SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPL...

By helene_mendoza

269K 14.5K 2K

I was the bad guy. The monster that people hate. I was the reason why some agents died in the line of duty. I... More

AUTHOR'S NOTE
CHAPTER TWO (New Mechanic)
CHAPTER THREE (New Job)
CHAPTER FOUR (Car Trouble)
CHAPTER FIVE (Realty Agent)
CHAPTER SIX (The Witness)
CHAPTER SEVEN (The Job)
CHAPTER EIGHT (Her End)
CHAPTER NINE (First Time)
CHAPTER TEN (Road to Recovery)
CHAPTER ELEVEN (Faces of the Monsters)
CHAPTER TWELVE (New Name)
CHAPTER THIRTEEN (The Trainer)
CHAPTER FOURTEEN (Trainings)
CHAPTER FIFTEEN (Changes)
CHAPTER SIXTEEN (Practice)
CHAPTER SEVENTEEN (Mouth to Mouth)
CHAPTER EIGHTEEN (Stop thinking about me)
CHAPTER NINETEEN (Broken)
CHAPTER TWENTY (The Brothers)
CHAPTER TWENTY ONE (His move)
CHAPTER TWENTY-TWO (Face to Face)
CHAPTER TWENTY-THREE (Back Job)
CHAPTER TWENTY-FOUR (Favor)
CHAPTER TWENTY-FIVE (Her Nightmare)
CHAPTER TWENTY SIX (Cleaning Up)
CHAPTER TWENTY-SEVEN (Start of war)
CHAPTER TWENTY-EIGHT (Police Investigator)
CHAPTER TWENTY-NINE (Wake)
CHAPTER THIRTY (Cold Case)
CHAPTER THIRTY-ONE (Nightout)
CHAPTER THIRTY-TWO (Stuffed)
CHAPTER THIRTY-THREE (Pink Towel)
CHAPTER THIRTY-FOUR (Cute)
CHAPTER THIRTY-FIVE (First Kiss)
CHAPTER THIRTY-SIX (CPR)
CHAPTER THIRTY-SEVEN (Rival)
CHAPTER THIRTY-EIGHT (Visitor)
CHAPTER THIRTY-NINE (Flowers)
CHAPTER FORTY (Everything)
CHAPTER FORTY-ONE (Best night)
CHAPTER FORTY-TWO (Breakfast)
CHAPTER FORTY-THREE (Savior)
CHAPTER FORTY-FOUR (Don't want to go back)
CHAPTER FORTY-FIVE (Cracked)
CHAPTER FORTY-SIX (Plans)
CHAPTER FORTY-SEVEN (Other boyfriend)
CHAPTER FORTY-EIGHT (Riel)
CHAPTER FORTY-NINE (Start Over)
CHAPTER FIFTY (Again)
CHAPTER FIFTY-ONE (Sold out)
CHAPTER FIFTY-TWO (Loud Bang)
CHAPTER FIFTY-THREE (New case. New Location)
CHAPTER FIFTY-FOUR (Fresh start)

CHAPTER ONE (Remission)

19.2K 451 73
By helene_mendoza

True redemption is seized when you accept the future consequence of your past mistakes." - Unknown

------------------------------

Martin's POV

Ilang beses na akong nakapasok sa MRI machine. Hindi ko na mabilang kung gaano karaming beses iyon noong nakakulong pa ako sa facility nila Rachel. And every time I will get inside the machine, I could feel that I am losing my breath. I could feel that it would be my last day on earth.

Noon iyon.

Noong akala ko ay wala na akong pag-asang mabuhay pa dahil sa sakit ko. Noong binigyan na lang ako ng mga doctor ng anim na buwang palugit para mabuhay. Pakiramdam ko noon ay bibigay na ako sa bawat araw na magigising ako sa umaga. Physical pain was hard. Every cell in my body was screaming of torture. But the mental pain was the hardest part. Thinking about of what I did for my family was the one killing me slowly.

I love Sesi. I love our daughter. And the moment I learned that I was slowly dying because of pancreatic cancer, I decided to take the south course. Made a deal with the devil. Kung mawawala man ako, gusto kong maging maayos ang buhay nila. Financially man lang ay maiwan ko silang hindi naghihikahos.

And knowing that someone was loving my family was a good thing before I die. At least I know they will be in good hands with my best friend Yosh.

But who would have thought that I could survive my disease? Halimaw ang mga doctor ni Rachel Fernando. Lahat ng mga underground at experimental drugs ay ginamit sa akin. I became their lab rat. Sabagay patapon na rin naman ang buhay ko noon. Suntok sa buwan kung makaka-survive ako. Years of staying in their facility was the worst times of my life.

They cured me for my cancer.

But they took away my life.

They changed me. My face. My DNA. My whole being.

They killed Teodoro Castro. So technically my wife Sesi was already a widow. Wala na si Ted. At kahit ipakilala ko pa ang sarili ko sa kanya na ako iyon, hindi rin niya paniniwalaan. Ayaw ko na rin naman siyang bigyan pa ng pasakit. I know she's already in love with someone else. Tapos na ang chapter ng buhay naming dalawa. At masaya ako para sa kanya. Because she deserves someone better than me. Someone who will be there for her physically. Someone who would love her unconditionally.

Naramdaman kong umandar ang hinihigaan ko at lumalabas na sa MRI machine. Bumangon ako at pumasok doon ang doctor at nakangiti sa akin.

"Congratulations, Martin. Everything is good. You are still in complete remission. How many years? Four? Five? You are a walking miracle."

Kitang-kita ko ang saya sa mukha ni Doctor Villega at tinapik pa ako sa balikat.

Ngumiti ako ng mapakla. I don't think I deserve this fucking miracle. Sa dami ng pinatay ko, sa dami ng na-double cross ko, sa dami ng agent na namatay ng dahil sa pagiging mole ko sa Circuit Agency, hindi ko alam kung bakit pa ako nabuhay.

"Parang walang nangyari sa iyo. Wala akong makitang kahit na anong mali sa katawan mo. Your heart is good. Your lungs. Every major organ in your body is good. Malakas ka pa sa kalabaw." Tumatawa pa ito at napapailing. Nakita naman kasi niya noon ang nangyari sa akin. Isa ito sa mga doctors na tini-train sa facility ni Rachel. "Rachel's doctors were good especially Doctor Gerard Singh." Biglang lumungkot ang mukha niya. "Too bad he's AWOL. I don't know what happened to him. Until now nawawala pa rin."

Hindi ako kumibo. Alam ko kung ano ang nangyari sa doctor na iyon. Inilibing na iyon ni Declan Laxamana dahil sa ginawa ng doctor na iyon kay Kleng.

Hinubad ko ang suot kong hospital gown at isinuot ang damit ko.

"Have you heard that Jocas is in town?" Tanong pa niya.

Kumunot ang noo ko. "Jocas?" Paniniguro ko.

"After the death of Robert and Rachel, he is starting to build again what Rachel left here and he is doing good." Iniabot niya sa akin ang tablet na hawak at ipinakita doon ang website ng isang pharmaceutical company.

Kotherix Pharmaceuticals.

"Is this legit?" Paniniguro ko. Bakit hindi ko alam ito? Kilala ko si Jocas Nicdao. Doctor na tiyuhin ito nila Rachel at Robert Fernando. Ito ang nagpi-finance sa mga sindikato noon ng magkapatid na iyon. Ang alam ko, malawak na ang network nito sa ibang bansa kaya ano ang dahilan ng lalaki para bumalik pa sa Pilipinas?

"Yes. Ayan nga at ang pharma niya ang nanalong supplier ng vaccine para sa MRAS-Flu. You know how the government was dying to have those vaccines."

Nagkibit na lang ako ng balikat at ibinalik kay Doctor Villega ang tablet niya at nagpatuloy ako sa pagbibihis. "Good for them."

"He's looking for you."

Nagtatakang tumingin ako sa kanya. "Me?"

Tumango ito. "You are the prized possession of Rachel's facility. Imagine curing your cancer. Changing your face, your DNA. They made you a different person and that's breakthrough in medical field. Jocas wanted to know how Rachel's doctors did that."

Mahina akong napamura. "Ano? Para gawin na naman nila akong lab rat?" Umiling ako. "I am done. Hindi na ako babalik sa kanila. Isa pa, wala na akong utang sa kahit na kanino. Whatever freedom I am having right now, I already paid that with my life."

Napahinga ng malalim ang doctor.

"You know Jocas won't like that." Seryosong sabi niya.

"Tell him I am going to work with him only if they can find Doctor Singh." Tumatawang sagot ko at tinapik siya sa balikat. "Thanks for everything, Doc."

Pagkasabi ko noon ay dire-diretso na akong lumabas.

Huminga pa ako ng malalim at parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Diretso ako sa kotse at pinasibad paalis doon. Ayaw ko ng bumalik pa sa ospital.

Tumuloy ako sa apartment na tinutuluyan ko. Matagal-tagal din akong hindi nakauwi dito dahil madalas akong nakababad sa grupo ni Carmela. Napailing ako nang maalala ko ang nangyari sa babae. I can't believe that Ghost could do that. Wala talagang sinasanto ang isang iyon. Babae. Lalaki. Basta tinarantado siya o kung sino man sa pamilya niya, papatay siya.

Although hindi niya pinatay si Carmela. But what he did to her, sana nga pinatay na lang niya ang babaeng iyon.

Nakarinig ako ng kaluskos mula sa kusina at agad kong kinuha ang baril na nasa ilalim ng couch. Napakunot ang noo ko nang makita kong lumalabas mula doon si Declan Laxamana at may hawak na bote ng beer. Halatang nagulat pa nang makita ako.

"What the fuck are you doing in here?" Taka ko. Ikinasa ko ang baril na hawak pero hindi ko itinutok sa kanya. Hindi ko sigurado kung ano ang pakay ng lalaking ito sa akin kaya mabuti na ang maging handa.

"Relax. You want beer?" Walang anuman na tanong nito at tumungga sa hawak na bote. Hindi pansin na naka-ready ako na barilin siya.

"What do you want, Laxamana? I did everything you want. You got all the files you need. Your agency crushed Carmela's syndicate to the ground. Your father killed Torque. Nahuli 'nyo lahat. I did my part. I am done working with you. Please let me go," padaing ang pagkakasabi ko noon. Inalis ko na sa pagkakakasa ang baril at painis na binitawan iyon sa center table na naroon.

"I am doing my part too." Sagot niya at inilapag sa harap ko ang isang brown envelope.

Kunot-noo akong tumingin sa kanya. "What's this?"

"I told you I'll help you." Ngumiwi si Declan. "Well, not you. I am helping my best friend. Yosh." Tumaas ang kilay niya sa akin.

Nabuwisit ako sa mukha niya. Parang bata ang gago na nagyayabang na siya na ang bagong best friend ni Yosh.

"I am his best friend first." Asar kong sagot sa kanya. "Mas marami kaming pinagsamahan kaysa sa iyo."

"Not until you betrayed him." Tumungga ito sa hawak uli na beer tapos ay tumayo at pumunta na naman sa kusina ko. Wala talagang hiya ang animal na ito. Feeling niya yata bahay niya ito at kung makaasta ay at home na at home. Nagbukas ng cupboard at nagtitingin sa mga de-latang naroon. "I thought processed foods are cancerous? Bakit puro de-lata ang pagkain mo dito?"

"Fuck you, Laxamana." Inis kong dinampot ang envelope at tiningnan ang nakalagay doon.

ID's. Lahat ng klase ng national id's at naroon ang mukha ko.

Martin Nicolas Atienza.

"And I have a second name now? What happened to my surname Darke?" Taka ko habang tinitingnan maigi ang litrato ko sa Driver's license.

May bitbit na lata ng vienna sausage si Declan nang bumalik sa sala at binuksan iyon tapos ay kinain.

"That's your new identity. Ibaon mo na sa limot si Darke. Mabantot naman ang ginamit mong apelyido na iyon. Atienza is good. Mas low key. Mas madaling mag-blend in at hindi tatatak sa mga taong makikilala mo." Walang anuman na sagot nito.

Nakita kong sumama ang mukha niya at tiningnan ang label ng lata na hawak tapos ay iniluwa doon ang kinakain.

"'Tangina. Expired na itong delata mo." Binitiwan nito ang hawak at dinampot ang beer tapos ay ininom iyon.

"Pakielamero ka kasi." Sagot ko at tiningnan isa-isa ang mga id's. Sa loob ng envelopes ay naroon ang ilang bank books. Tapos ay may address. "Laguna?"

"That will be your new hometown." Walang anuman na sagot niya.

Muli kong tiningnan ang address. Napahinga ako ng malalim. This will be my new life. Tinotoo ni Declan ang pangako niya sa akin na tutulungan niya akong magkaroon ng bagong buhay.

"Just promise me you will never going to bug Yosh and Sesi." Seryoso na ngayon si Declan. Wala na ang hitsura nitong nakakaasar.

"I know how to keep a promise." Seryoso din ang sagot ko.

"Walang nakakaalam ng lugar na iyan. I chose that place para hindi ka naman malayo sa Maynila. Para kung magkaroon na naman ng trouble tungkol kina Carmela madali kitang mako-kontak at mapupuntahan."

Hindi ako sumagot at ibinalik ang mga iyon sa loob ng envelope.

"That is a good deal, Ted. You can start a new life there away from all the hell that you made. Clean slate. I heard that you previously own a car shop kaya pinagawan kita diyan." Sabi pa ni Declan at inubos ang laman ng beer. "You'll have your old life. Marami kang makukutingting na mga kotse."

"And my new cover is a mechanic?" Paniniguro ko.

Tumango-tango siya tapos ay napangiwi. "Well, there's a catch there."

"What is it?" Sigurado na talaga akong hindi basta-basta magpapakawala ng ganito ang gagong ito at ang agency niya. XM was known to be a ruthless agency. They have their own rules. They will do anything to finish any mission. And by saying anything, I meant anything including killing whoever was on their way to finish their mission.

"People know that Ted is dead. You are dead. The only people know that you're alive are Yosh, me and some key people in the agency. Alam ko naman na hirap kang kumawala sa pagiging agent. Bakit ka nga sumasali sa iba't-ibang mga sindikato? I know you miss the thrill. The adrenaline rush to every mission." Saglit na tumigil si Declan at tumayo tapos ay pumunta uli sa kusina ko at nagbukas ng ref. Napailing ako nang makita kong kumuha na naman ng beer.

"Bawal naman ang beer sa iyo 'di ba? Bawal ito sa mga maysakit," sabi niya sa akin nang makita niyang iiling-iling akong nakatingin sa kanya.

"Magpakalunod ka sa mga beer na iyan. Get to the fucking point, Laxamana. Ano pa ang kailangan 'nyo sa akin?"

Sumenyas siya ng saglit at tuloy-tuloy na ininom ang laman ng bote ng beer. Dumighay pa ito at bumuga ng hangin.

"Ghost wanted to offer you a job." Sabi nito nang matapos uminom.

"Job?" Taka ko.

"Yeah. Job. Your job will be off the books. Not under XM agency. You will be reporting directly to Ghost."

Mahina akong napamura. "Fuck no. No." Sunod-sunod ang iling ko. "I don't want to get involved with your father. Baka kapag may hindi nagustuhan iyon na ginawa ko barilin na lang ako o kaya balatan ng buhay. I know what he did to Torque and Carmela. Ayokong sumunod sa magpinsan na iyon." Protesta ko.

Ang lakas ng tawa ni Declan.

"'Yun lang ang ginawa ni Ghost naduduwag ka na? Come on, man. I mean you don't like it? Torturing bad guys?" Kuminda't-kindat pa siya sa akin.

Napa-ehem ako. Just hearing the word torture gave me an excitement. The thought that I could hurt people who hurt innocent people gave me the thrill that I was always looking for after I left Circuit Agency.

"Na-excite ka 'no?" Nang-aasar na sabi niya. Naupo siya sa harap ko at parang batang excited na nagkuwento. "Look. We all know that you have lots of connection with different syndicates. Hindi lang sa grupo nila Carmela. Marami kang mga kilalang underground personalities na mahirap mahuli and Ghost has a lot of list. I mean long list of syndicates that he wanted to crush."

Naihilamos ko ang kamay sa mukha ko. "And I'll be the killer for your father." Napailing ako. "Great. What happened to the new life?"

"Iyon nga. New identity. Hindi ba new life iyon?"

Mahina akong napamura. "Declan, I wanted peace. After all that happened in my life, gusto ko lang ng katahimikan sa buhay ko at bagong simula."

Doon sumeryoso ang mukha niya. "Trust me. People like us will never find peace. We will always look for the thrill. For the kill." Ngumiti siya ng mapakla. "Besides, you can't say no. Ghost financed everything for you."

"Wala naman na pala akong choice." Padaing na sagot ko.

"Hindi ka naman pababayaan ni Ghost. You know my dad. He never abandons his crew. And you know his connections with the government. Your job is easy. They will bring people to you for questioning."

"You mean for torturing." Pagtatama ko.

"Questioning. Torturing. It's the same. Bottom line, you need to get the answers that Ghost need."

Naihilamos ko ang kamay sa mukha ko.

"Jesus fucking Christ." Napabuga ako ng hangin.

Tumayo na si Declan at inayos nito ang sarili.

"Everything is set. You need to blend in your new hometown. You need to introduce yourself. Don't worry, I'll visit you. Ako ang babysitter mo. Utos ni Ghost." Sumimangot pa siya ng mukha.

"Get out." Padaing na sabi ko.

Natawa na lang si Declan at tinungo na ang pinto pero hindi agad lumabas.

"She's happy, Ted. She's happy with Yosh. He is taking care of Lesley. Treating her like his own kid. They are planning to get married. I hope you won't do anything stupid." Seryosong sabi niya.

"I am not stupid, Laxamana. I gave them up, remember? I know how happy Sesi is with him and she deserves that happiness."

"Good. I'll see you in your new place tomorrow."

Bago pa ako makasagot ay lumapat na ang pinto ng apartment ko at wala na si Declan doon.

Napahinga ako ng malalim at napangiti ng mapakla. Pahilata akong naupo sa sofa at tumingin sa kisame.

I was thinking of this new life would give me.

Hindi man ako nakawala sa magulong mundo na pinasok ko noon, at least this time, I'll be dealing with the bad guys. Hindi katulad noon na ako ang bad guy.

I'll try my best to make it up this time.

And starting tomorrow, I'll be Martin Nicolas Atienza.

Continue Reading

You'll Also Like

4.4M 170K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...
600K 19.5K 41
Xavier Philip Costelo was looking for the perfect model for his next exhibit. Someone who could turn all his canvas full of hues. Someone who could...
11K 342 13
THE PLAYBOY'S LOVE AFFAIR The Billionaire's Love Series 7 Dean Liam Sebastian Greene "Nakakapagod ka din pa lang mahalin. Nakakapagod na.." It was wr...
1M 12.1K 51
Kinupkop si Valeria ni Yaya Daniella nang masawi ang kanyang mga magulang sa isang malagim na pangyayari. Dahil dito ay napahiwalay s'ya sa mga kapat...