03

506 15 1
                                    

"YIEEEEE! KINIKILIG TALAGA AKO TALLIE!" tumili ako habang ka-video call ang kaibigan ko. Kaagad ko siyang tinawagan pagkapasok ko ng bahay para ikuwento si River at lahat nang nangyari kanina. Mabuti nga at gising pa siya.


["Halata naman girl,"] tumawa siya. ["Patingin nga ako, pogi ba?"] tanong niya.


"OO, GAGO! Super!" tumili ulit ako. Para na akong baliw dito dahil sa sobrang kilig!


Pagkahatid sa akin ni River dito sa bahay, nagpaalam na kami sa isa't isa at nagsabihan ng 'Nice to meet you'. Actually, ako lang ang nagsabi, ang sagot lang niya ay 'ako rin'. Parang hindi nga siya sincere, e, sira ulo.


["Patingin nga."] tumawa siya.


"Wala kaming picture, e!" nanghihinayang na sagot ko.


["Bakit hindi mo i-stalk?"] tanong niya.


"Mamaya na. Matutulog muna ako para mapanaginipan ko siya." Muli akong napangiti dahil sa kilig. Kung posibleng cause of death ang kilig, baka kanina pa ako natuluyan.


Nag-usap pa kami tungkol kay River bago siya magpaalam para matulog. Naligo na muna ako at nagbihis para mawala ang hilo ko. Hindi naman ako nahihilo kanina pero noong humiga ako, roon ko naramdaman.


Pumikit ako pero hindi ako makatulog kasi naaalala ko talaga si River. Napangiti na naman ako at dumilat. Hay, maalala ko pa lang, grabe na 'yung kilig ko.


Napag-isipan kong i-search si River sa Facebook dahil hindi ako makatulog. Kaya lang nakalimutan ko kung ano ang surname niya!


Napagdesisyunan kong pumunta sa friends list ni Leon para i-search ang pangalan ni River. Napangiti ako nang makita nga ang pangalan niya.


River Adriel Borjador


Ang pogi talaga, pangalan pa lang. Parang bagay sa akin 'yung surname niya. 'Zaria Chanel Verzosa-Borjador'.


Bagay nga! Papakasalan ko na ata agad 'to.


Napangiti ako at kinilig na naman nang makita ang profile picture niya. Medium shot lang 'yon, hanggang baywang lang ang kita. Naka-white polo shirt siya at nakangiti ng tipid. Napapikit ako at huminga ng malalim. Tangina, kinikilig talaga ako, gago! Normal pa ba 'tong taong 'to?


Nag-scroll down pa ako para i-stalk siya kaya lang wala ako makita! Nakalagay lang kung kailan siya nag-join sa Facebook. Nakakainis! Naka-private siya!


Pero siyempre, bilang ako 'to, in-add ko siya! Sana nga lang ay i-accept ako.


Sunod ko naman na chineck kung may Instagram ba siya. Sinearch ko lang ang pangalan niya at napangiti nang makita nga.


@riverborjador >

2 - Posts 3248 - Followers 241 - Following

18 | DLSU


Napanganga ako sa rami ng followers niya pero dalawa lang naman ang post niya! Nahiya naman 'yung 621 followers ko. Partida, may 6 posts pa ako, ha!


Hindi naman siya naka-private sa Instagram kaya finollow ko na kaagad siya. Sana lang ay makita niya at i-follow back ako!


Tinignan ko ang dalawa niyang post. 'Yung una, last month pa niya pinost, overlooking view 'yon. Saan kaya 'to? Baka tambay siya rito tapos pupuntahan ko para kapag nagkita kami, kunwari destiny!


'Yung isa naman ay whole body shot niya. Ang gwapo at ang tangkad talaga niya mapa-picture man o sa personal! Naka-La Salle shirt siya tapos jeans. Kitang-kita ko pa 'yung veins niya! Putangina, weakness ko 'yon! Nakangiti siya sa picture pero parang stolen shot lang 'to.


Changes of Tomorrow (Serendipity series #1) Where stories live. Discover now