Seduce 24: Game

214 19 5
                                    

Chapter Twenty-Four

FINALLY! Tapos na rin ang final exam and ang first semester na ito. Konteng panahon nalang ang hihintayin ko at makaka-akyat na ako sa stage upang abotin ang aking diploma. And I can't really wait that to happened.

"Hi prof Gina. Good morning." I greeted my professor when I entered the faculty where her office desk was, upang magpasa ng aking portfolio. Last submission na ngayon at buti nalang nakahabol pa ako.

"Good, ang neat ng portfolio mo." Saad nito ng buklatin ang aking portfolio. "Anyway, goodluck sa second semester."

"Yes ma'am, salamat din po." I said.

Paglabas ko sa faculty room, sa field ako nagtungo. Malayo palang ako ay rinig na rinig ko na ang hiyawan ng mga tao do'n. May games sila kristoff ngayon kaya ganoon nalang katindi ang tilian sa field.

May narecieved akong text message galing kay Val, ipinapaalam nito kung saan sila nakapwesto para do'n ko sila puntahan ni Lia. Nilapitan ko kaagad sila at naupo sa tabi ni Val ng makita ko silang nakaupo sa bleachers.

"Kamusta ang game?" Tanong ko kahit ang ingay ng nasa paligid namin.

"Maganda ang laro nila, at ang gagaling nilang lahat. For sure sila ang mananalo sa game na 'to marsh." Tugon ni Val na tila nagi-enjoy sa pinapanood na baseball game.

Hindi ako mahilig manood ng baseball game, or kahit na anumang sports. Gusto ko lang suportahan si Kristoff at ang team nito para manalo sa kanilang game kahit late na akong dumating. Close na rin naman kami kahit na papaano kaya papanoorin ko ang game nila, dahil na rin sa request nito.

Nakita ko sa screen ng baseball scoreboard na malaki ang agwat ng score nila sa kalaban, tiyak na sila na nga ang mananalo.

Samo't sari ang naririnig kong papuri tungkol sa team nila kristoff habang nanonood. They Idolized them, hindi lang dahil sa magagaling ang mga itong player kundi dahil sa katikasan ng mga ito. Karamihan kasi sa teammates ni Kristoff ay may mga itsura kaya ganoon nalang kabaliw at ka-supportive ang mga babae sa team nila.

Mas lalong lumakas ang hiyawan ng pumwesto na si Stephen sa pitcher mound para mag-pitch. Ilang sandali lang ay ibinato na nito ang bola, ngunit sablay ang batter kaya hindi nito natamaan.

"Ang ganda talaga ng pitcher form ni Stephen."

"Ang galing niyang pitcher!"

Ilan lang yan sa komentong narinig ko. Muli nitong ibinato at 'di ito ulit natamaan ng kalaban kaya na-strike muli ito. Maayos namang nasalo ulit 'yon ng catcher na si Dwight gamit ang suot nitong mitt sa pangalawang pagkakataon.

"Isa din 'tong si Dwight, ang galing-galing niya as catcher."

Sa pangatlong pag-pitch ay hindi muli ito natamaan ng kalaban. At dahil sa tatlong strike na 'yon ng batter, na-out na ito.

Matapos ang ilang minuto, ang team na nila ang magba-bat sa sunod na inning. Magaganda ang bawat pag-bat ng kanilang kateam, lahat sila magagaling. Muling lumakas ang hiyawan ng si Kristoff na ang batter, pumorma na ito. Senyales na handa na itong pumalo ng bola. Nang ibato na ng pitcher ang hawak nitong bola ay walang anu-anong hinataw naman kaagad niya ito ng malakas gamit ang hawak nitong bat.

"HOMERUN!!"

At dahil sa deklarang 'yon, naghiyawan na ang mga tao sa tuwa dahil sa tingin ko ay sila na ang naging panalo sa game na ito, mula sa guest na galing pa sa ibang university na kanilang katunggali.

"Grabee! Kayang-kaya talagang makontrol ni kristoff ang bat. Ang swabe ng mga pag-bat niya sa bola."

CSS2: The Desperate WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon