Chapter 3

42 4 0
                                    

chapter 3

a beautiful dream
comes true

every moment
i spend with you.

kinabukasan hindi ko na pala napansin na kanina pa Tumunog ang Alarm clock ko nagulat na lang ako ng bigla akong kilitin ng walis tambo ni tristan sa tenga ko dahilan para mapabangon ako at biglang sumakit ang leeg ko " epal naman to natutulog ako!!" reklamo ko kay tristan at inihagis ko ang kumot na nasa tabi ko pero sinalo lamang niya iyon.

" ate 1pm na  puyat ka kasi ng puyat" pag sesermon niya saakin na para bang sya pa ang panganay saamin.

"Omg tanghali na!!!!

Bigla akong napangon sa kama ko napatingin sa Clock na nakasabit sa pader ng kwarto ko at dahil may konting oras pa
tumayo na ako sa kama ko at ,si tristan naman ay lumabas na ng kwarto ko dumiretso na ako ng Cr para maligo after 30mins.

Nag halungkat na ako ng pwede kong suotin, may nakita akong Isang Croptop Na medyo fitted na naka sulat ay "shy type" kahit hindi naman talaga ako shy, sinuot ko na ito pati na rin ang jeans na black ko at kinuha ko na ang White fila shoes at sinuot na din iyon , pumunta na ako sa table ko para kunin ang Shoulder bag at phone ko pag tapos non ay dali dali na akong bumaba ng hagdan

" Anak san ang lakad mo" tanong ni mama sakin " May importante lang po akong lakad ma" sagot ko kay mama " Sige anak mag iingat ka umuwe ka bago mag gabi" wika ni mama sabay yakap saakin ng mahigpit

"makikipag date kasi bihis na bihis ma" Sabat pa ni tristan na ikinagulat ko at nagka tinginan pa kame ni mama " Epal ka talaga bansot" pang aasar ko pa sakanya sabay takbo palabas ng Pinto.

***

paakyat na ako ng 2nd floor kung saan nandon ang Library namin marami din studyante na nandito ngayun kahit pa sunday dahil nag pe-prepare sila sa gaganapin na spoken poetry Contest.

Dahan dahan akong humahakbang sa pagitan ng hagdan habang binabasa ang mga assingments ko na naka note sa Cellphone ko, kasabay niyon ay may narinig akong tumatakbo sa hallway na feeling ko ay malapit lang sakin, sa bilis ng pangyayari ay Nakita ko na lang na bumagsak at nag kalat na pala ang mga test papers na hawak niya Napaupo ako at pinulot ko agad ang mga nagkalat na papel sa hagdan.

" ako na dyan miss" Wika niya habang nag pupulot na rin ng mga papel

"Miss pasensya na, nag mamadali kasi ako" saad niya saakin habang nag aayos ng papel at ako naman ay parang isang tuod na nakatulala sa kawalan, kasabay niyon ay tumayo na sya "by the way my name is Kyler "pag papakilala niya saakin, sabay lahad ng palad niya "A-ako naman si Alesia nice to meet you" nauutal kong sagot sakanya at inilahad ko na din ang kamay ko ibinigay ko na din ang mga papel na nakuha ko at nag paalam na Kung pwede lang lumipad na para makatakas sa katuodan ko.

***

papasok na sana ako ng library ng Biglang nag vibrate Ang Phone ko .

text message from Raya.

"alesia may sagot na ako sa assingment kopya na lang kayo saakin ni Zoey

"btw if free ka ngayun intramuros tayo 5pm antayin kita doon nget ha see youuu.

ito talagang si Raya galang gala ano naman gagawin naman sa intramuros.

nilagay ko na ang phone ko sa shoulder bag ko na nakasabit sa kanan braso ko At bumaba na ng hagdan.

nakatulala akong nag lalakad pa layo sa gate ng school dahil napapansin ko din ang mga weird na nangyayari sakin, maya maya pa ay habang nag lalakad ako nakita ko ang grupo nila bryson na nag lalakad patungo sa school kasama niya ang mga alipores nya na mga uhugin, mga mahangin, at mayayabang. nakikita kong nag fa-flying kiss pa siya sa mga girls student na kasabay nyang papasok sa campus.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 The History of us 1830Where stories live. Discover now