Seduce 28: Affection

778 28 47
                                    

Chapter Twenty-Eight

SUMAPIT ang hapon hanggang sa dumilim na ang langit ay panay ang iwas ko kay prof. Napapansin ko na kung saan kami nandoon rin siya kaya naiilang na ako sa kanya, sa bawat presensya niya. Hindi ko masabi kung sinusundan niya ba kami o nagkataon lang na nakikita ko siya sa paligid kung saan kami naroroon.

Tapos na kaming maghapunan na tatlo kaya naglakad-lakad muna kami. We also plan to go night swimming later so we are still wearing bikinis with cover-up.

Hinahanap ng katawan ko ang lukewarm water kaya inaya ko na silang pumunta sa hot spring pool upang sulitin ang bawat oras na nandito kami sa resort.

Habang nagkakatuwaan sa tubig, naalala ko na naka-charge 'yong phone ko sa cabin nang iwan ko ito kaninang hapon dahil empty battery na ito. Nagpaalam ako sa dalawa para i-unplug ang phone na chinarge ko sa cabin at baka mag-cause pa iyon ng sunog kung hindi ko ito tatanggalin mula sa saksakan.

Full charge na ang aking phone nang i-unplug ko ito. Nakita ko na may ilang messages na nag-pop up ng buksan ko ito. All the messages I received were from prof. Nagtataka ko itong binuksan at binasa ang ilang mensahe na pinadala nito. Karamihan sa nabasa ko ay 'sorry' lang ang nakalagay, 'yong iba naman ay 'let us talk'. Hindi ko na tinangka pang basahin ang iba at isinilid na 'yon sa aking bag. Sapagkat lumukob sa puso ko ang kirot, kasabay no'n ang hindi maitago na saya na nararamdaman ng puso ko. Kahit nasaktan na nito ang damdamin ko, naroon pa rin ang pagkagusto ko sa kanya, ang pagmamahal na hindi ko mabura-bura.

Lumabas ako ng cabin upang bumalik sa hot spring pool. Nahinto ako nang maalala ko na sa part na ito ang cabin ni prof. Hindi ko na lang pinansin 'yon at ipinagpatuloy na lang ang paglalakad, nang biglang may humawak sa aking braso na halos ikatalon ko na sa gulat.

"Bakit ba?!" Singhal ko kay prof dahil sa ginawa nito.

"Sumama ka sa akin."

"Ayoko."

Nagmatigas ako at sinubukang bawiin ang aking braso mula sa pagkakahawak nito ngunit hindi niya ako hinayaang makawala sa kamay nito.

"Ayaw mo?" He asked.

"Oo Ayoko!" Giit ko. "Paksyeetka!." Mura ko ng buhatin ako nito. Nagpupumiglas ako ngunit masyado siyang malakas para makipagtagisan sa kanya.

"Please lang, huwag kang malikot." Saad niya at dinala ako nito sa loob ng isang cabin atsaka ibinaba.

"Bakit mo ba ako dinala rito?!"

"Please calm down, okay?" He said.

"Paano ako kakalma? Eh, bigla-bigla ka na lang sumulpot tapos sapilitan mo pa akong binuhat para dalhin dito sa loob ng cabin." I said as I look around.

"Kanina pa kita gustong makausap."

"Usap ulit?" I said. "Kagabi nagusap na tayo, di'ba? Ang kaso nga lang, sinabi mo kanina na lasing ka kagabi at wala kang matandaan—"

"I lied, okay? I lied to you that I was drunk. And everything I told you last night was true."

"N-nagsinungaling ka?" Hindi makapaniwalang usal ko.

He just nodded.

"Malakas lang ang loob ko dahil nakainom ako, so I told you all of that without hesitation last night. Hindi ko alam kung paano ka haharapin kanina that is why I lied." Paliwanag nito na ikinatahimik ko.

"I'm not sure if I'll ever believe you...."

Lumapit ito sa akin upang abutin ang aking kamay, parang may elekrisidad ang dumaloy bigla mula sa kamay nito patungo sa aking braso na tumagos sa aking puso. At mariing tumitig sa mga mata ko. Ayon na naman ang mga titig nito na tila nangungusap.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 24, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CSS2: The Desperate WomanWhere stories live. Discover now