07

19.8K 832 278
                                    

Warning! Slight R-🔞

Joan

Days with him went well. Pang-limang araw na namin ngayon at ang masasabi ko lang, napakahilig niya. Jusko parang ayaw ako tigilan at ayaw akong papasukin kinabukasan.

Ngayon pauwi na ako. Hindi niya pinadala yung kotse ko at dadaanan niya raw ako.

Kinuha ko yung phone ko at tinext siya

"Uwian ko na, kung hindi ka vacant magtataxi nalang ako pauwi"

Ibabalik ko na sana ito sa bag ng tumunog ito, bilis naman

'Coming'

Napakibit-balikat nalang ako.

Para kaming mag jowa diba? Napapangiti nalang ako sa minsang kakulitan at kabebehan niya nitong nakaraang araw.

"Can I add one? No strings attached like falling to each other"

Napabuntong hininga nalang ako.

"Jo!" Binalingan ko ang tumawag saakin.

"Arc"

"Mabuti naman nagkaabutan tayo. Ilang araw rin tayong hindi masyadong nagkausap"

Ngumiti lang ako

"Busy rin kasi eh"

"Oo nga naman, oh? Wala kang dalang kotse?"

"A-ah iniwan ko, nakalimutan ko kasing magpa-gas"

"Ganun ba? Tara ihahatid na kita at bumili narin tayo ng gas"

Napakagat labi naman ako ng akbayan niya ako.

"Ano tara?"

"K-kasi Arc, may kaibigan akong susundo na saakin"

"Sino ba? Si M-miggy ba?"

Umiling naman ako

"Si Maine?"

"Hindi rin"

"Eh sino?"

"Ako"

Agad akong napatingin sa likod, and there he stood, looking at us with a sharp eyes or maybe not?

Tinanggal ko ang braso ni Arc sa balikat ko.

"Its nice to meet you Mr. Marquez, hindi ko alam magkaibigan pala kayo ni Jo ko"

Napatingin naman ako kay Arcus ng akbayan niya ulit ako.

Napatikhim naman si Jiro.

"Now you know, kailangan na naming umalis. Joan"

"B-bukas nalang ulit Arc" at mabilis kong tinanggal ang braso niya at naglakad palapit kay Jiro na ang sama ng tingin saakin.

Sabay kaming naglakad papunta sa sasakyan niya. Pagkasakay namin ay agad niya itong pinaandar. Tahimik lang kaming dalawa

"The rule you given to me, pwede ko naman sigurong gawing rule rin yun sayo diba"

Napatingin naman ako sakanya.

"H-he's not my boyfriend"

"Really?"

"Yes, were just friends actually isa siya sa close kong teacher sa school"

"He called you yours Joan"

"Believe me Jiro, wala ngang kami"

Why the hell am I explaining?!

Bachelor Series 2: The Hedonistic [BXB] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon