Seduce 13: Disappointed

276 20 10
                                    

Chapter Thirteen: Disappointed

HINDI pa rin mawala-wala sa isip ko 'yong mga sinabi nito sa akin, 'yong pag-amin nito na homosexual siya...maging 'yong halikan nila ay tila nakatatak na sa utak ko. 'Yong labi niya na minsan ko ng natikman, ay mas gustong labi din ng isang lalaki ang gusto na humalik do'n.

Nakaka-shock man ay wala akong magagawa, kun'di ang tanggapin na lamang na lalaki din ang type niya at hindi ang mga tulad kong babae ang magugustohan niya.

Kaya naman pala tila dering-deri siya sa akin kapag nagpapa-cute ako sakanya, at iwas na iwas naman sa akin kapag lumalapit ako kasi bakla ang loko. Ngayon ko lang din na-realized ang mga 'yon...kaya naman pala hindi man lang siya nahuhulog sa ganda ko kasi lalaki din ang bet niya. Oh, F*ck that bet!

At dahil sa mga nalaman ko tungkol sa kanya ay hindi ako nakatulog kaagad kagabe, kaya heto ako ngayon at late na sa klase sapagkat tinanghali na ako ng gising.

Haybuhay!

Malapit na ako sa aking silid, kung saan ako papasok sa aking major subject ngayon ng matigil ako sa paglalakad. Rinig na rinig ng aking dalawang tenga ang virile voice nito, habang nagtuturo ito sa klase. Nakalimutan ko na monday ngayon at siya nga pala ang professor namin this day.

Hindi ko alam kung tutuloy ba ako, I felt really disappointed until now. Well, kahapon ko lang nalaman ang tungkol sa kanya kaya naman hindi madaling maka-move on 'bout sa natuklasan ko.

Huminga muna ako ng malalim bago humakbang palapit sa pinto ng silid. Nandito na rin naman ako kaya tutuloy nalang ako. Nahinto ito sa pagtuturo at napatingin sa akin.

"Morning prof..." I greeted as I enter inside classroom.

Muli nitong ipinapatuloy ang pagtuturo sa klase ng maka-upo na ako sa aking desk. Inilabas ko ang aking dalang libro at binuklat 'yon tsaka nangalumbaba.

"May sakit ka ba?" Bulong ni Lia.

Tumingin ako rito. "Huh?"

Sumulyap muna ito kay prof bago bumulong muli. "Ang sabi ko kung may sakit ka ba kako. Ang tamlay mo kasi ngayon. First time mo ding ma-late sa klase niya." Tukoy nito kay prof kirby.

Hindi kaagad ako naka-tugon...ngunit napansin ko na medyo namumugto ang kanyang mga mata ng titigan ko siya, halatang iniyakan niya ng sobra ang ex-boyfriend niyang macho-dancer. Gusto ko nga sanang sabihin na 'sis, pareho tayong broken-hearted ngayon' ngunit 'di ko naman mai-voice-out.

"Hindi kasi ako nakapag-breakfast, nagugutom ako." I reasoned.

Hindi talaga ako nag-almusal ngayon, pero hindi totoong nagugutom ako.

Tumango-tango na lamang ito at muling nakinig sa itinuturo ni prof kirby. Habang nagtuturo ito ay hindi pa rin ako makapaniwala na...isa itong gay, honestly malayong-malayo ang bawat galaw niya para mapagkamalhan itong bakla.

'Yong tindig at porma pa lang niya ay napaka-manly na. Idagdag pa ang katikasan nito kaya walang mag-iisip na bakla ito. Animo'y straight guy talaga ito kung titignan, ngunit siya na mismo ang nagsabi na homo siya, plus nasaksihan ko pa na may kahalikan siya kaya naniniwala ako na gay nga siya. Kung straight guy siya ay hinding-hindi siya makikipaghalikan sa kapwa niya lalaki...pwera na lang kung gipit na gipit siya at kailangan niyang mamakla? Ay, ewan!

Napapansin ko na hindi ito makatingin sa akin ng deretso, hindi tulad noon na kapag nakatitig ako sakanya ay tila ang sama nitong makatingin, pero ngayon ay parang iwas na iwas ito na magtama ang aming mga mata sa isa't isa...siguro ay nahihiya dahil alam ko na pagkatao niya. Or maybe he repented that he admitted that he was an homosexual? Ngunit wala na siyang magagawa pa sapagkat alam ko na ang totoo.

CSS2: The Desperate WomanKde žijí příběhy. Začni objevovat