YELO (P.S#6)

By Yoonworks

105K 5.6K 4.4K

"You know loving him and hoping that he'll love you back is like a shoot for the moon, right?" More

Notice
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
48
49
50
Yelo
Yelo (2)
Epilogue

47

2.2K 105 122
By Yoonworks

Noong nagtapon yata ng karupukan ang langit, nag sa sunbathing yata ako at nasalo ko lahat at nasiksik siya hanggang sa pinaksulok ng kuko ko.

Halos masabunutan ko ang aking sarili ng magising ng wala ng saplot sa katawan. What's even worse, nagising lang ako dahil sa pag iyak ni Rikana na tila kagigising lamang.

Sobrang napagod itong naglangoy kaya naming mahimbing ang nagging tulog nito magdamag.

Kaya nanghihina man ay binalot ko ang aking sarili ng kumot bago tinungo ito. She must have been hungry kaya ipinagtimpa ito ng gatas. Nang tumigil ito sap ag iyak ay kinuha ko sa sahig ang aking mga damit at pumasok sa banyo.

Pagkalapag ko pa lamang noon sa counter ay bigla na akong naiyak at nasabunutan ang aking sarili.

"Gaga ka talaga, Arika! Ang rupok mo!" sermon ko sa sarili. Panay pa rin ang agos ng aking mga luha at hindi makapaniwala sa aking ginawa. Hindi ako makapaniwala na walang pag aalinlangan ko na naming ibinigay ang aking sarili kay Yelo, ng ilang ulit, at hindi man lang nilinaw kung ano ang mayroon sa aming dalawa.

Kaya ngayon, heto ako at naiwang mag isa sa silid. Ni hindi man lang ito nagpaalam o kaya naman ay nag iwan ng note na, "Hoy Arika, salamat sa ilang rounds kagabi. Balik na ko kasi baka hinahanap na ako ng fiancé ko,"

Putangina.

Bakit ko ba kinalimutan na ikakasal na siya?

Tanga mo Arika, tanga.

Umiyak pa ako ng ilang minuto bago mabilis na nilinis ang aking sarili lalo pa nga at gising ang bata. Mabuti na lamang at mataas ang crib at hindi pa makatayo ng maayos si Rikana kaya imposible kami nitong makita kagabi. Mabuti na rin at mahimbing ang tulog nito. Kung hindi isang napakalaking kalapastanganan. I promise to be even more careful next time.

O baka mas maigi na nagising ito kagabi at umiyak para nagising ako sa kagagahan ko?

Nang matapos sa paglilinis ng katawan at makapagbihis, tulog na naman si Rikana. Dahil sa nakasanayan, naglinis na ako sa kwarto kahit na alam kong may housekeeping naman na darating mamaya.

Paminsan minsan ay napapahinto ako dahil sa sakit ng katawan. My body is still sore lalo sa may pagitan ng aking mga hita. Nanginginig pa minsan ang aking mga tuhod.

Nang matapos ay umupo akong muli sa kama at hindi napigilangan hindi lingunin iyon.

We had sex the entire night. Hindi naman ako lasing para hindi ko maalala ang mga nangyari. Sadyang nuknukan lamang ako ng rupok kaya ang ending, ganito, naiwan na naman akong mag isa.

Inabot lamang siguro ng sampung minuto ng makarinig ako ng katok mula sa pintuan. Judging from the number of times they knocked, a pattern I'm all too familiar with, alam kong room service iyon. At hindi nga ako nagkamali dahil sa pagbukas ng pintuan ay siya ring pagbati sa akin ng room attendant. May dala itong tray na may lamang mga pagkain.

Napakunot ang aking noo. Pati ba ito ay inutos pa ng mga babae? Pwede naman akong bumaba.

Isang ngiti ang iginawad sa akin ni Jeffrey, isa sa mga pinoy na attendant na nagtatrabaho rito.

"Tigilan mo 'yang ngisi mo na 'yan. Hindi mo ako boss ngayon. I'm a guest kaya huwag mo akong biruin," natatawa kong saway rito.

"Naku, ma'am, kalat na dito na binuhat daw kayo ni Sir Roy papunta dito sa kwarto niyo kahapon. Hinahanap ka po ni Ma'am Sam,"

Napailing ako sa tinuran nito.

"Alam mo, ewan ko sa'yo. Bilisan mo dyan at hindi ako makakakain rito na nakikita ko 'yang pagmumukha mo,"

Napahawak ito kaagad sa kanyang dibdib bago umakto na tila nasaktan. "Dyan ka magaling ma'am. Pagkatapos mo akong gamitin, itataboy mo ako na parang hindi mo ako napakinabangan," pailing iling muna ito bago nagpaalam at itinulak na ang cart palabas.

Minsan talaga mga baliw na rin ang mga kasamahan ko rito sa trabaho e.

Wala man masyadong gana ay pinilit ko pa ring kumain. Tinitignan ko rin ang phone ko ngunit wala naman akong nabasang kahit ano na nag aaya ang mga itong lumabasa maliban kay Andrea na nagmessage at nagtanong kung okay na raw ba ako.

Nang matapos ay iniwan ko na roon ang aking pinagkaininan lalo pa nga't alam kong anumang sandali ay darating na din ang housekeeping.

Nang magising si Rikana at binihisan ko ito at isinama na rin sa labas. Nasa playroom daw sa third floor ang mga ito kasama ng mga bata. Dumaan muna ako sa lobby dahil magkaiba ang elevator ng simula 17th floor pataas at mula lobby hanggang sa 16th.

Dahil doon ay naisipan kong dumaan muna sa Front Desk ngunit nagulat ako ng makita si Sir Roy doon. Kaagad akong ngumiti at binati ito.

"Good morning, Miss Montez," bati nito bago mabilis na lumapit kay Rikana at binuhat ito. Sumama naman si Rikana kaya wala na rin akong nagawa lalo na ng samahan ako nito ng sabihin kong tutungo ako sa third floor.

Kitang kita ko pa ang mga malisyososng tingin ng mga receptionist sa amin. Kung ano ano na naman ang kakalat habang alam naman nila na may asawa na ang tao. O baka mas lalo lamang iyong makasama dahil iisipin nila na nakikipaglandian na ako sa may asawa.

Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon.

Nang malapit na kami sa playroom ay hinarap ko ito at kinuha si Rikana. "Thanks for accompanying me. And thanks for yesterday too. I'm sorry for causing trouble. That's not a good thing especially since I work here," nahihiya kong sambit. Napak-unprofessional rin kasing tignan lalo pa nga at manager ako rito. Papano kung kumalat iyon? Nagulat ako ng bigla itong tumawa.

"I have known you for quite some time now and everyone here knows how professional you are. I'm glad I am working with you here as your colleague, " namula ang aking pisngi sa kanyang papuri.

Napangiti na lamang ako at magpapalam na sana ng biglang bumukas ang pintuan sa conference room na nasa kabilang bahagi lamang.

Halos matuyo ang aking lalamunan ng makitang magkasunod na lumabas si Yelo at ang babae niya, kasamang ilang kalalakihang mukhang kasali sa conference nila. Even kuya Aedree was there.

Nang makita ako ni Aleli ay kaagad na naningkit ang mga mata nito. Ilang hakbang lamang at nakalapit na sa amin si kuya Aedree but my eyes were unconsciously watching Yelo's every movement. Alam kong nakatingin ito sa akin kaya pilit kong iniiwas ang aking tingin.

Halos manginig ako kaagad ng maalala kung ano ang mga pinag gagawa ko kasama niya kagabi. NAd the fact that he's with his fiancé now? Nahihiya ako sa sarili ko.

"Arika, nakakain ka na ba?" Nginitian ko si kuya Aedree at inayos ang pagbuhat kay Rikana.

"Tapos na kuya Ae. Susunod lang ako kila Andrea,"

Narinig ko pa ang pag ismid ni Aleli sa gilid. Ang ilan nilang mga kasama sa meeting ay nagkanya kanya na ng alis matapos magpaalam.

"Sino yan, isa sa mga lalaki mo?" biglang singit ng atribidang babae na walang modo pa na itinuro si Sir Roy. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. Nakakahiya kay Sir.

Mabilis ko itong nilingon at ngumiti ng alanganin bilang paghingi ng dispensa. Mukhang anintindihan naman nito dahil tumango lamang at tinapik pa ako sa balikat. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang paggalaw ng mga kamao ni Yelo.

"Good morning, I am Roy Harolds. I am one of Miss Arika's colleague. It's a pleasure meeting you guys. I heard you were her friends,"

Para na akong mabibingi sa lakas ng tibok ng aking puso. Muli ay iniangat ko si Rikana dahil medyo mabigat na ito.

Nagkamay naman si Sir Roy at si kuya Ae at nagpakilala pa isa isa. Si Aleli na gaga ay pabida na naman.

"Bakit hindi natin subukan ang mga amenities rito mamaya, Alexander. Tapos na rin naman ang meeting natin ngayong araw. We can both get a massage," anito sabay kapit pa sa braso ni Yelo. Mas lalo akong nagbaba ng tingin at hindi na kinakaya ang nangyayari.

Dapat yata ay hindi na lang ako lumabas. Maling desisyon na naman. Kaya lamang, mukhang sinusubukan talaga ng nasa itaas ang swerte ko.

Tila sinusunog ang aking pisngi sa sobrang init dahil hindi ako lubayan ni Yelo ng tingin. Pilit nitong hinuhuli ang aking mga mata kaya naman kay Rikana ko na lang ibinaling ang aking atensyon.

"Naubos mo ba yung mga pinadeliver ko sa kwarto mo?" bigla nitong tanong. The moment I heard his voice, I knew something was wrong. He sounded angry.

Hindi ako kaagd sumagot. I refuse to answer lalo pa nga at tila ba natahimik ang tatlo pa naming kasama.

"Denysse," tawga nito bigala sa pangalawa kong pangalan. Para na akong mapuputulan ng hininga.

"Alex?" alanganing tawag ni Aleli rito. Para banag nagtataka siya sa nangyayari. Si Alexander ay alam kong sa gawi ko pa rin ang atensyon.

"I told Ahyessa not to text you so you can rest dahil napagod kita kagabi. Hindi ka na sana lumabas,"

Kulang na lamang ay malaglag ang aking panga sa kanyang tinuran. Si Kuya Aedree ay narinig ko pang tumawa bago niyaya si Sir Roy na umalis. Sa unang pagkakataon ay parang gusto ko na lamang sundan si Sir. Di bale ng matsismis kami kaysa maiwan ako rito kasama ni Yelo at ng babae niya.

"Ano ba, Alexander! Tara na nga!" naiinis nitong turan.

Ako naman ay sinubukang tumalikod para makaalis. Ilang hakbang na lamang ay ang pintuan na papasok sa Playroom pero tila ba napakalayo noon.

"Hindi kita ginising dahil alam kong pagod ka at babalik naman ako. Were you upset?" suddenly, his voice sounded soft. Tila ba kabado ito na nagalit ako dahil hindi siya nakapagpaalam. Nanginginig na ang aking kamay at hindi na magawang humakbang.

"Alex! What are you doing?" Galit na si Aleli dahil sa mga sinasabi ni Yelo kaya naman hindi ko na napigil ang sarili at nilingon ang mga ito. Nagtataka na rin kasi ako. Bakit niya pa ako kinakausap samantalang kasama namin ang fiancé niya?

"Are you cheating on me?" galit nitong tanong at pilit na pinapaharap si Yelo rito. "Binalikan mo ba ang babae na iyan?" tinulak nito si Yelo tsaka ako binalingan. "Makati ka rin talaga eh. Ang bilis mong kumilos! Iniwan ka na nga, para ka pa ring asong pil-" hindi na nito natapos ang sasabihin dahil hinawakan na ni Yelo ang kamay niyo.

"Who the hell told you that I left her?" galit nitong turan. His expression suddenly changes. Bigla kong naalala kung paano si Yelo noong una ko siyang nakilala kaya naman maging ako ay natakot.

Namutla si Aleli. Tila hindi inaasahan ang pagsasalita ni Yelo. Hindi na ako magtataka. Even his family is scared of him.

"P-pero 'di ba..."

Binitiwan ni Yelo ang kamay nito. "It was the other way around," natawa si Yelo ng pagak. "She left me kaya ako tong parang aso na nagkukumahog magtungo rito sa Singpore para magmakaawa na balikan niya,"

Napasinghap ako sa kanyang tinuran. Did he just?

Aleli's lips parted in shock. Katulad ko ay gulong gulo din ito sa nangyayari. Nagplipat lipat ang tingin nito sa amin ni Yelo.

"But everybody knows we're getting married!"

Kumunot ang noo ni Yelo. "I never asked your hand for marriage nor even asked you to be my girlfriend. Kung may aayain man akong magpakasal, nasisiguro kong hindi ikaw 'yon. Now leave. Pinalampas ko ang ginawa mo sa pamangkin ko," Yelo took a menacing step closer to her and I saw her crumbling in fear.

"Hinahayaan kita because your father begged me pero may hangganan ang pasensya ko Miss Arevallo. Don't test me. I am not a very good person," anito. Even I was scared at how he sounded. Tila ba mainit talaga ang ulo nito at kung hindi siguro babae si Aleli ay nasapak na niya ang huli.

He then turned his attention towards me. Kinuha nito mula sa'kin si Rikana at binuhat. Ni hindi ko na nagawang magsalita lalo pa na't inabot rin nito ang isa kong kamay.

"Forget the girls and spend time with me. We were too busy last night, ni hindi tayo nakapag usap,"

Iyon lamang at para akong papel na natangay niya paalis doon.

Ayoko mang gawin ngunit ng makalayo kami ay hindi ko napigilan ang hindi mapalingon. When I saw Aleli looking at us like she was about to cry, I did not hesitate to lift my hand and did the finger.

Fuck her for trying to get my man.

-----

Last na to, next year na ulit. hahaha antok na, bye.

Continue Reading

You'll Also Like

8.4K 119 1
They say, "Variety is the spice of life." It adds flavor to the dull and monochromatic aspects of existence, making things more interesting and excit...
429K 12.9K 46
He is Asher Ruiz. Mayaman. Gwapo. Sikat. Name it, he has it. Pero sa paningin ni Athena Miguele Hizon, he's nothing but a mere weirdo. She doesn't wa...
1.3M 19K 41
Dice and Madisson
3M 77.2K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...