Chapter 25

11.1K 275 16
                                    

"I don't want, Mommy." Ngumuso siyang umiling na parang maiiyak na. Nanunubig na rin ang gilid ng mga mata niya at pumupula na rin ilong niya.

Ang hirap niya talagang pakainin pag gulay. Mas lalo pag may sakit siya. Kumakain naman siya ng gulay, pag may sakit lang talaga siya ayaw niyang kumain.

"Anak, hindi ka gagaling pag hindi ka kumain."

"I'm busog." 

"Kunti lang kinain mo." 

"No gulay, Mommy."

"Hindi pwede, hindi ka gagaling niyan."

"I don't want!" Umiiyak siyang bumaba sa kinauupuan niya at tumatakbo papasok sa kwarto na akala mo nakakita ng multo.

"Chloe!" 

Nagbuntonghininga ako nang isara niya ang pinto. Nag day off ako ilang araw dahil nagkasakit si Chloe. Nilalagnat daw ito dahil naulanan. Hindi raw alam ni Jhon na naliligo na pala sa ulan ang anak ko. Hindi siya nababantayan ni Jhon dahil may lakad daw siya at baka matagalan. May pasok din si Tita Roxan kaya nag day off na lang ako para alagaan siya.

Ang hirap pa naman alagaan ni Chloe pag may sakit, mas lalong kumukulit. Naiiling na lang akong kinain ang sobra niya at saka nagligpit na at hinugasan ang pinagkainan. Dala-dala ko ang gamot niyang nag tungo sa kwarto namin. Pinihit ko muna ang doorknob pero naka lock 'yon. Napabutonghininga naman ako. Kumatok ako para buksan niya.

"Chloe, open this door," marin kung sabi.

"I don't want the gulay, Mommy." Alam kung nakatalukbog siya ngayon dahil mahina ang boses niya na kahit sumisigaw na siya. Tignan mo ‘tong batang ‘to parang walang sakit.

"Anak, buksan mo na ‘to "

"If you have dalang gulay, I don't want bukas ng door." Gusto kung matawa dahil sa kakunyohan niya. 

"Wala akong dalang gulay kaya buksan mo na ‘to.” Umiling ako. Parang sumusuko na sa kakulitan niya. Manang-mana talaga sa ama! Ang kukulit at ang pasaway!

Naramdaman ko ang yapak niyang maliliit na papalapit sa pinto at dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at nakangusong tinignan ang dala kung gamot. Akala niya ata gulay.

Humahagos siyang bumalik sa pagkaka-talukbong. Habang lumalaki siya pakulit nang pakulit at umiiba ang ugali. Parang gusto ko tuloy na huwag na siyang lumaki. At bumalik na lang sa pagka baby. 

"Uminom ka muna ng gamot."

"Bad taste, Mommy."

"Gamot ito para gumaling ka."

"Bad taste!" sigaw niya at hinigpitan ang pagkakahawak niya ng kumot na akala mo ay tatanggalin ko. 

Napapikit na lang ako ng mariin. Ang kulit! Binaba ko muna sa side table ang gamot niya saka pinipilit tangalin ang kumot.

"Isa, Chloe. Ha!" pagbabanta ko. Natigilan naman siya at umiiyak na parang kinastigo.

"Mommy, can't breathe." Sali-dali ko naman tinanggal ang kumot sa kanya. Nang matanggal 'yon ngumanganga siyang humihinga na nakahawak pa sa dibdib niya. Matatawa sana ako dahil sa pinagagawa niya kaso nakita ko ang masamang tingin niya sa akin.

DMS #1: True Love Mistake (COMPLETED)Where stories live. Discover now