Chapter 6

247 8 2
                                    

_
_
_
_°•_•_

Next Monday, 8:56 AM

_°•__•

Irene's POV

Andito sila ngayon sa bahay except sa isa. Andito rin si Jieun unnie, siguro gusto makasama si Chae bago sya umalis.

"Rene" May tumawag sakin. Tinignan ko kung sino at nakita si Jieun unnie.

"Bakit unnie? " Tanong ko.

"Pwede ba kitang makausap? " Tanong nya sakin. Tumango naman ako at pumunta kami sa garden.

"Ano yun, unnie? " Tanong ko sa kanya.

"Pwede ba, utusan mo yung mga bodyguard mo na bantayan si Mina sa Thursday?? Nararamdaman ko kasi na may balak syang pigilan si Chae eh" Sabi nya sakin.

"Sige, unnie. Hindi na rin naman nya mapipigilan si Chae, final na ang decision nya na pumuntang Australia. Di natin alam kung kailan sya babalik" Sabi ko at binatukan naman ako ni Jieun unnie.

"Iniisip mo na agad kung kailan sya babalik eh di pa nga sila nakakaalis" Sabi nya at tinawanan ko na lamang sya. Ako ang unang bumalik sa sala, nakita ko na nagsasaya silang lahat.

"Oy, anong ganap? " Tanong ko.

"A-ahh. Wala, walang ganap. Hehe" Sagot ni Dahyun. Tinitigan ko lamang sila isa-isa.

"May nirereto kayo sa baby ko no?? " Tanong ko. Napalunok naman itong mga to.

"H-hindi ako yung may pasimuno. S-si... Si Jimin yung may sabi na i-set up daw namin si Chae sa blind date! " Sabi ni Yeri. Tumingin naman ako kay Jimin.

"Hindi ako!! Si Tae yung may sabi na i-set up si Chae sa blind date! " Sabi nya, tinitigan ko naman ng napakatindi si Taehyung. Mukhang sya ang pasimuno since natagalan sya sa pagsagot. Agad akong lumapit sa kanya at piningot ang kanyang tenga.

"Ahh!! Aray!!! Irene masakit!! " Sigaw nya habang hawak kamay ko.

"Diba sinabi ko sa inyo na huwag na wag nyong iseset up baby ko?? " Tanong ko sa kanya ng mahinahon. Agad naman itong tumango.

"Then, bakit nyo pa rin ginawa kung alam nyo naman ang mangyayari sa inyo if ever na susuwayin nyo ako? " Tanong ko sa kanya.

"S-sorry na!! Di na mauulit. Promise! " Sabi nya. Binitawan ko naman ang tenga nya. Nanahimik lamang yung iba habang nakatitig sakin. Ilang minuto rin tumagal ang katahimikan nang biglang magsalita si Lisa.

"So, anong balak nyong gawin?? " Tanong nya.

"Uhhh... Matulog?? Ang aga kasi nating nagising, tignan mo yung tatlo, nakatulog na habang pinagsasabihan ni Irene si Tae" Sabi ni Yoongi at tinuro sina Dahyun, Chaeyoung at Tzuyu.

"Seul, pakibuhat naman si Chae. Sana at Momo, buhatin nyo mga Jowa nyo. Yung guest room nasa left side. Malaki naman kama dun, kasya apat na tao. So, sino pa gusto matulog?? " Tanong ko sa iba pang natitira sa sala. Nagsitaasan ng kamay ang mga babae habang yung pitong lalake naman ay nakatunganga lang sakin.

"Oh, di kayo matutulog?? " Tanong ko sa kanila.

"Hindi, walang tatao sa bahay kung lahat tayo matutulog. Dito nalang kami, may gagawin rin kasi kami ehhh" Sabi nya at tumango kami. Yung pinks at tropa ni Chae sa guest room habang si Chae ay nasa kwarto namin ni Seul.

Pumasok ako sa kwarto namin at nakita ko si Seul sa couch at si Chae naman nasa kama. Tumabi ako kay Chae at natulog





_°••_

Sa SusunodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon