Seduce 6: Frustrated

286 31 6
                                    

Chapter six: Frustrated

MORE than two weeks na agad ang nakalipas, but still wala paring nangyayari sa pag-eeffort ko na landiin siya. Hindi talaga siya tinatablan ng mga pang-aakit ko kahit na anong gawin ko.

This is really so hard to capture this guy. The folks!

"Prof naman eh, estudyante mo ako so you should teach me to understand the lesson." Lumapit ako ng husto rito, ngunit umusog naman ito. "Bakit ba ayaw mo akong turuan?"

"If you listened to what I taught, edi sana may alam ka sa lesson na itinuro ko—ang kaso puro ko pa-cute!" Masungit na sambit nito tsaka tuluyang tumayo sa kinauupuan nito.

Tumayo ako at sinundan siya para pilitin ito. "Kahit 'yong isang page lang ang ituro mo sa akin para maintindihan ko, hindi ko talaga maintindihan eh."

"Stop it Ms. Caravantes, I know what your intention is. Go away because I am busy here. You really disturbing me!"

"Kainis naman eh!" Pagdadabog ko.

"If you want to understand the lesson, then read it and understand it very well. Hindi naman mahirap ang lesson na 'yon, kahit elementary student ay maintindihan ang lesson kaya huwag mo akong pagdabogan at baka ipatawag kita sa dean."

Tengene! Ang suplado talaga. Wah effect na naman ang plano ko. Hindi na naman umubra sakanya. Sa bawat pang-aakit ko ay ni-minsan hindi ito naging interesado. Masyado naman yata siyang loyal sa misis niya.

"Tsk! Makaalis na nga." Nagdadabog akong lumabas ng laboratory at iniwan siya.

Panalo na naman siya. Napa-walk out na naman niya ako. Sayang talaga ang effort ko.

"Bakit mo ba kasi pinag-aaksayahan ang lalaking hindi nahuhulog sa ganda mo, agatha? You are pretty to chase that man! Marami ang nagkakandarapa sa'yo diba? Bakit hindi nalang sila ang pagaksayahan mo kaysa sa lalaking walang interest sa'yo?" I murmured as I scolding my self.

Nakabusamos ako ng makasalubong ako ni Lia at Val. I rolled my eyes when my big fat bestfriend Valerie Prescott laughing at me, again.

"I know that face marsh!" Napapitik ito sa hangin. "Na-reject ka na naman ni professor, right? Sabi sa'yo, stop na. Sa ibang guy ka nalang. Ayaw niya talagang pumatol sa'yo."

"Mukhang mahirap talagang akitin 'yang si prof kirby. Hindi lang naman kasi si agatha ang nagpapacute at nang-aakit sakanya, kundi marami sila." Lia said. "Marami ang karibal mo, friend."

"I know right, kung hindi sa akin nahuhulog sa iba pa kaya? Eh, mukhang mga paa na penidicure'an lang naman 'yong mga malalanding nagpapacute sakanya." Inis na sabi ko at tuloy-tuloy lang sa paglalakad.

"Mga mukhang paa nga marsh, what if 'yon ang mga type niyang mga babae?"

Nilingon ko si Val. "Maganda 'yong misis niya, for sure magaganda rin ang hanap niya like me." I said as I flip my hair while walking. "Hindi lang talaga siya nahuhulog sa pangaakit ko...maybe because he's loyal to his wife."

"Kung totoo mang may asawa na 'yang si prof, dapat lang na itigil mo na ang paghahabol mo sa kanya agatha. Baka mapasama ka lang kapag nalaman ng wife niya na inaakit mo siya." Lia's commented and I just sighed.

Ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na last na 'yong pang-aakit ko kapag pinagsusupladohan ako nito. Ngunit nakikita ko nalang minsan ang sarili ko na tila may sariling buhay ang katawang lupa ko para lapitan at i-seduce siya.

Parang may sumasanib bigla na mas malandi pa sa akin na kaluluwa para gawin ang mga bagay na 'yon sa kanya.

And to be honest, palagi naman akong may natutunan sa mga itinuturo niya sa amin dahil ang galing nitong magturo sa klase. Naiinspired akong makinig sa mga lesson kapag siya ang nagtuturo, 'yon nga lang hindi talaga maiwasan ng katawan ko na magpacute sa kanya kapag nasa harapan ko na siya. Awtomatikong dumidikit ang katawang lupa ko sa balat niya na tila may magnet itong dala.

CSS2: The Desperate WomanWhere stories live. Discover now