Chapter 3

168 7 0
                                    

*Continuation

_°•_•_

Umuwi na agad ako pagkatapos kong kumain ng ice cream. Nagsinungaling na lamang ako kay Mark na may emergency sa bahay namin.

Andito na ako ngayon sa harapan ng gate namin, nagdadalawang isip kung ako ba ang magbubukas nito o tatawagin ko yung iba para pagbuksan ako.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng may nagbukas nito mula sa tabi ko.

Tinignan ko kung sino at nakita sila Rosé. Nakatitig ito sakin at tila bang nagpipigil lang syang sabunutan ako.

"Ba't ayaw mong pumasok?? " Tanong nya sakin.

'Anong sasabihin ko sa kanya? Na natatakot akong pumasok kasi nandun yung mga pinsan nya?? ' Tinanong ko ang sarili ko. Sasagot na sana ako ng biglang magsalita si Lisa.

"Wag ka magalala. Sila Jihyo lang nandyan, sumunod lang kami incase na may mangyari. Wala dyan sila Wendy at Jimin. Pasalamat ka na lang at may ginagawa yung mga tao" Sabi sakin ni Lisa at nginitian ako. Nginitian ko rin sya at pumasok na sa loob, nasa likod ko sila.

Nakita ko ang mga pinsan ko na si Momo at Sana kasama ang mga jowa nila dun sa isang sofa habang ang 2yeon at si Jihyo naman ay nasa kabilang sofa, nanonood sila ng T.V, tinignan nila kami saglit at ibinalik nila ang atensyon nila sa T.V .

"So, ano nang plano mo? Sasabihin mo na ba sa kanya kung anong mga pinaggagagawa mo sa likuran nya. Sasabihin mo na ba na you're cheating on her with that Mark?? " Sunod sunod na tanong sakin ni Rosè nang makalayo kami sa sala. Tinitigan ko na lamang sya habang pinipigilan sya ni Lisa na makalapit sakin at saktan ako.

"Rosè, hayaan mo na lang sya. Sasabihin na nya yan ASAP. Takot sya kay Irene unnie" Sabi naman Lisa at hinila si Rosè papalayo sakin.

Pumunta ako sa kwarto namin at nakita ko si Chae na nakahiga sa kama namin, gamit ang kanyang cellphone.

"Oh, andito ka na pala. Akala ko ba, mamaya ka pa?? " Tanong nya sakin.

"Meron kasing kailangang gawin yung kaibigan ko kaya tinapos na agad namin yung gala namin" Sabi ko at tumango naman ito.

"Ahmmm... Chae?? "

"Hmm?? Anu yun?? May sasabihin ka? " 

"A-Ahh... Wala... Hehe" Di ko na nasabi yung dapat kong sasabihin dahil sa kaba.

"Tungkol ba to dun sa lalaki mo?? " A-Alam n-nya??

"H-Ha?? " Tanong ko sa kanya. Mas lalo akong kinabahan.

"Wag ka magalala. Alam ko na lahat. Di mo na kailangan sabihin sakin" Sabi nya. Nanigas lang ako sa pwesto ko.

"Mahal mo ba sya? Handa ka bang isugal lahat para lang sa kanya? Handa ka bang ipaglaban ang relasyon nyo? " Mga tanong nya para sakin. A-Anong binabalak n-nya??

"O-Oo. Chae, may binabalak ka ba?? " Tanong ko sa kanya. Nginitian lang nya ako in return.

"Sure ka ba dun?? " Tanong nya ulit sakin. Tumango naman ako.

"Chae, di mo ko iiwan, diba?? " Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman sya pero ang mga mata nya, puno ng lungkot.

"Oo, di kita iiwan" Sabi nya at nginitian ako. Yung ngiti nya, hindi yung usual na ngiti nya pag nakikita nya ako.

"Sige na, maligo ka na" Sabi nya at lumabas ng kwarto namin. Tinitigan ko na lamang ang pinto palabas ng kwarto namin bago pumunta ng CR para maligo.



_°•_•_

Chaeyoung's

Lumabas ako ng kwarto namin at bumaba para makipagusap kela Nayeon unnie.

"Oh, Chae. Sinabi na nya ba? " Tanong agad sakin ni Rosè unnie nang makita nya ako.

"Hindi eh. Mukhang nagdadalawang isip pa sya kung sasabihin talaga nya. Unnie, naibook mo na ba ako ng flight kasama kayo?? " Tanong ko sa kanya. Tumango naman ito.

"Tuloy na tuloy na talaga plano mo noh? Wala nang backout-an" Sabi ni Jeong unnie, tumango naman ako.

"Hindi ko ikakansela yung kasal... Merong papalit sakin" Sabi ko. Napatingin naman sila sakin.

"Wag mong sabihin na ibibigay mo yung pwesto mo para sa lalaki ni Mina unnie? " Tanong sakin ni Dahyun unnie. Tumango na lamang ako.

"Pero para sa inyo yun ni Mina, Chae" Sabi sakin ni Sana unnie.

"Oo nga unnie. Pero alangan naman ikasal kami, ako lang yung nagmamahal. Mas lalo lang akong masasaktan nun" Sinabi ko sa kanila. Tumango na lamang sila at nanahimik.

"Asan sila Kook at Wendy unnie?? " Tanong ko sa kanila.

"May ginagawa daw sila. Important daw" Sabi ni Nayeon unnie.

"Eh mga jowa nyo?? " Tanong ko kay Lisa unnie at Rosè unnie.

"Kasama nila. Sabi kasi nila Kook, needed daw sila Nini dun. Ewan ko lang kung ano yun" Sabi ni Lisa unnie.

"Then, simulan na natin yung pagpaplano. Ieexplain ko na rin kela Mom and Dad" Sabi ko sa kanila.

"Hindi ka ba natatakot sa kung anong pwedeng maging reaksyon nila Tito at Tita sa gagawin mo?? " Tanong sakin ni Momo unnie.

"Maiintindihan rin nila to. Napansin nyo rin na walang reaksyon si Jimin oppa nung sinabi ko sa inyo yung plano ko, diba? Kasi sinabi ko na sa kanya bago ko pa sabihin sa inyo. Ayaw lang talaga nya na may nasasaktan samin, physically man o emotionally" Sabi ko sa kanila, tumango na lamang sila.

"Magkikita pa naman tayo ehh. Marami pang taon ang lilipas, kakayanin ko to, kakayanin natin to. Lagi nyo lang tatandaan, babalik at babalik ako sa inyo" Dagdag ko at nakita ko ang ilan sa kanila ay naluluha.

"O? Bakit kayo naiiyak? Di pa naman ako aalis ah? " Niloko ko pa sila. Agad naman akong sinugod nitong mga to isang mahigpit na yakap. Umiiyak na sila Nayeon unnie, Jihyo unnie, Sana unnie at Momo unnie.

"Bakit kayo umiiyak?? I-reserve nyo na lang yan sa araw ng alis ko" Sabi ko at mas lalong humigpit ang yakap nila.

Natapos araw namin ng nagkwekwentuhan tungkol sa childhood memories namin. Hindi na lumabas ng kwarto namin si Mina, siguro nakatulog na dahil sa pagod.






_°•_••

Finished Writing :
Dec. 27,2020

Cubby_Chaengie

Published:
02/12/21

Sa SusunodUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum