Seduce 17: Viron

268 27 5
                                    

Chapter Seventeen:

"Saan mo pa ba gustong pumunta?" Nginitian ko ito ng malapad ng tumingin ito sa akin.

"Wala na, gusto ko ng umuwi."

Dumikit ako rito at isinukbit ang aking braso sa matigas na braso nito. Ang sarap mananching sa matchong katawan nito. The folks!

"Ang daya mo naman, hindi pa nga tayo nagtatagal rito gusto mo na agad umuwi?"

"Ano pa bang gagawin natin dito? Nabili ko na rin naman ang kailangan ko dito." May pagtataray na tugon nito. "Tsaka pwede ba, huwag ka masyadong dumikit? Nakakahiya sa mga tao."

"Ano bang nakakahiya dito? Eh, boyfriend naman kita. Ito ang unang date natin tapos magrereklamo ka diyan."

"Anong date? Ikaw lang naman 'tong nagpumilit na sumama sa akin dito. Libro ang ipinunta ko rito at hindi ang pakikipagdate sa'yo."

"Date na rin naman 'to 'no." I said.

Nandito kami ngayon sa mall dahil may binili siyang libro. Medyo natagalan nga siya sa pagpili dahil wala 'yong libro na gusto niyang bilhin...gusto ko ng i-consider na 'date' ito, sapagkat ito ang unang beses naming lumabas na magkasama.

"Uuwi na tayo..." He announced.

Huminto ako upang pigilan ito. "Sandali nga muna, baka naman pwedeng kumain na muna tayo bago umuwi? Alam mo na, medyo gutom na ako." Saad ko tsaka tumingin sa aking suot na wristwatch. "Mag-aala sais na rin, dito na tayo magdinner."

Napakamot ito at mabigat na humugot ng hangin. "Fine..."

I smiled. "Saan mo ba gustong kumain?"

"Kahit saan." Tila nababagot na sagot nito.

"Ako na nga lang ang pipili kung saan tayo pwedeng kumain." Saad ko at hinila ito. "Do'n tayo sa food hall."

"Teka, ayoko do'n." Reklamo nito.

Tumigil ako at hinarap ito. "Akala ko ba kahit saan?"

"Ano bang maayos na makakain natin do'n? I thought we eat for dinner—not for snacks..."

"Okay naman ang mga pagkain do'n, mabubusog ka din naman do'n kasi madaming choices...may sushi nori, seoul good, koomi, juice co—"

"Ayoko do'n, sa iba nalang." Putol nito.

Ang arte naman ng baklang 'to!

"Eh, saan mo ba gusto?" I asked.

Hindi kaagad ito nakasagot at tila nagiisip. "Sa manam nalang tayo..."

Tumaas ang kilay ko. "Saan naman 'yon? Hindi ko alam 'yan. Kainan din ba 'yan?"

"Manam comfort filipino, is a filipino restaurant. Mas prefer ko na kumain do'n kaysa sa food hall." Paliwanag nito.

"Osha, sige na. Do'n nalang tayo kung do'n ang gusto mo." I said.

Bahagya ako nitong inirapan bago nagsimulang maglakad. Sumunod naman agad ako sakanya.

Ako na naman ang nag-wagi, makakasama ko pa siya ng mas matagal pa dito sa mall. Kanina ayaw niya akong isama, but in the end isinama niya rin naman ako. Alam kasi niyang kukulitin ko siya ng kukulitin kaya pumayag na lamang itong isama ako sa pupuntahan niya...which is dito nga sa mall upang bumili ng libro.

Ito ang unang pagkakataon na lumabas kami na magkasama na dalawa, kaya gusto ko talaga itong sulitin sa ngayon. Gusto ko pa nga siyang ayain na manood ng sine, ang gaganda pa naman ng mga ipapalabas na pilekula sa mga sinehan ngayon...kaso parang medyo alanganin na ang oras. May pasok pa ako bukas sa school.

CSS2: The Desperate WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon