SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPL...

By helene_mendoza

281K 14.8K 2K

I was the bad guy. The monster that people hate. I was the reason why some agents died in the line of duty. I... More

AUTHOR'S NOTE
CHAPTER ONE (Remission)
CHAPTER TWO (New Mechanic)
CHAPTER FOUR (Car Trouble)
CHAPTER FIVE (Realty Agent)
CHAPTER SIX (The Witness)
CHAPTER SEVEN (The Job)
CHAPTER EIGHT (Her End)
CHAPTER NINE (First Time)
CHAPTER TEN (Road to Recovery)
CHAPTER ELEVEN (Faces of the Monsters)
CHAPTER TWELVE (New Name)
CHAPTER THIRTEEN (The Trainer)
CHAPTER FOURTEEN (Trainings)
CHAPTER FIFTEEN (Changes)
CHAPTER SIXTEEN (Practice)
CHAPTER SEVENTEEN (Mouth to Mouth)
CHAPTER EIGHTEEN (Stop thinking about me)
CHAPTER NINETEEN (Broken)
CHAPTER TWENTY (The Brothers)
CHAPTER TWENTY ONE (His move)
CHAPTER TWENTY-TWO (Face to Face)
CHAPTER TWENTY-THREE (Back Job)
CHAPTER TWENTY-FOUR (Favor)
CHAPTER TWENTY-FIVE (Her Nightmare)
CHAPTER TWENTY SIX (Cleaning Up)
CHAPTER TWENTY-SEVEN (Start of war)
CHAPTER TWENTY-EIGHT (Police Investigator)
CHAPTER TWENTY-NINE (Wake)
CHAPTER THIRTY (Cold Case)
CHAPTER THIRTY-ONE (Nightout)
CHAPTER THIRTY-TWO (Stuffed)
CHAPTER THIRTY-THREE (Pink Towel)
CHAPTER THIRTY-FOUR (Cute)
CHAPTER THIRTY-FIVE (First Kiss)
CHAPTER THIRTY-SIX (CPR)
CHAPTER THIRTY-SEVEN (Rival)
CHAPTER THIRTY-EIGHT (Visitor)
CHAPTER THIRTY-NINE (Flowers)
CHAPTER FORTY (Everything)
CHAPTER FORTY-ONE (Best night)
CHAPTER FORTY-TWO (Breakfast)
CHAPTER FORTY-THREE (Savior)
CHAPTER FORTY-FOUR (Don't want to go back)
CHAPTER FORTY-FIVE (Cracked)
CHAPTER FORTY-SIX (Plans)
CHAPTER FORTY-SEVEN (Other boyfriend)
CHAPTER FORTY-EIGHT (Riel)
CHAPTER FORTY-NINE (Start Over)
CHAPTER FIFTY (Again)
CHAPTER FIFTY-ONE (Sold out)
CHAPTER FIFTY-TWO (Loud Bang)
CHAPTER FIFTY-THREE (New case. New Location)
CHAPTER FIFTY-FOUR (Fresh start)

CHAPTER THREE (New Job)

6.5K 260 39
By helene_mendoza



Martin's POV

Tahimik akong nakaupo sa semento habang nakasandal sa kotse at nakatingin sa mga kamay ko. Punong-puno ng dugo. Namamaga ang mga kamao. Naramdaman ko ang bahagyang panginginig noon kaya agad kong hinilot-hilot. Tumingin ako sa lalaking pilit kong pinapaamin. Gusto ko ay barilin na lang ito nang matapos na ang paghihirap. I've seen shit like this before. Halos araw-araw. Sa agency, sa grupo ni Carmela. Sa ibang mga grupong nasalihan ko na. The end game was always the same. This one would end up dead once we get what we need.

Nakatungo lang ang lalaki habang nanatiling nakatali sa silya. Tumutulo ang dugo mula sa bibig niya. Kung i-aangat ang mukha nito, makikita ang tindi ng bugbog na tinamo. May sunog pa ito sa mukha gawa ng acetylene na ginamit ko. But this one was hard to crack. Talagang ayaw umamin.

Tinapunan ko ng tingin si Declan na pasalampak na naupo sa tabi ko. Tingin ko ay parang pagod na pagod pa siya kahit wala naman siyang ginawa. Ako naman ang lahat na trumabaho dito. Ang ginawa lang niya ay mag-comment. Kung saan sasaktan, kung saan susuntukin. Ang ingay-ingay. Parang miron sa mga nagrarambulang frat sa kanto.

"Kakapagod. Hindi pa ba umaamin 'yan?" Ramdam ko ang frustration sa boses niya.

Napailing ako. Siya pa ang napagod samantalang wala naman siyang ginawa. Ako ang nagtrabaho nito lahat.

"Subukan mo kaya na ikaw naman ang magpaamin sa kanya. Maga na ang mga kamay ko. Isang suntok ko pa sa mukha niyan, bibigay na iyan at hindi 'nyo na papakinabangan." Asar kong sagot.

"Hindi umepekto ang mga torture techniques mo? Mahina ka pala." Napa-tsk-tsk pa ito.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at napailing. Marahan kong hinihilot ang mga daliri ko.

"Why did you do it?"

Taka akong tumingin sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay seryoso na si Declan. Hindi man siya nakatingin sa akin pero alam kong naghihintay siya ng sagot sa tanong niya.

"Did what?"

"What you did? Leaving your family."

Napahinga ako ng malalim at umiling lang. Ayaw ko ng sagutin ang tanong na iyon. Alam na naman niya ang dahilan bakit kailangan pa niyang itanong uli? Akala ko ba ayaw na niyang magtanong ako tungkol sa pamilya ko. Dahil masaya na si Sesi sa best friend ko.

"Nabababawan ako sa reason mo. You were dying, lahat naman tayo pupunta doon. But you chose the easy way out. Pretending to be dead to your family. To your best friend." Napahinga ng malalim si Declan. "I've seen how Yosh struggled because of your death. He filled the void that you left behind for her."

"Akala ko ba hindi na natin pag-uusapan ang tungkol doon?" Iritableng sagot ko.

"I've changed my mind. Naalala ko, tsismoso pala ako at mahilig akong makialam sa problema ng iba. Curious lang talaga ako sa nangyari sa iyo. Imagine giving up your wife and your kid for what?"

"I left them because I love them." Napalunok ako. "I was dying. Ayaw kong makita ang asawa ko na umiiyak araw-araw at sabay naming hihintayin ang pagkamatay ko. I'd rather die from bullet wounds, from a knife stab. Kahit na mamatay ako sa bugbog. Okay lang. But fucking cancer? That was the worst joke that was given in my life." Painis kong hinila ang isang basahan na nakita ko sa gilid at pinunasan ang duguan kong kamay.

"You're fucking selfish." Komento niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "I don't need your opinion."

"Just hear me out. We're going to stick together for quite a while, so we better get along. And I am going to tell you that you are selfish. Nagdesisyon ka para sa sarili mo at hindi mo inisip ang mga nagmamahal sa iyo. Okay sana kung namatay ka talaga. But you're fucking alive, man. Good as new. How can I be so sure that you're not going back to your wife?"

There. That's it. This was about Yosh. Alam ko naman na walang concern sa akin ang lalaking ito. Si Yosh lang ang inintindi niya. He was worried that I will go back to my family and that would hurt Yosh.

Humarap ako sa kanya at inilapit ko pa ang mukha ko.

"Look at my face. Look at this," itinuro ko pa ang mukha ko. "Do you see Ted in this fucking face? Do you think Sesi will recognize me?" Natawa ako ng nakakaloko. "She saw me inside our house. She just looked at me like I was a stranger she met for the first time. And I saw her looked at Yosh. That was the look that she always gives me every time I comes home before. Full of love. Full of devotion. I didn't see that anymore when she looked at me. But with Yosh," ngumiti ako ng mapakla. "She loves him. It's not me anymore."

Hindi sumagot si Declan. Tingin ko ay naniwala naman siya sa sinabi ko.

"Ted is dead. They killed him. I've killed him. Everyone killed him. I am Martin now, and this is my new life." Inis kong tiningnan ang lalaking tino-torture ko kanina lang at binato ko siya ng nadampot kong gallon ng tubig. Napa-igik ito at umungol.

"Fair enough," napatango-tango pa si Declan tapos ay tumayo at lumapit sa lalaking nakaupo sa silya. Hinawakan ito sa buhok at tiningnan ang mukha. "Still breathing. Hoy." Tinampal-tampal nito ang mukha. "Saan matatagpuan si Benett?"

Umiling lang ang lalaki. Tumingin sa akin si Declan at itinuro ang lalaki. Napabuga ako ng hangin at tumayo tapos ay lumapit dito. Malakas kong sinuntok sa mukha ang lalaki. Talsik ang mga dugo sa paligid. Muling napuno ng dugo ang kamao ko. Muli ay susuntukin ko ang lalaki pero narinig kong nagsalita siya ng sandali. Nagkatinginan kami ni Declan. Kanina ko pa binubugbog ang isang ito pero ngayon lang siya nagsalita.

"I-it was personal." Mahinang-mahinang sabi nito.

Kumunot ang noo ko. "Personal daw." Lumapit pa dito si Declan.

"Anong personal?" Tanong niya.

Napalunok ang lalaki at halatang hirap na hirap na.

"P-personal. G-Ghost. G-Galit si Benett k-kay Ghost." Paputol-putol na sabi nito.

"At paano nakilala ni Benett si Ghost?" Tanong pa ni Declan.

Pilit na tumawa ang lalaki. Napaubo pa ito at nagtalsikan ang dugo mula sa bibig nito tapos ay tumingin kay Declan.

"B-bakit h-hindi mo tanungin ang tatay mo?"

Nakita kong nanlaki ang mata ni Declan. Malakas niyang sinuntok sa mukha ang lalaki pero tatawa-tawa pa rin ito. Nakita kong nawala siya sa composure. Sa totoo lang, kahit ako ay nagulat na may ibang nakakaalam na anak ni Ghost si Declan. Walang ibang nakakaalam noon. Kahit sa agency sa XM. Iilang tao lang at suwerteng kasama ako sa iilang tao na iyon.

"How did you know it? How the fuck did you know it?" Galit na galit siya habang halos durugin ang lalaki.

"N-nag-uumpisa pa lang si Benett. Marami pang kasunod. Iisa-isahin niya ang mga mahal sa buhay ni Ghost." Tumingin ang lalaki kay Declan. "At kasama ka doon. Pati ang buntis mong kinakasama."

Ang bilis ng pag-galaw ni Declan. Nakuha niya agad ang baril na nakasuksok sa baywang ko at pinutukan sa ulo ang lalaki. Hindi nakuntento sa isa. Tatlong bala ang inubos niya. Lumungayngay ang ulo nito at nagsabog ang dugo at laman sa paligid.

"You cracked." Naiiling na sabi ko. Sirang-sira ang diskarte niya. "And you made a mess. Pinahirapan mo pa akong mag-torture puwede naman pala ang madaling buhay. Pero may nakuha ba tayo? Wala 'di ba? Hindi mo rin nakuha ang kailangan mo." Naasar ako sa kanya. Siya ang sumira sa sinasabi niyang play along.

"He threatened me. He threatened my family. No one do that to me," galit na sabi niya.

"'Tangina. How will I dispose this fucking body?" Nag-iisip na ako ng puwede kong gawin para maitapon ito. Pinakamadaling paraan, sunugin ito kasama ang mga gulong ng kotse. Para hindi maamoy ang sinusunog na bangkay. Ilang beses na naming nagawa iyon noon.

"There will be cleaners. They will be here any minute." Malamig na sagot ni Declan habang nakatingin sa bangkay na nasa harap namin.

Tumingin kami sa pinto ng garahe dahil umangat iyon. Nakita kong pumapasok si Ghost kasama ang mga tao niya. Seryoso itong nakatingin kay Declan tapos ay sa bangkay na nasa silya.

"I told you I need him alive." Sabi nito kay Declan.

"Bakit hindi ikaw ang nag-interrogate? Bakit dito mo pinadala? This fucking man knows about me. He knows about Stacey and my kid. He knows that I am your fucking son." Humihingal sa galit si Declan. "What is this? Is this your personal problem? And you got us involved?"

Tumingin sa akin si Ghost na parang humihingi ng pasensiya. Tumango lang ako. Tingin ko ay hindi na ako kailangan dito kaya sumenyas akong aalis na lang. Bahala silang mag-ama na ayusin ito. Problema naman nila ito. Ako ay tauhan lang.

Dumiretso ako kuwarto at naihilamos ko ang kamay sa mukha nang muli kong makita ang hitsura noon. Ang nakakarinding deep pink na pintura ng silid. Ang makulay na kama na puno ng teddy bears. Pero wala akong magawa. Pumasok ako at tinungo ang banyo. Mahina akong napamura nang makita ko ang hitsura noon. Kumpleto sa mga toiletries. May loofah pa. May mga moisturizer at lotions na nakapatong sa maliit na tokador na naroon. At ang shower curtain. Jesus fucking Christ.

The fucking curtain was designed with Ariel and Sebastian from Little Mermaid. May nakasulat pang under the sea.

"I am going to fucking kill you, Laxamana." I cursed that under my breath at inis na inalis ang shower curtain na iyon. Pero napahinto din ako sa ginagawa at ibinalik iyon tapos ay muling tiningnan. Naalala ko paborito ni Lesley ang palabas na ito. Nang anak ko. Lalo na ang dilaw na isda na kaibigan ni Ariel. Si Flaunder.

Napahinga na lang ako ng malalim at pinabayaan na doon ang shower curtain. Itinapat ko ang sarili ko sa shower at nakaka-relax sa pakiramdam ang mainit na tubig. Pinabayaan ko iyong umagos sa katawan ko habang nililinis ko ang mga dugo sa kamay ko. Manhid pa. Namamaga at sigurado ako, ilang araw na kulay ube ito.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako at muling tinungo ang garahe. Sa pagkakataong iyon ay malinis na ang paligid. Wala na ang bangkay. Wala na ang mga nagtalsikang dugo. Wala na rin si Declan. Tanging si Ghost ang nakaupo sa silyang kanina lang kinauupuan ang lalaking sinasaktan ko. Halatang hinihintay ko.

"Declan left. Mad at me," natatawang sabi ni Ghost. Pero halatang hindi umabot sa mata niya ang tawang iyon. Halatang nag-aalala din siya sa nangyari. This was the worst part having a life like this. Like Superman, we also have our weak spot. Our family was our kryptonite, and Ghost's enemies knew it. They knew when to hit that was going to hurt him hard.

"I did my part. What else do I need to do for you." Seryosong sabi ko.

Napatango-tango siya. "For now, none. Pababayaan ko na muna ito. Masyado kong na-under estimate si Benett. Hindi ko alam mas may malaki siyang alas na hawak. I don't want my family to get hurt." Tumayo na siya at inayos ang suit na suot tapos ay may dinukot sa bulsa ng suit jacket niya at iniabot sa akin.

"If you need a new job. It's easy. No torturing involve. They need a driver with a good car. Someone who can transport their important merchandise. Hindi ka naman nakatali doon. On call lang. If they need something to move, then they'll call you. The pay is good. And it's totally legit."

"I am out from the torturing side?" Paniniguro ko.

Natawa si Ghost. "I said, for now. Hangga't hindi ko pa nalalaman kung ano ang alam ni Benett sa buhay ko, we will lie low." Lumapit sa akin si Ghost at tinapik ako sa balikat. "Don't mess up your second chance. Not everyone is lucky to have that."

Pagkasabi noon ay lumakad na palabas ng garahe si Ghost. Sinundan ko lang siya ng tingin tapos ay tiningnan ko ang papel na ibinigay niya.

Matthias Baldomero. Entrepreneur.

Napahinga ako ng malalim at tiningnan ang dinaanan ni Ghost.

I knew this name. I worked for him one time when I was still Martin Darke, and I knew his true business. Sure he was doing good as the religious owner of Golf Accessories Inc. But behind that was the illegal works such as drug dealing and gun smuggling.

Sa isip ko ay minumura ko si Ghost.

Ito ba ang sinasabi niyang second chance? 'Tangina, ipinasok na naman niya ako sa isang sindikato.

But what can I do? I guess this was the life I was born to live.

—————-
NOTE:

Pre-order of Dangerous Book Bundle (three books will be released on June) is currently on going. You can check the page HELENE MENDOZA'S STORIES for details. Kindly DM the page for inquiries.

- ❤️HM

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 68.6K 33
Read at your own Risk. [Filipino Book] Even though proverty-stricken, Angelica Batungbakal does everything she can for her grandfather whose been co...
12.7K 55 5
Emma, an 18 year old school girl, lost her brother's cat due to negligence. Edward, the 20 year old older brother, was upset at first until he realiz...
3.3M 87.5K 60
Lorenzo Giovanni Dizionario, he enjoyed and loved his enemies games. Malupit kung magalit, wala itong sinasanto kahit na sino. Heronisa Blythe Sakal...
28.8K 1.2K 43
This is a story of Garcia and Rodriguez Sisters. Cast : Faye x yoko Engfa x Charlotte Lux x prom Lisa x jennie...