SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPL...

By helene_mendoza

269K 14.5K 2K

I was the bad guy. The monster that people hate. I was the reason why some agents died in the line of duty. I... More

AUTHOR'S NOTE
CHAPTER ONE (Remission)
CHAPTER THREE (New Job)
CHAPTER FOUR (Car Trouble)
CHAPTER FIVE (Realty Agent)
CHAPTER SIX (The Witness)
CHAPTER SEVEN (The Job)
CHAPTER EIGHT (Her End)
CHAPTER NINE (First Time)
CHAPTER TEN (Road to Recovery)
CHAPTER ELEVEN (Faces of the Monsters)
CHAPTER TWELVE (New Name)
CHAPTER THIRTEEN (The Trainer)
CHAPTER FOURTEEN (Trainings)
CHAPTER FIFTEEN (Changes)
CHAPTER SIXTEEN (Practice)
CHAPTER SEVENTEEN (Mouth to Mouth)
CHAPTER EIGHTEEN (Stop thinking about me)
CHAPTER NINETEEN (Broken)
CHAPTER TWENTY (The Brothers)
CHAPTER TWENTY ONE (His move)
CHAPTER TWENTY-TWO (Face to Face)
CHAPTER TWENTY-THREE (Back Job)
CHAPTER TWENTY-FOUR (Favor)
CHAPTER TWENTY-FIVE (Her Nightmare)
CHAPTER TWENTY SIX (Cleaning Up)
CHAPTER TWENTY-SEVEN (Start of war)
CHAPTER TWENTY-EIGHT (Police Investigator)
CHAPTER TWENTY-NINE (Wake)
CHAPTER THIRTY (Cold Case)
CHAPTER THIRTY-ONE (Nightout)
CHAPTER THIRTY-TWO (Stuffed)
CHAPTER THIRTY-THREE (Pink Towel)
CHAPTER THIRTY-FOUR (Cute)
CHAPTER THIRTY-FIVE (First Kiss)
CHAPTER THIRTY-SIX (CPR)
CHAPTER THIRTY-SEVEN (Rival)
CHAPTER THIRTY-EIGHT (Visitor)
CHAPTER THIRTY-NINE (Flowers)
CHAPTER FORTY (Everything)
CHAPTER FORTY-ONE (Best night)
CHAPTER FORTY-TWO (Breakfast)
CHAPTER FORTY-THREE (Savior)
CHAPTER FORTY-FOUR (Don't want to go back)
CHAPTER FORTY-FIVE (Cracked)
CHAPTER FORTY-SIX (Plans)
CHAPTER FORTY-SEVEN (Other boyfriend)
CHAPTER FORTY-EIGHT (Riel)
CHAPTER FORTY-NINE (Start Over)
CHAPTER FIFTY (Again)
CHAPTER FIFTY-ONE (Sold out)
CHAPTER FIFTY-TWO (Loud Bang)
CHAPTER FIFTY-THREE (New case. New Location)
CHAPTER FIFTY-FOUR (Fresh start)

CHAPTER TWO (New Mechanic)

8K 309 52
By helene_mendoza

Change is hard at the beginning, messy in the middle and worth it at the end. - Unknown

----------------------

Martin's POV

"What can you say?"

Hindi ako kumibo at pabagsak na binitiwan ang dala kong bag nang makapasok sa loob ng bahay. Nang sabihin sa akin ni Declan na siya ang magiging babysitter ko, hindi ko naman akalain na magiging anino ko siya. I wanted alone time for myself. I wanted to be alone in my new place so I could feel the vibe in here. Gusto kong maging pamilyar sa bagong magiging lugar ko.

"Look around. The couch? Ako ang namili niyan. Ganda 'di ba? Try the the lazy boy," sinamaan ko siya ng tingin nang hawakan pa niya ang kamay ko at sapilitan na pinaupo doon. "It's a rip off. I wanted to buy the original one, but Ghost said no. Hindi ako binigyan ng budget. But the feel is still the same."

Magsasalita na lang ako nang biglang hilahin ni Declan ang lever na nasa ilalim at pabiglang nag-recline ang kinauupuan ko. Damn it. Ang sakit sa likod! Pakiramdam ko may sumipang kung ano sa gulugod ko. Agad akong umalis doon at bahagyang hinilot-hilot ang bandang balakang ko.

"Nice 'di ba? Ganda ng lugar mo. Yayamanin," nakangisi pang sabi niya. Proud na proud na tinitingnan ang kabuuan ng bahay. Napangiwi ako. Ano ang yayamanin dito? Tingin ko ay parang pinaglaruan ang bahay.

"Orange? You painted this house orange?" May pandidiring tiningnan ko ang buong paligid. Lalo akong napangiwi nang makita ko ang tablecloth na nakapatong sa dining table. Pink na bulaklakin. Ang mga plato sa pamingganan ay floral themed din.

"Tinatarantado mo ba ako, Laxamana?" Ang sama ng tingin ko sa kanya.

"Bakit? Anong masama?" Takang tanong niya.

"Anong masama? Look around. Kahit sino ang makakita dito, hindi maniniwalang lalaki ang nakatira dito. Orange. Flower themed tablecloth and plates." Pumako ang tingin ko sa mga nakasabit na frames at cheap paintings na nasa dingding. "Flower paintings? Putangina!"

"Bakit? Ang ganda kaya ng bahay mo," katwiran niya.

Marahan kong hinilot ang ulo ko. Kung ganito ang kapalit ng bagong buhay na sinasabi niya at kasama siya, parang gusto kong mamatay na lang ulit sa cancer.

"I'll burn them once you leave. I'll repaint this fucking house. My place, my rules. My place, my fucking choice of decorations and paints." Matigas na sagot ko.

Nagkibit ito ng balikat at naupo sa fake lazy boy chair at nilaro-laro ang lever noon. Ni-recline at ibinalik sa normal. Paulit-ulit na ginagawa. Napailing na lang ako at iniwan ko na siya tapos ay tinungo ang kusina. Bahala siyang makuba sa ginagawa niya.

Binuksan ko ang ref para makita kung may pagkain doon. Napahinga ako ng malalim at mahinang napamura nang makita ko ang mga nakalagay sa ref.

Low fat milk. Salad. Diet soda. Mga sliced fruits na naka-pack at ready na kainin.

"What the fuck are these? Chick food?" Reklamo ko.

"Ano na naman ang reklamo mo? Nahirapan nga akong mamili ng mga pagkain na bagay sa iyo. Lahat iyan healthy. Bagay na bagay sa iyo na galing sa isang malubhang sakit. You're welcome, ha? Naging dakilang chimay mo ako." There was full disgust on his tone.

Painis kong isinara ang ref at napapailing na hinilot ang ulo ko. Kahit naman dati akong maysakit at kailangan na ingat ako sa mga pagkain, hindi ko naman sinanay ang sarili kong maging hardcore health buff. I am okay now. I am cancer free and I can eat whatever crap food I want to eat.

Tinungo ko ang nag-iisang kuwarto doon at pagbukas ko, gusto ko na talagang kunin ang baril na nasa bag ko at iputok iyon kay Declan.

The room was painted deep pink. The bed was covered with teddy bear themed bedsheet same as the pillows. Light pink ang comforter na naroon. The room was basically designed for a princess.

"God damn you, Laxamana." Pikon na pikon talaga ako sa kanya.

"Ano na naman ang problema?" Padaing na sagot niya at sumunod sa akin. Sumilip din sa loob ng silid at tumingin sa akin na parang wala siyang nakikitang mali doon.

"Do you honestly think that I am going to sleep in this fucking room? This is designed for a princess! You think I am a fucking princess? Fuck you." Asar na sabi ko.

"You think this is bad? Ginaya ko lang ito sa magazine na nakita ko." Sagot niya.

"Ikaw ang papatay sa akin hindi ang sakit ko." Padaing na sabi ko sa kanya.

Napakamot ito ng ulo. "Fine. Hindi talaga ako puwedeng maging interior designer." Napa-ehem pa siya dahil alam kong nagpipigil siyang matawa. Alam kong sinadya niya ito. Bully talaga ang gago na ito. Hindi ko alam kung paano sila nagkasundo ni Yosh. Kilala kong galit sa bully ang best friend ko na iyon.

"Sige na. Huwag ka ng mapikon. Tara. You should see your garage. I am sure you're going to love it." Bahagya pa niya akong itinulak para makaalis doon.

"Anong kulay naman ang garahe? Hulaan ko. Purple naman. 'Tangina mo. Ginagago mo ako." Inis kong inalis ang kamay niyang tumutulak sa akin para makapunta kami doon.

"Hindi. This time, talagang matutuwa ka doon. Dali na. Lakad na. Huwag ng pakipot," lalo lang niya akong itinulak palabas.

Dumiretso kami sa isang nakasaradong silid sa likod ng bahay. Binuksan niya iyon at ini-on ang mga ilaw. Totoo nga ang sinabi niya. Hindi ako naasar nang makita ko ang paligid.

Kumpleto ang mga gamit sa garahe. Mga power tools, mga gamit sa pang-mekaniko. Nakasalansan sa isang gilid. The whole place was painted black. May isang cabinet at nilapitan niya tapos ay binuksan. Tumambad sa paningin ko ang mga high caliber guns and ammos. Grenades. Different kinds of knives. It was heaven for people like us.

"May reklamo ka?" Natatawang sabi niya.

Hindi ako kumibo at kinuha ko mula doon ang isang Beretta M9. Tinanggal ko ang magazine at tiningnan ang mga bala. I am impressed.

"Nagreklamo ba ako?" Balik-tanong ko sa kanya.

"Ito pa ang isang talagang magugustuhan mo." Nakangisi pa siya sa akin at tingin ko mas excited siya kaysa sa akin na ipakita iyon.

Alam kong kotse ang nasa gitna ng garahe. Hindi ko lang alam kung anong klaseng kotse dahil may car cover na nakatabon dito. Pero sa totoo, nai-excite ako. Aside from guns, cars were my weakness. I love cars. Different kinds of it.

"I'm excited." Parang batang sabi ni Declan at hinila ang car cover na nakatabon sa kotse.

And I was speechless.

It was a classic black Ford Mustang Boss 429.

It was a rare gem. Wala na akong makitang ganito kahit saan. Hard to find na ito at kung mayroon man na nagbebenta, sa ibang bansa at kailangan i-import. This cost a fortune.

"W-where did you find this? Is this 1970 model?" Hindi ko maintindihan ang excitement ko nang makalapit ako sa kotse. Ang ganda ng pintura. Sariwang-sariwa.

"1969. One of the first model. Fifty-two years but still got its beauty. Ghost bought that in an auction for two hundred thousand dollars." Kumindat pa siya sa akin. Natatawa habang ina-admire ko ang kagandahan ng kotseng ito.

"Wow." Iyon na lang ang nasabi ko. Ghost has really an eye for lavish things. Sabagay, maninibago pa ba ako. The way that man carries himself. Laging sobrang poised. Laging kailangang maayos ang hitsura. Kabaligtaran ng anak niyang hindi ko alam kung patapon ba talaga.

"Nagkapera ang tatay ko kaya bumili siya niyan. Pahiram lang daw 'yan sa iyo. Pero kung magagawa mo ang ipapagawa niya, baka ibigay na rin niya." Sumandal siya sa cabinet na naroon at pinapanood lang ako sa ginagawa ko.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Binuksan ko ang kotse at lalo akong humanga sa ganda ng interior noon. Hindi ko pinansin ang nakabalunbon na itim na tela sa likod. Ang ganda ng beige leather seats. All original parts. Marahan ko pang hinaplos ang manibela ng sasakyan at nakita ko sa odometer na thirteen thousand mahigit lang ang naitakbo nito considering na more than fifty years na ang edad ng kotse.

"Puwede kong i-start?" Parang batang paalam ko.

"Do the honors, Mr. Atienza." Tumatawa pang sabi ni Declan at may kinuha sa bulsa niya. Nakita kong maliit na supot tapos ay nagtaktak sa palad niya at isinubo iyon. Kumain pa ng mani ang animal.

Pero hindi ko na siya pinansin. Ini-start ko ang kotse at dumagundong sa buong garahe ang nakakabinging ingay ng makina. Ang ganda sa pandinig. Sinubukan kong i-rev at pati ang tunog ng tambutso ay napakaganda din. Buong-buo. Hindi palyado.

Pero nagtaka ako dahil bukod sa tunog ng makina at tambutso ay may iba akong naririnig. Parang muffled sound na nanggagaling sa likuran ko. Taka akong lumingon at nakita kong gumagalaw ang itim na telang naka-balunbon doon. Hinila ko at nakita kong lalaki iyon na na may mouth gag at nakatali ang kamay at paa.

Mabilis akong bumaba ng sasakyan at lumapit kay Declan.

"What the fuck? Bakit may tao sa likod ng kotse?" Nanlalaki ang matang tanong ko.

Walang anuman sa kanya ang tanong ko. Halatang alam niya ang tungkol doon at patuloy lang siya sa pagkain ng mani.

"Your first job. You think Ghost will give everything for free? Parang hindi mo naman kilala ang tatay ko. Panganay na kapatid ni Lucifer 'yon." Natawa pa siya sa sinabi.

Mahina akong napamura at napatingin sa kotse. Nakikita kong tinatadyakan ng lalaki sa likuran ang salamin ng kotse. Putangina. Masisira ang Mustang! Mabilis akong lumapit doon at itinupi ang passenger seat at hinila palabas doon ang lalaking nakagapos.

Kita ko ang pagmamakaawa sa mga mata nito habang nakatingin sa akin. Umiiyak. Hindi makapagsalita dahil sa mouth gag. Hindi makagalaw dahil mahigpit ang pagkakatali ng kamay at paa.

Inisang subo ni Declan ang kinakain niya at pinagpag pa ang kamay.

"Meet Virgilio Palanta." Panimula niya at walang pag-iingat na hinila ang lalaki at pilit na pinaupo sa silyang naroon. I have dealt with this kind of situation before. Questioning someone for something. Most of them didn't end well. Those who survived became vegetable for the rest of their lives and would wish that they were just killed like everyone else.

Umiiyak ang lalaking nakatingin sa amin. Nagmamakaawa ang mga mata. Inilabas ni Declan ang isang folder at kinuha ang mga nasa loob noon at inilatag sa harap ko.

"Murder. Rape. Child rape. Attempted murder. Murder. Double murder. Rape. Rape. Rape." Patuloy sa paglapag ng mga papel sa harap ko si Declan. List iyon ng mga kaso ng lalaki at mga files ng mga biktima nito.

Nabubuhay ang galit ko habang tinitingnan ko ang mga papel na nakahilera sa harap ko. Napakadami ng kaso ng isang ito.

"'Tangina nito. Bakit nakakalabas ka pa sa dami ng kaso mo?" Hinampas ni Declan ng folder sa mukha ang lalaki. "Ah. Kailangan ka pa nga pala namin. At siya," itinuro ako ni Declan. "Siya ang bahala sa iyo."

Fuck. Ito na ba ang umpisa ng torture session na sinasabi niyang gagawin ko para kay Ghost? I am done doing that shit. I am done killing people. But I think, I'll make an exemption for this one. Sa dami ng pinatay ng gagong ito, a slow and painful death would be better for him.

"Do you know Benett Candida?" Tanong ni Declan.

Kumunot ang noo ko. Pamilyar ang pangalan na iyon. Naalala ko, nakipag-transact kami ng grupo ni Carmela sa taong iyon. Hardcore leader ng isang sindikato. Hawak ang kidnap for ransom syndicate sa Cebu at ngayon ay nag-o-operate na rin dito sa Maynila. The problem with his group, they don't return the kidnap victims alive. Once they got the ransom money, they will turn over the kidnap victims to their family chopped. Sometimes, burned. No one catches that syndicate. Not even the police. Because they were paying the police.

"This asshole is his right-hand man." Sinipa pa ni Declan sa tuhod ang lalaki. Nagtatarang ito sa sakit.

"Dec, I mean." Napakamot ako ng ulo. "Ano ang kinalaman niya? Ng sindikato ni Benett kay Ghost?"

Napa-kibit ng balikat si Declan. "Their last victim was Ghost's god son." Napahinga siya ng malalim. "They paid the ransom, but they still killed Jethro." Napailing si Declan at inilapit ang mukha sa lalaki. "You are going to die today. I am sure of that. And you are going to die a slow and painful death just like what you did to Jethro."

May gustong sabihin ang lalaki pero hindi namin maintindihan dahil sa busal nito. Inalis iyon ni Declan at napaubo-ubo ang lalaki.

"W-wala akong alam. H-hindi ko alam ang sinasabi 'nyong grupo. Wala akong kilalang Benett Candida," napaiyak pa ito.

Nagtatanong na tumingin ako kay Declan pero may inilabas siyang litrato. Busted. Litrato iyon ng lalaki na kasama si Benett. Sa hitsura ay makikitang magkakilalang-magkakilala ang dalawa. Kita kong namutla ang mukha ng lalaki.

Lumapit si Declan sa isa pang naka-lock na cabinet at binuksan iyon. Napabuga ako ng hangin dahil nakita ko ang iba't-ibang torturing device na puwedeng gamitin para manakit ng isang tao. Lalong natakot ang lalaki at pilit na gustong kumawala sa kinauupuan nito.

"Relax. Relax you piece of shit. Siya ang bahala sa iyo," tumingin sa akin si Declan at ngumiti ng mala-demonyo.

Ngumiti ako ng mapakla. Wala din naman akong magagawa. Ito na ang bagong buhay ko. I've made a deal with the demons again, and this was the price I have to pay. Lumapit ako sa cabinet. Kinuha ko ang isang portable acetylene torch kit. Sinindihan ko iyon at lumabas ang apoy sa kit.

"Where will I start?" Seryosong tanong ko kay Declan.

-----------------------

Like and follow Helene Mendoza's Stories FB page for more updates.

Continue Reading

You'll Also Like

64K 587 11
[Aviator's Series #01] (THIS IS AN INCOMPLETE CHAPTERS. THE COMPLETE VERSION IS AVAILABLE IN DREAME @GORGEOUSYOOO) Synopsis I was so young when I dec...
11K 342 13
THE PLAYBOY'S LOVE AFFAIR The Billionaire's Love Series 7 Dean Liam Sebastian Greene "Nakakapagod ka din pa lang mahalin. Nakakapagod na.." It was wr...
36.6K 2.3K 64
Xian Marceau O. Mendoza. Born as an orphan, adopted and raised by gay parents, Xean and Marky. It was an unconventional family but he n...
600K 19.5K 41
Xavier Philip Costelo was looking for the perfect model for his next exhibit. Someone who could turn all his canvas full of hues. Someone who could...