Kabanata XXIX

4 0 0
                                    

Dreaming

"Dude, what are you doing?"

Hinablot ko ang susi ng kotse ni Oliver. Kailangan kong humabol kay Bethany papuntang airport. 

"I'm really sorry, pre. Kailangan ko lang siyang habulin."

Hindi na ako naghintay ng sagot sa kanila at tumakbo na palabas. Pinaharurot ko agad ang sasakyan nang makarating na ako sa kalsada. Kailangan kong maabutan si Bethany.

I just didn't understand. What does her sorry means?

And she just left.

"Please pick up the phone, baby." Paulit-ulit kong tinatawagan ang telepono ni Bathany ngunit hindi niya ito sinasagot.

Sumabay pa sa init ng aking ulo ang mabigat na trapiko kaya napahinto ang sasakyan. Hindi ako tumitigil hangga't hindi niya sinasagot ang tawag ko. Hindi ako pupunta ng airport para pigilan siya sa pag-alis, gusto ko lang malaman ang tamang sagot para sa sorry niya.

Hindi naman ako manghuhula para mahulaan ang ibig sabihin ng paghingi niya ng tawag sa akin.

"Baby? Hello?" Sinagot niya rin sa wakas ang tawag ko!

Tahimik sa kabilang linya, hindi rin siya nagsasalita.

"Can you hear me, baby?"

Napunta na sa berdeng ilaw ang traffic light kaya unti unti nang ummandar muli ang mga sasakyan. Humahanap ako ng butas para makasingit ngunit sa bigat ng trapiko ay mas lalo lamang akong napapagiwanan.

"Okay lang kung hindi ka magsalita. Just listen to me, okay? Baby, please listen to me- Come on! Stupid! Get the hell out of the road!"

Muntik ko nang masagasaan ang batang kalyeng tumatawid. Sa gulat ko ay bigla akong napahinto at malakas na ngpreno.

"Are you still there?" Hingal akong natagnong sa aking kausap sa kabilang linya.

Tinabi ko sa gilid ng kalsada ang sasakyan ngunit hindi ko pinatay ang makina. Alam kong hindi na rin ako makaka-abot dahil narinig ko ang announcement ng piloto sa kabilang linya.

"I just want to know the meaning of your sorry. I understand what you did earlier and I'm sorry for being impulsive. Hindi kita pipigilan sa pag-alis mo ngunit gusto ko lang malaman mo na maghihintay ako. Kahit gaano pa katagal, kahit hindi mo ako tawagan o chat man lang, okay lang. I will wait for you, baby. I promise."

Naririnig ko ang bahagyang paghikbi nito at kumukurot ang aking puso.

Am I the reason why she's crying?

Pinatong ko ang aking ulo sa manibela habang hindi pa rin inaalis sa aking tainga ang aking cellphone. Pinikit ko ang aking mga mata habang tahimik na nagdadasal para sa kaligtasan niya.

"I will wait for you, I promise. When you come back, I will make sure that you will be proud of me. I will change everything you don't like about me."

Gagawin ko ang lahat para sayo. Babaguhin ko ang lahat para sayo. Wala akong ibang iisipin kundi ang pagbabalik mo. Wala akong ibang gagawin na hindi mo ikatutuwa.

"I beg your pardon, Miss. We will soon take off so I am humbly asking for you to turn off your devices for the safety of the flight." I heard the flight attendant said.

Kaya wala na akong sinayang na minuto at sinabi ko na lahat ng sasabihin ko sa kanya.

"I love you. I will marry you. I will wait  for you, that's a promise-"

Nanginginig ang aking mga kamay nang tumunog na ang aking cellphone tanda ng pagpatay niya sa aking tawag. Tulala kong tiningnan ang aking cellphone habang parang bumabagal ang pagkilos ng aking paligid. Ang araw na kinatatakutan ko ay sumapit na.

Lips That LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon