Chapter 2

172 6 0
                                    

*Continuation

_°•_•_

"6 months na daw syang nagcheat kay Chaeng" Nakita ko namang biglang nagliyab ang mga mata ni Nayeon unnie.

"Minahal mo ba talaga si Chae o ginagago mo lang sya?? " Tanong naman nito kay Mina.

"Minahal ko nama--" Pinutol ni Nayeon unnie sa pagsasalita si Mina.

"Kung minahal mo sya, bakit mo nagawang magcheat sa kanya? " Tanong nito kay Mina. Magsasalita na sana si Mina ng bumukas ang pinto. Tinignan namin kung sino yung nagbukas ng pinto, nakita namin si Chaeng na may dalang bag.

"Oh. Andito pala kayo" Sabi nito. Naglare nalang si Nayeon unnie kay Mina at lumapit kay Chaeng para yakapin ito.

"Ano yang dala mo? " Tanong ni Nayeon unnie habang nakayakap kay Chaeng.

"Bag" Simpleng sagot nito.

"Anong laman nung bag? " Tanong ulit ni Nayeon unnie.

"Cellphone, power bank, headphones" Sagot naman ni Chaeng.

"Saan ka galing?? Bakit nung pagkarating namin, wala ka dito? " Tanong ni Jeongyeon kay Chaeng.

"May kinausap nalang ako tungkol sa kasal namin ni Mina" Sabi nya and she threw me a glance.

'So, nakausap na nya yung lalaki ni Mina. Itutuloy nga nya ang plano nya' Sabi ko sa sarili ko at tinignan na lamang si Chaeng na nakikipagusap kela Momo at Sana.

'Hay nako Mina' Sabi ko sa sarili ko at nilapitan sila Nayeon unnie na nakaupo sa sofa.







_°•_••_

The Next Day

_°•_•_

Dahyun's POV


Kahapon, sinabi samin ni Chae na sa isang linggo, nandito na sila Taehyun oppa at Irene unnie, tapos yung kasal nila ay 3 days after dumating nila Taehyung oppa at Irene unnie. Nafifeel namin na may mangyayari talagang masama sa kasal nilang dalawa. Nabigla rin kami dahil ilang buwan na palang ginagago ni Mina best friend ko, 8 months ago nagpropose si Chae tapos 6 months nang nagcheat si Mina kay Chae. Sakit sa ulo noh???

Andito kami ngayon sa bahay nila Chae. Wala si Mina, nasa date ng kabit nya. Pinaplano namin ngayon yung gagawin namin sa kasal nila.

"Tinanong ko sya kung handa ba syang pakasalan si Mina at sumagot naman sya ng oo. Kaya sinabi ko sa kanya na pumunta sya sa kasal, may ipapagawa ako sa kanya" Sabi ni Chae samin.

"Chae, di naman pwedeng ganun. Ipapamigay mo lang si Mina? " Tanong ni Tzuyu sa kanya.

"Alangan namang pilitin ko na panatilihin sya sa tabi ko kahit hindi sya masaya" Sabi nya at napatahimik nalang kami.

"Mahal ko sya kaya papakawalan ko sya. Gusto ko syang makitang masaya. Kung pananatilihin ko sya sa tabi ko, masasakal lang sya" Dagdag nya.

"Itutuloy ko yung plano kahit ayaw nyo. Kung masaya sya sa piling ni ****. Edi hahayaan ko sila. Lilipas din to, mawawala rin yung sakit" Sabi nya at nagwalk out.

"Hay. Wala na tayong magagawa, yun na ang final decision nya eh. Hayaan nalang natin sya. Let it hurt then let it go" Sabi ni Kook oppa. Tumango na lamang kami at nanahimik.

"So, ano nang gagawin natin? Hahayaan nalang ba nating patayin ni Irene si Mina?? " Tanong ni Seulgi.

"Wag. Ikakasal pa yung babae sa kabit nya. HAHAHAHAHHHA" Nagsitawanan nalamang kami.

"Tutuloy ba kayo ni Jisoo sa Australia? " Tanong ko kay Rosè. Tumango naman ito.

"Oo. After sana ng kasal ni Mina at Chae pero baka mapaltan yung Chae ng ****. Bakit mo natanong?? " Tanong sakin ni Rosè pabalik.

"Sasama daw sa inyo si Chae" Sabi ko at nanlaki ang mga mata nito.

"Eh? Akala ko, gusto nyang pumunta sa Hawaii? " Tanong nya.

"Dun gusto maghoneymoon ni Mina. Kung dun man sya magstay, baka makita pa nya yung soon-to-be magasawa" Sabi naman ni Jeong unnie.

"Ahhh... Sige, ibook ko nalang sya ng flight" Sabi ni Rosè at kinuha ang cellphon nya.

"Sa tingin mo ba, sasaya si Chae sa Australia?" Binulong sakin ni Momo.

"Oo naman. Wala nang makakasakit sa kanya. Kung aalalahanin nya yung mga memories nya with Mina, talagang masasaktan sya. 2 years na relationship yun ehh" Binulong ko rin sa kanya. Wala namang nakapansin samin since busy sila sa kani-kanilang mundo.

"I love you, Dahyun" Bulong sakin ni Momo. Napangiti naman ako sa mga sinabi ni Momo.

"I love you, too, so much, Hirai Momo" Sabi ko at hinalikan ang ilong nya.








_°•_•

Mina's POV

"Hi babe, musta?? " Tanong ni Mark at hinalikan ang pisnge ko. Yes, si Mark Tuan ang kinikita ko sa likod ni Chae.

"Ayus lang naman ako, ikaw ba? " Tanong ko sa kanya. Andito kami ngayon, sa park kung saan kami unang nagkita at yung park kung saan, nagpropose sakin si Chae.

"Ayus lang rin. Bili tayong ice cream" Sabi nya at tinuro ang Ice cream parlor na malapit dito sa park. Pumasok kami sa loob ng ice cream parlor at umupo ako sa upuan habang si Mark naman ay pumila. Nakatitig lamang ako sa likod ni Mark nang tumunog ang cellphone. Tinignan ko ito at nakita ang text ni Nayeon unnie.

From : Unnie💗

Andito kami sa bahay nyo ngayon. Sabihin mo na kay Chae yung mga pinggagagawa mo kundi kami talaga magsasabi sa kanya at hindi ka na namin papayagang makalapit pa sa kanya.

-Sent, 2:30 PM-

Tinitigan ko lamang ang screen ng cellphone ko. Sa tagal ng pagkakatitig ko rito, hindi ko na namalayang nasa harapan ko na pala si Mark.

"Babe, okay ka lang ba? " Tanong nya sakin.

"Oo, okay lang ako. May iniisip lang" Sabi ko sa kanya. Iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Chaengie yung buong katotohanan. Tumunog ulit ang cellphone ko at nakuha nito ang atensyon ni Mark.

"Sino yun?? " Tanong nya sakin. Tinignan ko naman kung sino at nakita ang pangalan ni Momo.

"Si Momo lang" Sagot ko. Tinignan ko namang kung ano ang tinext nya.

From : Jokbal🐷

Huy. Kailangan mo nang sabihin kay Chae yung mga ginawa mo. Uuwi na galing US sila Taehyung at Irene 3 days before your wedding. Please Mina, kung gusto mo pang makita si Chae, sabihin mo na sa kanya bukas o sa isang araw.

-Sent, 2:58 PM-

Nataranta ako nang malaman ko na uuwi na pala galing US sila Taehyung at Irene. Kailangan ko na pala sabihin kay Chae bukas. Kung hindi ko to sasabihin bukas, mayayari ako.






_°•_••

Finished Writing :
Dec. 23,2020

Cubby_Chaengie

Published:
Feb. 11,2021

Sa SusunodWhere stories live. Discover now