19

301 12 0
                                    

"Ouch," napadaing ako dahil ang sakit ng binti ko. Hindi ko naman inasahan na mauuwi ulit kami ni River sa diligan, jusko. Matapos niyang umiyak, ayun, ako ang naiyak.


Nagising ako nang wala na si River sa tabi ko. Tanging shirt niya at underwear lang ang suot ko. Sinuot ko na ang shorts ko na nasa lapag at agad naghilamos. Pagkatapos kong mag-ayos, lumabas na ako at nadatnan ko siyang nagluluto. Naka-apron pa siya kaya napangiti ako. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya sa likod.


"Good morning, babe." Sinandal ko ang ulo ko sa likod niya.


"Good morning." Binitawan niya ang hawak niyang tongs at humarap sa akin. Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ang noo ko. "How's sleep?" tanong niya.


"Masarap. Kahit napagod ako kagabi." Ngumiti ako nang mapang-asar. Sumingkit naman ang mata niya at mahinang pinitik ang noo ko.


"Pilya." Ngumiti siya at nagpatuloy na ulit sa pagluluto. Tumabi naman ako sa kaniya at tiningnan ang niluluto niya.


"Naks, sosyal ng omelette mo babe, ah," tumawa ako. "May kamatis pa." Ang bango ng niluluto niya, mukhang masarap.


"Nasanay, e," ngumiti siya. "This is Riley's favorite," napangiti ako sa sinabi niya.


Sa isang taon namin ni River, nalaman ko kung gaano siya ka-family oriented. Kung gaano niya ako kamahal, ganoon niya rin kamahal ang pamilya niya. Araw-araw niyang pinaparamdam sa akin na parte na ako ng pamilya niya at ganoon din ang pinaparamdam sa akin ng pamilya niya.


"The best 'to, babe." Nakangiting sabi ko sa kaniya nang matikman ang luto niya. "Sa susunod, gusto ko putahe na talaga, ah. Specialty mo, gano'n." Sabi ko sabay subo ng isa pa. Parang favorite ko na ang omelette na may kamatis tuloy dahil sa kaniya.


"I don't have a specialty, babe." Tumawa siya. "I don't really know how to cook completely, pili lang."


"Kahit na! Aralin mo for me?" ngumuso ako para magpa-cute. Napangiti naman siya at pinisil ang pisngi ko.


"Fine. Anything for you." He smiled. "Papaturo na lang ako kay Gio." Nanlaki naman ang mata ko.


"Marunong si Gio?!" gulat na tanong ko.


"Hindi lang marunong, babe. Magaling siya magluto." Pagmamalaki niya sa kaibigan.


"Ano bang hindi kaya gawin noon?" nagtatakang tanong ko. Ang dami kasing kayang gawin ni Gio. Sumasayaw siya sabi ni River tapos matalino sa lahat ng bagay, at nagluluto.


"Hindi niya kayang gawin?" tumawa siya. "Kumanta." Nanlaki ang mata ko at natawa.


"Seryoso ba?! Hahaha!" hindi mapigilan ang pagtawa nang malakas.


"Well, he tried to, but it's not really his thing."


"So ikaw lang ang marunong kumanta sa inyo?" tanong ko.


"Archer and Ryle too. Si Callum, pwede na." Sagot niya.


"Ba't hindi ka mag-audition sa the voice, babe?" tumawa ako nang kumunot ang noo niya. "Dali, try mo! Gusto ko maging non-showbiz girlfriend."


"No way, babe." Tumatawa siyang umiling. "Most likely..." Tumingin siya sa taas para mag-isip. "Most likely ang future girlfriend ni Archer ang magiging non-showbiz girlfriend." Nanlaki ang mata ko sabay subo ng pagkain.


"Bakit, mag-aartista ba si Archer?" tanong ko.


"I don't know. But in a few weeks, makikita na natin sa billboard si Archer." Nanlaki ulit ang mata ko.


Changes of Tomorrow (Serendipity series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon