The Sparks of Our Stars (Vars...

Autorstwa kotarou-

52.6K 2.3K 156

VARSITY BOYS SERIES #1: THE SPARKS OF OUR STARS Content Warning: The Varsity Boys Series features a BL (Boys... Więcej

VARSITY BOYS SERIES #1: THE SPARKS OF OUR STARS
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
TSOS: PLAYLIST
VARSITY BOYS SERIES 2: THE LOVE ENCOUNTER

Chapter 19

980 48 2
Autorstwa kotarou-

Chapter 19

Valid


"Kyo!"



Nanlamig ang aking mukha nang makita si Kyo sa harap ng pintuan ng unit ko. Ang mabilis na pagtibok ng aking puso.  Ang sayang inilagak ni Jasper roon ay napalitan ng matinding kaba.



Nagpalipat-lipat sa akin at kay Jasper ang kaniyang tingin. Mabilis kong kinalas ang pagkakahawak ni Jasper sa aking kamay na mabuti nalamang ay nasa aking likuran.



"Captain." Kaswal na bati ni Jasper kay Kyo.



Pakiramdam ko ay nahuli ako ng aking magulang sa isang masamang gawain! Ginugupo man ng kaba ay humakbang ako palabas ng pintuan upang lapitan siya.



"Uh, ano...magpapatulong sana ako sayo- wait anong ginagawa mo dyan?" Tanong niya sa akin. Binalingan niya si Jasper.



"May kinailangan ako buhatin na gamit, nagpatulong ako sa kaniya." Si Jasper na ang sumagot. Mabilis ko naman iyong sinang-ayunan.



"Oo nagpatulong siya." Segunda ko sa sinabi ni Jasper. Tumango-tango naman si Kyo sa sinabi ko.



"Sige Ryu, salamat ulit. Captain, una na ako." Paalam ni Jasper sa amin saka na naunang pumasok sa kaniyang unit. Sumulyap pa siya sa akin bago niya tuluyang isinara ang kaniyang pintuan.



"Pasok na tayo." May pagkataranta sa aking boses. Binuksan ko ang pintuan ng aking unit para makapasok na kami.



"I texted you, bakit dika nasagot?" Tanong niya nang makapasok kami. "Iniwan ko kasi yung phone ko rito." Pagpapaliwanag ko. "Ah..." Iyon lamang ang kaniyang naging response sa akin. Sumulyap ako sa kaniya, nakanguso siya at tila malalim ang iniisip.



Naupo siya sa sofa ng aking sala at inilapag sa coffee table ang dala niyang plastic na sa tingin ko ay ice cream ang laman.



"Uh, anyway, magpapatulong sana akong gumawa ng report. Pwede mo ba akong tulungan?" Sabi niya.



Humarap ako sa kaniya. "May choice ba ako?" Tanong ko. Ngumisi siya saka umiling. "Wala. Don't worry ibinili kita ng ice cream, pambayad." Natatawa niyang sabi. Ngumuso ako saka siya inismiran. "Tsk. Kukuha lang akong kutsara." Sabi ko sa kaniya saka dumiretso sa kusina.



Ginugol namin ni Kyo ang gabi sa pagtapos ng kaniyang report habang kumakain ng ice cream na kaniyang binili. Laging ganito si Kyo sa tuwing magpapatulong siya sa akin gumawa ng mga reports niya. Lagi siyang may dalang panuhol. Minsan ay ice cream minsan naman ay barbeque. Kilalang-kilala niya kung paan ako mapapayag.



Past midnight na rin nang matapos kami. Dahil late na rin naman ay sa apartment na natulog si Kyo. Maaga nalamang raw siya gigising bukas para hindi siya malate sa maaga niyang klase.



"Ryu?"



Nakapikit na ako at patulog na nang tawagin ako ni Kyo na nakahiga sa kabilang bahagi ng kama. Noon ay single bed lamang ang higaan ko, ngunit dahil sa madalas dito makitulog si Kyo ay pinapalitan ko ng mas malaki na kasya kami. Noon kasi ay sa lapag lamang siya natutulog at naawa ako sa kaniya kinabukasan na masakit ang likod.



"Hmmm?" Response ko sa kaniya.



"Uh, wala ka bang gustong sabihin sa akin?" Nahimigan ko ang pag-aalalinlangan sa kaniyang boses.



Bigla naman akong napamulat. Muli akong ginapangan ng kaba sa aking dibdib.



"Uh, wala naman." Sabi ko. Lumunok ako at mariing ipinikit ang aking mga mata.



Shit. Pakiramdam ko ay sa bawat sandaling inililihim ko kay Kyo ang tungkol sa kung anong mayroon sa amin ni Jasper ay mas lalong bumibigat ang aking kasalanan sa kaniya. Ayokong maglihim sa kaniya hanggat maari pero natatakot ako. Natatakot akong hindi niya ako matanggap, na layuan niya ako o pandirihan. Ayokong maputol ang pagkakaibigan namin!



"Ah, okay. K...kung may gusto kang sabihin sa akin, don't hesitate please. Okay?"



"Hmm. Okay."



Nahirapan akong matulog nang gabing iyon dahil sa sinabi ni Kyo. Kahit papaano ay nakadagdag iyon sa lakas ng loob na iniipon ko para sabihin sa kaniya ang lahat tungkol sa amin ni Jasper.



Wala na siya nang magising ako kinaumagahan. Nagiwan siya ng text message sa akin na maaga siyang umalis. Nalate kasi ako ng gising dahil sa late na rin ako nakatulog kagabi. Mabuti nalang ay wala akong maagang klase ngayong araw.



"So, tabi kayong natulog kagabi ni Captain?"



Lumingon ako kay Jasper nang magsalita siya. Nasa kalagitnaan kami ng biyahe papuntang University. Diretso lamang sa daan ang kaniyang mga mata.



"Uh, oo. Palagi naman kaming magkatabi matulog tuwing duon siya natutulog." Balewala kong sagot sa kaniya saka sa labas ng bintana ibinaling ang aking atensyon.



"Ahh, right." Maikli niyang tugon. Muli akong sumulyap sa kaniya nang nakakunot ang aking noo.



Parang may mali sa kaniyang aura ngunit hindi ko naman maintindihan. Ikinibit-balikat ko nalamang dahil baka imagination ko lamang iyon.



Hanggang sa makarating kami sa University ay hindi na muli siyang umimik.



"Jasper, you okay?"



Tanong ko sa kaniya nang huminto ang kotse sa parking. Sumulyap siya sa akin saka binigyan ako ng tipid na ngiti.



"Yeah, I'm okay. I'll se you later."



Tumango ako at saka na bumaba sa kotse niya para magtungo sa aking klase.



Ilang araw nalang ay intramurals na. Naging busy na rin si Jasper sa pagpa-practice para sa basketball team ng School of Engineering habang ako naman ay naging busy sa PLUMA. Ngayong linggo din kasi ang publication ng magazine namin kaya busy ang org.



Sa mga nakalipas na araw ay hindi na muna kami nagsabay umuwi ni Jasper dahil minsan ay inaabot ng gabi ang practice niya. Kay Athena nalang ako nakikisabay umuwi o minsan ay kay Kyo. And speaking of, kapag magkasama kami ay hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt dahil sa pagtatago ko sa kaniya ng sekreto namin ni Jasper.



Kyo and I are partners in crime ever since. Ito ang unang pagkakataon na nagtatago ako ng sikreto sa kaniya kaya naman labis akong nababagabag ng konsensya ko. Call me shallow but that's what I feel. Siguro ganun talaga kapag hindi ka sanay magtago ng sikreto sa isang tao. And Kyo is not just someone, he's my best friend!



"Ah, he's so hot!" Kinikilig na sabi ni Sandra habang pinapagmasdan ang isang kopya ng magazine na hawak niya.



Hindi ko alam kung sino ang pinagpa-pantasyahan niya sa mga varsity players na nanduon. Hindi ko nalang pinansin at itinuon ang aking atensyon sa pagbibilang ng mga copies. Sa intramurals week namin balak ibenta ang mga ito sa booth namin sa field.



Malaki ang field ng University at sadyang may espasyo roon para sa mga booth tuwing intrams, university fest at lantern fest at sa ilan pang malalaking activities ng University.



"Oh my ghad! Sands, I heard Jasper is already taken!"



Halos mailaglag ko ang mga hawak kong kopya nang marinig ko ang sinabi ni Nicole. Napalunok ako at muling sumulyap sa kanila.



"Really? Saan mo naman nakuha ang balitang 'yan? Credible ba 'yan?"



Ipinapatuloy ko ang pag-aayos ng mga copies ngunit nanatili ang aking tainga sa pakikinig sa kanila.



"Oo. May nag-leak ng mga IG story ni Jasper noong mga nakaraang linggo. Blurred yung mga photos kaya hindi pa sure kung sino." Ani ni Nicole.



Lihim akong napabuga ng hangin dahil sa paninikip ng aking dibdib dahil sa kaba. Shit!



"Huy! Ano na naman pinag tsi-tsismisan niyo dyan!" Suway ni Claire sa kanila.



"Iyong mystery blurred photos sa IG story ni Jasper. Tapos may nasagap pa ako. It is not a she- it's a he!" Tili ni Nicole na labis nagpakaba sa akin.



"What? Wait did you mean Jasper is-"



Hindi na natapos ni Sandra ang kaniyang sasabihin nag magsalita si Claire.



"Hoy! Kayong dalawa tigilan niyo na iyan! E ano naman kung hindi 'she' ang taong gusto niya ha? Tsk. Alam niyo hindi naman importante ang kasarian sa isang relasyon e. Ang importante ay yung nararamdaman nila para sa isat-isa." Sabi ni Claire.



Sumulyap ako sa kaniya na nakaupo sa single couch ng aming HQ. Seryoso ang kaniyang boses. Hindi maiwasang makaramdam ng kaunting saya nang marinig ko ang kaniyang sinabi.



Narinig ko ang pagbuntong hininga nina Sandra at Nicole.



"Well, you have a point but, I just can't imagine. Napakagwapo ni Jasper. Sana ay gwapo rin ang boyfriend niya kung totoo man para hindi nakakahinayang!" Sabi ni Sandra.



"Yeah right! But still, gusto kong makilala siya! Bakit kaya hindi pa nire-reveal ni Jasper kung sino siya? Taga rito kaya siya sa University?" Tanong pa ni Nicole.




"May tamang oras para sa lahat ng bagay, Nicole. Baka hindi pa sila ready ipaalam. Tsaka, I guess private relationship is much better though. No pressure from others. Let's just wait, ipapakilala rin niya iyon." Ssagot ni Claire.




Nang mailagay ko ang pinaka huling copy ng magazine ay lumapit ako kay Claire para ibigay sa kaniya ang listahan.


"Kompleto na." Sabi ko sakaniya.



Tumango naman siya saka nag pasalamat. Nag paalam na rin ako sa kanila na mauuna na ako.



"Teka Ryu.." Lumingon ako kay Sandra nang tawagin ako nito. Kasalukuyan kong inaayos ang gamit na iiwan ko sa aking locker.



"Huh?"



"Wala bang nasabi si Jasper sa iyo tungkol roon? Kung sino iyong mystery-boyfriend niya? Clue something like that?" Tanong niya.



Napatigil ako saglit. Alangan kung bibigyan ko ba ng sagot si Sandra or sasabihin kong wala. Sa huli ay binigyan ko rin siya ng sagot.



"Uh, a...ang sabi niya lang ay... matagal na niyang gusto iyong taong iyon. Iyon lang." Sagot ko.



"Ah, hays sana all!" Ang tangi niyang nasabi.



Natawa nalang ako roon. Lumabas na ako ng HQ at nag tungo sa parking. Kay Athena ako sasabay ngayong hapon dahil may aasikasuhin raw si Jasper kaya gagabihin siya ng uwi.



Inusisa pa ako ni Athena kung bakit raw hindi na ako nagdadala ng bike ngayon sa University. Sinabi ko lang na tinatamad akong magpedal kaya nag co-commute nalang ako.



Habang pauwi ay naglalaro sa isipan ko ang mga pinag-usapan nina Claire kanina. Lalo na ang kaniyang sinabi. Hindi importante ang kasarian sa isang relasyon, ang importante ay ang nararamdaman nila para sa isat-isa. I just can't help but to smile. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ko iyon.



Alam kong maraming tao ang hindi tanggap ang ganitong uri ng relasyon. Marami ang kontra rito, kaya nakakagaan ng loob na may mga taong naintidihan ito.



"Huy! Ang lalim naman ng iniisip mo." Kinalabit ako ni Athena kaya bumaling ako sa kaniya.



"Ah, Athena may tanong ako." Sabi ko sa kaniya. Kumunot naman ang kaniyang noo saka tumango bilang tugon na magpatuloy ako.



Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. "Uh, what do you think about same sex relationship?" Tanong ko.



Nakita kong medyo nagulat siya ngunit kalaunan ay nawala rin ito.



"Uh, well I think it's just same as the straight relationship." Sagot niya. Sumandal siya sa upuan at pinag-cross ang kaniyang mga braso. "Para sa akin ah, hindi naman siguro importante ang gender sa isang relasyon. As long as tanggap at mahal niyo ang isat-isa at wala naman kayong nasasaktan na ibang tao, then your relationship is valid. Tanngap man ng iba o hindi." Humarap siya sa akin.




"Don't you think, na hindi ito nakakahiya?" Tanong ko.



"No! Of course not! Anong nakakahiya roon? Nasa 21st century na tayo Ryu, ang mga ganyang klase ng relasyon ay normal na." Sabi niya. "May mga taong hindi tatanggap, may mga taong mangju-judge, but who cares? Their opinion doesn't matter. What matter is what you feel." Kitang-kita ko ang sensiredad sa kaniyang mga mata.



Ngumiti siya. "Walang nakakahiya sa isang relasyon na merong totoong pagmamahal tandan mo iyan." Dagdag pa niya. "Teka, sino ba ang nasa same sex relationship?" Tanong niya.



Bahagyang nanlaki ang aking mga mata sa tanong niya saka ako umiling. "Wala naman naitanong ko lang." Sagot ko.



"Ah. Okay." Balewala niyang sabi saka muling bumalik sa pagkakalikot ng kaniyang cellphone.



Napangiti naman ako. Ang magulong alon ng mga katanungan sa aking isipan ay unti-unti nang kumakalma at nagiging banayad ang agos.



"Thanks." Sabi ko sa kaniya. Sumulyap siya sa akin nang naka kunot ang kaniyang noo.



"For what?" Tanong niya.



Nagkibit ako ng balikat.



"Nothing. I just want to say thank you." Sabi ko. 

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

120K 5.6K 44
Rival Series 3 -Completed- Book cover by: Rosehipstea
30.4K 1K 54
Everyone thought that Noah and Kyng Callen hate each other, not to mention their gang are known to be rival. When the gang happened to be in the same...
153K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
18.6K 1.1K 33
[HELLO! LET ME REMIND YOU THAT THIS STORY CONTAINS BOYS LOVE (stories/relationships between male characters) SO THIS STORY ISN'T FOR YOU TO READ IF Y...