12

336 8 0
                                    

"Hi, babe!" masaya kong sinalubong si River at niyakap siya nang mahigpit. Tumawa siya at niyakap din ako.


"I missed you." Sabi niya at hinalikan ang noo ko.


We've been together for a month already. Grabe, sobrang bilis ng panahon. Parang nagliligawan lang kami dahil wala naman masyadong pinagkaiba. Ganoon pa rin naman kami pero may momol ng nagaganap at mas clingy na ako.


"Ready ka na?" tanong ko sa kaniya. Nginitian niya ako at tumango. Ngumiti ako at sabay kaming pumasok ng bahay.


Ngayon ko pa lang siya ipapakilala ng pormal sa pamilya ko. Kilala naman na nila si River na boyfriend ko. Siyempre, noong una medyo nagulat sila pero tinanggap na lang din nila. Si River ang unang lalaking pinakilala ko as boyfriend ko. Wala namang problema sa kanila basta mag-aaral akong mabuti.


"Pa, Ma, Jairo," tawag ko sa kanilang tatlo. Nasa likod ko lang si River na agad tumungo sa kanila. "Si River, boyfriend ko." Pagpapakilala ko.


Nakita kong napangiti si Jairo at napatitig kay River. Nagulat siguro siya sa itsura ni River. Hindi ko kasi pinapakita ang picture ni River sa kaniya dahil gusto kong ma-surprise siya.


"Good afternoon, po." Magalang na bati ni River sa kanila.


"Good afternoon, maupo ka." Mahinahong sabi ni Mama.


"Oh, gaano na kayo katagal?" malakas na tanong ni Papa. Sinabihan ko na si River noon na maghanda sa boses ni Papa dahil para talaga siyang galit.


"Ah, isang buwan pa lang po." Magalang na sagot ni River. "May dala po pala akong prutas." Inabot ni River ang prutas na dala niya. Sinabihan ko naman siya na hindi na kailangan pero gusto raw niyang magbigay bilang paggalang.


"Nako, salamat!" sigaw ni Papa at tuwang-tuwang tinanggap ang prutas na dala ni River.


"Kumain ka na ba? Maupo ka na muna." Sabi ni Mama kay River. Tumango si River at umupo sa upuan ng dining table namin.


Kumuha ako ng plato at nilapag sa harap niya. Natatawa ako sa kaniya kasi nahihiya siya. Parang gusto niyang magsalita pero hindi niya alam kung anong sasabihin.


Habang naglalagay ako ng kanin sa plato ni River, lumapit sa akin si Jairo at siniko ang tagiliran ko.


"Jackpot ka, ah. Ang gwapo, puta." Natawa ako sa binulong niya.


"Well, ako lang ito." Pagyayabang ko sa kaniya at dumeretso na kay River. Nilagyan ko na rin siya ng ulam bago umupo sa tabi niya. Kumain na rin ako ng tinapay para may kasabay siya at dahil alam kong hiyang-hiya na siya.


"Saan ka nag-aaral River?" tanong ni Papa kay River. Agad namang tumingin sa kaniya si River. Muntik pa siyang maubo dahil kumakain siya nang tanungin siya ni Papa. Ang cute talaga ng bebe ko!


"Sa La Salle po, sir." Pinigilan ko ang matawa.


"Huwag ka na mag-sir! Tito na lang!" Napangiti ako sa sinabi ni Papa.


"Sige po... Tito." Nahihiyang sabi ni River.


Kung anu-ano pa ang tinanong ni Papa sa kaniya tungkol sa mga plano niya sa college at ang trabahong gusto niya. Natuwa naman si Papa dahil maayos ang mga sagot ni River sa kaniya. Maayos naman talaga ang bebe ko 'no! Baka future engineer ko 'yan.


Nakangiti lang ako buong magdamag. Minsan natatawa ako dahil humihirit din si Jairo. Si Mama ang tahimik lang at patawa-tawa lang din.


Tinititigan ko lang silang lahat. Nakakatuwa dahil nakasundo ng pamilya ko si River. Hindi ko mapigilan ang humanga kay River sa effort na ginagawa niya para makuha ang loob ng pamilya ko. Hindi siya pala-salita but he's trying, para sa akin.


Changes of Tomorrow (Serendipity series #1) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang