lumarawan ang pagkabigla nang makita siya. "Hop in, Ms. Reyes." Lucas saw how confusion suddenly registered on her angelic face.

"'W-wag na po, Sir."

Hindi niya alam kung bakit napangiti siya ng marinig ang boses nito. Marahil ay dahil maihahambing niya sa kanyang nakababatang kapatid na babae ang tono ng dalaga, mahinhin at malamyos.

Nang hindi matinig si River ay lumabas ng sasakyan si Lucas, tinungo ang kabilang pinto ng sasakyan at binuksan. "Tatanggihan mo ba ako?" May ngiti sa kanyang mga labi bagaman ay seryoso ang tinig na kanyang ginamit.

Rumihestro ang pag-aalinlangan sa mukha ni River, nagpalipat-lipat ang tingin sa kotse at sa kanyang amo. Sandali niyang hindi malaman ang gagawin, kinakabahan siya sa presensiya nito, dahil marahil ay boss niya ang lalaki. At natapunan niya ito ng mainit na kape kanina!

Kahit nag-aalangan ay walang magawa ang dalaga kung 'di ang pumasok sa loob ng sasakyan. Pinanood niya ang kanyang amo nang umikot ito patungo sa kabilang bahagi ng sasakyan. Iniiwas lang niya ang mga mata nang makapasok ito sa loob.

Nang dumukwang si Lucas ay napasiksik si River sa pinto ng sasakyan dahil sa pagkagulat. "Seatbelt," anito at ito mismo ang nagkabit niyon.

"T-thank you po," pabulong niyang anas. Ngumiti si Lucas at tila nalaglag ang kanyang puso nang makita iyon. Pati ang kanyang magkabilang pisngi ay namula dahil sa ngiting iyon, mabuti nalang at umayos na ito ng upo sa likod ng manibela. Nagka-crush na marahil siya sa kanyang boss. Sino ba namang hindi hahanga rito kung sa loob ng dalawang buwan niyang pagtatrabaho sa restaurant ay nakita niya kung paano ito mamahala?

Istrikto ito pagdating sa trabaho ngunit marunong makisama sa mga empleyado. Hindi lang naman siya ang humahanga rito, maging ang ibang waitress at maging mga babaeng chef sa restaurant.

Katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan habang binabagtas nila ang congested na highway. Nakatingin sa labas si River at pinanood ang panggabing ilaw habang nakatigil sila sa daan dahil sa pulang traffic lights.

"Where should I drop you, Ms. Reyes?" basag ni Lucas sa katahimikan.

"Sa ospital po, Sir," aniya na sandali itong sinulyapan.

The urge to ask her why, was there, but Lucas kept his curiosity to himself.

"Hindi po ba kayo nasaktan kanina?"

"I'm good, don't worry," sagot nito at inalis ang tingin sa mukha ng dalaga dahil umarangkada na ang mga sasakyan.

Napatango si River dito kahit hindi siya ganoong naniniwala sa sinabi nito. Muli niyang itinuon ang mga mata sa labas at ipininid ang mga labi.

Hindi kalayuan ang ospital sa restaurant kaya madali silang nakarating doon. "Maraming salamat po." Tumango lang ang kanyang boss at hindi umusal ng kahit isang salita kaya agad siyang lumabas ng sasakyan nito. Walang lingong likod na nagpatuloy siya pahakbang papasok sa ospital habang nakahawak sa tapat ng dibdib dahil sa lakas ng kalabog niyon.

"River." Napatingin siya sa tumawag na iyon at nakita si Mrs. Felimon na pasalubong sa kanya.

"Nandito pa rin po kayo?" aniya sa mapagpaumanhing boses. Halos alas-nueve na ng gabi at nandito pa rin ang matanda sa ospital upang magbantay sa kanyang kapatid. Hindi naman niya ito inobliga na gawin iyon subalit nagbulontaryo ito na tingnan si Maddie habang nasa trabaho siya.

"Pauwi na ako, mabuti't nakita kita. Hinahanap ka kanina ng doctor niya at may sasabihin ukol sa kalagayan ng bata," saad ng ginang na nakabalatay ang pag-aalala sa mukha. "Okay ka lang ba ritong mag-isa, hija?"

"Kaya ko po, Mrs. Felimon. Maraming salamat po talaga, pasasaan ba't makakabayad rin ako ng utang na loob."

Mrs. Felimon waved her hand dismissively. "Walang anuman, River, hija."

Hinatid niya ang ginang sa sakayan at naghintay hanggang sa makasakay ito ng taxi pauwi. Muli siyang pumasok sa loob at pinuntahan ang ward kung nasaan ang kanyang kapatid.

Muntik na siyang maiyak nang masilayan ang itsura nito. Napakabata pa ni Maddie para pagdaanan ang ganito. May tubong nakakabit sa ilong nito para suportahan ito sa paghinga.

Noong nakaraang araw ay isinugod ni Mrs. Felimon ang bata sa ospital dahil nahihirapan itong huminga. Halos tumigil na raw ito sa paghinga sabi ng ginang. Nalaman lang niya ang nangyari sa kapatid pagkatapos ng trabaho niya. Dahil sa sakit nito ay kadalasang nahihirapan sa paghinga ang kapatid, ngunit hindi kagaya noong nakaraan na halos wala ng hangin sa katawan nito.

She inhaled deeply, nilapitan niya ang hinihigaan ng kapatid at nagpasalamat sa ina ng katabi ni Maddie na pas'yente rin ng ospital. Tinitingnan nito ang kanyang kapatid tuwing walang nagbabantay rito.

Masuyong hinalikan niya ang noo ng kapatid at sandali itong pinanood sa pagtulog.

Ibinilin niya uli sa babae si Maddie bago lumabas ng ward at tinungo ang opisina ng pediatrician na siyang doctor ng kapatid.

NANGHIHINANG napaupo si River sa bakanteng upuan pagkalabas niya. Itinutok niya ang mga mata sa mga kamay na nasa kanyang kandungan at nanginginig. Isa-isang pumatak ang mga luha roon mula sa kanyang mga mata ngunit pinigilan niya ang sariling mapahikbi.

"There's no easy way of telling you this... your sister's condition got worsen. I talked to her cardiologist and Maddie isn't in good shape. Dahil sa butas niya sa puso, humihina ang daloy ng hangin sa kanyang katawan. She needs surgery. Ngunit kailangan pa nating maghintay ng ilang buwan hanggang sa maging handa s'ya. In her state right now, hindi niya kakayanin ang operasyon. Kulang siya sa timbang at mahina ang paglaki.

"Ang mga katulad niyang may ventricular septal defect ay nakakaranas talaga ng kakulangan ng hangin sa katawan. Ang dapat nating gawin ngayon ay iwasang mapagod ang bata upang hindi lalong lumala. She can go home tomorrow, but you need to come here for her regular check-up. We still need to monitor her condition," imporma ng pediatrician. Nakabalatay sa mukha ang simpatya para sa batang nakikipaglaban sa sakit na nakuha nito mula nang isilang.

"M-Mama... Papa..." usal niya sa garalgal na boses. "Anong gagawin ko?"

Continue Reading

You'll Also Like

25.4K 645 33
Catalina Alfonso, daughter of the most influenced Mayor in town, was sent under the supervision to one of the sons of her father's most trusted man...
155K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
307K 8.6K 44
[Forbidden Bed Series 3: The Mayor] R18||Matured Contents Dr. Ryos Deaniel Alfeche-Greene -the newly elected Cebu City Mayor was obligated to entert...
487K 11.8K 48
[Forbidden Bed Series 2: The Vice Governor] R18||Matured Contents|| Vice Governor Jonah Thanues Mondejar -a beast as he is was caught falling in love...