Against Our Will

By mistymatic

53.9K 3.4K 1.1K

Her name is Faith, but she lost the faith she had after her father died. The trauma of what happened to her f... More

AGAINST OUR WILL
Prologue
Chapter 1: The Surprise Note
Chapter 2: Fool Genius
Chapter 3: The Best Sister
Chapter 4: Fake Sheep
Chapter 5: The Care of a Brother
Chapter 6: Regrets and Blames
Chapter 7: Consequence
Chapter 8: Conceal
Chapter 9: Team Work
Chapter 10: Church Policies
Chapter 11: Cheating
Chapter 12: The Yellow Box
Chapter 13: Revenge of a Sister
Chapter 14: Weird Feeling
Chapter 15: Toxic Person
Chapter 16: Guilt and Shame
Chapter 17: A Good Pastor
Chapter 18: My Identity
Chapter 19: Heart Check
Chapter 20: His Advices
Chapter 22: It's In Your Name
Chapter 23: Someone Better
Chapter 24: Triggered
Chapter 25: Trust
Chapter 26: Pray for Me
Chapter 27: It's About Time
Chapter 28: Don't Hide
Chapter 29: Faith's Transformation
Chapter 30: Unexpected Gift
Chapter 31: Different Kylo
Chapter 32: Little Sister
Chapter 33: Seven Years Gap
Chapter 34: Not Yet the Right Time
Chapter 35: Pastor's Eyes On Us
Chapter 36: The Right Woman
Chapter 37: Heart is Deceitful
Chapter 38: Let Me Die
Chapter 39: Living Testimony
Chapter 40: Against Mine
Chapter 41: True Love Waits (The Last Chapter)
Epilogue
Reflection & Writer's Note

Chapter 21: Unrealistic Expectation

754 78 15
By mistymatic

"Faith," tawag sa akin ni Ate Christy bago ko pa man ipikit ang mga mata ko.

"Hmm?" tugon ko nang hindi siya nililingon.

"Close na ata kayo ni Neico ah."

"Hindi naman."

"Palagi nga kayong magkausap eh."

"Uhm, youth leader natin siya kaya nag-o-open ako sa kanya. Okay lang naman, 'di ba?"

"Okay na okay," aniya at bumuntong-hinga. "Pero hindi mo naman siya crush, 'no?" pang-aasar niya.

Nagulat man ako, naibaon ko na lang ang mukha ko sa unan. "Tigilan mo nga ako, ate!" sabi ko. Tumawa naman siya.

"I'm just kidding," natatawang sabi niya. "Alam ko naman na si Kylo ang crush mo," biglang banat niya sa huli.

"Ano?" kunot-noong sabi ko at nilingon siyang muli. "Anong si Kylo? 'Di ko na nga kaclose 'yon eh!"

"Bakit?"

"Wala lang."

"Nag-away ba kayo? 'Di ba kaibigan mo 'yon? Dapat nga niyayaya mo 'yon sa Bible study natin."

Umismid ako at sinabi, "Tsk! Sarili ko nga 'di ko maayos tapos aakayin ko pa siya?" sarkastikong sabi ko at saka nagtalakbong ng kumot.

"Pwede mo naman kasi ipaayos sarili mo. Ayaw mo lang," dinig kong sabi niya.

Napahinga ako nang malalim.

Darating din tayo diyan, ate...

***

Nakikinig lang ako sa kwentuhan ng mga classmates ko na babae na malapit sa pwesto ko habang hinihintay namin na dumating sa classroom ang next teacher namin.

"...Magshota pala si Sir Neico at Ma'am Erich, 'no?"

"Oo, minsan nakikita ko sila na magkasama."

Makikitsismis na nga lang 'tong mga 'to, mali-mali pa, sabi ko sa isip ko at umismid. Hindi magiging shota ni Kuya Neico si Ate Erich. Hindi pwede.

Napalingon sila sa akin kaya napatigil ako. "Faith, 'di ba kasama mo si Sir Neico sa bahay niyo?" tanong ng isa sa akin.

"Minsan lang," walang ganang sagot ko.

"Pinsan mo ba siya?"

Bahagya akong napakunot-noo. "Hindi kami magkaano-ano pero inaanak siya ng Tito ko."

"Ah, gano'n pala."

"At hindi rin niya girlfriend si Ma'am Erich," sabi ko pa.

Napaawang naman ang mga labi nila. "Talaga?" sabi nila nang tila natuwa sa nalaman.

"Yes," naka-poker face na sabi ko. Nagtiliin naman sila kaya napatingin sa kanila ang iba kong kaklase at nagsitawanan.

Natigilan naman sila nang dumating si Ma'am Jessa sa classroom. Nagsibalikan sila sa kaniya-kaniya nilang puwesto. Napabuntong hininga lang ako at komportableng sinandal ang likod ko sa backrest ng upuan ko.

Ilang sandali lang, dumating si Kylo at tumabi sa akin. Hindi ko siya pinansin. Ganoon din naman siya. Palagi kaming ganito sa tuwing nagkakatabi kami. Hindi kami nagkikibuan.

"We will have a long quiz. Get a one whole sheet of pad paper," anunsyo ni Ma'am Jessa.

Dali-daling binuksan ko naman ang bag ko at naghanap ng pad paper. Kinabahan ako dahil bawal ang manghingi sa classmates ko, baka hindi ako ipag-take ng quiz ni Ma'am. That's the rule. Nang ma-confirm ko na wala akong pad paper, inis na sinara ko na lang ang bag ko at umupo nang diretso. Kailangan kong gumawa ng paraan. Lumingon ako sa kaliwa ko dahil nasa kanan ko si Kylo, kay Kia ako bumulong, "May pad ka pa?"

"Wala na. Last na 'to," tugon niya. Natahimik naman ako. Hindi na ako makahingi sa iba dahil baka mahalata ako ni Ma'am Jessa.

Nagulat ako nang biglang may kamay na lumapag sa desk ko, ang kamay ni Kylo na may pad paper sa ilalim. Tinanggal din naman niya ang kamay niya roon at iniwan ang isang pad paper sa desk ko. Hindi naman ako nakakibo, pero ginamit ko ang papel na iyon nang magsimula ang quiz namin. Wala naman kasi akong magagawa dahil kailangan ko talaga ang papel na 'to. Nalunok ko ang pride ko kaya ang awkward sa feeling.

Kaagad din naman na-dismiss ang klase nang matapos ang quiz. Ito na ang pinaka-last na subject namin kaya uwian na. Pagkalabas ko ng building ng senior high, natanaw ko kaagad si Kuya Neico at Ate Erich na nag-uusap sa may gilid ng pathway. Saglit akong napatigil at pinagmasdan silang dalawa. Formal lang naman ang pag-uusap nila. Ilang sandali lang, sabay silang naglakad. Doon na rin ako nagpatuloy sa paglalakad. Kung ano ang destinasyon ko, gayon din silang dalawa, hanggang sa napagtanto ko na pauwi na rin pala sila. Pinanatili ko na malayo ang distansya ko sa kanila dahil ayaw ko silang makaharap. Mula sa malayo, pinagmamasdan ko lang sila habang naghihintay ng jeep na masasakyan. Pangiti-ngiti si Kuya Neico habang nag-uusap sila, kitang kita kung gaano niya kagusto si Ate Erich. Ang bigat sa pakiramdam habang pinagmamasdan ko sila.

"Faith," muntik na akong mapaigtad nang may humawak sa balikat ko. Nagulat ako nang malaman kong si Kylo iyon.

"Bakit?" kunwari'y masungit na tanong ko sa kanya. Kanina pa siya nagpaparamdam sa akin ah. Para siyang multo.

"Nalaglag panyo mo," aniya sabay abot sa akin ng panyo ko. Mabilis din siyang umalis pagkatapos niyon. Hindi man lang ako nakapagpasalamat.

Napabuntong hininga lang ako at muling binalik ang tingin kina Kuya Neico at Ate Erich, pero hindi ko na sila nakita muli. Mukhang nakasakay na sila ng jeep.

Nang may dumating na panibagong jeep, sumakay na rin ako. Hanggang sa pag-uwi ko, hindi ko maalis sa isipan ko sina Ate Erich at Kuya Neico. At hindi ko maikakaila ang lungkot na nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

Ngayon, hawak-hawak ko ang Bible na binigay sa akin ni Kuya Neico. Nilapag ko iyon sa study table at tinitigan nang matagal. Lutang kasi ako sa dami ng mga bagay na naglalaro sa isip ko.

Tigilan ko na kaya ito?

Ngayon pa lang discouraged na discouraged na ako. Mukhang imposible kasi ang hinahangad ko. Never akong magugustuhan ni Kuya Neico dahil bukod sa walang-wala ako kay Ate Erich, in love na in love din siya kay Ate Erich.

Nabigla ako nang mag-ring ang cellphone ko na nakalapag sa kama. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong si Kylo iyon. Napakunot-noo ako kalaunan at napabulong, "Napatawag 'to?" Sinagot ko naman ang ang tawag niya.

"Hey, Faith," sabi niya na tila close pa rin kami.

Hindi ako sumagot.

"Uy," aniya.

"Bakit?" seryosong tanong ko.

"It's Gianna's birthday tomorrow. Her brother is inviting us. Hapon daw."

Napaawang ang labi ko at tila nagflash sa isip ko ang mukha ni Gianna na nakangisi sa akin.

Gianna...

Mas lalong nadagdagan ang lungkot na nararamdaman ko dahil na-miss ko na naman si Gianna. Sa tuwing birthday niya, palagi niya kaming nililibre ni Kylo sa labas. Minsan, nag-o-overnight kami at nasasaksihan namin ni Kylo kung paano siya naglalaslas. Hindi namin siya pinipigilan ni Kylo kahit na deep inside, naroon ang takot ko na matuluyan siya. Simula noon, natutunan ko na rin na maglaslas sa tuwing nag-iisa ako.

"Pasensya na. Baka hindi ako makapunta," sabi ko sa mahinang tinig.

"Why?"

"M-may Bible study kasi kami."

Narinig ko ang pagsinghap niya. "It's surprising that you choose to attend a Bible study than your special friend's birthday. Or... you just don't wanna be with me anymore?" seryosong saad niya.

"What?" kunot-noong sabi ko. "Sino ba ang umiwas dito? Ako ba?" sarkastikong sabi ko.

"That's what you want, right?"

Natahimik ako. Alam ko kasi sa sarili ko na kahit ayaw ko siyang idamay sa pagiging miserable ng buhay ko, itinuturing ko pa rin siyang kaibigan. Sila ni Gianna ang nakikinig sa akin noong mga panahong wala akong mapaglabasan ng mga hinanakit ko sa buhay.

"Pero kaibigan pa rin kita," tapat na sabi ko. Ayaw kong isipin niya na ayaw ko na siyang maging kaibigan. I just really think he doesn't deserve to have a toxic friend like me.

Bumuntong-hininga siya. "I'm sorry. I thought you don't want me to be your friend anymore."

Napaismid ako. Kahit na dahil sa maling akala kung bakit niya ako iniwasan, hindi pa rin maikakaila na nakaya niya akong ipagpalit sa ibang kaibigan. "Basta, hindi ako pupunta sa birthday ni Gianna. May Bible study kami," sabi ko.

"Don't fool me. You won't choose Bible study over Gianna."

"I choose Bible study. I'm not rejecting  Gianna; I'm just accepting the fact that she is already dead."

"Celebrating her birthday is remembering her as our friend."

Napapikit ako at napaisip sa sinabi niya. Well, Gianna is just dead physically, but her memories with me are still alive in my heart.

"Pwede bang mag-attend muna ako ng Bible study bago tayo pumunta kina Gianna?"

"No problem. Sama nalang ako sa Bible study ninyo."

Nagsalubong ang mga kilay ko, "Seryoso ka?" Hindi naman kasi siya mahilig dumalo sa religious gatherings.

"Yeah. Para dirediretso na tayo kina Gianna pagkatapos."

"Okay."

"See you tomorrow, bye."

"Bye."

Binabaan niya ako pagkasabi ko niyon.

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa Bible ko. Huminga ako nang malalim.

Titigilan ko na ang kahibangan ko. Mas mabuti sigurong ibalik ko nalang 'tong Bible ni Kuya Neico.

Parang bigla akong nahimasmasan. Nakakahiya pala ang mga expectations na inilagay ko sa isip ko nitong mga nakaraang araw. Ayaw ko nang umasa pa kay Kuya Neico. Napagtanto ko na magmumukha lang akong tanga sa bandang huli. Sino ba namang matinong babae ang maghahangad ng isang Kuya Neico na imposibleng magustuhan ang isang babae na punong-puno na hinanakit sa buhay? Kung malaman lang ni Ate Christy itong mga bagay na nasa isip ko, siguradong pagtatawanan at aasarin niya ako.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 57 13
COMPLETE | SHORT STORY ______________ Sandy and Jake reminds that love is just temporary. When you decide to leave, you have a chance to come back. B...
536K 21.8K 19
Delos Santos Family Series - Auxiliary: Sa huling taon ng buhay niya, may pag-asa pa bang magpatawad at mapatawad ang isang Santino Pierre Delos Sant...
1M 30.6K 38
"Kadiri kahit kelan!!" I whispered while looking at the two girls making out at the hallway of this bar. And heller! This is a high class bar na nag...
30.7K 164 35
"Guide Lessons For Your Cellgroup" is a series by series lessons that can help the disciples and cell leaders of Christ for their cell group, life gr...