Chapter 22

10.4K 275 18
                                    



GUSTO kung tumangi kay Doc. Ramirez! Ayoko siyang makasama, kaya nga lumalayo ako mas lalo na pag nasa malapit siya dahil ayokong makita siya at hindi kiri ng dibdib ko pag nandyan siya, tapos ito pa ang mangyayari?! Hindi ako makatanggi dahil mas lamang siya sa akin. Ayoko naman na maging bastos sa kanya. Isa siyang sikat at matalinong Doctor. Ang dami ring humahanga sa kaya.

Pagsabi niya nun, hindi ko alam or namalikmata lang ako. Dahil sa gilid ng mata ko, kita kung nakangisi si Clement. Hindi ko na lang 'yon pinansin. Baka namalikmata lang talaga ako. 

Wala akong magawa kundi mag-stay sa kwarto ni Kyla kasama si Clement. Tutal siya lang naman ang naka schedule sa akin ngayon. Hindi ko alam kung sinasad'ya ba ni Doc. Ramirez na last schedule ko ay si Kyla kahit alam ko naman na marami pang pasyenteng nangangailangan sa akin. 

Kahit nakakailang, inayos ko na lang ang mga nagkalat na gamit sa lamesa ni Kyla. Hindi ko matama ang pag-aayos ko ng mga kalat dahil sa nanginginig ang kamay ko, mas lalo na ang mga titig niya na parang natutunaw ako at hindi ko na kiri. 

"Ehem. Wala ho ba kayong schedule ngayon, Doc?" Tumayo ako ng tuwid at tinitigan siyang nakasandal sa pintuan at naka cross arms ang mga braso. Napaigtad pa ako dahil na sa akin talaga ang mga titig niya. Bagay na bagay talaga sa kanya ang damit na suot niya ngayon. Pangarap niya ‘yan noon at ngayon na suot na niya. 

Tumaas ang isang kilay niya at naglakad papalapit sa akin. Nagulat naman ako kaya napaatras ako. Sobrang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko. Napalunok na lang ako ng makalapit na siya sa akin. 

"A-anong ginagawa mo." Naitikom ko ang bibig ko dahil sa sobrang lapit na niya. Napahawak ako sa kinasasandalan ko nang magdikit na ang mga katawan namin. Walang emosyon ang mga mata niyang nakatingin sa akin nang mag angat ako ng tingin sa kanya. Para akong napapaso sa mga titig niya. Napapikit ako ng mas nilapit niya pa ang mukha niya sa akin. Ilang segundo pa akong naghintay na dumapo ang labi niya pero bigla akong napamulat ng lumampas ang katawan niya sa likod para kumuha ng water bottle! 

Hindi ko alam pero parang nanghihinayang ako sa ginawa niya. Pinaglalaruan niya ba ako?! Ngumuso akong tinuloy ang paglilinis sa lamesa ni Kyla. Nagdadabog pa ako upang magising si Kyla 

"Sorry, Kyla. Nagising ba kita?" 

"I'm okay. Nandito na ba si Doc. Dela Madre?" Kumikinang ang mga mata niya upang mapa iling ako. 

"Yes, kaya kumain ka na." Pinaghain ko siya ng makakakain niya na kinain naman niya rin. 

Mayamaya ay bumukas ang pinto ng CR. na hindi ko alam na pumasok pala roon si Clement. 

"Doc!" Nang makita siya ni Kyla ay parang nagliwanag ang mukha ni Clement, 'yong walang emosyong mukha kanina ni Clement ay na palitan ng kaligayahan. Si Kyla naman ay parang siya na ang pinakamasayang tao sa mundo. Maayos na rin 'yon at least hindi na siya palaging nalulungkot.

"Kyla, ubusin mo muna ang pagkain mo,"  

"Okay po." Pumunta si Clement sa kanya para tignan ang kalagayan niya.

Ang sabi rin ni Doc. Ramirez, kami na raw ang personal na Doctor at Nurse ni Kyla na ikainis ko pa lalo. Sinasadya talaga niya! 

Nang matapos kumain ay niligpit ko na 'yon. Lumabas muna ako para ibalik ang pinagkainan ni Kyla.

Nang makabalik ako, nadatnan ko silang naglalaro nang kung ano sa ipod ni Kyla. Hinayaan ko na lang sila. Nilagay ko muna sa ref. ang binili kung meryendahan namin mamaya. Pagkatapos nun, umupo ako sa sofa para umidlip muna. Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa kakaisip ko kay Clement! 

DMS #1: True Love Mistake (COMPLETED)Where stories live. Discover now