YELO (P.S#6)

By Yoonworks

105K 5.6K 4.4K

"You know loving him and hoping that he'll love you back is like a shoot for the moon, right?" More

Notice
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
46
47
48
49
50
Yelo
Yelo (2)
Epilogue

45

1.5K 73 42
By Yoonworks


Hindi ko alam kung paano ako nakalayo lalo pa nga at nanghihina na ang aking mga tuhod. Hindi ko alam kung alin ba iyong mas masakit, yung maghiwalay kami noon o yung makumpirma ko na wala na talaga kaming pag asa?

Bakit ba pumayag pa ako sa pangungulit ng mga babae? Dapat naging kuntento na lamang ako sa pagiging mag isa ko e. Hindi sana ako iyak ng iyak ng ganito ngayon.

Nagpahangin na lamang muna ako malayo sa mga babae. Nang tuluyang mapakalma ang aking sarili ay bumalik na rin naman ako sa loob ng hotel para hanapin ulit si Sir Roy.

Mabuti na lang rin at hindi mahilig mang usisa si Sir kaya naman nginitian lamang ako nito ng maibigay ko sa kanya ang hinahanap. Dumaan muna ako sa front desk para siguraduhin na hindi dadaldal ang mga receptionist doon lalo pa nag at sigurado akong mayroon sa mga itong nakita akong umiiyak kanina. Nagdahilan na lamang ako. This is the only time I am glad I am their superior. Subukan lang talaga nilang dumaldal.

When I knew that I was okay and calm, tinungo kong muli ang gawi kung nasaan ang mga babae. To be honest, I'm not even sure if they are still there since ilang oras din akong nawala, baka nakabalik na rin sa kanya kanyang mga silid nila ang mga ito.

Nang muling makarating sa pool ay hindi ko na nga nakita ang mga ito. I decided to sit on the corner of the pool again. Wala naman na akong balak na maglublob. I just want to think. Mamaya ko na lang kukuhanin si Rikana sa kanila. 

I let my feet touch the water in the pool. Kasabay ng mahinang galaw ng tubig ay siya ring pagdaloy ng alaala ng mga nangyari kanina.

Ganoon ba talaga kadali para sa kanya ang kalimutan ako? 

Sabagay, they say people come and go in our lives. Ang mahirap lang ay hindi natin kayang piliin kung sino 'yung gusto nating maiwan dahil ang mas madalas, those we want to stay are the ones who are very desperate to leave. The more you wish for them to stay, the more they are determined to leave. 

Ilang minuto pa akong nagmumuni-muni roon ng makarinig ako ng malakas na palahaw ng mga bata. I turned around at halos manlaki ang aking mga mata ng mapagtanto kung sino ang mga iyon. It was Teesha with Andrea's child.

"I'm going to tell my Momma! You are mean!" umiiyak nitong turan. Napatayo ako kaagad lalo pa nga ng mapansin kong hawak nito ang kanyang braso. Maging si Austin ay umiiyak na rin. Ang isa sa kanilang nannies ay hindi malaman kung lalapit ba o hindi at tila natataranta na rin.

"Halika rito! I don't care about your Mom. I told you we need to go na. You're a brat!"

Napaawang ang aking labi ng mapagtanto kung sino ang kasama ng mga ito. She was Yelo's girl. 

Parang may mapakla akong nalasahan sa aking labi ng maisip ang bagay na iyon ngunit mas lalo akong nabahala ng lalong lumakas ang iyak ng dalawa. Ni walang nababakas na pagkaawa sa itsura ng babae at tila mas lalo pang nairita ng umiyak muli ang mga ito.

"Stop crying. Nakakairita! Stop or I will pinch you again!" she hissed kaya naman nagpanting kaagad ang tengga ko. Did she just say again? Mabilis na namuo ang galit sa akin. 

So I did what I had to at that moment, I went to them and got their attention.

"Excuse me, what are you doing?" sita ko rito.

Napatingin sa akin si Teesha ang recognition filled her innocent face. She runs in my direction.

"Tita Arika!" umiiyak na yumakap sa aking hita si Teesha. Maging si Austin ay gumaya na rito. He probably remembers me dahil binuhat ko rin siya kanina.

"Baby, are you okay?" I softly asked. Teesha's cheeks were red and so were her eyes. Her lips were quivering, pinunasan muna nito ang mga luha sa kanyang pisngi bago muling nagsalita.

"M-momma said we can still swim but Tita Aleli doesn't want us to go to the water,"

I bent down and carry Austin in my arms bago ko hinarap ang babae. Ngayong kaharap ko ito mas lalo kong nasiguro na galing ito sa mayamang angkan. Halatang mamahalin ang suot na damit at maayos pa ang makeup. Mas matangkad ito sa akin at mahahalata mong mas matapang. Not that I am scared. 

Kung kanina ay naka-formal attire ito ng kasama si Yelo, now, she's wearing some floral romper shorts na pa off-shoulder pa ang disenyo. She partnered it with some floral sandals.

Bakit kaya hindi na lang niya ibinaon ang sarili niya sa lupa, baka sakaling tumubo rin siya?

Muli kong tinignan si Teesha at nakita ang namumulang parte ng kanyang braso. Tila umahon lahat ng galit sa aking puso, the frustration I was feeling earlier, maging sa floral dress niyang masakit sa aking mata, tila naipon itong lahat at gusto ko na lang sumabog, kaya binalingan ko ito.

"Did you hurt her?" kalmado kong tanong dito but my voice was shaking in anger. When I heard from the girls that this little bitch hates kids, I was okay with it. I mean, may mga tao talaga na hindi mahilig sa bata. But hurting them is a different story.

Isang pekeng ngiti ang kumawala sa kanyang labi. Tinapunan muna ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Ni walang mababakas na takot sa kanyang ekspresyon lalo pa nga at nahuli ko siya sa kanyang ginagawa.

"Arika?" tila nananantya nitong tanong. There was a smug look showing on her face. Parang gusto ko siyang sapakin. 

"So, ikaw pala iyong friend daw nila, yung babaeng iniwan ni Alexander? tila nang iinis nitong tanong. I gritted my teeth in annoyance at pinigilan ang sariling sumabog.

Nagkibit balikat ito at mataray ang itsurang hinarap ako. "Whatever I do with them is none of your business. I am their tita and their guardian as of the moment. Mind you, that little kid is a brat. HIndi ko alam kung paano ba iyan pinalaki ng mga magulang niya but she's neds to learn her lesson. Kailangan niyang matutong sumunod sa nakatatanda sa kanya," turo nito kay Teesha. Mukhang natakot ito at mas lalong yumakap sa akin.

Nag init ang aking mukha sa kanyang sinabi. "Stop pointing your finger at her na akala mo hindi siya tao. May magulang siya. If she's misbehaving, tell her parents or educate her on what she did wrong. You don't have the right to hurt her,"

Sinenyasan ko ang isa sa mga nannies ng mga ito na lumapit. Inabot ko si Austin rito bago umupo sa harapan ni Teesha.

"Baby, sama ka muna sa nanny mo ha and go to your momma. Tita Arika will talk to her," turan ko rito bago pinunasan ang mga luhang naglalandas pa rin sa kanyang pisngi. "It's okay. Si Tita na ang bahala,"

Umiiyak man ay tumango ito.

Sumama rin naman ito sa nanny nito na mahahalata mong kabado na. Sinundan ko ang mga ito ng tingin at ng tuluyang mawal ay muli kong hinarap ang mukhang halaman na babae na ito.

Sinamaan ko ito ng tingin. "Hindi mo ba alam na magagalit si Bobbie sa ginawa mo?" tanong ko rito but she was just blowing her fingers na akala mo ay nagpapatuyo ng nail polish.

"So? I'm not afraid of her. It's not like she can do anything to me. Takot sila kay Alexander," sigurado nitong sagot. So that's why she's not afraid to hurt Teesha. 

Nabasa ko ang pang ibaba kong labi out of frustration. That's true, na takot sila kay Yelo. But you can never underestimate a mother. Knowing Bobbie, hindi ko alam kung ano'ng magagaw anito kapag malaman niya ang nagyari sa anak.

"Also, bakit ka ba nakikialam? And why are you here anyway?" bigla ako nitong pinagtaasan ng kilay at tila may kung ano anong iniisip. "Wait, don't tell me na nandito ka dahil kay Alexander?"

Napalunok ako sa kanyang naging tanong. Bigla ay naalala ko na naman ang itsura nilang dalawa kanina habang magkasama. For a moment, lumiit ang tingin ko sa aking sarili. Bigla kong naisip, what if Yelo finds out? Papaano kung maabutan niya kami ritong nag aaway? For sure magagalit iyon. Magagalit siya sakin dahil inaaway ko ang babae niya.

Narinig koi tong tumawa ng pagak. "Oh, my God!" tinakpan muna nito ang labi tsaka ako muling tinawanan. "Girl, you're pathetic! Did you think na magkakabalikan kayo? I mean, pumasok sa isip mo na he will leave me because of you? Na babalikan ka niya?" Muli ay tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. "You over me? Are you serious?"

Mas lalong nanliit ang tingin ko sa aking sarili. I was always confident about myself then, pero sa mga sinasabi niya at ang katotohanang sa kanya na si Yelo, it affects me.

Tinignan ko ito at pinigilan ang sariling umiyak. I can't let her see that she's getting into me. I refuse to let her win like that. Siguro pagkatapos nito ay aalis na lang ako. Ngunit bago iyon ay may gusto lang akong malaman. Kahit masakit, kung makukumpirma ko iyon, tatangapin ko.

Huminga muna ako ng malalim at pinagtibay ang aking loob.

"Tell me," simula ko. Kahit na kinakabahan sa maaaring sagot na aking maririnig ay pinatatag ko ang aking loob. "Did he ever told you he loves you more than Mattee?"

Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib at talaga namang kinakabahan na ako dahil nanghihina na rin ang aking mga tuhod. Thank God, wala ng tao halos sa pool dahil closing hours na.

Kung maririnig kong sinabi ni Yelo rito na mas mahal siya nito sa dating babaeng minahal, I will  give up. Because that means it's clear that he loves her now, if he loves her more than Mattee. 

Narinig ko itong natawa.

"Stop being funny," turan nito.

And that was more than enough to confirm my suspicion.

Sinabi niya. Sinabi ni Yelo. 

Fuck. 

Continue Reading

You'll Also Like

215K 3.2K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
429K 12.9K 46
He is Asher Ruiz. Mayaman. Gwapo. Sikat. Name it, he has it. Pero sa paningin ni Athena Miguele Hizon, he's nothing but a mere weirdo. She doesn't wa...
17.9K 753 44
Matchmaker Series #3 | COMPLETED In Greek mythology, Eros is the god of love who married Psyche after Aphrodite gave them a hard time before they cou...