22

19.9K 750 172
                                    

Bitin ba? HAHAHA, sige na nga, ito naaa! Enjoy reading!

____________.

Joan

Kasama ko mag-grocery si Miggy ngayon. Dito na kami dumiretso ng umalis kami kanina sa hospital.

"Eto na ang hotdog! May kulang pa ba?" Napatingin naman ako sa mga binili namin at napatingin kay Miggy.

Sabay kaming napangiti.

"Chuckee!" Natatawang pumunta kami sa beverage nila.

"Naku! Sa paboritong inumin nagmana ang mga anak mo sayo Jo" kumuha siya ng sampong piraso.

"Wala akong masasabi diyan, talaga namang malakas uminom yung apat" siya na ang nagtulak ng cart namin papuntang counter.

Napatingin ako sa likuran namin.

Kanina ko pa toh nararamdaman eh. Parang may nakasunod saamin...

"Hoy Jo! Ayos kalang?" Napatingin ako kay Miggy at napatango. Tinulungan ko nalang siyang ilagay ang nga pinamili namin.

After a series of minute ay naglalakad na nga kami dito sa parking lot papunta sa sasakyan namin.

"Kanina pa kita napapansin ah, parang aligala ka, may problema ba?" Ipinasok na namin ang mga pinamili namin sa back seat ng sasakyan. Nang malagay na namin lahat at isinara ko na ang pintuan pero nagulat ako sa bumungad saakin.










"J-jiro"

"Hi babe, I've been looking for you everywhere, every fucking day" napalunok naman ako at napatingin kay Miggy.

"M-mag usap nalang muna kayo. Tawagan moko, para masundo kita" napabuntong-hininga naman ako at tumango.

"No need, I'll accompany Joan" napatingin ako kay Jiro.

Maybe its time to stop hiding....

___________.

"Where the hell have you been all this time Joan?" Yumuko ako.

"Away"

"How far? Bakit hindi kita mahanap?"

So he's really looking for me

Inangat ko ang tingin ko at mariin siyang tinitigan

Oh God, How I miss that face! His tantalizing eyes, his jaw, his lips.

"Joan"

"Hah?" Ngumiti naman siya. Napakurap ako at umayos ng upo.

"Ahmn, let's not talk about that Mr. Marquez. Wala naman siguro akong kailangang ipaliwanag, after all, we talked about things before we parted our ways"

"And after that you just disappear!"

"After akong umalis sa condo mo, I stayed for 2 days here in the Philippines bago lumipad papunta sa--" napaubo naman ako.

I still need to be careful.

"Yeah, I came to look for you. Nahanap ka nga sa hotel ni Lauriel, pero hindi ka nakacheck in, tell me? Sino ang kasama mo that time?"

Hinanap niya talaga ako?!

"None of your business Mr. Marquez"

"Of course its my business! 4 years had past pero hindi parin yan mawala sa isip ko.!"

I sighed.

"Okay, let's clear things out. First, wala kang karapatan para kwestyunin ako, Im not yours anymore at wala ka ng pinanghahawakan saakin. Second, bakit moko hinahanap? What is it this time you want? Third, ayoko na sa mga laro mo Mr. Marquez, I have life now, get yours too" ngumiti ako ng peke.

Bachelor Series 2: The Hedonistic [BXB] COMPLETEDWhere stories live. Discover now