02

25.6K 844 89
                                    

Update rin ako dito hehe


_______.

Jiro

"Good morning sir, may meeting po kayo mamayang 9 with the board. And you're free hanggang lunch po. At sir, ipapaalala ko po ulit. Next month po dadating si Miss Anika"

"Who is that again?"

"Yung model pong nakapartner niyo na ng ilang beses, she's also been linked to you a lot of times."

"Tell me, did we already make out with that model."

"Maybe sir, pagkatapos kasi minsan ng shoot niyo sabay kayong umaalis. Matagal tagal narin since the last kaya siguro wala kayong maalala"

"Haha, you're right there Mel, okay, okay, thank you!"

"Sir may favor pala ako"

"What is it?"

"Mag-eearly out ako maya,"

"Sure if it is for your family"

"Kyaaah thanks sir!" And then she walk out of my office

She's Melanie, siya na siguro ang pinakamatagal kong secretary. Bukod sa may pamilya siya, she is simple and not a slut.

Ang karamihan kasing secretary ko dati is ako ang habol not the job.

Well, Im Jiro Marquez.

________.

Joan

Maaga akong nagising para makapagbake ng cake at cookies na dadalhin ko.

Nagplay muna ako ng music bago nagsimulang magbake.



"Ayan perfect!" Kakatapos ko lang lagyan ng icing ang cake. Napatingin naman ako sa oven.

"Wait kalang diyan, next kana" kinuha ko ang box na paglalagyan ko ng cake. Bata palang ako ay mahilig nako sa pagbebake. Mas magaling ako sa baking kesa sa cooking haha.

Ting!

Nagsuot ako ng gloves at kinuha ang cookies sa oven.

"Hmmn bango" kinuha ko yung isang malaking plastic jar at yung isang maliit.

Pareho kong nilagyan ang jar.

Nag-promise pa naman ako kay Arc, nag promise nga ba? Aba ewan ko!

"Ayan," nilinis ko muna ang kusina bago kinuha ang bag at susi ng kotse.

Kinuha ko na ang malaking jar at yung box na pinaglagyan ko ng cake at ipinasok sa passenger seat ng kotse.

Sinigurado ko munang nakalock na ang bahay at gate bago umalis.

_________.

Tumigil ako sa harap ng isang two story house.

Lumabas na ako sa kotse at sinalubong naman ako ng tita.

"Namiss kitang bata ka"

"Sorry po ngayon nalang ako ulit nakadalawa, nabusy po tita" kumalas naman kami sa yakap.

"Naiintindihan ko iho, o siya tara na" ngumiti lang ako at kinuha ang cookies at cake na dala ko

"Ay! Makakatikim na naman ako ng bake ng pamangkin ko" natawa lang ako at sabay na kaming pumasok sa bahay.

"Siiiiiis!" Napangiwi naman ako.

"Ang tinis ng boses mo Mike" reklamo ko.

"Oo nga naman anak, kakarating lang ng pinsan mo, sisirain mo na agad ang tenga niya"

"Hoy mother dear, kahit ganon ako makasigaw, maganda ang boses ng anak niyo!" Sabay nalang kaming natawa ni Tita.

Maganda naman talaga ang boses niya, kumakanta nga siya sa isang resto bar, mahilig rin siya sa instruments, sakanya nga ako natutuong mag-gitara  eh.

"Si Leo po?"

"Insaaaan!" Binigay ko kaagad sakanya ang dala kayo napasimangot ito.

"Amoy pawis ka jusko Leo, matuto kang magpunas, wala kang jowa para sundan ang pagtulo ng pawis mo" natatawang turan ko na nakapagsimangot sakanya.

"Grabe ka talaga, ngayon ka nalang nga ulit nakabisita, inaasar mo pa ako!" Padabog siyang naglakad papunta sa kusina.

Leo and Mike are my cousins, at halata namang tabingi si Mike eh. Wala na silang tatay, namatay si Tito last year dahil sa sakit na cancer.

"Tara na Joan, kakain na"

"Opo"

Agad naman ako dumiretso sa kusina at naghugas ng kamay bago umupo sa hapag-kainan.

"Tayo'y manalangin. O Diyos ko maraming salamat sa araw araw na biyaya na iyong binibigay, salamat sa pagkaing nasa harap namin ngayon. Nawa'y gabayan niyo kaming lahat sa susunod pa na araw, Amen"

"Amen!"

"Sis, stay ka ngayon dito?" Napaangat naman ako ng tingin habang ngumunguya at umiling.

"May tatapusin pa ako eh"

Napanguso naman siya.

"Ayos lang yun iho, alam naman naming busy ka eh, mabuti na nga lang ay nakapunta ka pa dito"

"Syempre naman po tita, lakas niyo saakin eh"

"Sus, ikaw talaga insan. Oh ano may boyfriend ka na ba doon?"

Tanong ni Leo kung kaya't nasamid ako.

"Boyfriend? Wala! May baby na ako Leo"

"Awsuus sis, di ka parin nakamove on diyan sa baby mo?"

"Di naman naging sila nun eh, di ka nga kilala non" napairap nalang ako

"Ows, sino may pake?"

"Naku! Mga bata kayo, kumain nalang nga muna kayo, mataas pa ang araw para sa kwentuhan"

"Opo ta"

"Opo mang"

_________.

"Ano? Pupunta ka naman sa simbahan bukas?"

Napa-pout naman ako.

"Routine ko na yun eh"

"Naku ewan ko sayo insan, baka karmahin ka ni Lord yan. Kasi imbis na siya pinupuntahan mo, yung magulang ng baby mo ang inaabangan mo"

"Hindi naman syempre parang hitting two birds in one stone nalang yun"

"Ikaw ba sis, hindi patin titigil diyan sa baby mo?" Umiling naman ako.

"College mo lang yan nakilala diba insan?"

Tumango naman ako.

"Kilalang kilala mo ba siya?"

"Yes naman guys, pati na sa pamilya niya hanggang sa mga kaibigan niya" proud kong sagot

"Ikaw na" natatawang sabi ni Mike.

Napatingin naman ako sa orasan.

"Hala, ang bilis naman ng oras, kailangan ko ng umalis"

"Sige. Mang! Aalis na raw ho si Joan!"

"Ganun ba?!" Lumabas naman galing sa kusina si Tita at niyakap ako.

"Salamat ulit sa pagbisita iho" kumalas naman ako sa yakap at hinawakan ang kamay niya at agad na nilagay ang pera doon.

"Joan ano to---

"Tita, tanggapin niyo na po, pandagdag tulong na po. Sige na po aalis na ako." Yumakap muna ako kina Leo at Mike bago nila ako inihatid sa labas.

As soon as I get in and start the engine, nagbeep muna ako and drove off.

________.

Shoooort UD!

Bachelor Series 2: The Hedonistic [BXB] COMPLETEDWhere stories live. Discover now