MY LOVE IN CLOUDS - [COMPLETE...

By BLACKxNEON

1.4K 466 37

LIFE IS SHORT, SO MAKE IT PERFECT. I JUST WANT TO BE HAPPY, WHY CAN'T IT BE GIVEN TO ME? IS IT HARD TO LOVE M... More

PAGE 1
PAGE 2
PAGE 3
PAGE 4
PAGE 5
PAGE 6
PAGE 7
PAGE 8
PAGE 9
PAGE 10
PAGE 11
PAGE 12
Page 13
PAGE 14
PAGE 15
PAGE 16
PAGE 17
PAGE 18
PAGE 19
PAGE 20
PAGE 21
PAGE 22
PAGE 23
PAGE 25
PAGE 26
PAGE 27
PAGE 29
PAGE 28
PAGE 30
LAST PAGE: CLEIN GONZAGA
NOTE:)

PAGE 24

22 10 0
By BLACKxNEON

Naaasiwa ako dahil parati kong nakikita si Rogue tuwing nagpapractice kami. Pano ba naman kasi, todo practice na kami ngayon dahil next week ay Foundation na.

Magaling naman sumayaw si Rogue. Ngayon ko lang syang nakitang sumayaw. Sa pagkanta'y narinig ko namana dahil madalas nya akong sendan ng voice message (vm) sa messenger.

"HO!" nagulo ko ang buhok ko sa ilalim dahil sa inis! Pano ba naman kasi, isip ako ng isip sa kanya! Ayaw ko na eh! Kasi wala namanang pag asa.

"Hoy besh! Pansin ko, umaasa ka pa rin kay Rogue?" Anya nang nasa canteen kami dahil recess naman.

Nagkibit balikat ako, halata ba?

Tinampal nya ang kamay kong nasa mesa. Pinandilatan nya ako ng mata "Halata! Hindi ko man alam ang pakiramdam ng ganyan, Oo nasaktan rin ako pero nakamove on rin. Ewan ko ba, ang manhid nito eh" turo nya sa puso nya.

"Siguro besh, hindi mo lang sya minahal ng lubos." Napailing ako.

Ngumuso sya.

Sa totoo lang, umaasa pa rin ako na magkaron ulit ng Kami. Umaasa ako na babalik sya sakin, kahit alam kong wala nang pag asa.

Gabi gabi, napapatulala ako sa langit habang nasa bintana. Dinudungaw ang langit na madilim. Nagkikislapang mga bituin.

Inaabot ko yon at pinapangarap na sana 'May magmahal rin sakin, tulad ng pagmamahal ko sa isang tao. Yung mas mahal nya ko...'.

Napapagmasdan ko ang ulap na mabilis na hinahangin, nadadala kung saan saan. Parang isang ulap ang buhay ko. Isang hangin lang, maitataboy na. Iiwan na ang nakasanayang lugar.

September 25, 2019 naganap ang Foundation Day. 5am pa lang naron na kami para mag ayos. Pinaiksian ang palda namin. Si Mama pa nagtahi nito. Medyo nagbuka sya dahil sa pagkakatahi. Nakamapeh shirt naman kami at nakasentipid naman ang buhok namin. Habang may garter sa ulo na black na may nakasulat na supreme. May hawak pa kaming pompoms.

Alas syete ay nagsimula ang misa. Sobrang daming tao dahil Grade 7- 4th Year College ang nandito. Halos mahilo kana sa dami. Baka matumba ka nalang kung gutom ka dahil nakakahilo talaga. Sobrang ingay, hindi maiiwasan.

Nang mag alas otso na ay pinalabas na ang Grade 7, 8, 9 at 10. Sumunod ang Senior High na Grade 11 at 12. Huli ang mga college. Sobrang dami. Nagsimula na kaming maglakad dahil magpaparada pa. Panay ang saway nila Mam at Sir dahil panay ang ingay. Naglakad kami paikot sa sentro. Maraming nagpipicture at napapatigil para panoorin kaming sumisigaw.

"FRESHMEN! FRESHMEN! FRESHMEN!... GO! GO! GO! GRADE 7..." sigaw ng leader nilang nasa unahan. At sasabay naman ang lahat.

"8 BY 11! 8 BY 11! GRADE 8! GRADE 8!" sigawan nila.

"CLOUD 9! CLOUD 9! GRADE 9!"

"GRADE 10 IN YOUR AREA! GRADE 10 IN YOUR AREA! GRADE 10! IN YOUR AREA!..."

"GRADE 11! SEVEN ELEVEN! GRADE 11! SEVEN ELEVEN! GRADE 11! SEVEN ELEVEN! GRADE 11!..."

"BATALYON! BATALYON! BATALYON! DOSE! DOSENA! DOSE! DOSENA! GRADE 12!"

Sunod sunod na Grade ang sumisigaw ng ganon. Sa College naman ay hindi ko na maintindihan dahil malayo na saamin.

Nakikita ko ang mga taong nanunuod na nagvivideo, kumakaway kapag may nakikitang kakilala samin at ang iba naman ay pumalakpak sa tuwa.

Nang makabalik kami sa School ay nagsalita pa ang Principal, President, Stockholders at iba.

Pinatabi kami dahil mauuna ang Grade 7 sa pagperform. Napatalon ako ng bahagya ng may pumatong na kamay sa aking braso. Nakita ko si Carla iyon. Ngumiti sya habang nakatingin sa gitna kung saan gaganapin ang sayaw.

Mamaya pa kasi silang gabi dahil Folk Dance sya. Di man lang nga sya umitim eh! Kami, bilad na bilad sa init ng araw kaya nangingitim.

"Galingan mo ha! Hahaha... Nandyan pa naman si Ano..." Ngumisi sya.

Kumunot ang noo ko "Sino?" Curious kong tanong. Umiling sya at ngumiti.

Bumaling nalang ako sa entablado dahil magsisimula na ang Grade 7. Alas nuebe emedya na at mainit na. Nakasilong kami dito sa ilalim ng puno. May mga nagtitinda naman sa gilid. Maganda magtinda pag may events dito sa School dahil mabili talaga. Gusto ko sana bumili kaso hindi ko dala ang pera ko, nasa bag. Baka kasi mawala.

May mga hulahop na ginamit ang Grade 7 at naka two side bun ang buhok. Naka Mapeh shirt rin sila, black pants. Ang mga babae ah may mukhang palda na pompoms at may hawak rin. Ang mga lalaki naman ay may tribal na panyo na parang headband. Nagtatawanan ang iba dahil mukha raw Mang Kepweng. Ang galing nila! Hindi kagulo. Samantalang nong Grade 7 ako, natalo kami dahil kagulong masyado. Pero ito, Hindi. Ang galing nang nagturo. Sabay sabay at panta pantay. 2019 Songs ang kanila. Nang matapos na ay nagdikit dikit silang lahat at itinaas ang kamay na pinturang kapag nabuo ay may nakasulat na "GRADE 7 FRESHMEN" sinigaw pa nila yon. Maramii natuwa, pati na rin ako dahil sa galing nila.

Sumunod ang Grade 8. Titig ako kay Rogue dahil may kausap syang lalaki, marahil kaklase nya. Sinigaw muna nila ang "8 BY 11! GRADE 8!..." may nahuli pa at may nauna sa sigaw. Napangiwi ako dahil una pa lang hindi na sabay sabay. Nagsimula silang sumayaw. Napapatitig ako kay Rogue sa bawat indayog ng kanyang pagsayaw. Tumatagatak na rin ang pawis nya. Nasa hulihan sya sa gitna dahil matangkad. Kitang kita ko. Nangitim sya dahil sa init pagpapractice. Halos lahat naman kami ay nangitim. Ang mga kasali lang sa Literary ang hindi umitim tulad ni Carla.

Bawat indayog ng sayaw nya ay natitigil ang tibok ng puso ko. Para bang may sumisikip dahil mapapaisip ka nalang na 'Gusto ko lahat sayo, pero hindi kana akin. Gusto ko gawin ang lahat, pero kahit anong pilit ko, ako lang ang nalulunod sa sakit'.

Patapos na ang sayaw nila at napatalon ako ng bahagya ng itaas ni Carla ang baba ko. "Hmmm!... Laway mo tumutulo na! Ikaw lang pinanuod ko. Kanina kapa titig sa kanya. Wala naman syang paki sayo..." Umirap sya.

Sakit talaga makasalita nitong bestfriend ko. Ewan ko ba bakit naging bestfriend kopa to! Siguro, dahil sya lang nakakaintindi sakin tuwing down na down nako.

Itinaas ng nasa unahan ang tarpaulin na nakapako sa kahoy na playwood. May nakasulat don na 'GRADE 8 BY 11'. Mga naka mapeh shirts sila at black pants rin. Ang mga babae naman ay may 8 by 11 na plastic na ginawang palda. May mga headband flowers sila na mukhang nga dyosa. Sinayaw nila ang 90's songs.

Kinuha ko ang tubig na hawak ni Carla. Dinala nya talaga to para daw may mainom kung nauuhaw. Kukunti nanga at andami nakikiinom. Pero dahil nga maangas tong si Carla ay tingin nya palang napapatigil ang makikiinom. Mukha kasing mangbibigwas.

Halos mabilaukan ako nang makita kong lumapit sya banda kay Kim. Litmous Participant kasi si Kim kaya pang gabi sya tulad ni Carla na kasali sa Literary. Nakita ko kung paano pinunasan ni Kim ang noo ni Rogue. Umiwas pa si Rogue pero hinila sya ni Kim para mapalapit sa kanya. Nakita ko ang pagngiti nila sa isa't isa. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang makitang iba ang gumagawa non sa kanya na dati'y ako ang gumagawa non.

Grade 9 na ang sunod. Next na kami. Magaling rin ang Grade 9. Nagkamali ang iba sa huli. Tumigil ang tugtog pero hindi sila tumigil. Sumayaw pa rin sila kahit walang tugtog. Napa "WHOAOOOOAAAOOO..." sigaw ng mga tao dahil kahit walang tugtog ay pinagpatuloy pa rin nila ang pagsayaw. Parang silang plaka ang sound system dahil patigil tigil. Kinanta nalang nila ang sayaw. Nakita ko ang saya ng mga tao dahil kabisa nila ang kanta at sayaw. 70's songs.

Nang sumunod na kami ay tinulak ako sa panunukso ni Carla. May itinuro sya sa baba ng stage. Hindi ko alam kung bakit tinuro nya yon. Nanliit ang mata ko dahil sa sikaw ng araw na tumatama sa entablado.

Nagsimula ang kanta. Nakayuko muna kami. Naka sun glasses ang nga lalaki. Nang mag angat kami ng tingin ay sinimulan ang sayaw kasabay ng kanta. 80's songs ang saamin. Tumalikod kami at tumalon paharap. Saktong pagharap ko ay kitang kita ko ang tumatawang si Clein. May kasama sya at may binubulong sya ron habang nakatingin saakin ng diretso.

Nakaramdam ako ng saya at inis. Saya? Ewan ko kung bakit. Inis? Dahil nagtatawa sya. Naiinis ako parang nakakaloko yung tawa nya. Pero, sanay na ako sa kanya. Ganyan na talaga sya noon pa. Nakita nya siguro ang mariing titig ko sa kanya kaya tumigil sya sa pagtawa.

Parang nag slow motion ang lahat sa bawat indayog ng pagsayaw. Para akong nasa ulap habang sumasayaw. Nakita ko ang pagtigil ng lahat at nagbulong bulongan. Huli na ng malaman kong tumigil pala ang kanta, kasabay ng pagtigil naming lahat. Bumaling ako sa sound system na inaayos nila dahil parang silang radyo ang lumalabas sa speaker. Mga sampong minuto kaming nakatayo ron ng hindi sumasayaw. Ganon pa man, sumigaw ang Chairman ng Grade 10 na ipagpatuloy dahil kabisa naman. Kaya sumayaw na rin kami.

Sa unahan kong babae ako nakatingin dahil ayaw kong makita si Clein. Baka masira pa ang sayaw ng dahil saakin. Kahit hindi ko nakikita si Clein ay alam kong saakin lang nakatuon ang mata nya.

Natapos ang sayaw at isinigaw naming lahat ang "GRADE 10 IN YOUR ARE! GRADE 10 FOR THE WIN!".

"BOOO!!!.. GRADE 10 FOR THE LOSE! HAHAHAHA..." sigaw ng marami. Pero karamihan ay Grade 9. May kunting Grade 8.

Tumungo ako kay Carla at hinablot sa kamay nya ang tubig. Pero napatapon ang tubigan sa sahig dahil wala na palang laman. Nag peace sign sya at ngumiti sakin. Umirap ako.

Nginuso ni Carla ang nasa likod ko. Nang bumaling ako ron ay may mineral water na nasa mukha ko. Napalayo ako ng bahagya. Tumawa naman si Carla. Tumagilid pa ang ulo ko, dahilan para makita si Clein na nakangisi. Hinablot ko ang tubig na nasa harap ko at umiling nalang. Binubuksan ko yon dahil uhaw nako pero hindi ko mabuksan! Inilahad ko yon kay Carla. Aktong kukunin na nya pero inunahan sya ni Clein at sa isang iglap lang ay nabuksan na nya.

Umiling sya at binigay sakin ang tubig "Pasmado ka talaga!" Umiling sya.

Ang dulas kasi sa kamay kaya di ko mabuksan dahil pasmado nga.

Tinulak sya ni Carla sa panunukso "Yieee... Alam na alam ha? Hahahaha"

Pinanlakihan ko ng mata si Carla. Tumawa lang sya.

"Bakit ka nandito---" tanong ko pero pinutol nya.

"Anong gusto mo? Gutom kana diba?" Ngumisi sya.

Umiling ako at ngumiti.

Tinulak ako ni Carla "Sus! Gusto mo naman! Hahahaha... Go ahead! Magdate kayo! Hahahahaha... May date rin naman ako." Anya at tiningnan ang paparating sa gilid namin na si Damzel.

Ewan ko ba sa dalawang to! Akala ko waa na sila. Hindi kasi para kwento si Carla about sa kanila. Siguro nagcomeback nya.

"Sanaol nagcomeback! Hahahaha..." Tumawa ako.

"Uy, Si Rizavin... Nagpaparinig...  Rogue! Si Ex mo nagpaparinig! Comeback raw!" Sabi ng Grade 8 na hindi ko kilalang lalaki. Nakita ko si Rogue na bumibili ng fishball kasama si Kim. Bumaling si Rogue banda samin. Umiwas ako ng tingin dahil bigla syang sinuboan ng fishball ni Kim.

Narinig ko ang tukso ng mga tao sa kanila "YIEEE..."

Napatianod ako sa hila ni Clein. Dinala nya ko sa ice cream-an. Nagsabi agad sya kay Manong ng "Dalawang cookies and cream flavor po sa tinapay mo ilagay manong." Anya.

Favorite ko kasi yong ice cream na nasa tinapay. Hahaha...

Tinampal ko sya "Alam na alam mo talaga favorite ko eh no!" Ngumiti ako.

Hindi sya umimik at binigay nalang ang ice cream bread saakin. Nag thank you naman ako.

"Uh... Sorry nga pala sa la---"

"Shhh..." Nilagay nya ang point finger nya sa labi ko para matigil ako sa pagsasalita.  "Wag mo na isipin yon... Ayaw ko lang na hindi tayo ok..." Anya.

"Bakit hindi na kita nakikita sa Court sa Manlapaz?" Pag iiba ko.

Umiwas sya ng tingin at kumagat sa pagkain "Hindi lang nakakapunta..."

Hinampas ko ang braso nya at pinandilatan sya ng mata "Sabi, hindi kana raw pumapasok? Bakit?" Gusto kong dugtongan kung dahil ba sa pagbreak ko sa kanya pero hindi kona tinuloy.

"Tinatamad nako... Nakakapagod mag aral... Walang inspirasyon..." Pabulong nyang ani sa huling salita, hindi kona naintindihan kung ano ba iyon.

Hinampas ko sya ulit "Ano kaba? Mag aral ka! Para sayo din naman yan. Diba gusto mo pang maging Civil Engineer? Pano mo matutupad yon kung magiging tamad ka? Tamad rin naman ako ah? Pero gusto kong makapagtapos kahit ayaw kona..."

Iniba nya ang topic namin. Hudyat na ayaw nyang pag usapan. Pinagbigyan ko nalang dahil baka hindi pa sya handang pag usapan iyon.

Alas dose ay pwede nang umuwi. Pero dahil napasarap ang usapan namin ni Clein ay di namin namalayan na alas dos na pala.

Nagpaalam akong papasok ako sa loob para kunin ang bag ko. Hindi kona nakita pa si Carla kung nasaan na ba iyon. Mga college na rin ang naroon.

Kaninang ala una ay sinabi kung sino ang nanalo sa Junior High.

Nanalo ang Grade 9. Second place ang Grade 7. Third place ang Grade 8 at kami ang pang huli. Simula Grade 7 kami hindi man lang kami nagchampion.

Sabi ng iba ay nanalo raw ang Grade 9 dahil kahit tumigil ang tugtog ay sumabay pa rin sila at sila nalang ang kumanta.

Kami naman ay tumigil at hindi na nagkasabay sabay. Malas ay!

Nang makuha ko ang bag sa room at naglakad ako papunta sa Cr. Napatigil ako sa hagdan kung saan may maraming memories na nangyari doon.

Narinig ko ang tunog ng lata sa ilalim ng hagdan. Nanlaki ang mata ko ng makita si Rogue at ang babaeng hindi ko alam na nakahilig sa gilid ng hagdan. Nakapikit si Rogue. Habang ang babae ay pinaglalaroan ang buhok nya. Narinig ko ang pagdaing ng babae. Ngumisi si Rogue. Napatakip ako sa bibig ko. Lalayo na sana ako nang may nabangga ako mula sa likoran ko. Babaling na sana ako kung sino yon pero agad nyang tinakpan ang mata ko at dahan dahan akong hinigit palayo. Nang makalayo layo kami sa paglakad ay naramdaman ko ang sikip ng dibdib ko. Ang bilis ng hinga ko. Tinanggal nya ang kamay nyang nakatakip sa mata ko. Nakita ko si Clein na igting ang panga at kunot noong nakatingin ng diretso sa paglalakad.

Hindi pako makabalik sa ulirat. Nakaawang pa ang bibig ko dahil sariwa pa ang nakitang eksena. Hindi ko kilala kung sino ang babaeng kahalikan nya.

Naramdaman ko ang sobrang kuyom ng kamao ko. Kinalma ko ang sarili ko pero hindi mapigilan ang luhang papatak sa mata ko. Agad yong pinunasan ni Clein. Mas lalong dumaloy ang luha ko at nilagay ang noo ko sa likod ng balikat nya habang mariin ang hawak nya sa braso ko. Namalayan ko nalang nasa tulay na pala kami.

Malapit na kami sa Manlapaz at nagsalita sya. May kwenento sya pero hindi pumapasok sa utak ko. Nagulat ako dahil pumasok kami sa bahay nila. Noon pa man nakakapasok nako dito. Pero ngayon, parang bago saakin dahil antagal kong hindi ulit nakapunta dito. Nilapag nya ang bag ko sa upuan nila sa sofa. Kinuha nya yon saakin kanina.

Hinigit nya ako paupo sa table nila. Lumabas ang Mama nya at ngumiti saakin "Buti nandito na kayo... Alas dos na! Alam kong gutom na kayo. Halika ka Bb eneng... Kain ka marami. Sino ba nanalo?"

Nabalik lang ako sa sarili nang kausapin ako ng Mama nya. Nagkipagkwentohan ako sa Mama nya. Close sila ni Mama.

Lumapit saakin ang kapatid nyang lalaki at agad akong niyakap "Ate... Nandito ka ulit! Namiss kita... Bakit ate iniwan mo si Kuya?... Nasaktan sya sa gina---"

"Carlo! Makipaglaro ka muna ron..." Turo nya sa labas na may naglalarong mga bata.

Nilagyan ni Clein ang pinggan ko ng ulam at kanina. Andami pang kanin. Ngumiwi ako pero dahil gutom naman ako ay kaya ko yung ubosin. At masarap rin magluto ang Mama nya. Hindi mo maiiwasang hindi kumain ng marami. Nakasuot pa pala ako ng palda at Mapeh shirt. Buti may dala naman akong damit kaya magpapalit ako mamaya.



BLACKxNEON

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 86.9K 58
It's you, it's always you... I still love you... Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
116K 589 12
Oh eto.. as promised, may mga ilang insights akong sshare about sa na published na UNTIL TRILOGY ni queen Jonaxx... Ano bang nabago? May new chap...
339K 23.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.8M 76.3K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...