"Kapag hindi ka nanahimik ipapakain ko sa 'yo 'yang tinidor na hawak mo." Pinandilatan ng mata ni Zoey si Owen.


Nagtuloy-tuloy ang asaran ng dalawa. Nakikigatong din ako, siyempre. Minsan kay Zoey ako, minsan naman ay kay Owen. Pero madalas ako ang pinagtitripan. Lalo na noong nalaman nilang nagkita kami ulit ng ex ko. Mga tarantado.


Matapos naming kumain, umuwi na si Zoey. Off-duty siya kaya nakadalaw siya. Bumalik na kami ni Owen sa trabaho. Nagra-rounds siya habang ako naman ay nagbabasa ng records ng ilang pasyente ko sa may nurse desk.


"Zari!" Napalingon ako sa may entrance nang marinig ang pangalan ko. Nanlaki ang mata ko nang makita si Ryle.


"Ryle!" masaya akong lumapit sa kaniya. Ilang buwan ko na rin siya hindi nakikita. Lumapit ako at agad siyang niyakap. "Anong ginagawa mo rito?" nakangiti kong tanong.


"Check-up. He's here for check-up." Nawala ang ngiti ko nang makita ang kasama ni Ryle. Inakbayan niya ito. "'Di ba, Ryle?" Nakita kong siniko niya si Ryle.


"Ah, oo! Oo tama! Tama-tama!" tumawa si Ryle. "Tama Zari! Medyo sumasama raw kasi ang pakiramdam ko kaya kailangan ko raw magpa-check-up." Kumunot ang noo ko.


"Daw?" nagtataka kong tanong.


"Aray!" Nagulat ako nang biglang mapahawak si Ryle sa kaliwang paa niya.


"Anong nangyari sa 'yo?" nagtataka kong tanong at napatingin sa paa niya. Bigla-bigla na lang siyang dadaing sa sakit.


"He's okay!" nakangiting umakbay si River sa kaniya. "Medyo sumasakit ang katawan niya kaya kailangan na niyang magpa-check-up. Would you mind?" tanong niya. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at bumaling kay Ryle.


"Sigurado ka bang may nararamdaman ka? Bakit parang ang lakas-lakas mo naman." Nilagay ko ang kamay ko sa noo niya. Hindi rin naman siya mainit.


"He doesn't have a fever. Masama lang ang pakiramdam kaya kailangan niyang magpa-check-up." Si River na naman ang sumagot.


"Nurse Lisa," tinawag ko si Nurse Lisa na nasa nurse desk.


"Yes, doc?"


"Paki-alalayan siya papunta sa office ko. Iche-check ko siya." Tumango si Lisa at inalalayan si Ryle. Kumunot ang noo ko nang makita ang panlalaki ng mata ni Ryle at tumingin kay River. Para bang hindi siya natutuwa na dadalhin siya sa loob kung nasaan ang iba pang pasyente. Akala ko ba ay kailangan niya ng check-up? Pasalamat siya at wala akong pasyente ngayon.


Humarap ako kay River at humalukipkip nang makaalis sina Ryle. Tinaasan niya ako ng kilay.


"Talaga bang masama ang pakiramdam noon? O gawa-gawa mo lang?" Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko na parang hindi siya makapaniwala na nasabi ko 'yon.


"What?" hindi-makapaniwalang tanong niya at tumawa. "You think I just made that? What am I? A fool?"


"Malay ko sa 'yo. Kung totoo 'yon, bakit ka nandito? Kung siya talaga ang may nararamdaman?"


"Wala!" Nagulat ako nang mag-taas siya ng boses. "Wala siyang nararamdamn sa 'yo." Mas nagulat ako sa sinabi niya.


Tangina? Ano raw? Ano ba'ng ibig sabihin nito?


"I'm talking about his health, Mr. Borjador. Health." Mariing sabi ko sa kaniya. Napaawang ang bibig niya at parang natauhan bigla.


"Oh, that..." Tumawa siya at napakamot sa ulo. Napairap naman ako.


Changes of Tomorrow (Serendipity series #1) Where stories live. Discover now